You are on page 1of 4

NATIVIDAD DISTRICT

SAN MAXIMO ELEMENTARY SCHOOL

Banghay-Aralin sa Filipino V
UGNAYANG SANHI AT BUNGA
Pebrero 4, 2020
2:30-3:20PM
I. Mga Layunin:
-Naipapakita ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pagkaunawa sa
napakinggan
-Naibibigay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari
-Nakikiisa sa pangkatang gawain

II. Paksang-Aralin
A. Paksa: Ugnayang Sanhi at Bunga
B. Mga Kagamitan: Manila paper, panulat, crayons, laptop, tv,
video clip, power point presentation
C. References: Manwal ng Guro at Batayang aklat “Alab Filipino 5”p.74,
Misosa 6 SIM #1, https://www.youtube.com/watch?
III. Mga Proseso ng Pagkatuto:
A. 1. Drill
Maglaro tayo!
- Scrambled letters
Panuto: Ayusin ang mga letra upang mabuo ang mga salita na may
kaugnayan sa mga isyung pangkapaligiran.

1. 2.Pagdami ng 3.
A A S R A P L U
B H B U Y S O
A N O

4. 5.
D E F O S O I R
N A T L S O E
S E R S I N RO
T I T O

2. Balik-aral
-Ano-ano ang mga karaniwang dahilan ng….
1. baha
2. pagdami ng basura
3. polusyon
4. pagkakalbo ng kagubatan o deforestation
5. pagguho ng lupa o soil erosion
3. Pagganyak
-Ipanood ang video clip tungkol sa Clean-up Drive sa Manila Bay
(https://www.youtube.com)
-Tungkol saan ang napanood na video clip?
-Bakit kailangang linisin ang lugar?
-Paano nagkaroon ng maraming basura sa paligid nito?
-Ano ang ibinunga nito?

B. Paglalahad
-Ipakita ang larawan ng Maranum Falls. Ano ang masasabi niyo sa larawan?
Alam niyo bang malinis at maganda rin ang Ilog Pasig?
-Ipabasa ang tungkol sa Ilog Pasig.
-Talakayan
1. Ano-ano ang dahilan ng pagkasira ng Ilog Pasig?
2. Ano-ano ang mga epekto ng pagkasira ng Ilog Pasig?
3. Bilang kabataan,paano ka makatutulong upang maibalik ito sa dati?
C. Pangkatang Gawain
Pangkat 1- Isulat ang sanhi ng sumusunod na kinalabasan.
1. ________________________Mababang grado.
2. ________________________Nagkasakit ng ulcer.
3. ________________________Iniwan ng mga kasamahan.
Pangkat 2- Isulat ang maaaring bunga ng mga nakalahad na sanhi.
1. Laging nagpupuyat sa gabi.________________________
2. Nasiraan ng sasakyan sa daan._____________________
3. Mahilig sa kendi, softdrinks at sitserya._______________
Pangkat 3- Isulat ang sanhi at bunga ng bawat kalagayan.
1. Nagwawalang bahala si Jay sa pagsusulit, lumagpak siya.
Sanhi:__________________________________________
Bunga:_________________________________________
2. Huwarang mag-aaral si Mayumi kaya pinarangalan siya.
Sanhi:__________________________________________
Bunga:_________________________________________
3. Palaging nagtutulungan ang kasapi sa pamilyani Mang Mar
kaya nakaraos sila.
Sanhi:___________________________________________
Bunga:__________________________________________
Pangkat 4- Iguhit ang ating mga kabundukan noon at ngayon.
Pangkat 5- Magtanghal ng dula-dulaan na nagpapakita ng sanhi at bunga.
RUBRICS SA PANGKATANG GAWAIN
CRITERIA Pangkat 1 Pangkat 2 Pangkat 3 Pangkat 4 Pangkat 5

Partisipasyon
(2pts.)
Presentasyon
(2pts.)
Nilalaman
(2pts.)
Disiplina
(2pts.)
Timeliness
(2pts.)
Total
(10pts)

-Presentasyon ng bawat grupo


-Pagbibigay marka sa bawat grupo

D. Paglalahat:
Paano natin maibibigay ang sanhi at bunga sa pangyayari?
Ang pagbibigay ng sanhi at bunga ay may mga dahilan ang bawat pangyayari. Dapat
matukoy na mabuti ang sanhi upang malutas kung ito’y nagdudulot ng suliranin
upang maging maganda ang bunga.

E. Paglalapat:
Paano mo maipapakita ang pagmamahal mo sa ating inang kalikasan?

IV. Pagtataya:
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang letra ng
tamang sagot.
1.Ito ay tinatawag ding dahilan ng isang pangyayari o mga pangyayari.
a. bunga b. epekto c. resulta d. sanhi
2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasama sa bunga ng paglaki ng populasyon?
a. pagsikip ng lugar c. Pagkonti ng mga basura
b. kakulangan sa pagkain d. pagdami ng mga sasakyan
3. Ano ang gagawin mo kapag mababa ang grado mo noong ikatlong markahan?
a. Mag-aaral mabuti.
b. Makikilahok sa mga gawaing pampaaralan.
c. Paglalaanan ko ng oras ang laging pagbabasa.
d. Lahat ng nabanggit.
4.Bakit hindi dapat mag-aksaya ng papel?Dahil...
a. napakamahal nito
b. galing ito sa puno
c. makatutulong tayo sa kalikasan
d. b at c
5. Gumawa ng listahan upang makatulong sa pagbawas ng basura sa paligid.
I. Magresiklo.
II. Huwag kumain ng marami.
III. Gumamit ng eco-bag kapag mamamalengke.
IV. Iwasan ang labis na paggamit ng plastic na supot.
a. I at II
b. II at III
c. I, II at III
d. I, III at IV

V. Pagpapahusay ng Gawain

Makipanayam sa mga ka-barangay kung ano-anong buting dulot ng pagreresiklo.

Inihanda ni:
DONABELLA N. NABOA
Teacher III
Iwinasto ni:
LIGAYA L. LEAL, MT II
OIC, Office of the Principal

You might also like