You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6

IKASIYAM NA LINGGO

Aralin 7
Ako, Mahinahon sa Lahat ng Pagkakataon

Bilang ng araw ng Pagtuturo


5 Araw (30 Minuto sa bawat araw o 150 minuto)

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag unawa sa kahalagahan ng pagsunod sa mga tamang
hakbang bago makagawa ng isang desisyon para sa ikabubuti ng lahat.

Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ang tamang desisyon na may katatagan ng loob para sa
ikabubuti ng lahat.

Pamantayan sa Pagkatuto:

I. LAYUNIN:
1. Naisasagawa ang mga tamang hakbang na makatutulong sa pagbuo ng
isang desisyon na makabubuti sa pamilya
1.1 pagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at
pangyayari
1.2 pagsang ayon sa pasyang nakararami kung nakabubuti ito
1.3 paggamit ng impormasyon

II. PAKSA: Aralin 7 Ako, Mahinahon sa Lahat ng Pagkakataon


a. Sanggunian: EsP K to 12 CG p. 81
b. Kagamitan: kuwaderno, sulatang papel
c. Pagpapahalaga: Pagkamahinahon (Calmness)

III. PAMAMARAAN

Unang Araw
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati ng guro ng magandang araw sa mga mag aaral.
2. Pagtsetsek kung sinong liban sa klase.
3. Pagpapakita ng larawan.
a. Anu - ano ang nakikita ninyo sa larawan?
b. Ayon sa larawan, anu anong mga damdamin ang ipinapahayag?
c. Anu ano ang maganda at masamang maidudulot nito?
d. Naranasan mo na ba ito? Ibahagi mo ito sa harap ng klase.
e. Ipabasa ang panimula ng aralin.
Talakayin ang Mahalagang Kaisipan.
Ikaw ba ay madaling matakot tuwing may kalimidad o isang
batang mahinahon kapag may nararanasang pagsubok o paghihirap sa buhay?

B. Panlinang na Gawain
1. Alamin Natin

Anak 1: Opo, nanay.


Nakakatakot naman!
Radyo: Mga kababayan, inaasahang
Ama: Ano ba kayo? darating mamayang hapon, ang Anak 2:
Nakalimutan nyo tinatayang pinakamalakas na bagyo. super
bang nakahanda na Pinaghahanda ang lahat. typhoon
lahat iyon. Dapat lagi yata ang
tayong handa sa darating.
pagdating ng mga
sakuna.

Ina: Naku, mga anak malakas


pala ang bagyong darating!
Ano ang dapat nating gawin?
Nasaan ba ang mga
kailangan natin? Dalian
ninyo mga anak!

1. Ipasuri ang dayalogo sa Alamin Natin na nasa Kagamitan ng Mag aaral.

2. Hingan ng mga kuro kuro at saloobin ang mga mag aaral hinggil sa
larawan.

3. Ipasagot ang mga tanong:


a. Ano ang mensaheng ipinababatid sa dayalogo?
b. Pansinin ang mga tauhan. Ano ang pagkakaiba iba sa reaksiyon nila ng
marinig ang balita sa radio?
c. sino sa kanila ang nais mong tularan kung makararanas ka ng ganitong
pangyayari? Ipaliwanag.
d. Tukuyin ang ugaling ipinakita ng ama sa dayalogo. Tama ba ang ipinakita
ng ama? Bakit?

4. Hikayatin ang mga mag aaral na magbigay ng kanilang karanasan na


nagpapakita ng pagiging mahinahon.

(Magkakaroon ng closure sa bawat araw)


Ikalawang Araw

2. Isagawa Natin

a. Pagbati sa mag aaral.


b. Balik aral. Itanong:
1. Tungkol saan ang ating talakayan kahapon?
2. Ano ang pagpapahalaga ang iyong natutuhan tungkol sa aralin?
3. Paano ito nakaimpluwensiya sa iyong sarili bilang miyembro ng
pamilya na iyong kinabibilangan?
c. Pangkatang Gawain:
Papangkatin ng guro ang mga mag aaral sa tatlong pangkat. Ang
bawat pangkat ay pipili ng isang pinuno. Bubunot ang bawat pinuno ng envelope na
kung saan nakasulat ang mga sitwasyong na nagpapakita ng pagiging mahinahon.
Ilalahad ito sa pamamagitan ng pagsasadula.
1. Namamasyal kayo ng nakababatang kapatid mo sa mall. Bigla
ninyong naramdaman na yumayanig ang kapaligiran.

2. Nagsusulat ka ng iyong takdang aralin ng biglang inagaw ng iyong


kapatid ang iyong ginagamit na pangsulat.

3. May mahalaga kang bagay na ibinabahagi o ikinukuwento sa iyong


kamag aral ng bigla ka niyang pinagtawanan.

d. Magkakaroon ng paglalagom sa gawain. Ipaliwang sa mga mag aaral na


kailangang maging mapanuri ang pag iisip nila at maging mahinahon sa lahat ng
pagkakataon.

(Magkakaroon ng closure sa bawat araw)

Ikatlong Araw

3. Isapuso natin

a. Balik-aral sa nakaraang talakayan.


b. Ipanood sa mga mag-aaral ang videoclip.
c. Magbigay ng mga katanungan tungkol sa videoclip.
(Para sa Guro)
Gabayan ang mga mag-aaral sa panunuod ng videoclip. Maging sensitibo sa
pangyayari sa videoclip. Iproseso itong mabuti sa mga bata.

Mga tanong:
1. Tungkol saan ang videoclip na iyong napanood?
2. Ano ang pinag-uusapan o pinagtatalunan ni Doktora Margaret at Kevin?
3. Paano sila nag-uusap at nagpapaliwanagan?
4. Ano ang reaksyon ng bawat isa habang sila ay nagpapaliwanagan?
5. Sa bandang huli, nagging maayos ba ang kanilang pau-uusap?

d. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Tandaan Natin.


Ipaulit ng dalawang beses upang tumimo sa isipan ng mag-aaral.
Matatapos maipabasa ay tumawag na mag-aaral na kung saan ay magbibigay
siya ng kanyang ideolohiya batay sa tandaan natin.

(Magkakaroon ng closure sa bawat araw)

Ikaapat na Araw

4. Isabuhay natin

a. Itanong. Bilang isang mabuting mag-aaral, paano mo maipapakita ang


pagiging mahinahon sa lahat ng pagkakataon?
b. Magbigay ng dalawang karanasan na nagpapatunay nang pagkamahinahon
kung may hinaharap na problema sa pamilya o paaralan. Ipapaliwanag nila kung
paano nila ito ginawa. Gagawin nila ito sa kanilang kuwaderno.
c. Pagtalakay sa sagot ng mga mag aaral.

(Magkakaroon ng closure sa bawat araw)

Ikalimang Araw

IV. Pagtataya
5. Subukin Natin
1. Bago ipagawa ang bahaging ito, magbalik aral muna sa mga
pansitwasyong tanong sa naunang gawain upang namnamin ng mga mag aaral ang
ugaling pagiging mahinahon.

2. Ipagawa ang tseklis sa Subukin Natin bilang pagtatasa.

Panuto: Bigyan ng marka ang sarili. Lagyan ng tsek () ang sagot na nagpapatunay
na isa kang mahinahong mag aaral at ipaliwanag ito. Gawin ito sa sulatang papel.

Palagi Madalas Minsan Hindi Paliwanag


1. Mahinahon
ka ba kapag
inaaway ka ng
iyong kaklase?
2. Nagagalit ka
ba kapag
maingay ang
katabi mo?
3. Kung
naitulak ka
habang
bumibili ng
pagkain,
pagsasalitaan
mo ba nang
masakit ang
may
kasalanan?
4. Magiging
mahinahon ka
ba kung may
sunog malapit
sa inyong
bahay?
5. Maayos
kang nakapila.
Biglang may
sumingit,
sisimangot ka
ba?

(Magkakaroon ng closure sa bawat araw)

V. Takdang Aralin
Gumawa ng tula tungkol sa pagkamahinahon.

Repleksiyon:
Ngayon na marami ka nang natutunan o nalaman hinggil sa pagiging
mahinahon sa lahat ng pagkakataon, magiging gabay mo ito para sa magandang
hinaharap. Binabati kita. Handa ka ng mag aral sa susunod na aralin.

You might also like