You are on page 1of 8

BANGHAY ARALIN SA BAITANG 7

UNANG MARKAHAN ARALIN 1


Panitikan: Pabula
Wika: Mga Ekspresyon ng Posibilidad
Bilang ng Araw: Lunes

I. LAYUNIN
 Nailalarawan ang isang kakilala na may pagkakatulad sa karakter ng isang tauhan sa napanood na
animation. (F7PD-Ic-d-2)
 Naibabahagi ang sariling pananaw at saloobin sa pagiging karapat- dapat / di karapat- dapat ng paggamit ng
mga hayop bilang mga tauhan sa pabula. (F7PS-Ic-d-2)

II. PAKSA: Pagkilala sa Pabula


Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian: Panitikang Rehiyonal pp.
ng Araw: lunes

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
• Pagtatala ng Liban
• Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
• Balik- Aral

A. Pagganyak
o Mungkahing Estratehiya (ANG GUSTO KONG ALAGA)
o Magbabahagi ang mga mag-aaral ng hayop na inaalagaan nila sa kanilang tahanan at ang dahilan kung
bakit sila nag-aalaga ng mga ganitong hayop.

B. Paglalahad
Mungkahing Estratehiya (WATCH AND LEARN)
Pagpapanood ng video clip mula sa youtube ng isang halimbawa ng pabula.

C. Pagtalakay
Pagtalakay at pagbibigay na mga tanong tungkol sa napanood para sa interaktbong talakayan.
Pagbibigay ng input ng guro at karadagang kaalaman tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng pabula.

D. Paglalapat
Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga Gawain na may kaugnayan sa talakayan.
Mungkahing Estratehiya (THINK AND SHARE) at (GUESSING GAME)

E. Paglalahat
Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga Gawain na may kaugnayan sa talakayan upang matukoy ang
pangkalahatang konsepto ng aralin.

IV. KASUNDUAN
1. Magsaliksik ng isang pabulang tagalog at ibigay ang buod nito.
2. Basahin ang akdang “Aso at Ang Leon”. Isulat ang buod nito sa inyong kwaderno.
BANGHAY ARALIN SA BAITANG 7
UNANG MARKAHAN ARALIN 1
Panitikan: Pabula
Wika: Mga Ekspresyon ng Posibilidad
Bilang ng Araw: Martes

I.LAYUNIN
a. Nahihinuha ang kinalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakinggan. (F7PN-Ic-d-2)
b. Natutukoy at naipaliliwanag ang mahahalagang kaisipan sa binasang akda. (F7PB-Ic-d-2)
c. Napatutunayang nagbabago ang kahulugan ng mga salitang naglalarawan batay sa ginamit na panlapi.
(F7PT-Ic-d-2)

II. PAKSA
Panitikan: Kinalabasan ng mga Pangyayari sa Pabula-
Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian:
Bilang ng Araw: Martes

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
• Pagtatala ng Liban
• Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
• Balik- Aral

A. Motibasyon
o Magpapanood ang guro ng balita tungkol sa mga panlolokong nagaganap sa kasaluyan.
o Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain.
o Paglinang ng Talasalitaan (ANONG KAHULUGAN)
o Tutukuyin ng mga mag-aaral ang kahulugan ng mga salita.

B. Paglalahad
o Paghihinuha sa Pamagat (WHAT DO YOU KNOW)
o Magpapakita ng mga larawan ang guro at huhulaan ang maaring pamagat ng akda.
o Pagpapabasa ng Akda: Babasahin ng ilang piling mag-aaral ang pabula.
C. Pagtatalakay

o Pagbibigay ng gawain (WHAT’S NEXT):


o Pagsasalaysay ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa tulong ng mga flow chart.
o Pagbibigay ng input o karagdagang impormasyon ng guro

D. Paglalapat
Pangkatang Gawain: (UMARTE KA)
o Mag-iisip ang mga mag-aaral ng isang sitwasyong nagpapakita ng mga kaisipang nais ipabatid ng akda
sa tunay na buhay at iaarte ito sa klase. Gumamit ng mga salitang naglalarawan sa usapang gagawin.
o Pagtatanghal ng pangkatang gawain
o Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain
o Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na nagpakita ng kahusayan sa ginawang
pangkatan batay sa rubriks na ibinigay ng guro

IV. KASUNDUAN
1. Magsaliksik ng mga balitang may kaugnayan sa panloloko sa kapwa. Ikapit ito sa kwaderno.
2. Isa-isahin ang mga aral na napulot mula sa aralin na makatutulong sa inyo bilang mga kabataan.
3. Ano-ano ang mga pahayag na nagsasaad ng posibilidad? Isa-isahin ito.

I.LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F7WG-I-cd-2)


 Nagagamit ang mga ekspresyong naghahayag ng posibilidad (maaari, baka at iba pa)

II. PAKSA

Wika: Mga Ekspresyon ng Posibilidad


Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw:

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
• Pagtatala ng Liban
• Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
• Balik- Aral

A. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (SHARE YOUR INSIGHTS)


Magbibigay ang guro ng isang isyu at ibabahagi ng bawat pangkat ang kanilang saloobin tungkol sa isyung ito. Ang
pangkat na makapagbabahagi ng magandang saloobin ang siyang tatanghaling panalo.
3. Paglalahad

Babasahin ng piling mag-aaral ang talata nang may kasiningan.


PANGANGALAGA SA KARAPATAN NG MGA HAYOP

Ang RA 8485, na mas kilala bilang Animal Welfare Act, ang unang batas na
komprehensibong nagtadhana sa tama at makataong pangangalaga ng mga
mamamayan sa lahat ng hayop sa Pilipinas. Binuo ng batas na ito ang Committee on
Animal Welfare na siyang mamumuno sa pagpapatupad ng batas.Sinasabi ng batas na
dapat mabigyan ang lahat ng hayop ng wastong pangangalaga, at maaaring
maparusahan ang sinumang mapatunayang lumalabag dito.

Sa Sec. 6 ng batas, ipinagbabawal ang pagmaltrato at pag-torture sa mga hayop.


Ipinasa rin sa bahaging ito ng batas na hindi maaaring pumatay ng hayop, maliban sa
mga hayop na kinakain tulad ng baka, baboy, kambing, tupa, manok at iba pang poultry,
kuneho, kalabaw, kabayo, usa at buwaya.

Tila Isang paglabag sa batas ang pagpatay sa mga hayop na hindi nabanggit
liban na lamang kung ito ay dahil sa ritwal ng isang relihiyon, malubhang sakit ng hayop, at
animal control kung saan nasa bingit ng panganib ang hayop o mga taong malapit dito. Sa
palagay ko, isang landmark law ang Animal Welfare Act dahil ito ang unang kumilala ng
kalupitan sa hayop bilang isang paglabag sa batas.
Sanggunian:http://www.gmanetwork.com/news/story/334614/publicaffairs/imbestigador/
mga-batas-na-nangangalaga-sa-kapakanan-ng-mga-hayop

1. May posibilidad nga bang mapangalagaan ang kapakanan ng mga hayop?


2. Ayon sa binasa, paano raw ang posibleng pag-aalaga sa mga hayop?
3. Maglahad ng halimbawang napanood, nabasa o tunay na naranasan para makapagpatunay rito.
4. Isa-isahin ang mga salitang may salungguhit sa talata. Ano kaya ang isinasaad ng mga salitang ito?
5. Bakit ginagamit ang mga pahayag na may salungguhit?
Pagbibigay ng Input ng Guro

Mungkahing Estratehiya ( ALIN ANG POSIBLE)


Pipiliin ng mga mag-aaral ang mga hayop na naglalaman ng mga pahayag na nagpapakita ng pangkalahatang
konsepto ng aralin. Ilalagay ito ng mga magaaral sa zoo at bubuuin ang konsepto.
Posibilidad
maaaring
pahayag hindi pa
magkatotoo
matiyak

Pang-
ugnay

may
pag-
totoo
aagam-

https://img.clipartfest.com/08fa2369b0f13639e7a4af69e2d3ed0a_save-to-a-lightbox-zoo_1500-1222.jpeg
http://www.clipartkid.com/images/73/animals-clip-art-clipart-of-a-cute-group-of-zoo-animals-over-a-sign-by-2h9wJ7-
clipart.jpg

Posibilidad ang tawag sa mga pahayag na maaaring magkatotoo subalit hindi pa matiyak o makasigurado o may
pag-aagam-agam pa.

APLIKASYON
Ginabayang Pagsasanay Mungkahing Estratehiya (MAGSALAYSAY)
Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng
posibilidad.
1. Saan ka kaya mag-aaral pagdating mo sa kolehiyo?
2. Anong kurso kaya ang kukunin mo?
3. Saan ka kaya magtatrabaho kapag nakatapos ka na?

Malayang Pagsasanay Mungkahing Estratehiya (GAWIN NATIN!)


Kilalanin ang mga salita o mga ekspresyong nagsasaad ng posibilidad.
1. Maari nga kayang maglaho ang lahi ng mga hayop na nanganganib nang maubos tulad ng pilandok?
2. May posibilidad kayang makatulong ang mga mamamayan para maisalba ang mga hayop na ito?
3. Sa tingin mo, posible kayang maparusahan ang mga taong nanghuhuli at nagbebenta ng mga hayop na ito para
hindi na sila pamarisan?
4. Baka mahirap iyan dahil wala namang palaging nakabantay sa ating kagubatan.
5. Siguro dapat maging mas mabigat ang parusang ibibigay sa mga lalabag sa batas.
EBALWASYON

Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa mga pahayag na maaaring magkatotoo subalit hindi pa matiyak o masigurado?
a. posibilidad c. pang-ugnay b. sanhi at bunga d. wika

2. Aling salita ang naiiba sa pangkat?


a. baka c. pwede b. maaari d.sa katunayan

3.Posible kayang magkaroon ng batas upang mapangalagaan ang mga hayop sa paligid? Alin ang pahayag na
nagsasaad ng posibilidad?
a. kaya c. sa b. magkaroon d. posible

4. __________ dapat maging mas mabigat ang parusang ibibigay sa mga lalabag sa batas. Anong pahayag ng
posibilidad ang angkop gamitin sa pangungusap?
a. marahil c.sapagkat d. ano d. paano

5. Bakit mahalaga ang paggamit ng mga ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad?


a. Upang mapag-ugnay-ugnay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
b. Upang matukoy ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.
c. Upang makapagpahayag nang wasto kung totoo o may pag-aagam-agam.
d. Upang makapagbigay ng simula, gitna at wakas ng isang pangyayari.

Sagot:
A D D A C

Pagkuha ng Index of Mastery

SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN
1. Gumawa ng isang talatang nagpapahayag ng saloobin tungkol sa paksang
“CRUELTY TO ANIMALS”. Paano ito maiiwasan. Gumamit ng mga pahayag na nagpapakita ng posibilidad.
2. Humanda sa pagsulat ng Awtput 1.2.
I LI PAT

I.LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F7PU-Ic-d-2)


 Naipahahayag nang pasulat ang damdamin at saloobin tungkol sa paggamit ng mga hayop bilang tauhang
nagsasalita at kumikilos na parang tao o vice versa.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 1.2


Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
• Pagtatala ng Liban
• Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
• Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estatehiya (ANONG EMOSYON)


Pagsasalaysay ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa pabulang
“Natalo rin si Pilandok” at pagtukoy sa damdamin at emosyong namayani sa bawat pangyayari sa akda sa
pamamagitan ng pagguhit.

Pagkikita ni
pilandok at
baboy-ramo

Pagkikita ni
pilandok at
buwaya
Pagkikita
ni
pilandok
at suso

2. Pagtalakay sa Awtput sa tulong ng GRASPS

GOAL: Naipahahayag nang pasulat ang damdamin at saloobin tungkol sa paggamit ng mga hayop bilang tauhang
nagsasalita at kumikilos na parang tao o vice versa.

ROLE: Isa kang mahusay na manunulat.


AUDIENCE: Mga mag-aaral at guro sa inyong paaralan.

SITUATION: Ang diyaryong “ALA- EH, KAMI NAMAN!” ay nangangailangan ng


mga magsusulat ng isang editorial na nagpapahayag ng isang saloobin tungkol sa isang paksa.

PRODUCT: Damdamin at saloobin tungkol sa paggamit ng mga hayop bilang tauhang nagsasalita at kumikilos na
parang tao o vice versa.

STANDARD- RUBRIKS NG AWTPUT

ORIHINALIDAD Lubos na nagpapakita ng orihinalidad ang orihinalidad ang Nagpakita ng talata ay nagmula sa
Ang nilalaman ng
AT NILALAMAN nilalaman ng talata. nilalaman ng talata. mga naisulat na
(4) (4) (3) talata.(1)
Napakahusay ng pagpili Mahusay ang naging Hindi gaanong

PAGGAMIT NG SALITA sa mga salitang ginamit sa talata. salitang ginamit sa pagpili sa mga mahusay ang naging
pagpili ng mga
(3) (3) talata. salitang ginamit sa
(2) talata.(1)

Lubos na kinakitaan nang maayos at Kinakitaan nang maayos at Hindi kinakitaan nang maayos at

PAGGAWA NG TALATA organisadong talata ang organisadong talata organisadong talata


(3) naisulat na talata. ang naisulat na talata. ang naisulat na talata. (3) (2) (1)
KABUUAN (10)

3. Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

4. Pagpapabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan sa pagkakasulat.

IV. KASUNDUAN

1. Manood sa youtube ng isang halimbawang pabula. Ibigay ang buod ng inyong napanood.
2. Ano ang epiko bilang akdang pampanitikan? Ibigay ang kahulugan nito.

You might also like