You are on page 1of 2

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7

Pangalan:______________________________________________ Guro:
Baitang at Seksyon:______________________________________ Petsa:_______________________ Iskor

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang.


____1. Kuwentong nagpasalin-salin sa bibig ng matatanda tungkol sa kanilang lugar, kaugalian at pamumuhay.
a. maikling kuwento b. kuwentong-bayan c. pabula d. epiko
____2. Isang akdang pampanitikan na nagbibigay ng aral at kadalasang gumagamit ng mga hayop, puno, o bagay bilang
tauhan.
a. maikling-kuwento b. kuwentong-bayan c. pabula d. epiko
____3. Salaysay na may isang kakintalan hinggil sa mahalagang pangyayari na kinasasangkutan ng isa o higit pang
tauhan.
a. maikling kuwento b. kuwentong-bayan c. pabula d. epiko
____4. Akdang pampanitikan hinggil sa kabayanihan, katapangan, at pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan sa gitna
ng mga pangyayaring di kapani-paniwala
a. maikling kuwento b. kuwentong-bayan c. pabula d. epiko
____5. Elemento ng maikling kuwento na siya ang kumikilos at gumaganap sa isang kuwento.
a. Tunggalian b. tauhan c. Tagpuan d. kakalasan
____6. Elemento ng maikling kuwento, dito nagaganap ang paglalaban ng pangunahing tauhan at ang sumasalungat sa
kaniya
a. Tunggalian b. tauhan c. Tagpuan d. kakalasan
____7. Ang lugar kung saan nangyari o ginanap ang kuwento.
a. tauhan b. tagpuan c. kasukdulan d. wakas
____8. Elemento ng pabula na naglalahad ng mahalagang kaispan.
a. tauhan b. tagpuan c. banghay d. aral
____9. Elemento ng pabula tungkol sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
a. tauhan b. tagpuan c. banghay d. aral
____10. Ang mga pang-ugnay na sa katunayan, ang totoo, at sadyang ay nagagamit kapag ikaw ay
a. nanghihikayat b. nagpapatunay c. nagpapaliwanag d. nagdududa
____11. Hindi sana kami naghihirap ngayon_____hindi dahil sa mga magnanakaw.
a. kung b. sakali c. kapag d. disin sana’y
____12. Wala nang dapat lumabas ng silid-aralan_____oras na ng klase.
a. Kung b. sakali c. kapag d. disin sana’y
____13. Pakisabi na magluto siya ng hapunan______mang gabihin ako ng pag-uwi.
a. Kung b. sakali c. kapag d. disin sana’y
____14. Kung ako’y naging seryoso sa pag-aaral_______di ako naghihirap ng ganito sa buhay.
a. kung b. sakali c. kapag d. disin sana’y
____15. ____ nakinig din sana ang mga kapatid niya, marahil ay magtagumpay sila.
a. kung b. sakali c. kapag d. disin sana’y

Panuto: Isulat ang PS kung ito ay nagpapahayag ng posibilidad at PT naman kung ito nagpapahayag ng patunay
____16. Talagang ang laki ng pagbabago ng kapaligiran sa pagpapalit ng pinuno sa pamahalaan.
____17. Posibleng manatili ka sa trabaho kung pagbubutihin mo.
____18. Sadyang nakakatuwa ang mga gawaing inihanda ng mag-aaral kahpon.
____19. Marahil ay nagsisisi rin siya sa kanyang ginawa
____20. Siguro ay parating na ang hinihintay kong bisita.

Panuto: Isulat ang S kung nagsasaad ng sanhi at B naman kung bunga


____21. Masisira ang kalikasan kasi sa labis ng pagputol ng puno.
____22. Magaling si Kapitan kaya maraming humahanga sa kaniya
____23. Nag-aral nang mabuti si Pedro dulot nito siya ay nakapasa sa pagsusulit.
____24. Sumakit ang ngipin ni Juan dahil kumain siya ng maraming tsokolate
____25. Dahil sa pagtapon ng basura sa ilog ay dumumi ang tubig.

Panuto: Pagtapat-tapatin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.
A
B
____26. Bumabagyo
a. Pautos
____27. Walang tao
b. Temporal
____28. Salamat po
c. Eksistensiyal
____29. Naku!
d. Modal
____30. Mamaya na
e. Penominal
____31. Gusto kiota
f. Pagtawag
____32. Takbo na
g. Paghanga
____33. Tara na
h. Pakiusap
____34. Pakidala iyan
i. Sambitla
____35. Ang galing!
j. Pormulasyong panlipunan
Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag ay nagsasaad ng tama at M naman kung mali

____36. Ang pagkakaroon ng tamang target audience ay hindi mahalaga sa pagbuo ng epektibong patalastas
____37. Ang Patalastas ay kilala rin bilang mga advertisement o ads.
____38. Ang Patalastas ay nakakasira sa ating ekonomiya at buhay.
____39. Ang Telebisyon at Radyo ay isang uri ng patalastas.
____40. Ang malinaw at maayos na paglalahad ng impormasyon ay isa sa mga katangian ng patalastas.

Ihinanda ni:
__________________________

Guro ng Fil.7 Zinnia

Itinasa ni:
_____________________

Ulo ng Acad. Affairs

Tinanggap bilang pagtitibay ni: Petsa ng pagbalik ng resulta ng pagsusulit ng mag-aaral:

_______________________________________ ________________________________________________
Pangalan at lagda ng magulang o tagapagbantay

You might also like