You are on page 1of 3

KWARTER: 1 Bilang: 4

Pangalan: ____________________________________________________________________________
Baitang/Seksyon: _______________________________Petsa: ______________________________

Paksa: SANHI AT BUNGA


Batayang Aklat: Panitikang Rehiyunal 7

I. PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO


 Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari - F7PB-Id-e-3

II. PANIMULANG KONSEPTO


Ang maayos na pag-uugnayan ng mga salita, parirala at pangungusap ay
mahalagang sangkap para sa malinaw, lohikal at mabisang paglalahad. Sa
pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang pang-ugnay ay higit na nabibigyang-diin ang
layunin sa pagpapahayag. Isa na rito ang pagbibigay ng sanhi at bunga. Ang paggamit
ng kasanayang sanhi at bunga ay higit na nakapagpapaliwanag at nakapaglalarawan
kung bakit naganap ang isang pangyayari at kung ano ang nagiging epekto nito.
Ang Sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Ito ay
nagsasabi ng mga kadahilanan ng mga pangyayari. Ginagamit ang mga pang-ugnay na
sapagkat/pagkat, dahil/dahilan sa, palibhasa, kasi, naging, sanhi nito na nagpapakita
ng sanhi o dahilan. Ang Bunga ay ang resulta, kinalabasan o dulot ng pangyayari. Ito
ang epekto ng kadahilanan ng pangyayari. Madalas ginagamit ang mga pang-ugnay na
kaya/kaya naman, dahil dito, bunga nito, tuloy sa pangungusap na nagpapahayag ng
bunga o resulta. . Sa malayang likha ng pagtatahi ng kuwento, hindi kailangang laging
nauuna ang sanhi sa bunga. Sa paglalahad ng kuwento, maaring mauna ang bunga sa
pagsasalaysay.
Ilang halimbawa ng pangungusap na nagpapakita ng ugnayang Sanhi at Bunga ay
ang mga sumusunod:
(Ang pariralang may salungguhit ng isa ay nagpapahayag ng Sanhi at ang pariralang
mayroong dalawang guhit ay nagpapakita ng Bunga)
1. Dahil paulit-ulit na sinabi ni Anita ang numero ng cellphone ng kanyang kaibigan,
nasaulo niya ito.
2. Tumaas hanggang tuhod ang tubig baha kung kaya’t lumikas na ang mga tao
mula sa kanilang bahay.
3. Nagluto ng espesyal na almusal ang magkakapatid pagkat nais nilang masorpresa
ang Nanay sa kanyang kaarawan.

III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO


PAGSANAYAN MO!
PAGSASANAY I. Panuto: Bumuo ng pangungusap na pinag-uugnay ang dalawang larawan.
Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno.
PAGSASANAY II. Panuto: Basahin ang isang kuwento na may pamagat na “Kapitan Idol” na
sinulat ni Geraldine V. Nones sa iyong Modyul sa Filipino na nasa pahina 3-5. Pagkatapos
mabasa, sagutin ang mga sumusunod na tanong mula sa akdang binasa upang maipaliwanag
ang sanhi o bunga ng pangyayari sa akda. Isulat ang iyong sagot sa papel.
1. Bakit di naiwasang hindi lumapit ang may akda sa Barangay Hall ng kanilang lugar?
2. Ano ang epekto kapag natuloy ang pagpapatayo ng pabrika sa barangay?
3. Paano nakakaapekto ang maruming paligid sa mga pananim ayon kay Mang Lito?
4. Ano ang damdamin ng ng mga residente dulot ng planong pagpapatayo ng pabrika sa
barangay?
5. Ibigay ang oportunidad na magbubukas sa mga naninirahan na walang trabaho.
PAGSASANAY III. Pagmasdang mabuti ang kasunod na larawan. Bumuo ng 5 pangungusap ng
nagpapaliwanag ng sanhi at bunga batay dito. Gumamit ng mga pang-ugnay na ginagamit sa
sanhi at bunga.
B. PAGTATAYA Panuto: Gumawa ng FAS (form a sentence) o pagbuo ng pangungusap mula sa
salitang TEKNOLOHIYA gamit ang bawat letra nito. Tiyaking magkakaugnay ang mga
pangungusap na binuo. Isaalang- alang ang paggamit ng pang-ugnay na nagpapahayag ng mga
magiging sanhi at bunga ng tamang paggamit ng teknolohiya.
T–
E–
K–
N–
O–
L–
O–
H–
I–
Y–
A–

IV. RUBRIKS SA PAGPUPUNTOS


Malinaw, maayos at magkakaugnay ang mga pangungusap na nabuo…………………….10 puntos
Gumamit ng mga pahayag at pang-ugnay na nagpapakita ng sanhi at bunga……………10 puntos
May Orihinalidad ng linikhang FAS……………………………..…………………………………..10 puntos
Kabuuang Puntos………………….30 puntos
V. SUSI SA PAGWAWASTO
A. PAGSANAYAN MO
PAGSASANAY I. Anumang sagot ng mag-aaral ay maaring tanggapin ng guro.
PAGSASANAY II. Anumang sagot ng mag-aaral ay maaring tanggapin ng guro.
PAGSASANAY II. Anumang sagot ng mag-aaral ay maaring tanggapin ng guro.

VI. SANGGUNIAN
Astillero, Analiza P. et al.,2020, Filipino, Kwarter 1-Modyul 4, Sanhi at Bunga,
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon V
https://www.google.com/search?q=sanhi+at+bunga+halimbawa
https://www.google.com/search?q=hudyat+ng+sanhi+at+bunga+halimbawa

Inihanda ni: Tiniyak ang kalidad nina: Nabatid:

MARIA CHARLENE O. OBISPO, MIKIY GABARDA,MT-II ARLENE B. ONTORIA, HT-I


T-I DNCHS School Head
DNCHS-SCE Donsol East I
Donsol West II

MARLA ATAIZA, HT-III FERNANDO N. NEGRITE,


DNCHS Donsol West II, OIC/PSDS
Donsol East I

You might also like