You are on page 1of 2

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

Department of Education
Region XII
Division of Sarangani
Malapatan 2 District

FRANCISCO A. CAGANG SR. INTEGRATED SCHOOL

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 8

I. MGA LAYUNIN
Sa pagtatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari (dahil, sapagkat, kaya,
bunga nito at iba pa)
2. Nauuri ang mga pangyayaring may sanhi at bunga mula sa napanood na video clip ng isang
balita.

II. PAKSANG-ARALIN

Paksa: Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga


Sanggunian: SLM Filipino 8, MELC (F8WG-Ig-h-22)
Kagamitan: Laptop, TV, Bond paper

III. PAMAMARAAN
A. Panimula
1. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati/Pagtsek ng Atendans
 Balik-aral
B. Pagganyak
 Pagpapanood ng video na nagpapakita ng sanhi at bunga

Pagsubok sa Kasanayang Panggramatika:


Panuto: Suriin ang mga salitang naka-italisado sa bawat pangungusap. Ano ang nagiging gamit
ng mga salitang ito sa loob ng pangungusap?

1. Dahil sa kanyang katapangan, walang mangahas na makipagdigma sa Bumbaran.


2. Dahil sa laki ng kanyang pagdaramdam, siya ay nangibang-bayan.
3. Lumusob si Haring Miskoyaw sa Bumbaran sapagkat nabalitaan niyang namatay na si
Bantugan.
4. Si Bantugan ay namatay dulot ng matinding gutom at kalungkutan.
5. Pinarusahan si Bantugan ng kanyang kapatid na si Haring Madali epekto ng matinding inggit.

C. Paglalahad
 Paglalahad ng pamagat ng aralin
 Pagtalakay sa Aralin
Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga
1. Ano ang sanhi?
 Mga hudyat na ginagamit sa sanhi
 Sapagkat
 Dahil/dahil sa/dahilan sa
 Palibhasa
 Ngunit
 At kasi
2. Ano ang bunga?
 Mga hudyat na ginagamit sa bunga
 Kaya/kaya naman
 Kung/ kung kaya
 Bunga nito
 tuloy

D. Pagpapalalim ng Kaalaman

Magsagawa ng pangkatang Gawain sa mga mag-aaral


Pangkatang Gawain:
Pangkat 1: Magsadula ng isang pangyayari na kakikitaan ng sanhi at bunga.
Pangkat 2: Gumawa ng tatlong (3) pangungusap na may sanhi at bunga para sa bawat larawan

Rubrik sa pangkatang Gawain:

MGA BATAYAN PUNTOS


Nilalaman 50
Presentasyon 25
kooperasyon 25
KABUOAN 100

 Paano nakatutulong ang paggamit ng mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari sa
pakikipagkomunikasyon?

E. Paglalahat
 Ano ang pagkakaiba ng sanhi at bunga?

IV. PAGTATAYA

Panuto: Salungguhitan ang sanhi at bilugan ang bunga sa sumusunod na pangungusap.

1. Maraming nasirang gusali sa Japan dahil sa malakas na lindol.


2. Natigil ang pagbaha sa Metro Manila dahil sa paglilinis ng mga estero at kanal.
3. Dahil sa mga maling pagpuputol ng mga punongkahoy, dumadalas ang mga landslide sa ibat’t
ibang lugar.
4. Maraming pabrika ang hindi sumusunod sa patakaran kung kaya lalong dumudumi ang hangin.
5. Ang maling pagtatapon ng basura ang dahilan kung bakit maraming tao ang nagkakasakit sa ating
pamayanan.

V. TAKDANG-ARALIN

 Alamin ang mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik.

Inihanda ni: Inobserbahan ni:

ANA KRISTELA A. LOREJAS LORIE A. ESPRELA


Guro Master-Teacher I

You might also like