You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Division of Sarangani
Alabel 1 District
SOFAN INTEGRATED SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 6

I.LAYUNIN:

1.Natutukoy at nakikilala ang sanhi at bunga ng mga pangyayari

2.Nauugnay ang sanhi at bunga

II.PAKSANG ARALIN:
PAKSA: Sanhi at Bunga
SANGGUNIAN: Sinag ng Kaunlaran pp. 88-89
KAGAMITAN: mga larawan at plaskards
III.PAMAMARAAN:
A. PANIMULANG GAWAIN:
1.BALIK-ARAL: Mga uri ng pang-abay
2.PAGSASANAY: Gumamit ng plaskards.Basahin ang mga sumusunod.
*sanhi * bunga *dahilan *resulta
3.PAGGANYAK: Tanong.
a. Ano ang mangyayari kapag umalis ka ng bahay na hindi ka nagpapaalam?
b.Ano ang mangyayari kapag hindi mo diniligan ang mga halaman?
c. Ano ang maging resulta kung palagi kang maglalaro ng kompyuter?
B. PAGLINANG NA GAWAIN:
1.PAGLALAHAD: Magbigay ng mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng
sanhi at bunga. Ipakita ang mga larawan.

a. Pagtatapon ng mga basura sa ilog at dagat.


b.Sobrang pagkain ng matatamis na pagkain.
c. pagsigarilyo
2. PAGTALAKAY: Talakayin ang mga halimbawa o sitwasyong ibinigay. Ipaliwanag
kung ano ang sanhi at bunga.
3. PAGLALAHAT: Ano ang sanhi? Ano ang bunga?
4. PAGLALAPAT: Pag-ugnayin ang sanhi sa bunga ng bawat pangyayari.
A B
a. Madulas na kalsada a.sira ang ngipin
b. hindi nagsisipilyo b. nadapa ang bata
c. hindi marunong lumangoy c. gumamit ng salbabida
IV. PAGTATAYA: Tukuyin kung ang mga sumusunod ay sanhi o bunga.
1. __________ Magsuot palagi nang face mask.
__________ Maiwasan ang paghawa ng Covid-19.
2. __________Palagi siyang nagkakasakit.
__________ Mahilig kumain ng sitserya si Donald.
3. __________ Uminom siya ng maraming tubig.
__________ Uhaw na uhaw si Lino.
4. __________ Nakalimutan ni Diday ang kanyang pitaka.
__________ Hindi siya nakabili ng gatas.
5. __________ Hindi nakapagplantsa ng damit si Lea.
__________ Nagmadali siyang umalis.
V. TAKDANG ARALIN: Sagutan ang tanong.
Ano ang maaaring mangyari sa iyo kapag pumunta ka sa mataong lugar na walang suot
na face mask?

Inihanda ni:
MAPRIL VENUS B. ESTRELLER, T-1

You might also like