You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO DE ORO
NEW BATAAN DISTRICT

BANGHAY ARALIN
ARALING PANLIPUNAN 9
UNANG KWARTER

PETSA: OKTUBRE 18, 2023


ORAS : 2:00-3:00pm
BAITANG AT SEKSIYON: GRADE 9- DUTERTE

MGA PAMANTAYAN SA PAMPAGKATUTO:


 Naipagtatanggol ang mga karapatan at nagagampanan ang mga tungkulin bilang isang mamimili
(AP9MKE-Ih-18)

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
 May pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na
pang-araw-araw na pamumuhay.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP:
 Naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng ekonomiks bilang batayan ng matalino
at maunlad na pang- araw-araw na pamumuhay.

I- MGA LAYUNIN

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Nasusuri ang iba’t-ibang karapatan ng mamimili;
b. Natatalakay ang bawat karapatan ng mamimili; at
c. Nakakagawa ng paraan upang maiwasan ang paglabag sa mga karapatan ng mamimili.

II- NILALAMAN
A. Paksa : Walong Karapatan ng mga Mamimili

B. Kagamitan sa Pagtuturo : Projector/TV, laptop, speaker, felt tip pen, manila paper, bond paper,
Video Clips at visual aids

C. Sanggunian : Self- Learning Module (SLM) ng Araling Panlipunan 9, Kwarter 1, Modyul 6, pahina 6-10

D. Medyum sa Pagtuturo: Filipino, English at Mother Tongue

COGONON INTEGRATED SCHOOL


“Home of Excellence and Responsive Education”
501056@deped.gov.ph
III- PAMAMARAAN

a. Panalangin at Pagbati
Tatawag ang guro ng isang mag-aaral na mamumuno sa pananalangin.

b. Pagbati
Babati ang guro sa mga mag-aaral.

c. Pagsasaayos sa Silid-aralan
Isasa-ayos ng mga mag-aaral ang kanilang mga upuan at pupulutin ang mga basura sa
ilalim ng kanilang upuan.

d. Pagtala ng Lumiban at Di- lumiban


Tatawagin ng guro ang pangalan ng mga mag-aaral at itataas ng mag-aaral ang
kaliwang kamay pagnatawag ang kanilang pangalan at sasabihing “narito po.”

e. Pagbabalik-aral
Magtatanong ang guro tungkol sa napag-aralan sa huling sesyon na may paksang Mga
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo

f. Motibisyon
Magpapakita ang guro ng isang bidyu-balita at hahayang manood ang mga mag-aaral
https://www.youtube.com/watch?v=VNy6KtDrQ2g

Gabay na tanong:
1. Ano ang reaksyon mo sa napanood na bidyu-balita?

IV- PAGLINANG NG MGA GAWAIN

a. Aktibiti
Stratehiya: Kooperatibong Pag-aaral

Magkakaroon ng pag-uusap, tanungan at talakayan tungkol sa kung paano ang


pagbabadyet ng bawat pamilya para sa isang linggo.

Gabay at Alituntunin:
1. Magbuo ng anim (6) na grupo.
2. Gumawa ng listahan ng mga isina-alang-alang sa pagbabadyet.
3. Pumili ng isang kasapi na tatalakay sa nagawa ng grupo sa gitna ng klase.
4. Tapusin ang gawain sa loob ng limang (5) minuto.

b. Analisis
Stratehiya: Pag-aaral Batay sa Suliranin
Kagamitan: Larawan ng Pananamantala sa mga Konsyumer

Gabay at Alituntunin:
1. Magbuo ng tatlong (3) na grupo.
2. Gamitin ang Larawan na napili at sagutin ang mga tanong na kaakibat nito.
3. Pumili ng isang kasapi na tatalakay sa nagawa ng grupo sa gitna ng klase.
4. Taposin ang gawain sa loob ng limang (5) minuto.

COGONON INTEGRATED SCHOOL


“Home of Excellence and Responsive Education”
501056@deped.gov.ph
Mga Tanong na Dapat Masagot:
1. Ano Mali sa napiling larawan?
2. Paano nyo ito maiiwasan?
3. Anong ahensya kaya pwedeng idulog ang problema?

c. Abstraksyon
Sa bahaging ito ng aralin, ang guro ay magbibigay ng mga paliwanag tungkol sa Walong
(8) Karapatan ng mga Mamimili. Magkakaroon ng diskusyon at talakayan upang mas
maintindihan ng mga estudyante ang konsepto.

Walong (8) Karapatan ng mga Mamimili


1. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan
2. Karapatan sa Kaligtasan
3. Karapatan sa Patalastasan
4. Karapatang Pumili
5. Karapatang Dinggin
6. Karapatang Bayaran at Tumbasan sa Ano mang Kapinsalaan
7. Karapatan sa Pagtuturo Tungkol sa Pagiging Matalinong Mamimili
8. Karapatan sa Isang Malinis na Kapaligiran

d. Aplikasyon

TAMA o MALI: Basahin at unawain ang bawat aytem. Tukuyin kung ang ang
pangungusap ay nagsasaad ng tamang diwa o hindi. Isulat ang TAMA
kung ang pangungusap ay nagsasaad ng tamang diwa at MALI kung hindi.

____1. May karapatan na magsauli ng depektibong produkto ang mamiili. T


____2. Nararapat na mag-imbakng pangunahing pangangailangan sa panahon ng kalamidad. T
____3. Walang boses ang mga mamimili sa paggawa ng alituntunin tungkol sa pagkonsumo. M
____4. Pinapaalam ng prodyuser ang sangkap ng kanyang produkto sa mamimili. T
____5. May malaking impluwensiya sa mamimili ang mga anunsiyo. T
____6. Magkaroon ng listahan ng mga bilihin ayon sa kagustuhan. T
____7. Tungkulin ng mga mamimili at mga negosyante na malaman ang epekto ng pagkonsumo
sa kapaligiran. T
____8. Ang bandwagon ay uri ng pag-aanunsiyo na kung saan dito ipapakita na marami ang
gumagamit sa produkto. T
____9. May karapatan ang negosyante na pumili sa kanyang mamimili. T
____10. Mas naeenganyo ang mamimili na bumil sa mas mataas na presyo. M

COGONON INTEGRATED SCHOOL


“Home of Excellence and Responsive Education”
501056@deped.gov.ph
V- TAKDANG- ARALIN

Pag-aralan ang Mga Pananagutan ng mga Mamimili at mangalap ng mga ahensya na pweding lapitan sa
panahon na kailagan sila ng mga mamimili.

Inihanda ni: Inobserbahan ni:

JONEL REY H. VELAYO TERESITA A. CANASTRA


Teacher I Master Teacher I

COGONON INTEGRATED SCHOOL


“Home of Excellence and Responsive Education”
501056@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO DE ORO
NEW BATAAN DISTRICT

ARALING PANLIPUNAN 9
PAGTATASA

PANGALAN: ____________________________________ PETSA: _______________________________

BAITANG AT SEKSYON: __________________________ ISKOR: _______________________________

PANUTO: TAMA o MALI: Basahin at unawain ang bawat aytem. Tukuyin kung ang ang pangungusap ay nagsasaad ng
tamang diwa o hindi. Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad ng tamang diwa at MALI kung
hindi.

____1. May karapatan na magsauli ng depektibong produkto ang mamiili.

____2. Nararapat na mag-imbakng pangunahing pangangailangan sa panahon ng kalamidad.

____3. Walang boses ang mga mamimili sa paggawa ng alituntunin tungkol sa pagkonsumo.

____4. Pinapaalam ng prodyuser ang sangkap ng kanyang produkto sa mamimili.

____5. May malaking impluwensiya sa mamimili ang mga anunsiyo.

____6. Magkaroon ng listahan ng mga bilihin ayon sa kagustuhan.

____7. Tungkulin ng mga mamimili at mga negosyante na malaman ang epekto ng pagkonsumo sa

kapaligiran.

____8. Ang bandwagon ay uri ng pag-aanunsiyo na kung saan dito ipapakita na marami ang gumagamit sa

produkto.

____9. May karapatan ang negosyante na pumili sa kanyang mamimili.

____10. Mas naeenganyo ang mamimili na bumil sa mas mataas na presyo.

Iniwasto ni:

_______________________________

COGONON INTEGRATED SCHOOL


“Home of Excellence and Responsive Education”
501056@deped.gov.ph
COGONON INTEGRATED SCHOOL
“Home of Excellence and Responsive Education”
501056@deped.gov.ph

You might also like