You are on page 1of 4

Paaralan BAGONG SILANG Checked Signature /

Grade Level FIVE


(School) ELEM.SCHOOL 4TH AVE. By: Date

DR. GIRLIE B.
DAILY Guro SHEILA ELLAINE T. VILLARBA
Learning Area ESP
LESSON (Teacher) PAGLICAWAN
PLAN Master Teacher
S.Y. 2022-
1 DR.
2023 Quarter
Petsa/Oras ARCADIA
G.
(Teaching October 4, 2023
PEDREGOS
Date & V- HUMILITY A
Week 4
Time) 12:00-12:30
Principal

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip sa pagpapahayag at pagganap
Pangnilalaman ng anumang gawain na may kinalaman sa sarili at sa pamilyang kinabibilangan.

B. Pamantayan sa Nakagagawa ng tamang pasya ayon sa dikta ng isip at loobin sa kung ano ang dapat at di-dapat.
Pagaganap

C. Mga Kasanayan sa Nakapagpapakita ng matapat na paggawa sa mga proyektong pampaaralan


Pagkatuto (Isulat ang
code ng bawat (EsP5PKP – Ie – 30)
kasanayan)

D. LAYUNIN  Naipapakita ang paggawa ng mga proyektong pampaaralan na may katapatan.


 Naipapahayag ang katotohanan sa lahat ng pagkakataon.
 Napapahalagahan ang katapatan sa pagggawa ng gawaing pampaaralan.

II. NILALAMAN Matapat na Paggawa sa mga Proyektong Pampaaralan

KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon


MISOSA Baitang 5,

B. Mga pahina sa Gabay Most Essential Learning Competency(MELC)


ng Guro
SLM

C. Mga pahina sa kwaderno at aklat


Kagamitang Pang-
Mag-aaral

D. Mga pahina sa
Teksbuk

E. Karagdagang SLM
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resource

F. Iba pang Kagamitang Powerpoint presentation, aklat


Panturo

III. PAMAMARAAN

Panimulang 1. Panalangin
Gawain 2. Pagtala ng mga liban
3. Pagkanta
4. Pagbabaybay
5. Math (Show-Me-Board)

A. Balik-aral sa nakaraang Isulat ang Tama o Mali sa patlang bago ang bilang ayon sa pahayag na isinasaad sa pangungusap.
aralin at/o pagsisimula
ng bagong aralin ________ 1. Inuuna ni Razlie ang paglalaro ng basketbol kaysa sa paggawa ng
(Integration of SEL) kanyang takdang-aralin.
________ 2. Napansin ni Kendra na hirap ang kanyang kaklase sa pagbasa kaya
tinuturuan niya ito sa oras ng recess.
________ 3. Pag-uwi ni Andria mula sa paaralan ay agad siyang nagpalit ng damit
pambahay at nanood ng telebisyon gayong alam niyang marami siyang takdang aralin.
________ 4. Unti-unting ginawa ni Maryrose ang kanyang proyekto sa Filipino kaya niya ito bago ang araw at oras ng
pasahan.
________ 5. Iniiwasan ni Filma ang kanyang kaklase na nagpapaturo ng aralin sa
Matematika sapagkat nangangamba siyang mataasan siya nito sa mga pagsusulit.
B. Paghahabi sa layunin Talahulugan
ng aralin
(Integrate ang aralin sa atas - mando, batas, utos, pagawa, orden
AP) buntunghininga - paghinga ng malalim hanggang naghihimutok, naghihinagpis, may dinaramdam
gampanan - magsagawa, isakatuparan
kakayahan - mga bagay na kaya mong gawin o mga bagay kung saan ka magaling
kawilihan - interes, pakiramdam o katayuan ng pagkawili
lumahok - sumali o nakikiisa
mahinahon - kalmado o malumanay
matapat - mapagtotoo sa gawa at salita
namimintas - naninirang puri
pagninilay - pag-iisip ng malalim, pagtutuon ng pansin, pag-iisip ng mabuti, pagmumunimuni
pasimuno - lider, pangunguna, may kagagawan, puno ng kaguluhan
paumanhin - paubaya, paraya, dispensa, palampas, huwag pansinin ang kamalian
prinsipal - punong- guro
saliksik - paghahalungkat o paghahanap na mabusisi, siyasat, siyasig
saloobin - tumutukoy sa damdamin o disposisyon ng isang tao tungkol sa
isang pinag-uusapang paksa.
taglay - akibat, angkin, dala
tungkulin - bagay na inaasahang magagawa o maisakatuparan ng isang tao
C. Pag-uugnay ng mga Basahing mabuti ang maikling kuwento. Tuklasin kung paano ipinakita ng
halimbawa sa bagong isang bata ang pagiging matapat sa pagtupad ng tungkuling ipinagawa sa kanya ng
aralin paaralan.
May isang bata na nag-aaral sa Mababang Paaralan ng San Felipe na
kinagigiliwan ng lahat. Ito ay dahil sa kanyang angking talino, pagiging mabait,
mabuting anak at estudyante at lalo na sa pagiging matapat nito. Kaya, mahal na
mahal siya ng mga taong nakapaligid sa kanya. Siya ay si Jim Chavez, nasa
ikalimang baitang. Isa rin siyang lider ng Supreme Pupil Government o SPG sa
kanilang paaralan.
Isang araw, inatasan siya at ang mga opisyal ng SPG na magkaroon ng
proyekto para makatulong sa paaralan. Sa kanilang pagpupulong, napa-isip ang

pangkat na kanilang iikutin ang mga internet café malapit sa paaralan. Napag-
alaman kasi nila na maraming mag-aaral ang pumupunta dito panahon ng reses.

Pero hindi na bumabalik sa klase pagkatapos ng reses. Dahil dito, napagdesisyunan


nila na isumbong sa guro at prinsipal ang mga batang naglalaro sa internet café sa
oras ng klase.
Habang papunta na sila sa internet café ay nakasalubong nila ang isang
mag-aaral at sinabing nandoon sa loob ang kanyang matalik na kaibigan na si
Aaron. Nakita nila sa loob si Aaron at ang ibang mag-aaral na naglalaro ng
computer games. Pinagsabihan nila ang mga ito na pumasok na sa paaralan at
huwag ng bumalik dito oras ng klase. Nagmamakaawa ang mga mag-aaral na
huwag isumbong sa kanilang guro at prinsipal dahil alam nila na ipapatawag ang
kanilang mga magulang kinabukasan.
Noong una ay nalito si Jim kung isusumbong ba niya si Aaron dahil matalik
niya itong kaibigan. Ayaw niya na magalit ito sa kanya at masira ang kanilang
pagkakaibigan. Pero naiisip rin ni Jim na hindi patas para sa ibang mga bata kung
hindi niya isusumbong si Aaron. Kaya, masakit man sa kanyang kalooban ay kasali
si Aaron sa mga isinusumbong.
Noong una ay nagalit si Aaron kay Jim dahil napagalitan siya ng kanyang
nanay. Hindi niya pinansin si Jim sa loob ng isang linggo. Nalungkot si Jim sa
nangyari. Dahil dito, kinausap ni Jim ang kaibigan at humingi ng paumanhin sa
nagawa. Sinabi niyang ginawa lamang niya ang kanyang tungkulin sa paaralan at
bilang isang mabuting kaibigan. Pinayuhan din niya si Aaron na huwag ng maglaro
ng computer games sa oras ng klase dahil ito ay makakasira sa kanyang pag-aaral.
Napabuntunghininga si Aaron at napaisip. Humingi siya ng tawad kay Jim dahil sa
hindi nito pagpansin. Nagpasalamat din siya dahil isang mabuti at matapat na
kaibigan si Jim.
D. Pagtatalakay ng Sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
bagong konsepto at 1. Ano ang ginawa ni Jim at nagalit sa kanya ang kaibigan?
paglalahad ng bagong 2. Ano ang katangian mayroon si Jim?
kasanayan #1 3. Sa iyong palagay, Mabuti ba o hindi ang ginawa niyang pagsumbong sa kaibigan?Ipaliwanag.
4. Kung ikaw si Jim, ano ang gagawin mo? Bakit?
E. .Pagtatalakay ng Sabihin kung ang pahayag sa ibaba ay nagpapakita ng pagiging matapat sa paggawa ng mga proyektong pampaaralan.
bagong konsepto at Isulat ang Oo o Hindi sa patlang.
paglalahad ng bagong ____________ 1. Pagsunod sa utos ng pinuno ng pangkat.
kasanayan #2 ____________ 2. Pakikilahok sa palitan ng opinyon kung paano gagawin ang proyekto.
____________ 3. Pamimintas sa ideya ng kasama.
____________ 4. Patuloy sa paglalaro samantalang gumagawa ng proyekto ang mga kasamahan.
____________ 5. Pagsasaliksik sa silid-aklatan kung paano higit na mapabuti ang paggawa.
F. Paglinang sa Ang pagsasabi ng totoo minsan ay mahirap gawin kapag alam mo na may
Kabihasan masasaktan, lalo na kung ito ay matalik mong kaibigan. Sa pagtupad ng tungkulin,
(Tungo sa Formative kaakibat nito ang pagiging makatwiran at matuwid ang asal, kilos at pananalita.
Assessment) Pagsasabi ito ng totoo at pagsunod sa tama. Kapag ang isang bata ay may ganitong katangian, tiyak na siya ay may
maraming kaibigan at marami ang magmamahal sa kanya dahil siya ay
mapagkakatiwalaan. Kapag matapat ang isang bata, maraming pagkakataon ang
magbubukas sa kanya dahil alam ng mga tao na hindi niya sasayangin ang pagkakataong ibinibigay sa kanya.May mga
pagkakataon na ang isang bata ay nakagawa ng hindi tama. Isa sa paraan para maituwid ang mali, ay ang pag-amin sa
katotohanan. Kahit masakit sa
kalooban ang pag-amin, ngunit sa paraang ito lamang maging malaya ang isang tao.
Ang pagsasabi ng tototo at pagsunod sa tama ay nagpapakita ng pagiging matapat.
Ang katapatan ay isang katangian na dapat taglayin ng bawat isa upang matamo
ang katahimikan at katiwasayan sa buhay.
G. Paglalapat ng aralin sa Sumulat ng isang talata na nagpapahayag ng pagiging matapat sa paggawa ng proyektong pampaaralan.
pang-araw-araw na Rubriks: 3 2 1
buhay 1. Naipakita nang maayos ang konsepto na ibinigay sa pagsulat ng talata.
(Integration of SEL) 2. Orihinal ang ideya sa paggawa ng talata.
3. Malinis at malikhain ang paggawa ng talata
4. Maliwanag at angkop ang mensahe sa paglalarawan ng konsepto.
Kabuuang Iskor: ____________
H. Paglalahat ng Arallin Natutunan ko ang __________________________________________
Naisip ko na_______________________________________________
_________________________________________________________
Mula ngayon gagawin ko na ang_______________________________
I. Pagtataya ng Aralin Tukuyin kung ang pahayag ay nagpapakita ng matapat na paggawa sa proyektong pampaaralan. Isulat sa patlang ang
Matapat o Di-Matapat.
___________1. Dumadalo sa pagpupulong ng pangkat sa tamang oras.
___________2. Sumasali sa pagbuo ng plano kung paano gagawin ang proyekto.
___________3. Paglalaan ng libreng panahon sa proyekto kapag walang gaanong pinagkaka-abalahan.
___________4. Inuutusan ang ibang miyembro na tulungan ka sa bahagi mo sa proyekto.
___________5. Inaalam ang bawat detalye ng gagawing proyekto.
J. Karagdagang gawain Ano ang dapat mong gawin sa bawat sitwasyon kung ikaw ang tauhan dito? Ibigay din ang dahilan kung bakit mo ito
para sa takdang-aralin dapat gawin.
at remediation Malapit na ang huling pagpapasa ng proyekto sa Science ngunit hindi pa natapos
ng iyong kaibigan ang kanyang proyekto. Nakiusap siya na ikaw na ang tumapos
nito upang makahabol sa huling araw.

Gagawin:______________________________
Dahilan: _______________________________

IV. Mga Tala Re Re-teach Transfer of lesson to the following day

Lack of Time No class Achieved/Proceed


V. Pagninilay

A.Bilang ng mag-aaral na V-HUMILITY


nakakuha ng 80% sa pagtataya
5 4 3 2 1

B.Alin sa mga istratehiyang Strategies used that work well:


pagtuturo nakatulong ng lubos? ____Group collaboration
Paano ito nakatulong? ____Games
____Solving Puzzles/Jigsaw
____Answering preliminary activities/exercises
____Carousel
____Dlads
____Think-Pair-Share(TPS)
____Re-reading of Paragraphs/poem/stories
____Differentiated instruction
____Role Playing/Drama
____Discovery Method
____Lecture Method
Why?
____Complete IMs
____Availability of Materials
____Pupils’ eagerness to learn.
____Group Cooperation in doing their tasks
Prepared by: Checked by: Noted:

SHEILA ELLAINE T. PAGLICAWAN GIRLIE B. VILLARBA Ed.D ARCADIA G. PEDREGOSA Ed.D


Teacher I Master Teacher I Principal

You might also like