You are on page 1of 8

Paaralan: Tomas Earnshaw E.S.

Baitang: VI

DAILY Guro: Grace A. Macaraeg Asignatura: Filipino


Marso 11, 2024 (Lunes)
LESSON PLAN Araw at oras VI-Patience 11:20 – 12:10pm Ikatlong
ng pagtuturo: Markahan: Markahan
I. LAYUNIN
 Natutukoy ang mga uri ng pangungusap
 Nagagamit sa iba’t-ibang sitwasyon ang mga uri ng pangungusap

II. PAKSA: Paggamit sa Usapan at iba’t ibang Sitwasyon ang mga Uri ng Pangungusap (F6WG-IVa-j-13)
Kagamitan: libro, laptop, projector
Sangunian: MELC Budget of Work in Filipino 6, Manila Learning Module Q3 – Modyul 6
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Paunang Pagtataya
Tukuyin kung anong uri ng pangungusap.
1) Bakit hindi ka pa umuuwi sa bahay ninyo?
2) Aba! Ang ganda ng Mount Mayon.
3) Lagyan mo ng pataba ang mga pananim upang lalong lumago.
4) Nakatutuwang pagmasdan ang kabukiran.
5) Maaari mo bang diligan ang mga halaman?
6)

2. Tukoy-Alam
Sabihin kung pangungusap o parirala.
1) Labis akong nagpapasalamat sa biyayang aking natanggap
2) Kailan kaya
3) Sa susunod na taon
4) Nais kong magtrabaho sa ibang bansa
5) Pupunta kami sa Manila Zoo
6) Kuwentong pambata na may aral sa buhay
7) Bilisan mo.

B. Paglalahad
Ano ang pagkakaiba ng parirala at pangungusap?

C. Pagmomodelo/Paglalahat/Pagtuturo
Sa unang pangungusap, buo ba ang diwang pinapahayag nito? Alin ang simuno? Alin ang panaguri?
Ano ang tawag sa mga salita o grupo ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa? Anong uri ng
pangungusap ang nasa unang bilang?

D. Ginabayang Pagsasanay
Bumuo ng mga pangungusap ayon sa sitwasyon at ayon sa uri ng pangungusap sa loob ng
panaklong.
1. Nanalo ka sa raffle sa paaralan
(patanong)
2. Nasusunog ang sinaing.
(padamdam)
3. Umuulan nang malakas.
(pasalaysay)
4. Diligan ang halaman
(pautos)
5. Gumagawa kayo ng pangkatang-gawain
(pakiusap)

E. Malayang Pagsasanay
Tukuyin kung ang pangungusap ay pasalaysay, pautos, patanong, o padamdam. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1) Kunin mo ang mga paso sa tindahan.
2) Naku! Napakamahal naman ng mga iyan.
3) Saan mo nabili ang lupang ginamit mo sa pagtatanim?
4) Halos karamihan ng tao ay naengganyo sa paghahalaman simula noong nagkapandemya.
5) Maaari mo ba akong tulungang maglagay ng pataba?

F. Pagtataya
Gumawa ng dayalogo gamit ang iba’t-ibang uri ng pangungusap. Maaaring pumili sa mga sumusunod na
sitwasyon:
1. May group work kayo sa Filipino
2. Pupunta ang pamilya sa Palawan
3. Pinagsabihan ka ng nanay mo
4. Araw ng inyong pagtatapos sa elementarya

IV. TAKDANG-ARALIN
Punan ang patlang batay sa iyong natutuhan sa aralin.

Ang mga uri ng pangungusap ay maaaring gamitin sa _______ at iba’t-ibang _______. _______ ang
tawag sa pangungusap sa paglalarawan, pagkukuwento at pagsasabi ng isang pangyayari. Ginagamit sa
pagtatanong ang pangungusap na _______. Ito ay nagsisimula sa malaking letra at nagtatapos sa bantas na
_______. Ang _______ ay tawag sa uri ng pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin tulad ng
_______, tuwa, gulat at iba pa. gumagamit ito ng mga _______. _______ ang tawag sa uri ng pangungusap
na nag-uutos at nagtatapos sa tuldok. Gumagamit ng ekspresyon ng _______ ang magalang na pag-uutos.
Paaralan: Tomas Earnshaw E.S. Baitang: VI

DAILY Guro: Grace A. Macaraeg Asignatura: Filipino


Marso 11, 2024 (Martes)
LESSON PLAN Araw at oras VI-Patience 11:20 – 12:10pm Ikatlong
ng pagtuturo: Markahan: Markahan

I. LAYUNIN
 Nasasagot ang mga katanungan pagkatapos manood
 Nakapag-uulat tungkol sa pinanood

II. PAKSA: Pag-uulat Tungkol sa Pinanood (F6PD-IIIc-j-15)


Kagamitan: libro, laptop, projector
Sangunian: MELC Budget of Work in Filipino 6, Manila Learning Module Q3 – Modyul 5
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Paunang Pagtataya
Sa lahat ng iyong pinanood, alin ang pinakanagustuhan mo? Ano ang iyong nararamdaman habang
ikaw ay nanonood?

2. Tukoy-Alam
Ibigay ang mga dapat gawin sa panahon ng mga sakuna.
B. Paglalahad
Mahilig ka ba sumama sa nanay mo sa pamimili? Alam mob a ang mga karapatan ng isang mamimili?
Panoorin ang bidyong ito.
Karapatan ng Customer o Mamimili: Anu-ano ang iyong Karapatan at Tungkulin? - YouTube

C. Pagmomodelo/Paglalahat/Pagtuturo
Ano-ano ang mga pangyayari sa iyong napanood? Ano-ano ang mga mahahalagang bagay o detalye na
natutuhan mo mula sa panonood? Ano sa tingin mo ang mga magandang kaugalian ang ipinakita sa
pinanood? Ano-ano ang mga impormasyong naitala mo na maaaring makatulong sap ag-araw-araw na
pamumuhay?

D. Ginabayang Pagsasanay
Magkakaroon ng pangkatang gawain. Panoorin ang bidyo. Isulat sa graphic organizer ang mga
imprmasyong nakuha.
Pangkat I – Lindol | Disaster Preparedness - YouTube
Pangkat II – Sunog | Disaster Preparedness - YouTube
Pangkat III – Bagyo at Baha | Disaster Preparedness - YouTube
Pangkat IV - Emergency Survival Kit | Disaster Preparedness - YouTube

E. Pagtataya
Sagutin ang sumusunod na mga tanong pagkatapos manapanood ang video o ulat mula sa Special
Weather Report na Bagyong Quinta na iniulat ng Mandaluyong Disaster Risk reduction and Management
Office noong Oktubre 25, 2020.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=200078988181795&id=107874 417402253 Mandaluyong City
Disaster Risk Reduction and Management Office, October 26, 2020 at 12:38 AM
1. Ano ang pangalan ng bagyong nanalasa sa Pilipinas na iniulat ng MCDRRMO?
2. Anong ahensiya ang nag-ulat ng pananalasa ng Bagyong Quinta na napanood ninyo?
3. Kailan iniulat ng Weather Bulletin ng special weather report ng MCDRRMO?
4. Ilan ang lakas, bugso at galaw ng Bagyong Quinta na iniulat ng MCDRRMO?
5. Bakit kailangang nating manood ng ulang tungkol sa weather forecast?

IV. TAKDANG-ARALIN
Panoorin ang bidyong ito. Iulat ang impormasyong nakuha mula sa napanood.
Kilos Na! - Environmental Conservation Infomercial - YouTube
Paaralan: Tomas Earnshaw E.S. Baitang: VI

DAILY Guro: Grace A. Macaraeg Asignatura: Filipino


Marso 13, 2024 (Miyerkules)
LESSON PLAN Araw at oras VI-Patience 11:20 – 12:10pm Ikatlong
ng pagtuturo: Markahan: Markahan

I. LAYUNIN
 Nasasagot ang mga katanungan pagkatapos manood
 Nakapag-uulat tungkol sa pinanood

II. PAKSA: Pag-uulat Tungkol sa Pinanood (F6PD-IIIc-j-15)


Kagamitan: libro, laptop, projector
Sangunian: MELC Budget of Work in Filipino 6, Manila Learning Module Q3 – Modyul 5
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Paunang Pagtataya
Panoorin ang video at sagutin ang mga tanong.
https://youtu.be/XSVxgYqbtsE
1) Ano ang napanood mo sa video?
2) Bakit kailangan nating kumain ng mga masustansiyang pagkain?
3) Bakit kailangan nating mag-ehersisyo araw-araw?
4) Paano mo mapapanatiling malusog ang iyong katawan? Ipaliwanag?

2. Tukoy-Alam
Sagutin ang mga tanong.
1) Ano ang tawag sa mga taong gumaganap sa kuwento?
2) Tumutukoy sa kung saan naganap ang pangyayari sa kuwento o pelikula.
3) Ano ang tawag sa pagkakasunod-sunod ng kuwento.
4) Tumutukoy sa mensahe ng kuwento sa mga mambabasa
5) Problema ng tauhan sa kuwento?

B. Paglalahad
Anong uri ng pelikula ang madalas ninyong pinapanood?

C. Pagmomodelo/Paglalahat/Pagtuturo
Panoorin ang video.
Stop Wasting Your Time | Tagalog Motivational Video - YouTube
Ano ang mensahe ng napanood?

D. Ginabayang Pagsasanay
Magkakaroon ng pangkatang gawain. Panoorin ang bidyo. Isulat sa graphic organizer ang mga
imprmasyong nakuha.
Pangkat I – Lindol | Disaster Preparedness - YouTube
Pangkat II – Sunog | Disaster Preparedness - YouTube
Pangkat III – Bagyo at Baha | Disaster Preparedness - YouTube
Pangkat IV - Emergency Survival Kit | Disaster Preparedness - YouTube

E. Pagtataya
Sagutin ang sumusunod na mga tanong pagkatapos manapanood ang video o ulat mula sa Special
Weather Report na Bagyong Quinta na iniulat ng Mandaluyong Disaster Risk reduction and Management
Office noong Oktubre 25, 2020.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=200078988181795&id=107874 417402253 Mandaluyong City
Disaster Risk Reduction and Management Office, October 26, 2020 at 12:38 AM
1. Ano ang pangalan ng bagyong nanalasa sa Pilipinas na iniulat ng MCDRRMO?
2. Anong ahensiya ang nag-ulat ng pananalasa ng Bagyong Quinta na napanood ninyo?
3. Kailan iniulat ng Weather Bulletin ng special weather report ng MCDRRMO?
4. Ilan ang lakas, bugso at galaw ng Bagyong Quinta na iniulat ng MCDRRMO?
5. Bakit kailangang nating manood ng ulang tungkol sa weather forecast?

IV. TAKDANG-ARALIN
Panoorin ang bidyong ito. Iulat ang impormasyong nakuha mula sa napanood.
Kilos Na! - Environmental Conservation Infomercial - YouTube

Paaralan: Tomas Earnshaw E.S. Baitang: VI

DAILY Guro: Grace A. Macaraeg Asignatura: Filipino


Marso 14, 2024 (Huwebes)
LESSON PLAN Araw at oras VI-Patience 11:20 – 12:10pm Ikatlong
ng pagtuturo: Markahan: Markahan
I. LAYUNIN
 Nasasagot ang mga tanong sa pagsusulit

I. PAKSANG-ARALIN
Paksa: Lagumang Pagsusulit
Kagamitan: papel ng pagsusulit

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda ng sagutang papel
2. Pagtatakda ng pamantayan
3. Paghahanda ng kaisipan

B. Pagsusulit
1. Pagsagot sa pagsusulit
2. Pagpapalitan ng papel

C. Pagpapahalaga
1. Pagwawasto
2. Pagtatala ng iskor
3. Pagpapahalaga sa kinalabasan ng pagsusulit

You might also like