You are on page 1of 11

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 3
PANGNGALAN
Unang Markahan
Unang Linggo
Modyul 1
Kasanayang Pampagkatuto:
Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol
sa mga tao,bagay,hayop at pangyayari.

1
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna
ang lahat ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang
pokus ang inyong gagawing pag-aaral gamit ang modyul na
ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para
makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat
pahina ng modyul na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin
sa inyong kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang
gawaing ito dahil madali mong matatandaan ang mga
araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa
modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong
mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit
upang malaman ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang
magiging batayan kung may kakailanganin ka pang
dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang aralin.
Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw
na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit
ang modyul na ito.

2
BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong


matutuhan pagkatapos makompleto ang mga aralin sa
modyul na ito.

2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng


mga bagong kaalaman at konseptona kailangang
malinang sa kabuuan ng aralin.

3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng


mga dating kaalaman at kasanayang nalinang na.

4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang


pangkalahatang ideya ng aralin

5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin


mo ng may kapareha.

6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin

7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na


natutuhan mo ang bagong aralin

8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas


ng pagkatuto sa bagong aralin

3
ARALIN 1 PAGGAMIT NG PANGNGALAN SA
PAGSASALAYSAY

INAASAHAN

• Natutukoy at nagagamit ang pangngalan sa


pagsasalaysay.
• Nakasusulat ng pangungusap gamit ang pangngalan
sa pagsasalaysay.

UNANG PAGSUBOK

Panuto: Bilugan ang pangngalan na makikita sa pangungusap .


1. Si Rosa ay masipag .

2. Ang leon ay mabangis na hayop .

3. Nagpunta ang mag-anak sa parke

4. Bumili si nanay ng bagong damit sa palengke.

5. Ang manika niya ay maganda .

BALIK TANAW
Panuto : Basahin at sagutin ang mga tanong .
1. Si Sonya ay mabait na bata .

4
Sino ang mabait na bata? __________

2. Ang mga bata ay pupunta sa paaralan .


Saan pupunta ang mga bata? ___________

3. Ang paborito niya laruan ay manika .


Ano ang paborito niya laruan ? ____________

4. Sina Riza at Lorna ay magkapatid .


Sino ang magkapatid? _____________

5. Si Gng.Delarosa ay pupunta sa palengke .


Saan pupunta si Gng.Delarosa ? ____________

MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN

Pag-aralan Natin:
Basahin at suriin ang mga salita may salungguhit sa
bawat pangungusap .
 Si Rosa ay mabait na bata.

 Ang mga bata ay naglalaro sa parke .

 Ang kabayo ay tumatakbo ng mabilis .

 Bumili si Lita ng anim na lapis .

 Ang Pasko ay araw ng kapanganakan ni Hesus .

Ano ang mga salitang may salungguhit sa bawat


pangungusap?
Rosa , parke , kabayo , lapis , Pasko
5
Ang mga ito ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay ,
lugar , hayop at pangyayari o tinatawag na pangngalan.
Nagagamit din ang pangngalan sa pagsasalaysay

GAWAIN

A. Panuto : Basahing mabuti ang bawat pangungusap.


Tukuyin at bilugan ang pangngalan sa
pangungusap.

1. Masarap ang suman na ginawa ni Aling Lorna .


2. Kulay pula ang damit na binili ko kahapon.
3. Mabilis tumakbo ang kabayo .

4. Namasyal ang mag-anak sa Luneta park .

5. Nawala ang lapis na mahaba.

B. Panuto : Hanapin mo Ako !


Isulat sa loob ng kahon ang pangngalang
ginamit sa pangungusap.

1. Ang mag-anak ay
nagpunta sa parke .

6
2. Ang mangingisda ay
nanghuhuli ng mga
isda sa dagat.

C. Panuto: Sumulat ng pangungusap na pasalaysay ayon sa


nakalarawan .

1. _________________________________________

2. ________________________________________

3. ________________________________________

4. _______________________________________

7
5. _________________________________________

TANDAAN

 Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay


tungkol sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at
pangyayari .

PAG-ALAM SA NATUTUHAN

Panuto : Isulat sa patlang ang pangngalan na bubuo sa


pangngusap. Pumili ng pangngalan sa loob ng
kahon.

aso damit simbahan


palaruan dyip

1. Suot ni Maria ang bagong __________.


2. Malakas tumahol ang ___________.
3. Naglalaro ang mga bata sa __________.
4. Sa ________ kami nagdarasal .
5. Sa ________ sila sumakay .

8
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Panuto : Bilugan ang pangngalan na makikita sa


pangungusap.

1. Si Lita ay mabait na bata.

2. Sa parke kami mamasyal bukas .

3. Ang mga bata ay naglalaro .

4. Bumili ako ng pulang laso .

5. Nagpunta ang mag-anak sa simbahan.

Panuto : Isulat kung ito ay ngalan ng tao, bagay, hayop ,


lugar at pangyayari.
6. lapis _____________

7. Manila _____________

8. ate _____________

9. kabayo _____________

10. Pasko _____________

Papel sa Replektibong Pagkatuto

Ang natutuhan ko sa aralin ay ____________________________


__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

9
Sanggunian:

1. Teachers Guide Filipino 3- pahina 11


2. Google clipart-
https://www.google.com/search?q=clipart+pics+of+flowers&tbm=isch&source=iu&ictx=
1&fir=JL4E4Aq9MYYaZM%253A%252CWZqqJtaLQfZlwM%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kRIIkS-3F0I_AKR1JbBHqhIFXG4Aw&sa=X&ve
3. Samut sari worksheet-
https://www.google.com/search?q=samut+sari+worksheet+sa+pangngalan&oq=samut+
sari+worksheet+sa+pangngalan&aqs=chrome..69i57j33.16129j0j8&sourceid=chrome&ie
=UTF-8

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Anna Lee E. De La Cruz


Editor: Edwin Remo Mabilin,, EPS
Tagasuri: Ma. Teresa M. Chico, PSDS
Tagalapat: Tina T. Pelayo
Tagapamahala: Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Tagapamanihalang Pansangay ng mga Paaralang Panlungsod
Aida H. Rondilla, Puno ng CID
Lucky S. Carpio, EPS na nakatalaga sa LRM at Tagapag-ugnay sa
ADM

10
Susi sa Pagwawasto

Unang Pagsubok Baliktanaw


1. Rosa 1.Sonya
2. leon, hayop 2.paaralan
3. mag-anak, parke 3.manika
4. nanay, damit,palengke 4.Riza at Lorna
5. manika 5.palengke
Gawain A Gawain B
1.Aling Lorna 1.mag-anak
2.damit parke
3.kabayo 2.mangingisda
4.Luneta Park Isda
5.lapis dagat

Gawain C Pag-alam sa Natutuhan


1.Ang bulaklak ay 1.damit
mabango. 2.aso
2.Ang leon ay mabangis. 3.palaruan
3.Ang guro ko ay mabait. 4.simbahan
4.Ang mga bata ay 5.dyip
naglalaro sa palaruan
5.Ang mga lobo ay
makukulay.
Pangwakas na Pagsubok
1. Lita, bata
2. parke
3. bata
4. laso
5. mag-anak, simbahan
6. bagay
7. lugar
8. tao
9. hayop
10. tao

11

You might also like