You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon XII
PAOPAO HIGH SCHOOL
Paopao, Sinawal, Lungsod ng Heneral Santos
paopaohighschool@gmail.com

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7

Ika-6 ng Pebrero, 2020


I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa Ibong Adarna bilang isang obra
mestra sa Panitikang Pilipino.
B. Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ng mag-aaral ang malikhaing pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong
naglalarawan ng mga pagpapahalagang Pilipino.
C. Kasanayang Pampagkatuto:
Layunin:
Nailalahad ang sariling saloobin at damdamin sa napanood na bahagi ng telenobela o
serye na may pagkakatulad sa akdang tinalakay F7PD-IVc-d-18
II. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian: Ibong Adarna
1. Mga Pahina sa gabay ng Guro: CG-pahina 146
2. Mga Pahina sa kagamitan ng mag-aaral: Ibong Adarna: Isang Koridong Pilipino, saknong 318—
saknong 399. p. 112-113
3. Mga Pahina sa Teksbuk: p. 454-484
4. Karagdagang kagamitan mula sa portal ng learning resource:
5. Iba pang kagamitang Panturo: powerpoint presentation, projector, Rubrik sa Pangkatang
Pagtatanghal, video mula sa Youtube
 https://www.youtube.com/watch?v=1Mdk5T7AqVA&t=108s
 https://www.youtube.com/watch?v=IycjW7VcZMQ&t=12s
III. PAMAMARAAN
A. BALIK-ARAL SA NAKARAANG ARALIN AT/O PAGSISIMULA SA BAGONG ARALIN

Gawain: Popcorn Recitation


 Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa Ibong Adarna?
B. PAGHAHABI SA LAYUNIN NG ARALIN
GAWAIN: “WordScape”
Aayusin ng mga mag-aaral ang mga naka-iskrambol na mga salita upang mabuo ang
katumbas na salita.
C. Pag-uugnay sa Halimbawa sa Bagong Aralin
GAWAIN: “Pangkatang Gawain”
 Hahatiin sa tatlong (3) pangkat ang mga mag-aaral.
 Panonoorin nila ang isang video clip mula sa Youtube.
 Pagkatapos na mapanood, sasagutan ang tanong na nakalaan sa bawat pangkat
 Isusulat ang sagot sa meta card pagkatapos ay itataas ng bawat pangkat ang emoji na
nagpapakita ng kanilang reaksyon batay sa napanood.
 Babasahin ng sabay ng pangkat ang kanilang sagot ayon sa emoji o emosyong napili.
Mga Tanong:
Pangkat 1—Tungkol saan ang napanood na video?
Pangkat 2—Ano ang mga katangian na taglay ng mga pangunahing tauhan?
Pangkat 3—Ano ang kabuoang mensahe ng napanood na video?
C. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1
GAWAIN 1: “Panitikan Natin, Panoorin at Alamin!”
Magpapakita ang video ng saknong 318--saknong 399.
Pangkat 1 —Sino ang tumulong para mailigtas si Don Juan sa tiyak na kamatayan pagkatapos
siyang pagtulungang bugbugin at iwan ng magkapatid sa kaparangan?
—Sa paanong paraan siya agad na gumaling mula sa kalagayang halos panawan na ng
lakas at buhay?
Pangkat 2 —Ano kaya ang nadama ni Don Pedro at Don Diego nang makitang bumalik sa kaharian
ang kapatid na ginawan nila ng masama?
— Paano nalaman ng hari ang lahat ng kabuktutang ginawa nina Don Pedro at Don
Diego sa kapatid na si Don Juan? Anong parusang iginawad ng hari sa kanila?
Pangkat 3 —Bakit kaya si Don Juan pa ang nakiusap sa ama upang patawarin ang kanyang mga
kapatid?
—Makatarungan ba para sa mga taong nakagawa ng malaking pagkakasala sa kapwa ng
hindi man lang papatawan ng angkop na kaparusahan at mabigyan na lang ng buong
kapatawaran? Bakit oo bakit hindi?
D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2
GAWAIN 2: “TALAKAYIN MO!”
Ang guro ay pipili ng ilang mag-aaral upang ilahad ang namamayaning damdamin ng mga
tauhan sa binasang bahagi ng Ibong Adarna.
 Don Juan
 Don Pedro at Don Diego
 Haring Fernando
E. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)
Gawain: “Bida Ka!”
Ang bawat pangkat ay magbibigay ng kanilang sariling damdamin o saloobin sa naging
damdamin ni Don Juan. Ito ay gagawin gamit ang presentasyon na Spoken Word Poetry.
Ilalahad ng guro ang rubrik sa pagmamarka sa itatanghal na presentasyon. May limang (5)
minuto lamang ang bawat pangkat upang maghanda para sa presentasyon. Pagkatapos ay
itatanghal nila ito sa harap ng klase.
F. Paglalapat ng Aralin sa Pang-Araw-Araw na Buhay
 Ano sa palagay mo ang naging dahilan ng pag-aaway-away ng magkakapatid? Paano
makaiwas ang magkakapatid na mag-away-away o magkasakitan?
G. Paglalahat ng Aralin
Ano ang namamayaning damdamin mo sa saloobin o damdamin ng mga tauhan batay sa
binasang piling saknong ng Ibong Adarna?
H. Pagtataya ng Aralin
Tingnan ang resulta ng isinagawang pagtatanghal ng mga mag-aaral sa Paglinang ng
Kabihasaan.
I. Karagdagang Gawain Para sa Takdang-Aralin at Remediation
Gagawa ang mga mag-aaral ng pagtatanghal na magpapakita ng kanilang pangkalahatang
reaksyon sa damdamin o saloobin ng mga natalakay na mga saknong ng Ibong Adarna.

IV. MGA TALA


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya: _______
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para sa remediation:
____________
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin: _________________
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation? _____________________________
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking punungguro at
superbisor?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa kapwa ko mga guro?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Inihanda ni:

BLYTH LANE B. SUYAO


Guro sa Filipino Pinagtibay ni:

RONNIE G. CORNELIA
Principal I

You might also like