You are on page 1of 16

3

33

1
H PA
G
IN -A
D AR
II I
PI NG PA
N MA
A HA
G LA
B AN
IB
IL
I
Mother Tongue – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Worksheet 1: Wastong Pagbaybay ng mga Salita
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark atbp.) na ginamit sa Worksheet na ito at nagtataglay ng karapatang-ari ng
mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit
ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon-Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lungsod
Quezon Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Quezon

Bumuo sa Pagsusulat ng Worksheet


Manunulat: VARREN T. PECHON
Editor: ELIZABETH R. QUILING
Tagasuri: RODOLFO F. DE JESUS, RHODORA G. SUNGLAO
Tagaguhit: LEILANIE S. YUTIAMPO
Tagalapat: BRIAN SPENCER REYES, HEIDEE F. FERRER
Tagapamahala: JENILYN ROSE B. CORPUZ, CESO VI, Tagapamanihala
FREDIE V. AVENDAÑO, Pangalawang Tagapamanihala
JUAN C. OBIERNA, Puno, CID
HEIDEE F. FERRER, Tagamasid Pansangay – LRMS
RODOLFO F. DE JESUS, Tagamasid Pansangay – FILIPINO / MTB

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lungsod Quezon

Kagawaran ng Edukasyon, Pambansang Punong Rehiyon

Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City

Telefax: 3456-0343

E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com


Aralin 1
Wastong Pagbabaybay ng mga Salita
• Nababaybay nang wasto ang mga salitang nakatala sa talasalitaan
at ang mga salita sa tekstong binasa. MT3F-la-i1.6

TUKLASIN

1 Pagsubok

Basahin ang ngalan ng mga larawan at isulat sa papel nang


papantig.

1. eroplano - __________________________

2. elepante - ___________________________

3. diwata - ____________________________

4. tsinelas - ____________________________

5. kaserola - ____________________________

1
2 Pagganyak

Pasukan na. Handa ka na ba?


Ano anong paghahanda ang iyong ginawa ngayong pagbabalik
eskwela?
Ano anong mga gamit sa eskwela ang meron ka na?
Iguhit sa loob ng bilog ang mga bagay na kakailanganin mo sa
pag-aaral at isulat sa papel ang ngalan ng mga ito nang may
tamang baybay.

2
3 Alamin

Basahin ang maikling kuwento ayon sa pabaybay na bigkas nito.

“Balik-Eskwela Na”
Isinulat ni Varren T. Pechon

Lunes ng umaga, maagang nagising ang magpinsang


Rixel at Railey. Handa na sila sa unang araw ng pasukan ngunit
hindi tulad sa nakagawian nila na papasok sa paaralan, sila ay
nasa bahay lamang.
“Rixel, anong oras ang klase niyo?” tanong ni Railey.
“Sa ganap na ikapito ng umaga ay magsisimula na ang
klase namin.” ang sagot ni Rixel.
“Pareho pala tayo ng oras ng klase. Handa ka na ba?”
tanong ni Railey.
“Oo naman!, sa katunayan nga nasasabik na ako sa
bagong pamamaraan ng pag-aaral natin ngayon sapagkat
dito lang sa bahay gamit ang kompyuter. Online Learning daw
ang tawag don.”masayang sagot ni Rixel.
“Ako naman ay mag-aaral gamit ang tinatawag nilang
modyul. Ngunit si mama lang ang magiging gabay ko sa pag-
aaral.”ang sabi naman ni Railey.
Nagmamadali silang dumako sa isang bahagi ng kanilang
bahay na may nakahandang kompyuter, modyul, lapis at
papel sa mesa. Bagamat nasa bahay lang sila ay maaga silang
nagsimula sa kanilang pag-aaral dahil alam nilang hindi mabuti
ang pumapasok ng huli at ito ay hindi mabuting ugali.

Sagutin ang mga tanong at isulat sa papel ang tamang


letra.
1. Sino ang magpinsan sa kuwento?
A. Rod at Richard
B. Ben at Bert
C. Rixel at Railey
3
2. Sino ang mag-aaral na gamit ang modyul?
A. Rixel
B. Railey
C. Rixel at Railey

3. Anong ugali ang ipinakita ng magpinsan sa


kuwentong binasa?
A. maagap
B. matiyaga
C. masipag

4. Bakit maagang nagising ang magpinsan?


A. dahil maglalaro sila
B. dahil unang araw ng pasukan
C. dahil maaga silang ginising ng kanilang mga
magulang

5. Paano nila ipinakita ang kanilang kahandaan sa


pagsisimula ng klase?
A. Paggising nang maaga
B. Paglalaro sa labas
C. Pagbili ng mga gamit sa eskuwela

TANDAAN

Ang bawat salita ay binabasa ayon sa pabaybay na


bigkas nito.
Baybayin nang papantig ang mga salita.

4
PAGSASANAY

Alamin ang kahulugan ng mga sumusunod na salita mula


sa binasang kuwento pinamagatang balik eskuwela. Isulat
sa papel ang tamang baybay ng mga salita.
1. nakagawian
2. dumako
3. nasasabik
4. gabay
5. bagamat

1
n

4 5 k t
p

3 i r a

2 p u t

SUBUKIN

Tukuyin ang ngalan ng bawat larawan. Isulat sa malinis napapel ang


tamang baybay nito upang mabuo ang pangungusap.
1. Maagang bumili ng ____________________ si Tatay
upang makapagbasa at makakuha ng impormasyon
tungkol sa mga napapanahong usapin sa lipunan.

5
2. Dahil sa pandemya na kinakaharap natin ngayon hindi
pinayagang bumiyahe ang mga pambublikong sasakyan

kaya ang __________________________ ang halos ginagamit


ng mga taong pumapasok sa kanilang mga trabaho.

3. Masipag magsulat si Edrick ng mahahalagang detalye sa

kaniyang ________________________.

4. Bumili si Nanay ng __________________________ para sa Online


Learning ko ngayong darating na pasukan.

5. Nkakawili tingnan ang mga makukulay na isda na


lumalangoy sa loob ng maliit na ___________________.

PAGTATAYA

Isulat sa malinis na papel ang salita na may tamang baybay sa


loob ng panaklong upang mabuo ang pangungusap na
tumutukoy sa larawan.

1. Sumasakay ako ng (traysekel, traysikel, trysekel)


tuwing pumapasok sa paaralan.

2. Araw-araw ako naglalagay at nagpapalit ng


bulaklak sa (plurera, plorira, plorera) namin sa
bahay.

3. Masayang nanghuhuli ng (tutubi, totobi, tutobi)


ang mga bata sa bukid.

6
4. Mahilig kumain ng (tsukolate, tsokolati, tsokolate)
si Mona kaya nasira ang ngipin niya.

5. Ang (bulubundokin, bulubundukin, bolubundokin)


ay isang uri ng anyong lupa.

PAGPAPAYAMAN

Kumpletuhin ang graphic organizer. Ibigay ang mga katangian ng


isang responsableng mag-aaral. Isulat sa malinis na papel ang
mga salita ng may tamang baybay.

Responsableng
Mag-aaral

_____________________
_______________________
Lagda ng Magulang
Lagda ng Guro

SANGGUNIAN

Ang kwento at iba pang impormasyong napapaloob sa worksheet na ito ay


mula sa:

1. Balik-Eskwela Na – sariling likha


2. Mga larawang ginamit – SDO-QC LRMDS Portal

7
Susi sa Pagwawasto

5. 5.

4. 4.

3. 3.

2. 2.

1. 1.

Pagyamanin Pagyamanin

Sanggunian
LM sa Araling Panlipunan 2

https://drive.google.com/file/d/0B0e7RDIoLG9YNExhVW9JbjVWdUk/view
https://image.slidesharecdn.com/aralingpanlipunan140307121114-
phpapp02/95/k-to-12-grade-2-learningmaterial-in-araling-panlipunan-54-
638.jpg? cb=139419458

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO-Quezon City

Schools Division Office-Quezon City

Telephone No.8352-6806/6809; Telefax-3456-0343

Email Address: sdoqcactioncenter@gmail.com

You might also like