Professional Documents
Culture Documents
Department of Education
REGION V- BICOL
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE
Labo East District
BULHAO ELEMENTARY SCHOOL
Brgy.Bulhao, Labo, CamarinesNorte
PAKITANG-TURO
B. Pamantayan sa Pagganap
II- PAKSA/NILALAMAN
Pagbibigay ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
MGA KAGAMITAN
Sanggunian: A.TG: Grade 6 Curriculun Guide pp.12 ; MELC blg.6 Quarter 2 , LM 53-54,
B.TXT: Landas sa Pagbasa 6 pp. 148-151
Filipino 6 Banghay Aralin pahina 64-69
C. Iba pang kagamitang panturo: tsart, larawan, ,laptop,
aklat, meta card, diksyonaryo,slate board,power point presentation
Integrasyon: ESP, Araling Panlipunan, Science, TLE
III- PAMAMARAAN
A.Panimulang Konsepto
Magandang buhay! Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan.Handa na bang kayong matuto
ng panibagong aralin? Isang panibagong paglalakbay ito sa iyong pag-aaral. Magiging bahagi
ng paglalakbay mo ang pagbasa ng iba’t ibang pahayag ,sitwasyon o pangyayari.Sa araling
ito ay tatalakayin natin ang tungkol sa pagbibigay ng sanhi at bunga ng mga pangyayari.
1.Pangganyak
Pagpapakita ng larawan( nasa laptop/telebisyon) ( Localization )
Panuto: Pagmasdan ang mga larawan, at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Tanong:
S A N H I
N 2. Nagbibigay paliwanag o dahilan kung bakit naganap ang pangyayari.
B.Paglalahad ng Aralin
Panuto: Magmasdan ang larawan,at ibigay ang sanhi at bunga kung bakit nagkaroon ng
ganitong pangyayari.
Larawan A Larawan B
2. Pagtalakay
-Ano ang masasabi ninyo sa larawan A? Larawan B?
-Alin ang mas pipiliin ninyo, ang larawan A? o ang larawan B? Bakit?
- May mga lugar pa ba tayong nakikita o natatagpuan tulad ng nasa larawan A? Larawan B?
-Ano kaya ang sanhi ng maruming kapaligiran tulad ng nasa larawan A?
-Ano ang maaring maging bunga ng pagkakaroon ng maruming kapaligiran?
-Paano natin mabibigyang solusyon ang ganitong problema?
-Tingnan naman ang larawan B,ano kaya ang sanhi kung bakit malinis ang kapaligiran?
-Ano ang dulot o bunga kapag tayo ay may malinis na kapaligiran?
-Paano tayo makakatulong sa ating pamayanan upang mapanatili ang kalinisan ng ating
kapaligiran?
-Bakit kailangang pangalagaan natin ang ating kapaligiran,ano ang kahalagahan nito sa atin?
3.Pag-uugnay sa Bagong Aralin (Integrative/Reflective Approach)
Panuto:Sabihin kung ano ang maaring sanhi at bunga sa mga pangyayari na nasa larawan.
:
4.Gawaing Pagpapaunawa (tungo sa pormatibong pagtataya #1)(Collaborative Approach)
Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan#1
Hanay A Hanay B
1.Dumudumi ang ilog a. dahil maibigin sa kalinisan ang mga mamamayan
2.Maraming halaman sa bakuran b. kasi kaarawan niya.
3.Malinis ang kapaligiran c. dahil sa mga basurang tinapon
4. Si Lea ay huli na sa klase d. dahil masipag magtanim ang mga tao
5.Maraming natanggap na regalo e. kaya hindi siya pumasok sa klase
si Mia
5.Gawaing Pagpapalalim (tungo sa pormatibong pagtataya #2) (Reflective Approach)
Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan#2
Panuto:.Hahatiin ang sa dalawang (2) pangkat ang mga mag-aaral.Isagawa ang gawain sa loob
ng limang (5) minuto. Basahing mabuti ang talata at pag-ugnayin ang mga sanhi at bunga ng mga
pangyayari. Isulat sa Fish Bone Organizer ang mga pangungusap na nagpapahayag ng sanhi
at bunga ng pagkasira ng kagubatan.
Pagkasira ng Kabundukan
Genevie V. Alegre
BUNGA
RUBRIKS
C.PAGLALAHAT
-Ano ang natutunan mo sa aralin? Ano ang ibig sabihin ng Sanhi? Bunga?
-Paano mo malalaman ang sanhi o bunga sa isang pangyayari?
- Ano ang mga hudyat na dapat tandaan upang masabi ang sanhi at bunga ng isang pangyayari?
TANDAAN:
Ang SANHI ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Ito pagbibigay
kung bakit naganap ang mga pangyayari.
IV- PAGTATAYA
Panuto:Pag-ugnayin ang mga pangyayari na nagpapakita ng sanhi at bunga. Isulat ang titik na
tamang sagot sa patlang.
HANAY A HANAY B
______1.Paggamit ng dinamita a. Pag-init ng paligid
______2. Panghuhuli ng mga hayop b. Pagkamatay ng mga isda
______ 3.Pagpuputol ng mga punong kahoy c. Pagkawala ng mga hayop
______ 4.Pagsusunog sa kabundukan d. Pagdumi ng tubig sa mga ilog at dagat
______5. Pagtapon ng mga basura sa ilog at dagat e. Pagbaha
V- KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto: Sa tulong ng inyong magulang o nakatatandang kapatid o kasama sa bahay ,sagutin ang
tanong at isulat sa inyong sagot sa kwaderno.
Ano-ano ang sanhi at maaring maging bunga ng mga sumusunod na suliranin ng
ating bansa.?
1. Maagang pagbubuntis
2.Kawalan ng hanapbuhay
3.Kahirapan
4.Mahabang Traffic
5.Pagkalulong sa droga
Inihanda ni:
GENEVIE V. ALEGRE
Guro-III
Nabatid:
ZOILO D. CERENO
Punong-guro I