You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO DE ORO
NEW BATAAN DISTRICT

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN


GRADE LEVEL QUARTER/DOMAIN WEEK & DAY NO. PAGE NO.

9 Ikatlong Markahan Week 8 1-6

Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay…naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga


pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya bilang
kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo
sa pambansang kaunlaran
Ang mag -aaral ay… nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung
paanong ang pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya
Pamantayang Pagganap
ay nakapagpapabuti sa pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran
Kasanayang Pampagkatuto Natatalakay ang konsepto, dahilan, epekto at pagtugon sa implasyon.

I. LAYUNING Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:


PAMPAGKATUTO A. naipaliliwanag ng paraan kung paano malaman ang dahilan kung
bakit mayroong implasyon na nangyari sa isang bansa;
B. nakabubuo ang bawat grupo ng ibat ibang sinaryo na kung
nagpapakita ng paggawal at pagtaas ng presyo; at
C. napapahalagahan ang mga natutunan sa klase patungkol sa
implasyon sa pamamagitan ng pasulit.
II. PAKSANG ARALIN
Implasyon
III. SANGGUNIAN

A. References Ikatlong Markahan – Modyul 4: Implasyon


IV. PAMAMARAAN

Panimulang Gawain  Panalangin.


 Pagsasaayos ng loob ng silid-aralan.
 Pagtala ng mga liban at hindi lumiban sa klase.
 Pagbati.

Magtatanong ang guro sa klase:


A. Pagbabalik-aral  Ano ang pag -iimpok at pamumuhunan bilang isang salik ng
ekonomiya?
Elicit  Ano-ano ang mga wastong pamaraan ng pag-iimpok bilang
isang salik ng ekonomiya?
 Bilang isang Kabataan, mahalaga bang magkaroon ng wastong
pag-iimpok?
Magpapakita ang Guro ng video clip.
Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral:
 Ano ang gustong ipaabot na mensahi sa nakitang bidyo?
B. Pagganyak
 Bakit kaya tinawag na malaking problema sa ating bansa ang
pagtaas ng bilihin sa palengke?
Engage

Magtatanong ang Guro:


1. Paunang Gawain
Ano-ano kaya ang patalatandaan na mayroong paggalaw at pagtaas ng
Engage presyo sa palengke?

C. Paglalahad  Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat.


 Bawat pangkat ay bibigyan ng sipi ng gawain.
Explore  Bibigyan sila ng sampung minuto para sagutan ang gawain.
 May isang mag-uulat ng kanilang kasagutan sa harap ng klase.
 Nasa baba ang pamantayan sa gawaing gagawin.

Unang Pangkat: “PAG ISIPAN MO AKO”

Panuto: Ang lahat ng kasapi ng grupo ay magbahagi ng kanilang


karanasan patungkol sa naranasang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa
palengke at pagkatapos ng malaman ang mga karanasa ilagay sa isang
kartolina ang hindi magandang dulot kapag tumaas sa presyo ng bilihin
sa palengke. Pagkatapos pumili ng isang representante para ibahagi sa
klase ang nagawang pagsulat.

Ikalawang Pangkat: “DO IT FOR ME”


Panuto: Ang lahat ng grupo ay magtulungan kung anong sinaryo ang
gustong gawan ng paglalahad nakung saan nagpapakita ng pagtaas ng
mga bilihin sa merkado. Pagkatapos ilahad ang nagawang pagsasadula
sa harapan ng klase.

Ikatlong pangkat: “WRITE A MESSAGE FOR ME”

Panuto: Ang lahat ng kasapi ng grupo ay magtutulungan kung ano ang


kanilang mensahi sa ibinigay ng titolo ng mensahi na pinamagatang
"Pagtaas ng Presyo ng Bilihin: Isang Malaking Balakid sa Kaunlaran ng
Bansa". Pagkatapos ilahad ang nagawang mensahi sa harapan ng klase.

Magtatalakay ang Guro

Implasyon

 Ayon sa The Economics Glossary, ang implasyon ay tumutukoy


sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng piling produkto na
nakapaloob sa basket of goods.
 Ayon naman sa aklat na Economics nina Parkin at Bade (2010),
ang implasyon ay ang pataas na paggalaw ng presyo at ang
deplasyon ay ang pagbaba sa halaga ng presyo.

Hyperinflation
E. Pagtalakay
 Kung saan ang presyo ay patuloy na tumataas bawat oras, araw at
Explain linggo na naganap sa ilang mga bansa tulad ng Germany noong
dekada 1920, Hungary noong 1946 at Zimbabwe noong 2007
hanggang 2009 (Fernando, 2020).

Pagsukat sa Pagtaas ng Presyo

 Consumer Price Index (CPI)

Iba’t ibang Uri ng Price Index

1. Consumer Price Index (CPI)


2. Wholesale Price Index (WPI)
3. Producer Price Index (PPI)
4. GNP Deflator

F. Paglalahat Magtatanong ang guro sa klase.

Elaborate 1. Ano-ano ang natalakay o mga natutunan ninyo ngayong araw?


2. Para sa inyo, ano-ano ang magandang hatid na mayroong metatag
ng presyo ng mga bilihin sa palengke? at Gaano ito kahalaga?
G. Pagpapahalaga Magtatanong ang guro sa klase.
1. Bilang isang kabataan, paano mo maisasagawa ang tamang hakbang
Elaborate para makatulong na maging matatag ang presyo ng mga bilihin sa
palengke?
TAMA O MALI

Panuto: Isulat ang T kung ang sago ay tama, kapag mali naman isulat
ang M.

1. Implasyon ang tinatawag kapag may pangkalahatang pagtaas ng


presyo ng mga produkto at serbisyo sa isang ekonomiya.
2. Sa hyperinflation, patuloy na tumataas ang presyo ng mga produkto
H. Pagtataya bawat oras, araw, at linggo.
3. Ang Consumer Price Index (CPI) ang karaniwang ginagamit na
Evaluation panukat ng pagbabago sa presyo ng mga produkto para sa
pangkaraniwang mamimili.
4. Ang Wholesale Price Index (WPI) ay index ng mga presyong
binabayad ng mga tindahan para sa mga produktong ibebenta sa mga
mamimili.
5. Ang Producer Price Index (PPI) ay naglalaman ng index ng mga
presyo ng kalakal na binabayad ng mga tindahan sa pakyawan.

Karagdagang Gawain

Panuto: Pumili ng isang sinaryo na kung saan may nakitaang pagtaas ng


presyo sa isang lugar.
I. Takdang Aralin Mga gabay na tanong:
Extend  Anong epekto ng pagtaas ng presyo sa ekonomiya na ating
bansa?
 Bilang isang mag-aaral anong poyding gawin ng ating bansa para
mapababa ang presyo para maging matatag ito?

III. PAGNINILAY-NILAY
A. Bilang ng mga mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
Gawain.
C. Bilang ng mga mag-aaral na
nakakuha sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga estratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakakatulong?
F. Anong Suliranin ang aking
naranasan na nasusulusyonan ng
punongguro?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibubo na kung ibahagi
sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni: Sinuri ni


MAXIMO JR. A. SINON LESTER G. COSIÑERO

PRE SERVICE TEACHER Teacher I

You might also like