You are on page 1of 6

July 10,2018 Martes

Filipino 2
_________
I.Layunin
Natutukoy at nakaklasipika ang tanging ngalan ng tao,bagay,hayop at pook o lugar.
II.Paksa
Pagtukoy at Pagklasipika ng Tanging ngalan na tao,bagay,hayop at pook o lugar.
TG pp.22-23 LM pp.58-61
Kagamitan:TV,aklat
III.Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
1.Masiglang Awit
2.Balik-aral
Kilalanin ang kayarian ng pantig.Isulat ang P,KP,PK sa papel.
1.isda 2.araw 3.gabi 4.paso 5.aklat
B.Panlinang na Gawain
1.Pagganyak
Ano ang maramdaman mo kapag nakita mong nasira ang iyong halamanan?
Hayaang sumagot ang mga bata.
2.Paglalahad
-Pagpapayaman ng Tasalitaan (tsart)
Pagbasa ng kwentong”Ang Halamanan ni Helen” sa LM p.58 at sagutin ang mga tanong sa
p.59.
3. Pagmomodelo
Ano-anong ngalan ng tao,bagay,hayop,o pook?
Tandaan:Ang tanging ngalan ng tao,bagay,hayop o pook ay tinatawag na pangngalang
Pantangi.Ito ay ngalang pantawag sa tiyak ng ngalan.Ito ay nagsisimula sa malaking letra
gaya ng Edward,Manila,Tagpi.
4.Pinatnubayang Pagsasanay
Piliin at isulat sa papel ang tanging ngalan ng tao,bagay,hayop o pook.

ate bata damit doctor G.Cruz ibon Muning Nelia ospital


pamilihan parke Pilipinas relo sapatos Barbie Nike Luneta Park

5.Malayang Pagsasanay
Hanapin sa pangungusap ang tanging ngalan ng tao,bagay,hayop o pook at ilagay sa
tamang hanay sa tsart.
1.Ang mag-anak ay nagbakasyon sa Tagaytay.
2.Si Doktor Santiago ay manggagamot ng mga hayop.
3.Madaldal ang aking alaga na si Myna.
4.Tahimik ang Barangay Maligaya.
5.Leevans ang tatak ng bago kong sapatos
IV.Takda
Sagutin ang Sanayin Natin sa LM p.60.Gawin ito sa papel.

Section Present With Mastery Without Mastery


July 11,2018 Miyerkules
Filipino 2
________
I.Layunin
Nahuhulaan ang susunod na mangyayari sa kwentong binasa.
Paksa
Paghuhula sa susunod na mangyayari sa kwentong binasa.
TG. pp23-24 LM pp.62-65
Kagamitan:TV,aklat
Pagpapahalaga:Maging masaya at tanggapin ang mga pangyayari maganda man o hindi.
III.Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
1.Masiglang Awit
2.Balik-aral
Bilugan ang tanging ngalan ng tao,bagay,hayop o pook sa hanay ng mga salita.
kuya Adidas aklat sabon Ben English lapis
Jollibee parke Muning Cars aso Cebu bag
B.Panlinang na Gawain
1.Pagganyak
Ipakita ang larawan ng isang halamanan at may isang ligaw na hayop.Ano kaya ang
susunod na mangyayari?
2.Paglalahad
Basahing muli ang kwentong “Ang Halamanan ni Helen”at pasagutan ang Sagutin Natin sa
LM. p.62
3. Pagmomodelo
Tandaan:Ang panghuhula sa maaaring kalabasan o susunod na mangyayari ay maaaring
gawin ng sinumang nakikinig,nanonood o bumabasa.Magagawa ito kung nauunawaan
ang nakapaloob sa kilos o Gawain sa isang sitwasyon.
4.Pinatnubayang Pagsasanay
Sagutin ang Gawin Natin sa LM pp.63.
5.Malayang Pagsasanay
Sabihin ang hula mo sa susunod na mangyayari.
1.May dalang mainit na sabaw sa mangkok si Aling Cora. Habang naglalakad natapilok
siya.
2.May sakit si Abigail.Ayaw niyang uminom ng gamut na resita ng doctor.
3.Gabing-gabi na aynanonoodpa rin ng telebisyon si Jared.Pinatutulog ng siya ng ina
ngunit ayaw niyang matulog.
4.Naglalakad araw-araw si Daniel sa pagpasok sa paaralan.Itinatago niya ang perang
dapat ay pamasahe niya.Nais kasi niyang makaipon upang makabili ng bagong
sapatos.
5.Maaga pa lamang ay gising na si Aling Lolita.Dala-dala na niya ang basket patungong
palengke.Gusto niyang makapili ng mga sariwang isda at gulay na niluto niya para sa
tanghalian.
IV.Takda
Basahin at sagutin ang Sanayin Natin sa LM p.64.Ilagay ang sagot sa papel.

Section Present With Mastery Without Mastery


Macopa
Hulyo 12,2018 Huwebes
Filipino 2
_______

I. Layunin
Naibibigay ang tamang sagot sa tanong
Nakasusunod sa panuto nang maayos
Aktibong nakikiisa sa Gawain

II. Paksa
Lagumang Pagsusulit#3
Sanggunian: Test paper
Kagamitan: test notebook, test paper at lapis

Pagpapahalaga: Aktibo sa gawain

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ipasabi sa mga bata ang nakaraang aralin.

2. Pagganyak
Handa naba kayo sa ating gawain? Nag-aral ba kayong mabuti?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Sabihin sa kanila ang tungkol sa gawain

2. Pagsasagawa sa gawain
Ipasabi sa mga bata ang pamantayan sa pagsagot
Basahin ang panuto sa kanila

3. Pagproseso sa Gawain
Anong dapat tandaan sa pagsagot sa mga tanong?

4. Pagpapahalaga
Naibigay ba ng mga bata ang tamang sagot sa tanong?
Nakasunod ba sila sa panuto?
V. Kasunduan
Mag aral para sa susunod na aralin

Section Present With Mastery Without Mastery


Hulyo 13,2018 Biyernes
Filipino 2
________

I.LAYUNIN
Naisasalaysay na muli ang tekstong napakinggan sa pamamagitan ng timeline.
II.PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: Pagsasalaysay
B. Sanggunian: TG pp. 27-29 /LM pp.68-71
C. Kagamitan: aklat, ICT, larawan
D. Pagpapahalaga:Pagpapahalaga sa magulang

III.PAMAMAMARAAN
A.Panimulang Gawain
1.Awit - Masiglang awit
2.Balik-aral
Hulaan ang susunod na mangyayari sa sumusunod na sitwasyon.
1.May butas na ang bubong ng bahay nina Aling Nena. Hindi niya ito naipagawa
sa kaniyang asawa. Isang araw, bumuhos ang malakas na ulan.
2.Sabay-sabay na tumigil ang mga sasakyan nang maging pula ang ilaw trapiko.
Naglakad na ang mga tao. May isang matanda na mahina na at mabagal
lumakad.
3.Masayang nakikipaglaro si Carlo ng basketbol sa kaniyang mga kaibigan. Hindi
niya napansin ang balat ng saging sa lugar na kaniyang pinaglalaruan.

B.Panlinang na Gawain
1.Pagganyak
Ipakita ng larawan.Ano ang napansin ninyo sa larawan?

2.Paglalahad
Ipakuwento sa mga bata ang pagdiriwang ng kanilang nakaraang kaarawan.
` ` Basahin ang kuwentong “Sorpresa kay Nanay” sa LM, pahina 68.

3.Pagmomodelo
Talakayin ang kuwento sa pamamagitan ng “Sagutin Natin” sa LM, p. 69. Ipakita
ang timeline.
Ilang tagpo mayroon ang ating kuwento? (Lagyan ng bilog ang timeline na
magpapakita ng bawat tagpo) Ano ang unang pangyayari sa kuwento?
Pangalawa? Pangatlo? Pang-apat? Panglima? (Isulat ang mga ito sa bawat bilog
sa timeline)
Paano natin maipapakita ang pagpapahalaga sa ating mga magulang?
Tadaan:Dapat itala ang mahahalagang detalye para madaling maulit ang mga
ito. Maaaring gumamit ng mga organizer tulad ng timeline para hindi
malimutan ang mahahalagang datos.
4.Pinatnubayang Pagsasanay
Isulat ang mga paghahanda na ginawa ni Lina sa pagpasok sa paaralan. Muling
isalaysay gamit ang timeline.
Basahin sa mga bata.
Maagang gumising si Lina. Unang araw ito ng pagpasok niya sa paaralan.
Inihanda muna niya ang kaniyang gagamitin sa paliligo bago siya naligo.
Pagkatapos maligo ay nagbihis na siya ng uniporme. Nagsuklay siya ng buhok at
naglagay ng ipit. Pumunta siya sa kusina at kumain ng inihandang almusal ng
kaniyang nanay. Pagkatapos kumain ay nagsipilyo na siya ng ngipin. Isinuot na
niya ang kanyang bagong sapatos. Handanghanda na si Lina sa pagpasok sa
paaralan.
Mga Paghahanda sa Pagpasok sa Paaralan

_______ ________ ________ _______ _______

5.Pagpapangkat
Hatiin sa apat na pangkat ang klase.Bigyan ng sipi ng kwento na babasahin at
ipagawa ang timeline sa pamamagitan ng pagguhit.
Nagsisimula ang buhay ng isang mayabong na puno sa isang maliit na buto. Sa tulong ng
lupa, tubig, at sikat ng araw, ang buto ay magkakaugat. Sa paglipas ng ilang araw ,
susulpot ang maliliit na dahon. Ilang araw,
Iguhit ang mga pagbabagong nagaganap sa isang maliit na buto hanggang sa maging
isang puno. Isalaysay sa klase ang nabuong timeline.

6.Malayang Pagsasanay
Isalaysay ang mga gawain ni Jason sa buong araw sa pamamagitan ng paggawa ng isang
timeline.
Mga Gawain ni Jason

_____________________

_____________________

_____________________

_____________________

Basahin sa mga bata.


Mga Gawain ni Jason Masinop na bata si Jason. Nais niyang gawin ang kaniyang
mga gawain sa takdang panahon. Maaga pa lamang ay naghahanda na siya sa pagpasok
sa paaralan. Pagkatapos ng kaniyang klase ay umuuwi kaagad siya upang pakainin ang
kaniyang mga alagang baka.Sa hapon ay pumupunta siya sa palengke upang tulungan
ang kaniyang nanay sa pagtitinda ng gulay. Pag-uwi sa bahay ay tumutulong din siya sa
paghahanda ng pagkain.
IV.Takdang-aralin
Gumawa ng isang timeline ng mga ginawa sa bahay nang nagdaang
araw.

You might also like