You are on page 1of 5

Mala-Masusing Banghay Aralin

Baitang 6 - Filipino

I. Mga Kasanayang Pampagkatuto

Pagkatapos ng Araling ito, 80% na mag-aaral ay inaasahang:


a. Nasasagot ang mga tanong na bakit at paano
b. Natutukoy ang pagkakaiba ng sagot sa tanong na paano at bakit
c. Nakagagawa ng mga katanungan gamit ang paano at bakit

II. Paksa ng Pagkatuto


Nasasagot ang tanong na paano at bakit

III. Mga Kagamitang Pampagtuturo


A. Mga Sanggunian
https://youtu.be/OfB8IU-5R3k?si=fv8hQDadmtG5FDRc

B. Iba pang kagamitan


Laptop, Powerpoint presentation, Tv, at Envelope

IV. Proseso ng Pagkatuto ( 7E’S)

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagpapanatili ng Kaayusan at kalinisan
4. Pagbabalik- Aral
● Pagtatanong: Magbigay ng mga halimbawa ng mga uri ng pelikula
5. Paglalahad ng Layunin
● Ipapabasa sa piling mag-aaral ang mga layunin

B. Paglalahad ng Aralin

1. Paglahok (Elicit)

Panimulang Pagtataya : Sagutin ang mga sumusunod na tanong ayon sa sariling


karanasan o opinyon.

● Paano mo mapapanatiling malakas at malusog ang iyong katawan?


● Paano ka makakatulong upang mapanatili ang malinis na kapaligiran?
● Sang ayon kaba na wala ng Takdang aralin ang mga mag-aaral. Bakit ?
● Bakit kailangan sumunod sa mga batas at alituntunin ng barangay

2. Pagpukaw ng Interes (Engage)

Mag-papakita ang guro ng larawan at gagawa ang mga mag-aaral ng tanong na Bakit at
Paano batay sa larawang nakita.
Pagtatanong :

● Nakikinig o nanonood kaba ng balita sa radyo at telebisyon ?


● Kapag nakakapanood o nakakarinig ka ng balita tungkol sa isang sakuna o
aksidente,tiyak na nakakaramdam ka ng awa sa mga biktima para sa drayber na sangkot
sa aksidente o hindi ? Bakit ?

3. Paggalugad (Explore)

● Papangkatin ang klase sa lima at bibigyan ng guro ang bawat pangkat ng envelop.

Pangkat 1:
Basahin ang bawat talata. Sagutin ang mga tanong na kasunod nito sa isang pangungusap.

Isang magsasaka si Mang Berto. Bawat araw ng kanyang gawain ay isinasaisp


niya ang kapakanan ng mga taong tumatangkilik ng kanyang produktong gulay. Dahil sa
kung anong kemikal na ang sumasama sa hangin at nalalanghap din natin, ay hindi siya
gumagamit ng anumang pestidyo. Sa halip, organikong pataba ang ginagamit niya gaya
ng dumi ng kalabaw mga nabubulok na balat ng saging gulay at iba pa. Kaya lubos
nakilala si Mang Berto sa tawag na Bertong Organiko

Tanong:
Bakit gumagamit ng organikong pataba si Mang Berto ?

Pangkat 2:
Basahin ang bawat talata. Sagutin ang mga tanong na kasunod nito sa isang pangungusap.

Palabati si lola Miling. Walang araw ang lumipas na hindi ka niya mabati ng “Good
morning”. Mahal na mahal si lola miling ng mga magkakapatid na JM at Mira. Sa
araw-araw bago pumasok sa eskuwela at pagdating ng bahay, nagmamano sila kay lola
Miling. Buong pagmamahal na hinagkan ni lola Miling ang magkapatid na masaya
namang papasok ng kanilang bahay.

Tanong:
Paano ipinakikita ng magkapatid na Jm at Mira ang kanilang pagmamahal sa matanda?

Pangkat 3:
Basahin ang bawat talata. Sagutin ang mga tanong na kasunod nito sa isang pangungusap.

Maagang bumangon si Aling Tessa. Nagluto siya ng almusal at naglinis ng bahay.


Pagkatapos niyang maligo ay agad na siyang nagbihis dahil siya ay pupunta sa paaralan
upang kumuha ng modules para sa kaniyang tatlong anak na nasa elementarya. Nagsuot
siya ng facemask at faceshield at nagdala rin siya ng kanyang hand sanitizer bilang
pagsunod sa health protocols na itinalaga ng pamahalaan para makaiwas sa sakit na
Covid-19.

Tanong:
Bakit nagsuot ng facemask at faceshield si Aling Tessa bagong umalis ng bahay?

Gumawa ng tanong na bakit at paano batay sa larawan.


Pangkat 4:

Gumawa ng tanong na bakit at paano batay sa larawan.


Pangkat 5:

Mga Pamantayan:

STAR CHART

PAMANTAYAN PANGKAT PANGKAT PANGKAT PANGKAT PANGKAT


1 2 3 4 5

Presentasyon

Kooperasyon

Ornagisasyon

Takdang oras

KABUUAN
Legend:
5 points

4 points

3 points

4. Pagpapaliwanag (Explain)

- Pagwawasto ng guro at ng klase sa isinagawang gawain at mamarkahan ito batay sa


pinagkasunduan pamantayan
- Tanong : Ano ang napansin niyo sa mga katanungan na sinagutan at ginawa niyo? (Sila
ay nagsisimula sa? Paano at bakit).

5. Pagpapalawak (Elaborate)

- Ang pananong na bakit ay para malaman ang dahilan ng pangyayari. Minsan ang mga
sagot sa tanong na ito na maaring magsimula sa salitang ‘’dahil’’, ‘’para’’ o ‘’sapagkat’’.

- Ang pananong na paano ay para malaman ang paraang isinagawa para malutas ang
suliranin sa pangyayari. Kadalasan ang mga sagot sa tanong na ito ay maaring magsimula
sa salitang ‘’sa pamamagitan ng’’, o ‘’sa paraang’’.

Paglalapat:

● Anong impormasyon ang malalaman sa tanong na bakit ? sa tanong na paano?


● Saan nagsisimula ang mga sagot sa tanong na bakit?
● Saan nagsisimula ang mga sagot sa tanong na paano?

6. Pagtataya (Evaluate)

Panuto: Basahin ang sumusunod na talata at sagutin ang mga tanong na bakit at paano sa isang
kalahating papel

Ang Balita

Ikalima ng madaling araw. Maagang nagising si Mang Peping. Isa siyang magsasaka. Nagkape
siya, binuksan niya ang kanyang radio. Maganda umaga po sa inyong lahat. Narito ang isang
balitang nakantig ng isang kabutihang loob. Binigyan ng isang pabuya si G. Andres Reyes dahil
sa kanyang katapatan. Isa siyang drayber ng taksi. May naisakay siayng isang turista na dadalo
sa isang seminar. Sa pagmamadali nito dahil nahuli na siya sa seminar, naiwan niya ang kanyang
bag na may lamang tseke na nagkakahalaga ng limang daang piso, mga alahas at ilang dolyares.
Ang may ari ay si G. Max Meyer. Isinauli ito ni G, Reyes na walang kulang sa may -ari nito sa
tinutuluyang hotel ng turista kaya siya ay binigyan ng pabuya. Anong siya niya !

Mga katanungan :
1. Bakit naiwan ang gamit ng turista ?
2. Bakit binigyan ng pabuya si G. Reyes ?
3. Paano mo ilalarawan si G. Reyes ?

Hindi kaila sa lahat ng mga Pilipino ay masipag, matiyaga, matiisin at may pananaw sa buhay.
Nais nilang magkaroon ng magandang kabuhayan at mabigyan ng magandang kabuhayan at
mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga miyembro ng kanilang pamilya. Nagtutungo ang
mga kababayan nating Pilipino sa ibang bansa upang makapagtrabaho. Tinitiis nila ang matagal
na pagkawalay upang kumita ng sapat para sa kanilang mga pangangailangan.

Mga katanungan :

4. Paano inilarawan ang mga Pilipino sa talata ?


5. Bakit tumutungo ang mga kababayan nating mga Pilipino sa ibang bansa ?

7. Pagpapalawig (Extend)

Takdang Aralin:
Magsulat ng tig-tatatlong tanong na BAKIT at PAANO.

Inihanda nina:

Guaniezo, Erick D.
Laserna, Jovylyn R.
Montebon, Jellyca Rose O.
BEED - IV

You might also like