You are on page 1of 6

PST NAME : Saring, Angelo Kaile L.

Date:
CT NAME: Aileen G. Climaco

Banghay-Aralin sa Filipino
Inductive Method
I. Layunin
Natutukoy ang sanhi at bunga sa pangungusap.
Naisusulat ang mga bunga ng bawat sanhi ng mga pangyayari.
II. Paksa
Sanhi at Bunga
III. kagamitan
Tsart, mga Larawan, Manila paper
Sanggunian
(: MTB 2 pahina TG 78-79, LM 64-65)
IV. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Paghahanda
1. Panalangin
Inaanyahan ko ang lahat na tumayo para Ang mga mag-aaral ay nananalangin.
sa ating panalangin.

2. Pagbati
Magandang araw mga bata! Magandang araw po aming mga guro.

3. Pagpapasigla
Bago tayo umupo tayo muna ay kakanta. Ang mga mag-aaral ay kumakanta.

4. Pagtala ng liban
May lumiban ba sa ating klase sa araw na Wala po, ma’am.
ito?

5.. Mga Alituntunin


Ano ang mga dapat nating gawin kapag Makinig, Huwag maingay at respetuhin
tayo nasa klase? ang mga kaklase.
6. Balik Aral
Ano ang tinalakay natin nakaraang .Ang mga mag-aaral ay sumasagot.
pagkikita?

B. Pagganyak
Magpakita ng mga larawan

(Ipaliwanag sa mga bata ang mga


larawan)

C. Paglalahad
Alam niyo ba kung ano ang tawag sa
pinagmulan o dahilan ng isang
pangyayari? Tinatawag itong sanhi.

Alam niyo rin ba kung ano ang tawag sa


a kinalabasan o dulot ng naturang
pangyayari? Tinatawag naman itong
bunga.

D. Pagtatalakay
Ang SANHI ay tumutukoy sa pinagmulan
o dahilan ng isang pangyayari.
(magbigay ng halimbawa) Ang mga bata ay sasagot
Ang Bunga naman ay ang siyang
kinalabasan o dulot ng naturang
pangyayari.
(magbigay ng halimbawa)
Ang mga bata ay sasagot
Ano ang sanhi ng pagkabulok ng ngipin
mga bata?

Ano naman ang bunga o mangyayari


kapag tayo ay hindi kakain?

Ano nga ang Sanhi?

Ano nga ang Bunga? Ang mga bata ay sasagot

Pagpapangkat
Dahil parang alam nyo na talaga ang
itinuro ko, ngayon ay ipapangkat ko kayo.
Magbilang tayo ng isa hanggang tatlo,
magsimula tayo dito.

May grupo naba lahat? Lahat ng unang


grupo tumayo, kayo ay dito sa kaliwang
bahagi uupo, pangalawang grupo tumayo,
ditto naman kayo sa gitna uupo, at ang
panghuling grupo ay sa kanang bahagi,
Naintindihan ba ng lahat? Tumayo na ang
lahat at umupo kung saan kayo.

Lahat naba nasa kanilang mga grupo?


Ngayon ay may gagawin tayo, bawat
grupo ay bibigyan ko ng Gawain, ano
muna ang mga dapat gawin pag tayo ay Tumulong po lahat sa kagrupo at wag
may pangkatang Gawain? gagawa ng ingay

Meron akong hinandang rubriks din para


sa pangkatang Gawain ninyo.

5 4 3
kooperasyo
n
Takdang
oras

Para sa unang grupo


Panuto: pagtambalin ang larawan.

A. Sanhi B. Bunga
1.

2.

3.

4.

5.
Para sa pangalawang grupo
Panuto; Salungguhitan ng ISANG BESES
ang SANHI at DALAWANG BESES ang
BUNGA.
1. hindi naliligo si inday kaya mabaho siya
2. ang mga bata ay naligo sa ulan kaya
sila ay nilagnat
3. hindi kumain si nena kaya sumakit ang
tiyan niya.
4. hindi ako nag aral ng leksyon kaya
mababa ang iskor ko sa exam
5. matagal ako natulog kagabi kaya late
ako sa klase.

Para sa Pangatlong grupo


Sumulat ng tatlong Sanhi at ang Bunga
nito.

Sanhi Bunga
1.

2.

3.

(pagsusuri sa mga ginawa)

Ngayon naman ay may gagawin tayo ulit,


pero hindi pangkatang Gawain, ito ay
indibidwal na Gawain, kumuha kayo ng
papel at lapis at sagutin ito.

IV. Ebalwasyon
Piliin ang tamang letra o Bunga ng bawat
numero.
1. May balat ng saging sa sahig
a. sumakit ang ngipin niya
b. nadulas si nanay
c. hindi siya nabasa ng ulan
2. Nag aral ng aralin si Natnat
a. nakasagot siya sa tanong ng guro
b. nilagnat siya
c. sumakit ang ngipin niya

3. Naligo sa ulan si Pam


a. sumakit ang ngipin niya
b. nilagnat siya
c. nadulas si nanay

4. kumain ng maraming candy si Dar.


a. nilagnat siya
b. hindi siya nabasa ng ulan.
c. sumakit ang ngipin niya

5. Nagdala ng payong si James.


a. nadulas si nanay
b. nilagnat siya
c. hindi siya nabasa ng Ulan

V. Takdang aralin
Sumulat ng Dalawang pangungusap na
may bunga at sanhi

You might also like