You are on page 1of 7

SANAYANG PAPEL SA PAGKATUTO SA FILIPINO 5

Gawain 3 Kuwarter 4

Pangalan: ______________________________________________________
Baitang / Pangkat: ________________ Petsa: ____________________

Saanman dumako ang iyong paningin, sa paaralan man o sa kalsada, kahit


sa sarili nating pamamahay ay may makikita kang suliranin o problema. Ang mga
ito ay ngangailangan ng solusyon. Ikaw bilang mag-aaral ay may magagawa rin
sa abot ng iyong makakaya. Ikaw ay magbibigay ng solusyon o lunas sa nakikita
mong suliranin.

Nakapagbibigay ng maaaring solusyon sa isang naobserbahang suliranin (F5PS-


IVe-9)
Napaghahambing ang iba’ibang dokumentaryo (F5PD-IVe-j-18)

A. Balik-aral
Balikan natin ang kahulugan ng sumusunod na salita? Tara! Bigyan natin
ito ng kasingkahulugan para maging malinaw.

1
1. naobserbahan – nakita
2. suliranin – problema
3. solusyon - lunas o kalutasan
4. Dokumentaryo – isang uri ng pelikula na nagbibigay ng impormasyon
kung saan ang kuwento ay tungkol sa mga totoong tao, totoong lugar
at nakabase sa mga totoong pangyayari.

B. Paliwanag:
May mga pangyayaring napapanood tayo sa telebisyon o youtube
na nagbibigay sa atin ng dagdag kaalaman. Isa na diyan ang mga
dokumentaryo na sumasalamin sa totoong nangyayari sa lipunan.
May mga pangyayari rin tayong nakikita na tayo mismo ang
makapagpapatunay. May mga naoobserbahan tayong mga suliranin. Mga
problemang kaya nating bigyan ng solusyon sa munti nating paraan.

C. Pagsasanay:
1. Panoorin ang isa sa mga dokumentaryo sa ibaba. Maaari itong mapanood
sa Youtube.
A.Paraisong Salat (https://www.youtube.com/watch?v=c_84riuTrvM)
B.Katas ng Lapas (https://www.youtube.com/watch?v=2nnZqipwyvg)
C.Kawayang Pangarap (https://www.youtube.com/watch?v=H8Mdyj8upo)

a. Ikaw, naranasan mo na rin bang magtrabaho para sa pamilya?


b. Ano ang madalas mong ginagawa tuwing walang pasok sa
eskuwela?
c. Araw-araw ka bang may pagkain at may baon sa pagpasok, kung
wala ano ang ginagawa ng magulang mo o ginagawa mo?
d. Bakit may mga batang nasasabak na sa mabigat na gawain kahit
nasa murang isip pa lang.
e. Alin ang mahalaga magtrabaho muna o pag-aaral? Bakit?
2. Masdan ang larawan sa ibaba. Anong suliranin ang ipinapakita nito?
Anong solusyon ang maaari mong maibahagi?

2
a. b.

# sariling larawan ng may akda # sariling larawan ng may akda


a.
Suliranin Solusyon

Masangsang ang amoy ng kanal Magkaroon na proyekto na bawat


bahay ay may sariling compost pit o
tapunan ng basura na may bakod.
Huwag gawing basurahan ang kanal.

Ang maruming tubig ay maaaring Gumawa ng ligtas na tapunan ng


magdulot ng malalang sakit sa tao at basura.
hayop. Maging aktibo sa proyektong
pangkalikasan
Pamamahayan ito ng lamok at dito Magkaroon ng kampanya na nauukol
sila mangingitlog sa paglilinis ng kapaligiran lalong
higit sa mga kanal.
b.
Suliranin Solusyon

3
Tandaan Mo:

Maging mapanuri at mapagmatyag sa mga nangyayari sa ating paligid. Bilang


batang nag-aaral ay mayroon tayong magagawa. Gawin nating tama ang mga
solusyon na ating naiisip at sabayan natin ng aksiyon. Malalagpasan natin ang
anumang pagsubok sa buhay basta tayo’y nagtutulungan at nagkakaisa.

D. Pagtataya
Masdan mo ang mga larawan. Magbigay ng posibleng solusyon sa
nakasulat na suliranin. Piliin ang letra ng tamang sagot at ilagay ito sa
patlang.

____1. Nauubos na ang puno sa gubat

___ 2. Pinasok ng tubig at putik ang


silid-aralan.

____ 3. Pagkain ng sobrang matatamis

4
____ 4. Walang suot na facemask

____ 5. Hindi nakikinig sa paliwanag


ng guro.

a. paghiwalayin ang b. mahigpit na ipasunod c. huwag masyadong


upuan upang iwas ang batas ukol sa dumalo sa mga handaan
kuwentuhan pangangalaga ng likas para iwas sa matatamis
na yaman gaya ng gubat
d. sundin ang standard e. Magtulungan. f. maging handa sa
health protocols sa Iwasang magpatayo ng panahon ng sakuna,
panahon ng pandemya mga gusali sa lumikas kung
mabababang lugar
kinakailangan.

5
Pagsasanay A
a
b.
c. magkakaroon ng iba-ibang sagot
d.
e.
Pagsasanay B. ( iba-iba ang maaaring tamang sagot )
b.
Suliranin Solusyon
Sirang silid-aralan Ireport ito sa Kagawaran ng Edukasyon
Makipagtulungan sa Parents Teachers’
Association ng paaralan
Maaari itong pamahayan ng mga ligaw Panatilihing maayos at malinis ang lugar
na hayop gaya ng ahas Huwag gawing tambakan ng mga sirang
gamit ang lugar..
Maaaring maaksidente ang mga bata o Magkaroon ng PTA rabus
bawat dadaan dahil sa sirang kawad ng Humingi ng ayuda sa lokal na
kuryente at sirang bubong. pamahalaan para sa pagpapaayos.

Pagtataya: 1. B. 2. E 3. C 4. D 5. A

Agarrado, Francia, Guerrero III, Gojo Cruz –Alab ng Puso batayang aklat 5

Inihanda ni:
MARILOU B. CHAVEZ
Guro III
Paaralang Sentral ng Sagňay
Purok ng Sagňay
Sangay ng Camarines Sur
Rehiyon V - Bikol
6

You might also like