You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon XII
PAOPAO HIGH SCHOOL
Paopao, Sinawal, Lungsod ng Heneral Santos
paopaohighschool@gmail.com

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10

Ika-18 ng Marso, 2021


I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman:
Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
pampanitikan ng mga bansang kanluranin.

B. Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakapaglalathala ng sariling akda sa hatirang pangmadla (social
media).
Kasanayang Pampagkatuto
Layunin:
Naibabahagi ang sariling damdamin at saloobin sa isang pangkatang talakayan ng
sariling kultura kung ihahahambing sa kultura ng ibang bansa batay sa nabasang dula.
F10PS-IIa-b-74

II. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian: Ambat, Vilma C. et.al Panitikang Pandaigdig 10 Modyul ng Mag-aaral sa
Filipino. Pasig City: Instructional Materials Council Secretariat (DepEd – IMCS), 2015.
1. Mga Pahina sa gabay ng Guro: CG-pahina 178
2. Mga Pahina sa kagamitan ng mag-aaral: SLM Filipino 10 Ikalawang Markahan Modyul 2-
Dula: Sintahang Romeo at Juliet Hango sa
Romeo at Juliet na Isinalin ni Gregorio C.
Borlaza.
3. Mga Pahina sa Teksbuk:
4. Karagdagang kagamitan mula sa portal ng learning resource:
5. Iba pang kagamitang Panturo: powerpoint presentation, Rubrik sa Pangkatang
Pagtatanghal, video mula sa Youtube
 //www.youtube.com/watch?v=JZMtWfAfAYA&t=1394s
III. PAMAMARAAN
A. BALIK-ARAL SA NAKARAANG ARALIN AT/O PAGSISIMULA SA BAGONG ARALIN

GAWAIN: “Misteryosong Kahon”


 Magkakaroon ng dalawang kupunan
 Pipili ng letra at sasagutin ang mga katangungan.
 Magdedesisyon kung pipiliin o ipauubaya sa kabilang kupunan ang kahon.
B. PAGHAHABI SA LAYUNIN NG ARALIN
GAWAIN: “Ilarawan Mo”
Tutukuyin ng mga mag-aaral kung ano ang nasa larawan.

C. Pag-uugnay sa Halimbawa sa Bagong Aralin


GAWAIN: Kapareho!
Magpakita ng isang dula-dulaan na naglalarawan tungkol sa alinmang sumusunod na pahayag
na nasa kahon.
D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1
GAWAIN: “Panitikan Natin, Panoorin at Alamin!”
Magpapakita ng video. Pagkatapos ay babasahin ng bawat pangkat ang sipi ng dula na
itatalaga ng guro sa sabayang pagbasa.
Mga Tanong:
Pangkat 1 — Ano ang damdaming namayani kay Romeo nang makita si Juliet?

— Ilarawan ang pag-iibigan nina Romeo at Juliet. Ano ang nakita nilang balakid
sa kanilang pag-iibigan?
Pangkat 2 — Paano ipinaglaban nina Romeo at Juliet ang pag-ibig nila sa isa‟t isa?
— Bakit humantong sa masaklap na trahedya ang pag-iibigan nina Romeo at
Juliet?
Pangkat 3 — Kung ikaw si Juliet at alam mong magkagalit ang inyong pamilya sa lalaking
iniibig mo, ipaglalaban mo ba ang pag-ibig mo? Pangatuwiranan.
— Ano ang nadarama ni Romeo nang malaman ang sinapit ni Juliet?
—Ano ang nadama ni Juliet sa sinapit ni Romeo?

Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2


GAWAIN 2: “Talakayin Mo!”
Ang guro ay pipili ng ilang mag-aaral upang ilahad ang namamayaning damdamin ng mga
tauhan sa akda.
 Romeo
 Juliet
E. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)
GAWAIN: “Bida Ka!”
Ang bawat pangkat ay magbibigay ng kanilang sariling damdamin o saloobin sa naging
damdamin nina Romeo at Juliet. Ito ay gagawin gamit ang presentasyon na Spoken Word
Poetry.
Ilalahad ng guro ang rubrik sa pagmamarka sa itatanghal na presentasyon. May limang (5)
minuto lamang ang bawat pangkat upang maghanda para sa presentasyon. Pagkatapos ay
itatanghal nila ito sa harap ng klase sa pamamagitan ng sabayang pagbasa.
F. Paglalapat ng Aralin sa Pang-Araw-Araw na Buhay
Ang guro ay magtatanong:
Para sa mga lalaki
Kung ikaw si Romeo, ipipilit mo rin ba ang iyong sarili sa babaeng mahal mo kahit may
maraming tumututol?
Para sa mga babae
Kung ikaw si Juliet, patuloy ka pa rin bang aasa at maghihintay sa lalaking hindi mo alam kung
buhay pa o patay na o bubuksan mo ang iyong puso sa lalaking matagal nang naghihintay sa
iyong pagsinta?
Paglalahat ng Aralin
Ano ang namamayaning damdamin o saloobin ng mga tauhan batay sa akda?
G. Pagtataya ng Aralin
Tingnan ang resulta ng isinagawang pagtatanghal ng mga mag-aaral sa Paglinang ng
Kabihasaan.
H. Karagdagang Gawain Para sa Takdang-Aralin at Remediation
Maglalathala ang mga mag-aaral ng sariling akda sa hatirang pangmadla (social media).

IV. MGA TALA


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya: _______
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para sa remediation:
____________
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin: _________________
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation? _____________________________
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking punungguro at
superbisor?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa kapwa ko mga guro?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Inihanda ni:

BLYTH LANE B. SUYAO


Guro sa Filipino

Inobserbahan nina:

ELSIE M. CABANLIT, Ph.D.


Principal-NSNHS

MEIL GENE C. GEROCHE


School Head

FRANKLIN A. LAGUESMA
School Head-Paopao High School

Pinagtibay ni:

ANGELITO C. LLANOS
Public Schools District Supervisor

You might also like