You are on page 1of 2

University of Science and Technology of Southern Philippines

OROQUIETA CAMPUS
OROQUIETA CITY

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO


(TMDI)
I.Layunin
A. Natutukoy at nakikilala ang sanhi at bunga sa mga pangyayari.

II. Nilalaman
Sanhi at Bunga

III. Learning Resource


http://teacherabiworksheets.blogspot.com/2015/11/filipino-sanhi-at-bunga.html

IV. Pamamaraan
Learning Episode 1
A. Motivation
1. Presentasyon : Sa umagang ito, tatalakayin natin ang paksa tungkol sa sanhi at bunga
ng mga pangyayari.
2. Importance: Mahalaga ang paggamit ng kasanayang sanhi at bunga dahil higit na
nakapagpapaliwanag at nakapaglalarawan ito kung bakit naganap ang isang
pangyayari at kung ano ang magging epekto nito. Dito’y kailangan ang likas na
pagkukuro at matalinong paninindigan sa pagpapasya at pagpapakahulugan sa mga
bagay na nakikita at nababasa natin.
3. Formative Assessment: Pagkatapos ng talakayan, susukatin ko ang iyong kaalaman
sa pamamagitan ng pangkatang Gawain at indibidwal na pagsusulit
B. Probe and Respond
1. Review/Drill: Balik aral sa nakaraang talakayan.
2. Pre-requisite Skills:
Learning Episode 2
A. Modeling:
Guro :
Ngayon ay tuturuan ku kayo kung paano ang pagtukoy at pagkilala sa sanhi at
bunga ng mga pangyayari.
Sa mga sitwasyong magkatambal, kalimitan na isa ay sanhi at ang isa ay
bunga. Ang sanhi ay tumutukoy sa dahilan kung bakit naganap ang isang pangyayari. Ito
ay ang nauna sa dalawang kaganapan. Ang bunga naman ay ang naging resulta o epekto
ng naunang pangyayari. May mga panandang ginagamit sa hulwarang sanhi at bunga:
dahil sa, sapagkat, nang, kasi, buhat, mangyari, palibhasa, kaya, resulta, sanhi, epekto,
bunga nito, tuloy, atbp.
Halimbawa:

1. Si Rommel ay kumain ng kumain ng kendi kaya sumakit ang kanyang ngipin.

Sanhi: Siya ay kumain ng kumain ng kendi.


Bunga: Sumakit ang kanyang ngipin.
2. Nagdala si Haidee ng payong dahil madilim at maulap ang langit.

Sanhi: Madilim at maulap ang langit.


Bunga: Nagdala si Haidee ng payong.

3. B: Lumaking magalang at mabait si Bruno at Pedro sa mga ibang tao


S: dahil naging mabuting magulang si Mary at Mario.

4. S: Si Andrea ay palaging maaga magising sa umaga


B: kaya hindi siya nahuhuli sa pagpasok sa eskuwelahan.

5. S: Mahilig manood ng telebisyon si Dennis ng malapit


B: lumabo ang kanyang mata.

Learning Episode 3
A. Guided Practice: Pangkatang Gawain
Panuto: Basahin ang talata. Tukuyin at salungguhitan ng isang beses ang sanhi at
dalawang beses ang bunga.
Walang patumanggang pagputol ng kahoy sa mga bundok at kagubatan. Pagwawalang-bahala ng
pamahalaan sa iligal na pagkakahoy. Ang hindi pag- uukol ng atensyon sa muling pagpapasibol
at pagtatanim ng mga punungkahoy. Ang ating mga kabundukan ay kalbo na. Nararanasan na
natin ang bunga ng mga gawaing iyon. Ang pagkakaroon ng tagtuyo’t kung katag-arawan at ang
malalaking baha kung tag-ulan.
Kung dumarating ang malalaking baha, lahat ay napipinsala. Ang mga pananim ay nasisira. Ang
mga kalye ay lalong nasisira. Maraming bahay, kasama ang mga kasangkapang nababad, ay baha
ang nagiging sanhi ng pagkabulok at pagkasira. Paralisado ang mga sasakyan, tanggapan, at mga
eskuwelahan. Malungkot isipin at sa palagay ko, dalawang uri lamang ng mamamayan ang
natutuwa kapag may baha. Ang mga estudyante pagkat walang pasok sa eskuwelahan, at ang
mga nagtutulak ng kotse at dyip na nasisiraan sa gitna ng baha.
B. Independent Practice:
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Tukuyin at bilugan ang sanhi at ikahon ang
bunga.

1. Ininom ni Dominic ang kalahating pitsel ng tubig sapagkat siya ay uhaw na uhaw.
2. Iniipon ni Harry ang kanyang baong pera kasi gusto niyang bumili ng laruang robot.
3. Tumapon ang tubig sa baunan ni Erica dahil hindi niya ito isinara ng maayos.
4. Nakalabas ng tarangkahan ang mga alagang aso ni Eunice dahil hindi nila naisara ang
pinto.
5. Dahil palagi siyang kumakain ng labis-labis, tumaas ang timbang ni Jerome.

Learning Episode 4
A. Ebalwasyon/Pagtataya: Ang independent practice ay siya na ring ebalwasyon ng guro.
B. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin at remediation:
Isulat sa kwaderno. Gumawa ng sampung(10) pangungusap na naglalahad ng
sanhi at bunga ng pangyayari.

Inihanda ni:Maridelyn N. Astillero

You might also like