You are on page 1of 10

ANG TATAY KONG NANAY

ANO ANG NAPANSIN


NINYO SA LARAWAN?
Ang Tatay kong Nanay
Ang aming tatay ay laging nakaalalay
Sa lahat ng oras siya ay gumagabay
Magmula ng si nanay ay sumakabilang buhay
Siya na ang aming naging Tatay at Nanay

Kapag may problema ay sa kanya tatakbo


Sa mga aralin matiyaga siyang magtuturo
Siya rin ay mahusay na tagapag kuwento
Mahal na mahal niya ako, si Jun at Kuya Paolo
Ang Tatay kong NANAY

Sa anumang bagay siya’y maaasahan


Sa costume, sa baon at mga kuwentuhan
Siyarin ang aking matalik na kaibigan
Na aking karamay at lagi lang nariyan

Si Tatay ay mahusay rin sa kusina


Lahat ng paborito ko ay naluluto niya
Spaghetti,lasagna, carbonara,tinola
Kaya sa kanya, ako’y bilib na bilib talaga.
Ang TATAY kong NANAY

Idol namin siya sa maraming bagay


Isa siyang dentistang napakahusay
Maganda rin ang pananw niya sa buhay
Ayaw niyang kami’y nakikipag away

Kaya naman, Mahal na Mahal namin siya


Sinusunod namin mga payo at utos niya
Sa mga gawaing bahay ay tumutulong pa
Gusto naming Siya’y laging malusog at masaya
MGA KATANUNGAN MULA SA BINASA
• 1.Bakit tatay na nanay ang tawag ng bata sa kanyang
tatay?
• 2.Ano-ano ang mga nagagawa ng tatay para sa kanyang
mga anak?
3. Bakit labis na iniidolo at pinagmamalaki ng mga anak
ang kanilang tatay?
4. Sa iyong palagay, Ano kaya ang mangyayari sa mga
anak na pinalaki ng ganitong uri ng tatay?
PAGSUNOD SA PANUTO
1.Gumuhit sa bilog ng isang
emoticon na magpapakita sa
nararamdaman mo para sa tatay
sa binasa nating tula.
• 2.Sumulat ng magagandang
katangian ng tatay sa tatlong
kahon
• 3.Sa mahabang kahon ay
sumulat ng isang mensahe para
sa tatay dahil sa kanyang
pagiging mabuting ama.
Panghalip na Pamatlig
ang panghalip na pamatlig ay
humahalili sa ngalan ng tao, bagay, at
iba pa na tinuturo .
(ito, iyon, iyan, doon,diyan, niyan, atb)
PANAUHAN NG PANGHALIP PAMATLIG

UNANG IKALAWANG IKATLONG


PANAUHAN- PANAUHAN PANAUHAN-
malapit o hawak ng Ang pangngalang Iyon, niyon, ganoon,
gayon, doon, hayun
taong nagsasalita. itinuturo o
tinutukoy ay
malapit o hawak
ng taong
kinakausap.
Ito, ire, nito, nire, Iyan, niyan, ganyan, Iyon, niyon, ganoon,
diyan, at hayan gayon, doon, hayun,
ganito, ganire,
HANAPIN ANG PANGHALIP PAMATLIG SA PANGUNGUSAP AT
IBIGAY ANG PANAUHAN NITO.

1. Jun, ganito ang mga paraan sa paggawa ng


masarap na sandwich.
2. Una, maghugas ka muna ng kamay diyan sa lababo
3. Heto ang tinapay na lalagyan natin ng palaman.
4. Lagyan mo muna ng dahon ng lettuce.
5. Pagkatapos, kunin mo ang hiniwa kong keso at ham
doon sa ref.
THANK YOU !!!!

You might also like