You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Zambales National High School
Iba, Zambales, Philippines
Telefax No. (047) 602 - 1202

BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8


KASAYSAYAN NG DAIGDIG
I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natatalakay ang iba’t ibang salik at epekto ng Rebolusyong Industriyal
2. Naipapakita ang pagpapahalaga sa ambag ng Rebolusyong Industriyal
3. Nakagagawa ng isang Data Information Chart na naglalahad ng mga imbensiyon sa
Rebolusyong Industriyal

II. NILALAMAN
A. Paksa: Ang Rebolusyong Industriyal
B. Balangkas ng Aralin:
1. Kahulugan ng Rebolusyong Industriyal
2. Sanhi ng Rebolusyong Industriyal
3. Mabuti at Masamang Epekto ng Rebolusyong Industriyal
C. Mga Kagamitan: Powerpoint Presentation
.
III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagbati
2. Panalangin
Aatasan ang isang mag aaral upang manalangin
3. Pagtatala ng lumiban
Aalamin ng guro kung sino ang lumiban sa klase
4. Balik-aral
Itanong: Anong mga pagbabago hinggil sa Pamahalaan ang nalaman ninyo noong
Panahong Enlightenment?
5. Pagganyak
Panuto: Aayusin ang mga ginulong salita o jumbled words para makuha ang
kasagutan
a. LUSYONREBO
b. DUSTRIYAINL

B. PANLINANG NG GAWAIN
1. Sa Powerpoint Presentation, magpapakita ang mga imbensyon at sanhi ng
Rebolusyong Industriyal at mga naging mabuti at masamang epekto nito. Itanong
ang mga sumusunod;
a. Anu-ano ang mga imbensiyon sa gitna ng Rebolusyong Industriyal
b. Anu-ano ang mga mabubuti at masamang epekto nito

2. Pagkatapos ng talakayan, ipapangkat ang klase sa tatlo at ibibigay ang mga


hinihinging datos sa Data Information Chart
3. Group 1
IMBENSIYON IMBENTOR GAMIT NITO
STEAM ENGINE
COTTON GIN
WATT STEAM ENGINE
Group 2.
IMBENSIYON IMBENTOR GAMIT NITO
SPINNING JENNY
TELEGRAPO
Group 3.
IMBENSIYON IMBENTOR GAMIT NITO
NEW COMEN ENGINE
TELEPONO

C. PANGWAKAS NA GAWAIN
1. Pagpapahalaga
Itanong: Bilang isang mag-aaral, gaano kahalaga o paano nakakatulong ang mga
ambag ng Rebolusyong Industriyal sa iyong pag-aaral?

2. Paglalahat
Anu-ano ang mga imbensiyon sa gitna ng Rebolusyong Industriyal? Anu-ano ang
naging epekto nito.

3. Paglalapat
Itanong: Dumami ang mga imbensyon. Guminhawa ang mga gawain sa pabrika at
agrikultura ngunit kumalat naman ang polusyon. Ano ang iyong magagawa sa
sitwasyong ito?

IV. PAGTATAYA
MATCHING TYPE: Pagtapat-tapatin ang mga imbensiyon sa HANAY A sa mga
Imbentor sa HANAY B.

HANAY A HANAY B
1. Steam Engine a. Thomas Newcomen
2. Cotton Gin b. Alexander Graham Bell
3. Watt Steam Engine c. James Hargreaves
4. Spinning Jenny d. Eli Whitney
5. Telegrapo e. James Watt
6. Newcomen Steam f. Thomas Savery & Denis
7. Telepono Papin
g. Samuel Morese

V. TAKDANG ARALIN
a. Basahin ang Araling: Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin, pp. 355-
365 o magsaliksik sa internet
b. Gamitin ang sumusunod na gabay na tanong sa pag-aaral ng aralin.
1. Ano ang mga dahilan at epekto ng ikalawang yugto ng imperyalismo at
koloniyalismo
2. Ano ang mga salik sa pagpapalawak ng Imperyong Kanluranin?
3. Bakit nagtagumpay ang kolonyalismong Europe sa Africa?
4. Paano pinaghati-hati ng mga taga-Kanluranin ang Asya?

INIHANDA NI: IPINASA KAY:


JENNO N. OCHEA PRINCESS MAE DIANE L. PANCIPANCI

You might also like