You are on page 1of 7

July 16, 2018 Monday

Filipino 2
Time:__________

I. Layunin
Naibibigay ang tamang sagot sa tanong
Nakasusunod sa panuto nang maayos

II. Paksa
Ikatlong ng Pagsusulit
Mga Kagamitan: TestNotebook/Lapis
Pagpapahalaga: Pagpapakita ng katapatan sa pagsagot.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Awit
2. Balik –aral
Paano mo papahalagahan ang iyong kakayahan?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Nag-aral ba kayong mabuti?
Handa naba kayo sa ating gawain?

2. Paglalahad/ Pagmomodelo ( Gawin Ko)


Sabihin sa kanila ang pamantayan sa pagsusulit.
Ipaliwanag ang panuto sa mga bata

3. Malayang Pagsasanay (Gawin Mo)


Pagsagot sa mga tanong sa pagsusulit

IV. Takdang-aralin
Bigyan ng paghahamon ang mga mag-aaral para sa susunod na pagtataya.

Section Present With Mastery Without Mastery


July 17, 2018 Tuesday
FILIPINO 2
Time:____________

I.LAYUNIN
Naisasalaysay na muli ang tekstong napakinggan sa pamamagitan ng timeline.
II.PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: Pagsasalaysay
B. Sanggunian: TG pp. 27-29 /LM pp.68-71
C. Kagamitan: aklat, ICT, larawan
D. Pagpapahalaga:Pagpapahalaga sa magulang

III.PAMAMAMARAAN
A.Panimulang Gawain
1.Awit - Masiglang awit
2.Balik-aral
Hulaan ang susunod na mangyayari sa sumusunod na sitwasyon.
1.May butas na ang bubong ng bahay nina Aling Nena. Hindi niya ito naipagawa sa kaniyang
asawa. Isang araw, bumuhos ang malakas na ulan.
2.Sabay-sabay na tumigil ang mga sasakyan nang maging pula ang ilaw trapiko. Naglakad na ang
mga tao. May isang matanda na mahina na at mabagal lumakad.
3.Masayang nakikipaglaro si Carlo ng basketbol sa kaniyang mga kaibigan. Hindi niya napansin
ang balat ng saging sa lugar na kaniyang pinaglalaruan.

B.Panlinang na Gawain
1.Pagganyak
Ipakita ng larawan.Ano ang napansin ninyo sa larawan?

2.Paglalahad
Ipakuwento sa mga bata ang pagdiriwang ng kanilang nakaraang kaarawan.
` ` Basahin ang kuwentong “Sorpresa kay Nanay” sa LM, pahina 68.

3.Pagmomodelo
Talakayin ang kuwento sa pamamagitan ng “Sagutin Natin” sa LM, p. 69. Ipakita ang timeline.

Ilang tagpo mayroon ang ating kuwento? (Lagyan ng bilog ang timeline na magpapakita ng
bawat tagpo) Ano ang unang pangyayari sa kuwento? Pangalawa? Pangatlo? Pang-apat?
Panglima? (Isulat ang mga ito sa bawat bilog sa timeline)
Paano natin maipapakita ang pagpapahalaga sa ating mga magulang?
Tadaan:Dapat itala ang mahahalagang detalye para madaling maulit ang mga ito. Maaaring
gumamit ng mga organizer tulad ng timeline para hindi malimutan ang mahahalagang datos.
4.Pinatnubayang Pagsasanay
Isulat ang mga paghahanda na ginawa ni Lina sa pagpasok sa paaralan. Muling isalaysay gamit
ang timeline.
Basahin sa mga bata.
Maagang gumising si Lina. Unang araw ito ng pagpasok niya sa paaralan. Inihanda muna
niya ang kaniyang gagamitin sa paliligo bago siya naligo. Pagkatapos maligo ay nagbihis na siya
ng uniporme. Nagsuklay siya ng buhok at naglagay ng ipit. Pumunta siya sa kusina at kumain ng
inihandang almusal ng kaniyang nanay. Pagkatapos kumain ay nagsipilyo na siya ng ngipin.
Isinuot na niya ang kanyang bagong sapatos. Handanghanda na si Lina sa pagpasok sa paaralan.
Mga Paghahanda sa Pagpasok sa Paaralan

_______ ________ ________ _______ _______


5.Pagpapangkat
Hatiin sa apat na pangkat ang klase.Bigyan ng sipi ng kwento na babasahin at ipagawa ang
timeline sa pamamagitan ng pagguhit.
Nagsisimula ang buhay ng isang mayabong na puno sa isang maliit na buto. Sa tulong ng lupa, tubig, at
sikat ng araw, ang buto ay magkakaugat. Sa paglipas ng ilang araw , susulpot ang maliliit na dahon. Ilang
araw,
Iguhit ang mga pagbabagong nagaganap sa isang maliit na buto hanggang sa maging isang puno.
Isalaysay sa klase ang nabuong timeline.

6.Malayang Pagsasanay
Isalaysay ang mga gawain ni Jason sa buong araw sa pamamagitan ng paggawa ng isang timeline.

Mga Gawain ni Jason

_____________________

_____________________

_____________________

_____________________

Basahin sa mga bata.


Mga Gawain ni Jason Masinop na bata si Jason. Nais niyang gawin ang kaniyang mga gawain sa
takdang panahon. Maaga pa lamang ay naghahanda na siya sa pagpasok sa paaralan. Pagkatapos ng
kaniyang klase ay umuuwi kaagad siya upang pakainin ang kaniyang mga alagang baka.Sa hapon ay
pumupunta siya sa palengke upang tulungan ang kaniyang nanay sa pagtitinda ng gulay. Pag-uwi sa
bahay ay tumutulong din siya sa paghahanda ng pagkain.
IV.Takdang-aralin
Gumawa ng isang timeline ng mga ginawa sa bahay nang nagdaang
araw.

Section Present With Mastery Without Mastery


July 18, 2018 Wednesday
FILIPINO 2
Time:____________
I.LAYUNIN
Nagagamit sa pangungusap ang mga salitang may P,KP,PK.
II.PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: Mga Salitang May Pantig na P, KP, PK
B. Sanggunian: TG pp. 29-30/LM pp. 71-74
C. Kagamitan: aklat, ICT, flashcards , cartolina strips
III.PAMAMAMARAAN
A.Panimulang Gawain
1.Awit - Masiglang awit
2.Balik-aral
Isalaysay ang mga pagbabagong nagaganap sa isang maliit na buto hanggang sa maging isang puno.

B.Panlinang na Gawain
1.Pagganyak
Maglagay ng mga istrips ng papel na may nakasulat na mga salita na may pantig na binubuo ng P,
KP, at PK.
Pabunutin ang mga bata ng isang istrip ng papel.
Ipabasa ito sa mga bata.
Ipapantig ito.Anong kayarian ng pantig mayroon sa salitang binasa.
2.Paglalahad
Balikan ang kuwentong “Sorpresa kay Nanay”sa LM pahina 68-69.
3.Pagmomodelo
Ano ang P, KP at PK na pantig?
Hayaang magbigay ang mga bata ng salita mula sa kuwento at ipatukoy kung anong
kayarian ng mga pantig mayroon ang bawat isa.
Ipakita sa mga bata kung paano ang isang salita ay nagiging bahagi ng pangungusap.
Halimbawa:

Itanong:Pansinin ang Hanay A. Ano ang salita na narito? Ilang pantig mayroon ito? Anong
kayarian ng pantig mayroon ito? Paano nabuo ang parirala? Pangungusap? Ano ang idinagdag?
Pansinin ang Hanay B. Basahin ang buong pangungusap. Basahin ang parirala. Basahin ang salita.
Pantigin ito. Ano ang kayarian ng pantig na bumubuo dito?
Tandaan:
Ang anyo ng pantig na P, KP, at PK na nakabubuo ng salita ay nagagamit sa pangungusap
4.Pinatnubayang Pagsasanay
Punan ng angkop na salitang may P, KP, at PK upang mabuo ang pangungusap. Hanapin ang sagot sa
loob ng kahon.
1. Malakas ang __________ at hangin dahil sa bagyo.
2. Mabilis __________ ang mga kabayo.
3. Sumisikat ang __________ sa silangan.
4. Mataas ang lipad ng __________ sa kalawakan.
5. Ang mga bata ay masayang __________ sa ilog.
araw ibon ulan
naliligo tumakbo kambing
5.Malayang Pagsasanay
Pasagutan ang “Linangin Natin” sa LM, pahina 73-74.
Ayusin ang mga salita upang mabuo ang pangungusap.
1.si Liza bata mabait na ay
2.sikat ng araw mainit ang
IV.Takdang-aralin
Sumulat ng isang pangungusap katulad ng ginawa sa aralin.
Pantigin ang salitang ginamit. Tukuyin ang kayarian nito.
Section Present With Mastery Without Mastery
July 19, 2018 Thursday
FILIPINO 2
Time:____________
I.LAYUNIN
Nagagamit ng wasto sa pangungusap ang pangngalang pambalana at pantangi.
II.PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: Pangngalang Pantangi at Pambalana
B. Sanggunian: TG pp. 30-31 /LM pp.74-78
C. Kagamitan: aklat, ICT, flashcard ng mga salita
D. Pagpapahalaga:Pagpapahalaga sa karapatang tinatamasa
III.PAMAMAMARAAN
A.Panimulang Gawain
1.Awit - Masiglang awit
2.Balik-aral
Pumili ng tatlong salita at gamitin ito sa pangungusap.
napaiyak gumawa isa-isa umaga bisita
ipasundo bahay kaarawan kasama
B.Panlinang na Gawain
1.Pagganyak
Ipapangkat sa mga bata ang mga salitang nakasulat sa flashcard.
tatay Mario Dimaan Susan Reyes Doktor Medina
kuya Gng. Romero nanay ate lola Lola Editha
Pabigyang-katwiran ang ginawang pagpapangkat ng grupo.
Linangin ang salitang karapatan.
2.Paglalahad
Basahin ang “Dapat Mong Malaman”.
3.Pagmomodelo
Pasagutan ang “Sagutin Natin” sa LM, pahina 75.
Ano-ano ang ngalan ng tao sa napakinggang usapan? Ipangkat ang mga ito.
Alin sa mga salita ang tumutukoy sa tiyak na ngalan? Ang hindi tiyak?
Paano isinulat ang tiyak na ngalan? Ang hindi tiyak?
Gamitin sa sariling pangungusap ang mga ngalan na mula sa usapan.
Paano natin pahahalagahan ang mga karapatang tinatamasa?
Tamdaan:Upang matiyak na wasto ang gamit ng pangngalan sa pangungusap, kailangan ang
kaalaman sa mga pangngalang pambalana at pantangi, nagagamit ang angkop na pananda, at
nauuri ayon sa kasarian.
4.Pinatnubayang Pagsasanay
Ayusin ang mga salita upang mabuo ang wastong diwa ng pangungusap.
1.doktor magaling si na Ginoong Reyes ay
2.magbantay maaasahang si Tagpi
3.aking bag Essos ang tatak ng
4.Lungsod Quezon maunlad lugar na ang
5.Pasko Pilipinas Masaya ang
5.Pagpapangkat
Gumawa ng pangungusap tungkol sa ipinapakita ng larawan

6.Malayang Pagsasanay
Gamitin nang wasto ang mga pangngalan sa pangungusap.
1.bahay
2.Maynila
3.paaralan
4.inahin at tandang
5.nanay at tatay
IV.Takdang-aralin
Sumulat ng limang pangngalang pantangi at limang pangngalang pambalana.
Section Present With Mastery Without Mastery

July 20, 2018 Friday


FILIPINO 2
Time:___________
I.LAYUNIN
Natutukoy ang kahulugan ng di-pamilyar /bagong salita batay sa pag-uugnay sa sariling karanasan.
II.PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: Mga Di-Pamilyar na Salita
B. Sanggunian: TG pp.31-32 /LM pp. 79-81
C. Kagamitan: aklat, ICT, flashcards
D. Pagpapahalaga:
III.PAMAMAMARAAN
A.Panimulang Gawain
1.Awit - Masiglang awit
2.Balik-aral
Gamitin nang wasto ang mga pangngalan sa pangungusap.
1.simbahan
2.Quezon City
3.Rizal Park
4.inahin at tandang
5.lolo at lola
B.Panlinang na Gawain
1.Pagganyak
Ano-ano ang ginagawa ninyo sa bahay? Paaralan?
Ano ang nararamdaman mo habang ginagawa ito? Ipaliwanag ang sagot.
2.Paglalahad
Muling basahin ang diyalogong “ Dapat Mong Malaman”
1.Nararanasan mo ba ang mga karapatang binanggit sa diyalogo?
2.Ginagawa mo ba ang nabanggit na tungkulin ng mga kabataan sa diyalogo?
3.Ano-anong salita sa diyalogo ang di-pamilyar o bagong salita para sa iyo?
4.Ano ang iyong ginagawa para malaman ang kahulugan ng di-pamilyar o bagong salita?
3.Pagmomodelo
Pumili ng isang salita buhat sa isinagot ng mga bata. Talakayin ito sa
pamamagitan ng pagtatanong sa mga bata . Halimbawa : mapalad
Ano-ano ang mga ibinibigay sa iyo ng iyong mga magulang?
Ano ang ginagawa nila para maibigay ang lahat ng gusto at pangangailangan mo?
Ano ang huling ibinigay sa iyo ng iyong magulang?Mapalad ka ba?
Ano ang ibig sabihin ng mapalad?
Ano ang kaugnayan ng dati mong karanasan sa pagtuklas ng kahulugan ng
isang hindi pamilyar na salita?
Ang mga salitang di-pamilyar o bagong salita ay maaaring matukoy ang kahulugan kung
naiuugnay ito sa sariling karanasan
4.Pinatnubayang Pagsasanay
Alamin ang kahulugan ng di-pamilyar na salita sa pamamagitan ng pagkukuwento ng iyong karanasan na may
kaugnayan dito.
pagkasilang tungkulin handog
karapatan maligaya
5.Malayang Pagsasanay
Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap.
1. Malinamnam ang litsong manok.
Masarap kasing mag-ihaw si Tatay.
2. Mahalimuyak ang buong hardin.
Mababango kasi ang mga bulaklak na nakatanim dito.
Tukuyin ang kahulugan ng mga salita batay sa pag-uugnay sa sariling karanasan. Gawing gabay
sa pag-uugnay ang mga tanong sa ibaba.
3. marikit - __________ Sinong babaeng artista ang pinakamarikit para sa iyo?
4. matulin - __________ Paano ka tumakbo kapag may humahabol sa iyo?
5. payapa - __________ Payapa ba ang inyong barangay?Walang nag-aaway?
IV.Takdang-aralin
Gawin ang Linangin Natin sa LM, pahina 81.
Section Present With Mastery Without Mastery

You might also like