You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Lapu-lapu City

INSTRUCTIONAL PLAN IN FILIPINO 4

Pangalan: ROSEMARIE P. FUENTES Posisyon/Designasyon: TEACHER III

Asignatura: Baitang: Markahan: Petsa:


FILIPINO
APAT IKATLO Ika-29 ng Marso Oras: (50 minuto)
2023

Mga Kasanayan: CODE:


Nakasusulat ng talata na may sanhi at bunga
(Hango sa Gabay F4PU-IIIi-2.1
Pangkurikulum)

I. MGA LAYUNIN

Kaalaman Nakasasabi sa sanhi at bunga ng mga pangyayari

Kasanayan Nakapagbibigay ng pangungusap na may sanhi at bunga

Kaasalan Napapahalagahan ang pag-iingat sa sarili upang malayo sa mga iba’t ibang sakit

II. NILALAMAN
Paksa Sanhi at Bunga
Sanggunian Yaman ng Lahi 4 , Likha 4 , Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan 4
Kagamitan Tsart, activity cards, mga larawan, laptop

III. PAMAMARAAN
PANIMULANG -Pambungad na Panalangin.
GAWAIN
-Pagtatala ng mga lumiban at nasa loob ng klase.

-Pagbibigay ng Panuntunan sa klase.

Pagbabalik-aral:

Itanong: Ano ang dalawang bahagi ng pangungusap?

Magpakita ng mga lawaran at magpagawa ng pangungusap batay dito. Ipatukoy ang


simuno at panaguri sa nabuong pangungusap.

PANGGANYAK
Itanong:
1.Naranasan niyo na ba na kayo’y nagkasakit?

2. Bakit kayo nagkasakit?

3. Ano-ano ang inyong ginawa upang mawala ang sakit na inyong naramdaman?

Ipakita ang mga sumusunod na larawan .

PAGSUSURI Itanong: (HEALTH INTEGRATION)

1.Ano-ano ang mga nakikita ninyo sa larawan?

2. Batay sa mga larawan, ano-ano ang mga maaring dahilan ng pagkakasakit ng isang
tao?

(Isulat ang mga sagot ng mag-aaral sa pisara.)

3. Ano-ano ang mga nakakahawang sakit maaaring makuha sa mga nasa larawan?
Ipaliwanag ang sagot.

4. Kung ikaw ang nasa sitwasyon sa larawan, ano ang iyong gagawin upang makaiwas sa
nakakahawang sakit.

* Balikan ang mga sagot ng mga mag-aaral sa bilang 2 at 3.

Pagtatae Pagkain ng maruming pagkain


Sasakit ang tiyan Maruming paligid
Lagnat Paglusong sa baha
Sakit sa balat Pangangalkal ng maruming basura

Itanong:

1.Ano ang napapansin ninyo sa mga salita na nasa unang hanay? Sa ikalawang hanay?

2. Ano kaya ang tawag natin sa mga pariralang nasa unang hanay? Ikalawang hanay?
3. Ipakilala ang sanhi at bunga.

Sanhi- dahilan ng isang pangyayari.

-ginagamit ang salitang dahil, kasi at sapagkat

Bunga- kinalabasan ng pangyayari.

- pinangungunahan ng salitang kaya

PAGLALAHAT Magpabigay sa mga bata ng mga pangungusap na may sanhi at bunga.

Ano ang sanhi? Ano ang mga salitang ginagamit sa sanhi?

Ano ang bunga? Ano ang salitang ginagamit sa bunga?


PAGLALAPAT

Hatiin ang klase sa anim . Bigyan ng envelopes ang bawat grupo na naglalaman
ng iba’t ibang gawain. Bibigyan sila ng 5 minuto upang sagutin ito at ipalahad sa
klase .
Pangkat 1 at 2- Ipatukoy ang sanhi at bunga sa mga pangungusap.
Pangkat 3 at 4- Sumulat ang pangungusap na may sanhi at bunga. Bilugan ang
sanhi at salungguhitan ang bunga.
Pangkat 5 at 6- Bumuo ng pangungusap na may sanhi at bunga batay sa mga
larawan .
Rubriks
Nilalaman- 15
Pagtutulungan- 5
Paglalahad- 10
Kabuuan - 30

IV. PAGTATASA
Panuto: Basahin ang pangungusap sa ibaba. Isulat sa iyong sagutang papel ang B kung ang parirala ay
bunga at S kung ito’y sanhi.

1._____ Nag-aral nang mabuti si Monica.

_____ kaya matataas ang marka niya sa pagsusulit.

2. ____ Bumagsak si Kardo sa pagsusulit

_____ dahil hindi siya nag-aral.

3. ____ May sugat si Andy

____ kaya siya iyak nang iyak.


4. ____ Bumaha sa Isabela.

____ dahil sa malakas na ulan

5. _____ Nasa ospital si Simon

_____dahil mataas ang lagnat.

V. GAWAING BAHAY / TAKDANG-ARALIN


Gumupit ng 3 pares ng larawan na nagpapakita ng SANHI at BUNGA . Isulat ang ibig ipahiwatig ng nasa larawan.
Gawin ito sa bondpaper.

You might also like