You are on page 1of 3

Hinlayagan National High School- JHS Department

INSTRUCTIONAL PLAN (Araling Panlipunan 9)


Teacher: Gerlie Marie N. Asentista Date: February 18, 2022
Code: No Code Indicated Duration: 1 hr.

I.Kompetensi: Napahahalagahan ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan sa


regulasyon ng mga gawaing pangkabuhayan

Gumagamit ng Alternative Delivery Mode (ADM) bilang estratehiya dahil sa kasalukuyang


pandemya na hinaharap. Quarter 2 Modyul 2.

II.Layunin
Kaalaman Nasusuri ang mga pangunahing kaalaman sa ugnayan ng pwersa ng demand
at suplay, at sistema ng pamilihan ;
Saykomotor Nailalapat ang konsepto at katuturan ng ugnayan ng pwersa ng demand at
suplay, at sistema ng pamilihan sa pang araw-araw na pamumuhay;
Apektiv Naipapakita ang pagpapahalaga sa ugnayan ng pamilihan at ng pamahalaan
tungo sa pambansang kaunlaran.
Values Nailalahad ang malawak na pang unawa hinggil sa patakarang ipinapatupad
ng pamahalaan.

III.SANGGUNIAN: MELC, AP 9 Modyul (ikalawang markahan, ikawalong linggo)

IV.KAGAMITANG PANTURO: laptop, textbook, instructional materials

V.PAMAMARAAN: Sa kadahilanang laganap pa rin ang COvid19 sa ating lugar, sumubok


ako ng iba pang pamamaraan sa pagturo gaya ng Online Presentation (Powerpoint-based
tutorial) nang hindi nailalagay sa alanganin ang kalusugan ng mga mag-aaral at ng guro.

Recall ( pagbabalik-aral)

Pagpapakilala ng bagong aralin: (Powerpoint presentation)


1.Activity ONCE UPON A TIME!
(Gawain) Ang mga mag- aaral ay bibigyan ng mga sitwasyon na may kaugnayan
sa panibagong aralin. Sila ay bubuo ng maaaring kahinatnan nito batay
sa kanilang sariling pagkaunawa.

2. Analysis  Ano ang mga ginagampanan ng pamahalaan sa ating lipunan?


 Sa mga ganitong sitwasyon, masasabi mo ba na makatutulong
ang pamahalaan? Ipaliwanag.

3. Abstraction (Presentation of the Learning Objectives)

PowerPoint Presentation
Sa kadahilanang humaharap tayo sa hamon ng pandemya, mahigpit na
ipinapatupad ang pagsunod sa itinakdang health protocol(palaging
pagsoot ng face mask, face shield at social distancing)
Gumagamit ng PowerPoint Presentation sa pagtatalakay ng ugnayan ng
Pamahalaan at Pamilihan.
Ano ang Price Ceiling?
Ano ang Price Floor?
Paano naiiba ang Price Ceiling sa Floor Price?
4. Application Bilang isang konsyumer, pabor ka ba sa patakarang Price Ceiling at
Price Floor ng Pamahalaan? Bakit?
Gaano kahalaga ang papel na ginampanan ng Pamahalaan sa
ganitong sitwasyon at pagkakataon?

V. ASSESSMENT
Sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot
sa inyong sagutang papel.
1. Isang organisadong sistemang pang – ekonomiya kung saan nagtatagpo ang
konsyumer at prodyuser upang magkaroon ng palitan ng produkto.
A. Factory B. Kalakalan C. Pamahalaan D. Pamilihan
2. Ito ay isang institusyon na ang pangunahing tungkulin ay paglingkuran at
pangalagaan ang sambayanan.
A. Bahay – kalakal B. Lipunan C. Paaralan D. Pamahalaan
3. Ano ang dahilan kung bakit nahaharap ang pamilihan sa pagkabigo o market
failure?
A. Externalities C. Krisis sa ekonomiya
B. Pagkaroon ng monopoly D. Lahat ng nabanggit
4. Alin sa sumusunod ay kilala sa katawagan bilang maximum price policy o ang
pinakamataas na presyo na maaaring ipagbili ng isang prodyuser ang kanyang
produkto?
A. Floor Prices B. Price Ceiling C. Price Floor D. Price Freeze
5. Ano ang tawag sa tumutukoy sa pinakamababang presyo na itinakda ng batas sa
mga produkto at serbisyo?
A. Floor Prices B. Price Ceiling C. Price Floor D. Price Freeze
6. Ano ang patakarang ipinasusunod ng pamahalaan na nagbabawal sa pagtataas ng
presyo ng mga produkto sa pamilihan sa panahon ng emergency gaya na lamang ng
kalamidad (bagyo, lindol at iba pa)?
A. Floor Prices B. Price Floor C. Price Freeze D. SRP
7. Alin sa sumusunod ang pangunahing ahensiya na may tungkulin na palawigin ang
sistema ng kalakalan at industriya sa bansa?
A. BFAD B. DOLE C. DTI D. FDA
8. Anong batas ng pamahalaan ang nag – uutos sa mga employer na bigyan ng hindi
bababa sa minimum wage ang isang manggagawa?
A. Republic Act 602 B. Batas Republik 305
C. Republic Act 206 D. Batas Republika 503
9. Ano ang patakarang ipinatutupad ng pamahalaan upang mapatatag ang presyo ng
mga pangunahing bilihin sa pamilihan?
A. Price Control B. Price Floor C. Price Stabilization D. Price Ceiling

10. Ang mga sumusunod ay dahilan sa pagpapatupad ng pamahalaan ng price freeze,


maliban sa.
A. upang makabibili ang mga konsyumer ng hindi nahihirapan sa presyo.
B. upang mas bababa pa ang equilibrium price ng mga produkto sa pamilihan.
C. upang matutugunan ng mga tao ang kanilang pangangailangan kahit sa panahon
ng krisis.
D. upang mapigilan ang pananamantala ng mga negosyante sa labis na pagpapataw
ng mataas na presyo ng kanilang mga produkto.
VI. ASSIGNMENT
Takdang Aralin. Punan ng mahahalagang impormasyon ang Venn Diagram ng pagkakaiba
at pagkakatulad ng price ceiling at price floor. Isulat ang inyong sagot sa inyong notebook na
ipapasa bukas

PRICE PRICE
FLOOR
CEILING

Pagkakatulad
V. Pagninilay:

A.Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya:

B.Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para sa remediation:

C.Nakakatulong ba ang remediation?

Prepared by:
GERLIE MARIE N. ASENTISTA
SST I

Checked by:
MA. LEDEVI R. SANTERVA
Principal I

You might also like