You are on page 1of 5

DILIMAN

PAARALAN BAITANG 5
PAGGAWA NG DAYAGRAM COLLEGE
NG UGNAYANG SANHI AT
BUNGA MULA SA MS. ANCHIE R. ETULAY ONLINE
GURO ASIGNATURA
BAUYON TUTORIAL
TEKSTONG NAPAKINGGAN
O NABASA
ABRIL 8, 2024,
PETSA/ORAS MARKAHAN
MARTES

I. LAYUNIN Pagkatapos ng online tutorial, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

a. Nakatutukoy ng sanhi at bunga sa pangungusap;

b. Nakabubuo ng dayagram ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong


napakinggan o nabasa; at

c. Napahahalagahan ang pagiging maparaan sa pagbuo ng dayagram ng


ugnayang sanhi at bunga sa tekstong binasa.

II. PAKSANG ARALIN


1. Paksa PAGGAWA NG DAYAGRAM NG UGNAYANG SANHI AT BUNGA

2. Mga Kagamitan Module, YouTube


https://www.youtube.com/live/qZ7mBXqzFD0?si=zAU1E0I1vGHJ7a5c

III. PAMAMARAAN

A. Bago a. Sinusuri ang kalinisan at kaayusan ng silid-aralan.


maglesson
b. Pambungad na Panalangin

c. Pagbati

d. Pagsusuri ng Pagdalo

B. Drill Tukuyin kung ano ang ipinapakita sa larawan.

a. Ilegas na pagtotroso
b. Paggamit ng dinamita
c. Pagkakaingin
d. Paggamit ng pataba sa lupa
a. Pagguho ng lupa
b. Paggamit ng dinamita
c. Sunog
d. Matinding pagbaha

a. Paglala ng krimen
b. Sunog
c. Pinsala ng bagyo
d. Lindol

Gabay na tanong:

1. Ano ang bunga ng ilegal na pagtotroso?


2. Ano ang sanhi ng pagkakaroon ng matinding pagbaha?
C. Pagtapos ng Suriin:
Drill
Sanhi - Pinutol ng mga tao ang mga punong kahoy.
Bunga – Nagkaroon ng landslide.

Sanhi – May landslide.


Bunga – Nasira ang mga pananim. Nawalan ng kabuhayan at namamatay ang
mga tao at mga hayop dahil sila ay naguhuan ng lupa.

Tandaan:

 Ang sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari.


Itlo ay nagsasabi ng mga kadahilanan ng mga pangyayari.

 Ang bunga naman ay ang resulta o kinalabasan o dulot ng pangyayari.


Ito ang epekto ng kadahilanan ng pangyayari.

Halimbawa:
 Kapag nauuna ang sanhi:
1. Hindi iningatan ni Totoy ang kaniyang cellphone (sanhi) kaya nasira ito
agad (bunga).
2. Labis ang pagputol ng mga puno (sanhi) kaya wala ng sumipsip ng mga
tubig ulan at nagkakaroon nang labis na pagbaha (bunga).

 Kapag nauuna ang bunga:


1. Nagkamit siya ng iba’t-ibang karangalan sa kaniyang paaralan (bunga)
dahil nag-aaral siyang mabuti (sanhi).
2. Di makakain sa labis na kalungkutan at pagdaramdam ang isang lalaki
(bunga) dahil iniwan siya ng kaniyang asawa (sanhi).

Pagsasanay 1
 Kumuha ng isang pirasong papel at lapis para sa pagsasanay na
gagawin.

Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap at isulat kung ano ang sanhi at
bunga sa pangungusap na ito.

1. Masipag na magbubukid si Mang Jose at inaalagaan niyang mabuti ang


kaniyang mga pananim kaya may naibebenta siya at nakakaing gulay.

Sanhi: _____________________________
Bunga: _____________________________

2. Madalad na maninigarilyo si Mang Pedro mula pa noong kabataan niya


kaya siya ay nagkasakit sa baga.

Sanhi: _____________________________
Bunga: _____________________________

Gawain: Pagbasa

 Ang guro ay magbabasa ng talata.


 Hahanapin sa talata kung ano ang sanhi at bunga ng bawat
pangungusap.

Talatang babasahin:

Noon, malinis, mabango at malinaw ang tubig kaya marami ang namamasyal
at naliligo sa Ilog pasig. Nasira ang kagandahan ng makakasaysayang ilog dahil
pinabayaan ito ng mga tao. Marami ang nagtatapon ng basura sa ilog kaya sa
kaunting pag-ulan ay umaapaw ito. Namatay ang mga isda dahil sa marumi na
ang tubig sa ilog. Nangangamba ang mga tao na tuluyan nang masira ang Ilog
pasig, kaya kailangan kumilos sila bago mahuli ang lahat.

Gawain:

SANHI BUNGA
1.
2.
3.
4.
5.
Pagsasanay 2

Panuto: Sa kalahating piraso ng papel, suriin at isulat ang tamang sagot.

1. Upang magtagumpay sa buhay kailangang _____________.


a. mag-aral nang mabuti.
b. matulog sa klase.
c. liliban sa klase.
d. mangopya sa kaklase.

2. Malimit siyang magdahilan kaya ____________.


a. marami ang nagkakagusto sa kanya.
b. maraming naniniwala sa kanya.
c. walang naniniwala sa kanya.
d. iniwan siya.

3. Upang maging malusong ang katawan kailangang ____________.


a. palaging magpuyat.
b. hindi maliligo araw-araw.
c. palaging uminom ng softdrinks.
d. kumain ng masustansiyang pagkain.

4. Niyaya ka ng iyong tatay na sumama sa paghingi ng binhing itatanim


ngunit sumama ka iyong kaklase na maglaro sa plasa. Ano kaya ang
maaaring maging reaksiyon ng iyong tatay?
a. magagalit
b. matutuwa
c. maiiyak
d. walang imik

5. Tulog ang sanggol kaya ________.


a. magtawanan kayo.
b. maglaro kayo sa loob.
c. magtatalon kayo.
d. huwag kayong maingay.

You might also like