You are on page 1of 6

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY

INSTITUTE OF TEACHING AND LEARNING


Baitang 5 Filipino
Banghay-aralin sa Baitang 5

MAHALAGANG MAHAHALAGANG GURONG


TEMA PAKSA
KONSEPTO TANONG NAGSASANAY

Aking Bansa Ang Pilipinas ay may Ano-ano ang yaman - Ang Tamang 1. Mamaril,
iba’t ibang ng bansa? Inumin Klaudette
pinagkukunan ng (Maikling 2. Olaer, May
yaman (hal. enerhiya, Kuwento) Ann
mga mineral). - Pang-abay na 3. Paquibulan,
Pamaraan Michelle Kate
4. Rodriguez,
Jheanne
Vhernie

NILALAMAN, PAMANTAYANG PANGNILALAMAN at MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO

NILALAMAN PAMANTAYANG PAMANTAYAN SA KODA MGA KASANAYANG


PANGNILALAMAN PAGGANAP PAMPAGKATUTO

Pang-abay na Naipamamalas ang Nakasusulat ng isang F5WG-IIIa-c-6 Nagagamit ang


Pamaraan kakayahan at tatas sa tula o kuwento at pang-abay sa
pagsasalita sa talatang naglalahad paglalarawan ng kilos.
pagpapahayag ng ng opinyon o
sariling ideya, reaksyon.
kaisipan, karanasan, at
damdamin.

Panimula

Ikatlong Markahan Paksa: Petsa: Abril 22, 2022


Ang Tamang Inumin (Maikling
Kuwento)
Pang-abay na Pamaraan

Mga Layunin: Mahahalagang Kaisipan:

Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Ang tamang bilang at dalas ng pag-inom ng tubig sa
A. Natukoy ang pang-abay na pamaraan sa isang araw ay makatutulong para maging malusog at
pangungusap. makaiwas sa sakit.
B. Naipaliwanag ang kahalagahan ng mga yamang 2. Ang mga likas na yaman ng Pilipinas ay mga yamang
lupa, tubig, gubat, mineral at tao. lupa, tubig, gubat, mineral, at tao.
C. Nakabuo ng islogan gamit ang pang-abay na 3. Ang pang-abay na pamaraan ay naglalarawan kung
pamaraan. paano ginawa, ginagawa, at gagawin ang kilos.

Mga Kagamitan: Zoom, Jamboard, PPT Presentation, Duyan Mga Sanggunian:


Bagyong Agaton, nagdulot ng pagguho ng lupa at
malalim na baha sa Leyte | UB
denr.gov.ph/Mga Gabay sa Pagtitipid ng Tubig
Duyan (Pahina 183, 240-242)
water.org/Philippines' water and sanitation crisis

Mga Gawaing Pampagkatuto


PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
INSTITUTE OF TEACHING AND LEARNING
Baitang 5 Filipino

Gawain Pang-Asinkronus 1: Paboritong Inumin

Panuto: Ilagay ang larawan ng iyong tatlong (3) paboritong inumin sa bawat baso batay
sa ranggo nito.

Mga ranggo:
1st - iyong pinakapaborito
2nd - sumunod na paborito
3rd - iyong ikatlong paborito

M
Motivate
(Pagganyak)

Gawain Pang-Asinkronus 2: Pagbasa ng Teksto

Panuto: Basahin ang tekstong “Ang Tamang Inumin” na makikita sa pahina 241-242 ng
inyong aklat. Sagutin ang mga gabay na tanong tungkol dito at isulat ang sagot sa
inyong kuwaderno.

Gabay na Tanong:

E 1.

2.
Ano sa iyong palagay ang dahilan kung bakit softdrinks ang gustong inumin ni
Noemi?
Ano ang maaaring kahinatnan ni Noemi kung patuloy siyang iinom ng
Explore softdrinks?
3. Mula sa balitang ipinabasa ni Aling Tinay kay Noemi, ano-ano ang tamang
(Pag-alam) pag-inom ng tubig?
4. Ginagawa mo rin ba ang ilan sa mga nasa listahan sa balita na ipinabasa kay
Noemi?
5. Kung maisasagawa ng bawat isa ang tamang pag-inom ng tubig, ano ang
kahihinatnan ng bawat isa sa atin?

A. Pagganyak / Pagbabalik-aral

D
Gawain 1: Kumustahan

Kukumustahin ang mga mag-aaral tungkol sa kanilang mga ginawa noong


nagdaang linggo. Pipili ang guro ng 2-3 mag-aaral na magbabahagi. Babalikan
din ang mga nakaraang aralin.
Discuss
(Pagtalakay) Gabay na Tanong:

1. Ano ang mga uri ng pang-abay?


PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
INSTITUTE OF TEACHING AND LEARNING
Baitang 5 Filipino

2. Ano ang pinagkaiba ng pang-abay panlunan at pang-abay pamanahon?

B. Pag-aalis ng Sagabal
Gawain 2: Talasalitaan
Panuto: Pipiliin ng mga mag-aaral mula sa kahon ng mga talasalitaan ang
angkop na salita sa pangungusap.

Mga Salita:

● Lagok
● Dehydrated
● Alta-presyon
● Benepisyo
● Asido
● Impeksiyon

Mga Pangungusap:

1. Maraming __________ ang nakukuha sa pag-inom ng tubig.


2. Kapag uminom ka ng tubig, nililinis nito ang ___________ sa iyong tiyan.
3. Hindi biglaan ang pag-inom ng tubig, dapat 3-4 na ____________.
4. Kailangan na uminom tayo ng tubig pagkagising, dahil ___________ tayo sa
magdamag.
5. Sa mga may _________, magtanong muna sa mga doktor kung nais uminom ng
maraming tubig.

C. Paglalahad

1. Pagtalakay sa tekstong ‘Ang Tamang Inumin’.

Gawain 3: Sang-ayon at Di Sang-ayon


Panuto: Sasagot ang mga mag-aaral sa Jamboard kung sila ay sang-ayon o di
sang-ayon sa mga sumusunod na pahayag:

1. Mabuti sa kalusugan ang kinahihiligang pamatid-uhaw ni Noemi.


2. Mahalagang uminom ng walo hanggang labindalawang basong tubig
sa loob ng isang araw.
3. Madalas na pag-inom ng tubig ay nakatutulong sa pagpapagaling ng
ubo, sipon at iba pang mga sakit.
4. Ang tubig ay bahagi ng yaman ng bansa.

Gabay na Tanong:
1. Ano sa palagay ninyo ang dahilan kung bakit softdrinks ang gustong
inumin ni Noemi?
2. Sa tingin ninyo ano ang maaaring kahihinatnan ni Noemi kung patuloy
siyang iinom ng softdrinks?
3. Mula sa balitang ipinabasa ni Aling Tinay kay Noemi, ano-ano ang
tamang pag-inom ng tubig?
4. Ginagawa mo rin ba ang ilan sa mga nasa listahan sa balita na
ipinabasa kay Noemi?
5. Kung maisasagawa ng bawat isa ang tamang pag-inom ng tubig, ano
ang kahihinatnan ng bawat isa sa atin?
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
INSTITUTE OF TEACHING AND LEARNING
Baitang 5 Filipino

2. Pagtalakay ng mga likas na yaman sa bansa.


Trivia: Ayon sa mga pagtataya, mayroong tatlong (3) milyong Pilipino ang hindi
nakatatanggap at nakagagamit ng sapat at ligtas na tubig.

Balita:

3. Pagtalakay ng pang-abay na pamaraan at ang gamit nito sa pangungusap.

Halimbawang mga pangungusap:


1. Siguraduhing nakasara nang mahigpit ang mga gripo sa tahanan.
2. Huwag maligo nang matagal.
3. Maayos na mag-imbak ng tubig-ulan.
4. Masinop na magdilig ng halaman bago at pagkatapos sumikat ng araw.

D. Pagsasanay
Pasasagutan sa mga mag-aaral ang Sanay-Wika, Bahagi A sa pahina 183 ng
aklat. Bibigyan ang mga mag-aaral ng 5 minuto para sagutan ito.

Sanay-Wika A

Panuto: Salungguhitan ang pang-abay na pamaraan sa loob ng pangungusap.

1. Banayad ang haplos ng hanging amihan sa mga kabukiran.


2. Ang mga kahoy mula sa kagubatan ay maingat nilang sinalansan.
3. Masinop nilang inilagay sa mga sako ang ipa ng mga palay.
4. Ang mga mangingisda ay mahinahong gumaod sa ilog.
5. Maayos nilang iniligpit ang mga lumang gamit.

Mga Sagot:
1. Banayad
2. Maingat
3. Masinop
4. Mahinahon
5. Maayos

E. Paglalapat
Magkakaroon ang guro ng pagtalakay tungkol sa pagpapahalaga ng mga
yaman ng bansa.
- Bakit mahalagang pahalagahan ang mga yaman ng bansa?
- Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga likas na yaman?
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
INSTITUTE OF TEACHING AND LEARNING
Baitang 5 Filipino

I
Innovate
(Pagbuo)
Gawaing Pang-Asinkronus: ISLOGAN

Panuto:
1. Bumuo ng isang islogan na may angkop na guhit o disenyo tungkol sa
pagpapahalaga ng mga likas na yaman ng Pilipinas.
2. Kinakailangang gumamit ng isa (1) o higit pang pang-abay na pamaraan sa
gagawing islogan.
3. Sa hiwalay na papel, sumulat ng paliwanag tungkol sa nabuong islogan nang
hindi hihigit sa limang (5) pangungusap.
4. Ang guhit o disenyo ay maaaring digital (hal. paint, canva, photoshop) o
tradisyonal (hal. paggamit ng watercolor, crayon).

Pamantay Iskor
an

Nilalaman 10
May buong
diwa at

A
makabuluh
an ang
nabuong
islogan.
Assess Nakagamit
ng isa (1) o
(Pagtataya) higit pang
pang-abay
na
pamaraan.

Kasininga 5
n
Nilapatan
ng
pagkamali
khain sa
pamamagi
tan ng
paglalagay
ng disenyo
o guhit sa
islogan.

Pagpapali 5
wanag
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
INSTITUTE OF TEACHING AND LEARNING
Baitang 5 Filipino

Malinaw na
naipaliwan
ag sa 3 - 5
pangungus
ap.

Kabuoang 20
Iskor:

Inihanda nina:

MAMARIL, KLAUDETTE (mamaril.kc@pnu.edu.ph)


OLAER, MAY ANN (olaer.mam@pnu.edu.ph)
PAQUIBULAN, MICHELLE KATE (paquibulan.mkp@pnu.edu.ph)
RODRIGUEZ, JHEANNE VHERNIE (rodriguez.jv@pnu.edu.ph)
Gurong Nagsasanay (Baitang 5 Filipino), PNU-ITL

You might also like