You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Isabela State University Cauayan- Campus


Cauayan City, Isabela

DETALYADONG BANGHAY-ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO I

I. Layunin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Natutukoy ang iba’t ibang klase ng basurahan tulad ng nabubulok at di-nabubulok.


B. Nakakaguhit ng basurahan na may label na nabubulok at di-nabubulok.
C. Naipapamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagiging kalinisan sa loob ng
tahanan at paaralan.

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Nabubulok at Di-Nabubulok


B. Sanggunian: Internet/Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 1
C. Kagamitan: Powerpoint, Recycle
D. Integration: EsP
E. Value: Kahalagahan ng Pagihiwalay ng nabubulok at di-nabubulok

III. Pamamaraan:

GAWAING GURO GAWAING MAG- AARAL

A. Panimulang Gawain

1. Pagbati

Magandang Umaga Grade 1 Lily. Magandang umaga rin po, Ma'am!

2. Panalangin

Manatiling tumayo at tayo'y manalangin.


Opo ma'am!
(Manatiling nakatayo)

Tayo'y yumuko at manalangin sa ngalan ng ama,


ng anak ng espirito santo, Ama naming nasa langit, salamat po sa araw na
ito na muli nanaman ninyong ibinigay sa
amin, Salamat po sa pagakakatong ito na muli
nanaman kaming matuto ng maraming bagay,
salamat po sa ibinigay ninyo sa aming lakas
ng katawan upang makapasok sa eskwelahan,
nawa po ay gabayan mo ang bawat isa sa
amin na maisaisip at maisapuso ang bawat
leksyon na aming tatalakayin ngayon. Amen!

3. Pamamahala ng Silid-aralan

Bago Kayo umupo tingnan muna ninyo ang


inyo ilalim ng upuan tiyaking walang kalat at Pupulutin ang kalat na nakikita at aayusin ng
tiyaking maayos ang inyong mga upuan mga magaaral at aayusin ang kanilang mga
Salamat. upuan.

Maari na kayong maupo. Mga Bata: Salamat, titser!

4. Pagtitiyak sa mga
dumalo

Mayroon bang lumiban sa ating klase Mga Bata: Wala po, titser.
ngayong araw?

Mga Bata: Opo titser.


Ikinagagalak kong malaman na walang lumiban
sa ating klase ngayong araw

B. Paglinang na Gawain

1. Balik-aral

Kahapon ay pinag-aralan natin ang tungkol sa


“Kalinisan sa Kapaligiran”.
Mga bata: Opo titser.
Mga bata, ang inyong tahanan ba ay malinis?
Tumutulong ba kayo sa pagpapanatili sa kalinisan
Mga bata: Opo titser.
nito?

Mga Bata: Para maiwasan


Bakit mahalaga ang kaayusan at kalinisan ng magkasakit at
isang tahanan? magandang tingnan, titser.

Magaling mga bata, pinapanatili natin angMga Bata: Opo titser.


kalinisan upang maaliwalas at hindi tayo
magkasakit.

C. Pagsimula ng Bagong Aralin

1. Pagganyak

Mga Bata, tumingin kayo sa inyong paligid.

Ano ang inyong nakikita? Mga bata: Malinis titser.

Kayo ba ay naglilinis sa inyong kapaligiran?


Mga bata: Opo titser.

Kapag ba kayo ay naglilinis halo-halo ang


dumi? Mga bata: Opo titser.
Inihihiwalay ba ninyo ang mga plastic, lata,
mga balat ng saging, mga dahon at iba pa?
Mga bata: hindi po titser.
Ipinaghihiwalay natin ang mga lata, plastic,
sa mga dahon, balat ng saging sapagkat ang
mga lata at plastik ay di-nabubulok
samantalang ang mga dahon, balat ng saging
ay nabubulok.

Pagmasdan ang larawan.


Ano ang ginagawa ng bata?

Saan niya itinapon ang balat ng saging?


Mga bata: Nagtatapon titser.
Tama. Ilang uri ng basurahan mayroon sa
larawan?
Mga bata: Sa basurahan titser.

Magaling, may dalawang uri ng basurahan


ang nasa larawan. Mayroon ba kayo nito saMga bata: dalawa po titser.
inyong tahanan at paaralan?

Mga bata, alam nyo bang may kinalaman yan Mga bata: Opo titser.
sa ating tatalakayin ngayong araw, kaya
naman tututngo na tayo sab ago nating aralin
ngayong araw. Handa na ba kayo?

D. Paglalahad
Mga bata: Opo titser.
Mga bata, magbigay nga kayo ng halimbawa
ng isang nabubulok. Ano sa tingin ninyo ang
mga ito?

Tama ang mga ibinigay ninyong halimbawa.


Gaya na lamang ng tira- tirang pagkain tulad
ng isda, karne, gulay at mga buto, mga balat
ng prutas, gulay, rekado atbp. ay mga
halimbawa ng mga nabubulok na basura. Mga bata: balat ng saging, mga dahoon titser.

Ito ang uri ng basura na nabubulok. Ito ay


ginagamit bilang fertilizer o pataba sa lupa.

Ngayon naman ay magbigay kayo ng


halimbawa ng di-nabubulok na nakikita nyo
sa inyong kapaligiran.

Magaling mga bata ang mga sinabi nyo ay


naka label siya sa di-nabubulok na basura.
Ang mga halimbawa ng di-nabubulok ay
cardboard, baso, bote, basag na salamin, Mga bata: ang mga di-nabubulok ay gaya ng
lumang baterya, sirang electric bulb, plastic plastic, lata titser
cups, containers o gallon, styrofoam, bag
wrapper, rubber bands at strips at Metals.

Natutukoy natin na ito ay di-nabubulok kapag


ang isang bagay ay maaari pang i-recycle Ang
o mga bata ay nakikinig sa sinasabi ng guro.
maraming taon ang binibilang bago ito
matunaw.

Mahalagang paghiwalaying ang nabubulok at


di-nabubulok nab asura, upang sa ganun ay
maaari pa nating magamit ang di-nabubulok
at para maiwasang hindi nakakalat lamang sa
gilid-gilid. Upang mapanatili nating malinis
ang kapaligiran at maging patabain pa sa lupa
ang nabubulok

Naiintindihan ba ninyo ang pagkakaiba ng


nabubulok at di-nabubulok, mga bata?

Magaling mga bata!

Pangkatang Gawain:

Ngayon ay papangkatin ko kayo sa dalawang


grupo. Ang unang grupo na magkakasama ay
mga babae. Ang pangalawang grupo ay grupo
Mga bata: opo titser
ng mga lalaki.

Group 1:

Magbigay ng limang (5) nabubulok na basura.

Group 2:

Magbigay ng limang (5) di-nabubulok na


basura.
Group 1:
1.
2.
3.
E. Paglalahat 4.
5.
Ano ang dalawang uri ng basurahan?

Magbigay ng halimbawa ng nabubulok? Group 2:

1.
2.
Ano ang mga halimbawa ng di-nabubulok?
3.
4.
5.

Magaling mga bata.

Mga bata: nabubulok at di-nabubulok titser.


F. Pagpapahalaga

Tandaan: Mga bata: mga tirang pgkain, mga dahon, mga


Itapon ang mga basura sa tamang lalagyan. balat ng prutas titser.
Mahalaga ang kaalaman ng tao sa basura
dahil sa epekto nito sa ating kapaligiran.
Halimbawa na lamang ay ang masamang Mga bata: mga lata, plastic bag at mga basag na
naidudulot nito sa kalikasan gaya ng baha. baso.
Maaari rin itong magbigay ng sakit sa mga
mamamayan. Ang wastong pagtatapon ng
basura ay isang simpleng gawain na malaki
ang naitutulong sa sambayanan. Ugaliin ang
maayos na pagtatapon ng basura dahil kung
hindi, maaring magkakatotoo ang kasabihang
“Ang basurang itinapon mo ay babalik din
saiyo”.

G. Paglalapat

Pagtataya:
Mga bata: Opo titser.
a. Ipaliwanag kung tama o mali ang mga
sumusunod na pangungusap.

1. Ang lahat ng basura ay dapat itapon.


2. Ang paggamit na muli ng mga bagay na
hindi
na ginagamit ay makatutulong sa pagbawas
ng basura.
3. Mas maaliwalas ang kapaligiran kung ito
ay
palaging malinis at maayos.
4. May epekto sa iyong kalusugan ang iyong
kapaligiran.
5. Magiging ligtas ang batang tulad mo kung
maayos ang kapaligiran.

b. Gumuhit ng basurahan na may label


na nabubulok at di-nabubulok.

H. Takdang-Aralin

Pag-aralan ang larawan. Tulungan mo ang


bawat bata kung saan nila dapat ilagay ang
mga bagay na kanilang hawak. Sabihin ang
iyong sagot.
Inihanda ni:
NOVELYN L. DUCO
PRE-SERVICE TEACHER
PRINCESS PAULA V. RAMIREZ
RESOURCE TEACHER

You might also like