You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
MALAYA ELEMENTARY SCHOOL

Banghay-Aralin sa FILIPINO VI

Markahan: Unang Baitang at Pangkat: VI- Mapagkumbaba & VI- Malikhain


Linggo: Unang Sabjek: FILIPINO
Araw: Agosto 30, 2022 Oras: 6:10AM-7:10AM & 8:10AM-8:50AM

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin ay inaasahan na ang mag-aaral ay:
a. nakakasagot ng mga katanungan mula sa kuwentong napakinggan;
b. maisalaysay ang nabasa o narinig na kuwento sa sariling paraan;
c. napapahalagahan ang nabasang pabula, kuwentong napakinggan.

II. PaksangAralin:
Paksa: Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Napangkinggan/Nabasang Pabula,
Kuwento, Impormasyon at Usapan

Sanggunian: MELCS - F6PN-Ia-g-3.1


Youtube- https://www.youtube.com/watch?v=ZzH8MIM_P0Y

Kagamitan: Laptop, larawan, pentel pen, at manila paper

III. Pamamaraan

1. Balik-aral

Pagbigkas na salita

Pamamatnubay – gabay sa gawain

Kinahihinatnan- maaring kalalabasan ng isang bagay o ginawang aksyon

Kaabang-abang

Kapanapanabik- kasukdulan ng kuwento

Kuwento

2. Pagganyak

Basahin ang kuwento tungkol sa Daga at ang Leon


Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang inaakyat ang
likuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba.
Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa
buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.
“Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo. Wala akong masamang
hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin,” ang sabi ng daga.
Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.
“Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain ang pagtulog ko,” sabi ng leon.
“Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo,” sagot ng daga. Lumipas ang
maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na
nakabitin sa puno. Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa loob ng
lambat na ginawang bitag ng nangagaso sa kagubatan. Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat
ang lubid na nakatali sa lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ang leon
sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na nakawala sa lambat. “Utang ko sa iyo ang
aking buhay,” laking pasasalamat na sabi ng leon sa kaibigang daga.

Aral
 Ang paghingi ng paumanhin ay hindi nakakapag-pababa sa dangal ng isang tao.
 Huwag maliitin ang kakayahan ng iba. Maliit man ang iyong kapwa ay may kakayahan
pa rin itong makatulong sa paraang hindi madalas inaasahan ng iba.

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

Ang sino ay sumasagot sa ngalan ng tao lamang.


Ang tanong na ano ay sumasagot sa ngalan ng bagay at pangyayari.
Ang saan ay ginagamit sa tanong upang matukoy ang pinangyayarihan o lugar kung
saan ginanap ang
kilos.
Ang kailan ay tumutukoy sa panahon.
Ang bakit ay ginagamit kapag humihingi ng kadahilan ng pangyayari.
Ang paano na tanong ay para masagot ang pamamaraan sa isang kilos o sitwasyon. Ito
ay dagdag na
pagpapaliwanag sa isang proseso.

C. Paglalahat

Mahalagang matutunang ang pagsagot sa mga tanong tungkol sa anumang


mapakikinggan/mababasang gaya ng pabula, kuwento, tekstong pang-impormasyon at
usapan dahil sa pamamagitan nito maipapakita ang pag-unawa rito.

D. Paglalapat
Basahin ang talata at sagutan ang mga sumusunod na katanungan.
Mga tanong:
1. Ano ang pinaguusapan sa teksto?
2. Batay sa binasang kuwento, anong sakit ang naghatid ng matinding pinsala sa
karamihan?
3. Sa iyong naobserbahan at nabalitaan, ano ang sakit na dengue?
4. Sino-sino ang dapat na may gawing pagkilos upang mapigilan ang sakit na ito?
5. Kalimitan sino ang nagiging biktima ng sakit na ito?

IV. Pagtataya

Basahin ang script at saguatan ang mga sumusunod na katanungan.

Mga tanong:

1. Sino ang magkaibigan?


a. Sina Beth at Lyn
b. Sina Jo at Lino
c. Sina France at Berto
d. Sina Ana at Buboy

2. Ano ang impormasyong nabasa nila sa paskilan?


a. Anunsiyo tungkol sa palabas sa paaralan.
b. Anunsiyo tungkol sa magaganap na sayawan.
c. Anunsiyo tungkol sa gaganaping paligsahan.
d. Anunsiyo tungkol sa gaganaping pagpupulong.

3. Kailan magaganap ang pagpupulong?


a. Sa huwebes
b. Sa linggo
c. Sa lunes
d. Sa biyernes

4. Sino ang kailangan dumalo sa pagpupulong?


a. Ang dadalo sa pagpupulong ay ang mga guro.
b. Ang dadalo sa pagpupulong ay ang mga kabataan
c. Ang dadalo sa pagpupulong ay ang mga kabataan.
d. Ang dadalo sa pagpupulong ay mga barangay health worker

5. Bakit kailangan dumalo sa pagpupulong ang kanilang mga magulang?


a. Para makapaghanda sa darating na pagtatapos.
b. Para mapabuti ang mga dapat gawin ng mga mag-aaral.
c. Para maintidihan at maunawaan ang mga pangangailangan ng bata.
d. Lahat ng sagot ay tama.

V. Takdang aralin

Sagutin ang mga katanungan.

Inihanda ni:

MARY JEI C. FONTANILLA


Guro

Binigyang-pansin nina:

ALAN A. LUCAS MICHAEL A. ABA


Dalubgurong Namamahala Punungguro

7th Matahimik St., Brgy. Malaya, 1101 Quezon City es.malaya@depedqc.ph


https://www.facebook.com/malaya.es.376 (02) 7728 – 75 – 66

You might also like