You are on page 1of 3

Department of Education

Region VII Central Visayas


Bayawan City Division
West District
HAG-UM ELEMENTARY SCHOOL
Tayawan, Bayawan City, Negros Oriental

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 5


I. Mga Layunin:
1. Natatalakay ang kahulugan ng Sanhi at Bunga
2. Naisusulat ang Sanhi at Bunga sa Iba’t-Ibang Sitwasyon
3. Pagbibigay halaga sa mga likha ng Diyos

II. Paksang Aralin:

Sanhi at Bunga
Learning Competency:
Nasasabi ang Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari ( F5PB-IIh-6.1)

Sanggunian: CG-F5PB-IIh-6.I, TG at CG
Mga Kagamitan: larawan,charts, manila paper,cartolina, pentel pen

Mga Pinagsanib na Asignatura:


HEALTH - Analyzes how the use and abuse of caffeine, tobacco and alcohol can
negatively impact the health of the individual, the family and the community
(H5SUIIIfg-11)
Describes a mentally, emotionally and socially healthy person - (H5PHIab-10)
SCIENCE - Investigate extent of soil erosion in the community and its effects on
living things and the environment; - (S5FE-IVb2)
ESP - Nakapagpapakita nang tunay na pagmamahal sa kapwa tulad ng: pagsasaalang-
alang sa kapakanan ng kapwa at sa kinabibilangang pamayanan , pakikiisa sa
pagdarasal para sa kabutihan ng lahat at pagkalinga at pagtulong sa kapwa –
(EsP5PD - IVa-d – 14)

III. Pamamaraan :
A. Paghahanda/ Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Balik-Aral
Pagganyak
( Pagpapakita ng mga iba’t- ibang larawan sa klase. )
Itanong:
Ilang larawan ang nakapaskil sa pisara? Bilangin.
Ano ang mapapansin ninyo sa bwat larawan ?
Ano sa palagay ninyo ang nangyayari sa larawan?

Sabihin : Ngayon ay tatalakayin natin ang tungkol sa Sanhi at Bunga


Ano ang Sanhi ? Ano ang Bunga?
B. Paglalahad

Sabihin : Ang sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari.


Samantalang, ang bunga ang siyang kinalabasan o dulot ng naturang pangyayari.
Halimbawa:

1. Nagkaroon ang aking ama ng kanser sa baga dahil sa sobrang paninigarilyo.


(H5PHIab-10 ) (H5SUIIIfg-11 )

2. Natuwa siya nang siya ay sinurpresa ng kanyang kapatid.


3. Bumagsak siya sa pagsusulit sapagkat hindi siya nag aral nang mabuti.
4. Sumakit ang kanyang ulo dahil sa labis na pag-iisip sa mga problema.
5. Nakatapos siya ng pag aaral dahil sa pagsusumikap ng kanyang mga magulang.

PANGKATANG GAWAIN

Isulat ang sanhi at bunga ng bawat sitwasyon.

PANGKAT I – Napagalitan si Janella ng kanyang ina.

PANGKAT II-Patuloy na pagpuputol ng mga kahoy. (S5FE-IVb2)

PANGKAT III – Nag-aral nang mabuti si Gerricho dahil mayroon silang pagsususlit

(Pag-uulat nang bawat pangkat ng kanilang pangkatang gawain at pagbibigay ng puna.)

Itanong : Sa iyong paglalakad sa daan ay may nakita kang isang batang lansangan na sa
tingin mo ay hindi pa kumakain. Ano ang maaring gawin o maitutulong sa batang ito?
Bakit? (EsP2PD- IVe-i– 6) (EsP5PD - IVa-d – 14)

Paglalahat:

Sabihin : May mga dahilan sa pagbibigay ng sanhi at bunga ang bawat


pangyayari.Dapat matukoy na mabuti ang sanhi upang malutas ang suliranin at
maging maganda ang bunga.

Paglalapat :

Pagtambalin ang mga sanhi na nasa kahon at ang mga bunga sa sumusunod
na mga bilang. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Malulusog ang mga tanim na halaman ni Mang Andong.


_______________________________________________
2. Malakas na umiiyak ang bunsong anak ni Nemia.
_______________________________________________
3. Napapatawa ang bawat masalubong ni Carina.
_______________________________________________
4. Pinuri ng guro at pinalakpakan ng mga kamag-aral si Pauline.
_______________________________________________
5. Malungkot na malungkot nang umuwi mula sa pabrika si Mang Ador.
_______________________________________________
a. Mataas na mataas ang kanyang lagnat.
b. Tinanggal siya sa trabaho.
c. Alaga niya sa dilig at pataba ang mga halaman
d. Dumating ang kanyang kapatid
e. Tamang lahat ang mga sagot niya sa pagsusulit
f. Magkaiba ang kulay ng suot niyang pares ng sapatos

IV. Pagtataya:
Ano ang maaaring bunga ng sumusunod na mga sanhi? Isulat sa patlang ang
sagot.

1. Naglaro at matagal na naligo sa ulan si James._________________

2. Pumasok siya sa paaralan nang hindi nag-almusal at hindi rin siya


nagtanghalian._______________________________
3. Naiwala ni Thelma ang perang pambayad sa kanyang matrikula.____________
4. Dahil sa labis na paninigarilyo,___________________________

V. Takdang- Aralin :

Salungguhitan ang sanhi at bilugan ang bunga sa bawat


pangungusap.

1. Dahil nalasing si David sa alak, hindi na siya pinayagan magmaneho pauwi.


2. Tahimik at madilim na ang bahay dahil tulog na ang lahat.
3. Tinaas ni Tricia ang kanyang kamay kasi alam niya ang tamang sagot sa
tanong ng guro.
4. Masikip na ang lumang sapatos ni Mabel kaya bumili ng bagong sapatos si
Tatay.
5. Sapagka’t hindi marunong lumangoy si Terry, ginamit niya ang salbabida.
6. Dahil sa labis na paninigarilyo, nagkaroon ng sakit sa baga ang tito ni Atoy.

Prepared by:

CHARISSE CLAIRE E. ABERIA


Teacher I

Checked by:

REYNA ABORDO
Teacher-In-Charge

You might also like