You are on page 1of 2

MALAMASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7

I – MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. Naibibigay ang kahulugan ng mga salitang ginamit batay sa denotasyon at konotasyon
nito.
b. Nagagamit ang denotasyon at konotasyon sa pangungusap
c. Nabibigyang halaga ang paggamit ng denotasyon at konotasyon sa pagsulat.

II – PAKSANG ARALIN: Denotasyon at Konotasyon


Sanggunian: Ikapitong Baitang, Alternative Delivery Mode, Modyul 3: Iba’t ibang paraan sa
pagpapakahulugan ng salita Pagpapangkat, Konteksto, Kasingkahulugan at Kasalungat, at
Konotasyon at Denotasyon) Unang Edisyon, 2020
Mga kagamitan: Speaker, Laptop, PowerPoint Presentation

III – PAMAMARAAN
A. Mga Panimulang Gawain
Panalangin
Pagbati
Pagtyek ng liban sa klase
B. Balik-aral
Magbabalik tanaw sa kahapong talakayan tungkol sa kasingkahulugan, kasalungat at
pagpapangkat ng mga salita.
C. Pagganyak
Magpapakita ng mga larawan at bibigyang impresyon ng mga mag-aaral.

Panuto: Pansinin at ianalisa ang larawan. Ibigay ang unang impresyon at pagkakaunawa na
iyong naisip o nabuo hinggil dito

D. Paglalahad
Ang ating aralin sa araw na ito ay tungkol sa Denotasyon at Konotasyon.

E. Pagtatalakay
Tatalakayin ang Denotasyon at Konotasyon sa klase.
F. Paglalapat
Magbibigay ng mga pagsasanay na may kaugnayan sa paksang tinalakay.
Gawain 1: “Hulaan Mo”
Panuto: Tukuyin kung ang pangungusap ay Denotasyon at Konotasyon.
Gawain 2: “Larahulugan”
Panuto: Magbigay ng pangungusap gamit ang denotasyon at konotasyon batay sa mga
larawang ipapakita.
G. Pagpapahalaga
Sasagutan ang mga sumusunod:
Ano ang kahalagahan ng denotasyon at konotasyon?
Paano mo ito maisasabuhay?
H. Paglalahat
Sasagutan ang mga sumusunod:
Muli ano ang aralin na ating tinalakay?
Ano ang pinagkaiba ng denotasyon sa konotasyon?
Ano ang gamit denotasyon at konotasyon sa pangungusap?

IV. PAGTATAYA
Panuto: Isulat sa patlang ang D kung ang pangungusap ay Denotasyon at K naman kung
Konotasyon. Bilugan ang salitang ginamit sa pagpapakahulugan. 2 puntos ang katumbas ng
bawat bilang
_______1. Maliwanag ang ilaw sa aming tahanan.
_______2. Maraming kalapati ang nagliliparan sa himpapawid, isang umaga nang ako ay magising sa
aming probinsiya
_______3. Isang malaking bundok ang pasan-pasan niya simula nang mamatay ang kaniyang asawa.
_______4. Mapait na karanasan ang sinapit ng ina sa pagtatrabaho sa ibang bansa.
_______5. Tadtad ng barya ang binti ng dalaga.

V. TAKDANG ARALIN
Gumawa ng isang malayang tula na may apat na taludtod sa isang saknong gamit ang
denotasyon at konotasyon.

Inihanda:
JONA E. SOBERANO, T-I

You might also like