You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Laguna State Polytechnic University


Lopez Satellite Campus
Lopez, Quezon

Detalyadong Banghay Aralin


Sining 4
(4A’s Approach)

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng 50 minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakikilala ang iba’t-ibang kulay.
2. Nailalarawan ang tatlong pangkat ng kulay.
3. Nakikiisa sa indibidwal at pangkatang gawain.

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa: Ang mga Kulay
B. Sanggunian: DAZZLE, Shining brightly in Music, Arts, Physical Education, and
Health, Grade 4, page 103-108.
C. Kagamitan: laptop, cellphone, powerpoint presentation, drawing or art materials
D. Pagpapahalaga: Pakikiisa at Pagpapahalaga

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Tumayo ang lahat para sa ating panalangin. (Tatayo ang lahat at mananalangin)
Amen.
2. Pagbati
Isang makulay at masayang araw sa inyo mga
mag-aaral sa ika-apat na baitang. Maligayang
pagdating sa ating talakayan sa Sining!

Kamusta kayo? Okay lang po, Ma’am.

Mabuti kung ganon! Handa na ba kayong


tumuklas ng panibagong kaalaman? Opo, Ma’am!

Magaling mga bata!

3. Pagtsek ng mga Liban at Hindi Liban sa


klase
Bago tayo magsimula maari bang buksan ninyo (Bubuksan ng mga mag-aaral ang
ang inyong camera at sa pagbilang ko ng tatlo, kanilang camera at ipapakita ang
ipakita ninyo ang inyong magagandang ngiti. kanilang magandang ngiti)

(Ang guro ay mag screenshot ng kanyang screen


upang magsilbing attendance)
4. Balik Aral
Bago natin simulan ang ating bagong aralin atin
munang balikan ang nakaraan nating pinag-aralan.
Natatandaan ni’yo pa ba ito? Opo, Ma’am!

Magaling mga bata! Ano nga ang huli nating


pinag-aralan? Ma’am, Katangian ng mga Linya po.

Ano nga ang dalawang katangian ng linya? Ma’am, Organic at Inorganic lines po.

Ano kaya ang Organic lines? Ma’am ang Organic lines po ay


matatagpuan sa kalikasan

Ano naman ang Inorganic lines? Ma’am ang Inorganic lines po ay ang
mga linyang makikita sa mga bagay na
gawa ng tao.

Magaling mga bata! Mayroon pa ba kayong


katanungan at nais linawin tungkol sa ating huling
tinalakay? Wala na po

Kung wala na ay dumako na tayo sa ating kasunod


na gawain.

5. Pagganyak
Mga bata, gusto ni’yo bang maglaro? Opo, Ma’am!

Mabuti kung ganon! Dahil diyan tayo ay


maglalaro at ang ating lalaruin ngayon ay “BRING
ME!”

Game Mechanics:
Paunahang magdala at magpakita ng kahit anong
bagay na katulad ng kulay na sasabihin ng guro.
Ang huling makakapagdala ay ilalarawan ang
bagay na kanilang dinala sa pamamagitan ng
pagkanta.

Handa na ba kayo? Opo, Ma’am!

Magaling! Simulan na natin!

Bring me something color yellow!


Bring me something color red!
Bring me something color blue! (Masiglang makikilahok ang mga bata)
Bring me something color green!
Bring me something color white!

Salamat mga bata! Nag enjoy ba kayo? Opo, Ma’am!


B. Panlinang na Gawain
1. Gawain
Para sa ating panibagong gawain, lahat ba sa inyo
ay nakapagdala ng drawing o art materials? Opo, Ma’am!

Maaari ni’yo bang ilabas at ipakita sa akin? (Ipapakita ng mga bata ang kani-
kanilang drawing o art materials)

Ayan, Magaling mga bata! Para sa ating gawain;

Unang Pangkat: Mag drawing ng isang bahaghari


at kulayan ito.
Ikalawang Pangkat: Mag drawing ng limang
bulaklak at kulayan ito ng iba’t-iba.

Mayroon kayong 3 minuto upang gawin ito.


Maliwanag ba mga bata? Opo, Ma’am!

Okay mga bata, pwede ni’yo na itong simulan. (Gagawin ng mga bata ang ipinapagawa
ng guro.)
(Mag fa-flash ang guro ng timer sa screen habang
ginagawa ng mga bata ang aktibidad)

Tapos na ba kayo mga bata? Opo, Ma’am!

Maari ko bang makita ang inyong gawa? (Ipapakita ng mga bata ang kanilang
ginawa.)

Wow! Mahusay mga bata! Ang gaganda ng inyong


mga gawa.

2. Pagsusuri
Itatanong ng guro ang mga sumusunod:
1. Nakakita na ba kayo ng bahaghari at mga
bulaklak? Opo, Ma’am!
2. Saan ni’yo ito nakita? Maaaring iba-iba ang sagot ng mga
3. Ano ang nararamdaman ni’yo kapag nakakakita bata.
kayo nito? Masaya po
4. Maganda ba ang mga kulay nito? Opo
5. Ano ang paborito ni’yong kulay? Maaaring iba-iba ang sagot ng mga
bata.

3. Pagtatalakay
Ngayon tingnan ni’yo ang inyong paligid.
Makikita natin na napakakulay ng mundo. Ang
mga bagay na nakikita natin sa ating paligid (Ang mga mag-aaral ay aktibong
katulad ng mga puno, hayop, bulaklak at marami makikilahok at makikinig sa talakayan)
pang iba ay may iba’t-ibang kulay.

Ang kulay ay nahahati sa tatlong pangkat: primary


colors, secondary colors, at tertiary colors.
Ang primary colors o pangunahing kulay ay ang
batayan at pinagmumulan ng lahat ng mga kulay.
Ito ay ang pula, dilaw, at asul.

red yellow blue

Ang secondary colors o pangalawang kulay ay


tawag sa mga kulay na nabubuo kapag pinagsama
ang dalawang pangunahing kulay.

Ang halimbawa nito ay:

R Y B Y R B

orange green violet

Ang tertiary colors o pangatlong kulay ay ang mga


kulay na nabuo sa pamamagitan ng pagsasama ng
pangunahing kulay at pangalawang kulay. Katulad
ng:

Y G Y O B G B V R O R V

yellow yellow blue blue red red


green orange green violet orange violet

Neutral colors naman ang tawag sa kulay na Black


o itim, white o puti, at gray o kulay-abo.

Ang mga kulay ay mailalarawan din bilang


advancing (warm) colors at receding (cool) colors.

Ang Advancing (warm) colors ay ang mga kulay


na red, orange, and yellow nagpapahiwatig ng
kaligayahan, kasiyahan, pagiging agresibo, at
pananabik.

Ang Receding (cool) colors naman ay ang mga


kulay kagaya ng blue, green, at violet. Ang mga
kulay na ito ay nagpapahiwatig ng kapayapaan,
katahimikan, at kalungkutan.

3. Paglalahat
Ngayon ay nalaman at nakilala ni’yo na ang iba’t-
ibang kulay. Sa pagkakataong ito, ating subukin
ang inyong natutunan sa ating paksang tinalakay.

Mayroon akong inihandang ilang katanungan at


inyo itong sasagutin. Handa na ba kayo? Opo, Ma’am!
Mahusay mga bata! Simulan na natin!

Itatanong ng guro ang mga sumusunod: Mga kasagutan:


1. Ano ang tatlong pangunahing kulay o primary 1. Red, Yellow, at Blue
colors? 2. Pangalawang kulay o secondary colors
2. Ano ang tawag sa mga kulay na nabubuo kapag 3. Pangatlong kulay o tertiary colors
pinagsama ang dalawang pangunahing kulay? 4. Neutral colors
3. Ano ang tawag sa kulay na nabuo sa 5. Advancing (warm) colors at Receding
pamamagitan ng pagsasama ng pangunahing kulay (cool) colors.
at pangalawang kulay?
4. Ano ang tawag sa kulay na black, white, at
gray?
5. Ang mga kulay ay mailalarawan din bilang
________ at __________.

Magaling mga bata! Batid kong naintindihan ninyo


ng mabuti ang ating aralin ngayong araw.

4. Paglalapat
Ngayon ay magkakaroon tayo ng group activity.
Bibigyan ko kayo ng limang minuto upang gawin
ito. Maliwanag ba mga bata? Opo, Ma’am!

Unang Pangkat
Panuto: Gumawa ng color wheel at kulayan ito. (Gagawin ng mga bata ang aktibidad)
Gawing guide ang larawan sa ibaba.

Tertiary color

Ikalawang Pangkat
Panuto: Iguhit ang iyong paboritong tanawin at (Gagawin ng mga bata ang aktibidad)
kulayan ito.

Tapos na ba kayo mga bata? Opo, Ma’am!

Patingin nga ng inyong mga gawa. (Ipapakita ng mga bata ang kanilang
ginawa)

Wow! Mahuhusay mga bata, napakagaganda ng


inyong mga drawing! Picture-an ni’yo ito at isend (Pipicture-an at isesend ng mga bata ang
sa ating group chat. kanilang ginawa sa group chat)

Nag enjoy ba kayo? Opo, Ma’am!

Ano ang naramdaman ni’yo habang ginagawa ang Maaaring magkaka-iba ang sagot ng
ating activity? mga bata.

Magaling mga bata! Dahil sa inyong


pagpapamalas ng husay at talento naging maayos
at maganda ang kinalabasan ng inyong ginawa.
IV. PAGTATAYA
TAMA o MALI
Panuto: Piliin ang tamang sagot.

1. Ang tertiary colors o pangatlong kulay ay ang mga kulay na nabuo sa pamamagitan ng
pagsasama ng pangunahing kulay at pangalawang kulay.

✓ TAMA MALI

2. Neutral colors ang tawag sa kulay na black, white, at gray.

✓ TAMA MALI
3. Secondary colors ang tawag sa pula, dilaw, at asul.

TAMA ✓ MALI
4. Secondary colors o pangalawang kulay ang tawag sa mga kulay na nabubuo kapag pinagsama
ang dalawang pangunahing kulay.

✓ TAMA MALI
5. Ang violet ay halimbawa ng tertiary color.

TAMA ✓ MALI
6. Ang advancing colors ay nagpapahiwatig ng kapayapaan, katahimikan, at kalungkutan.

TAMA ✓ MALI
7. Ang Receding colors ay nagpapahiwatig ng kaligayahan, kasiyahan, pagiging agresibo, at
pananabik.
TAMA ✓ MALI
8. Ang kulay ay nahahati sa tatlong pangkat: primary colors, secondary colors, at tertiary colors.

✓ TAMA MALI
9. Ang yellow green ay isang halimbawa ng tertiary colors.

✓ TAMA MALI
10. Ang blue violet ay isa pang halimbawa ng tertiary colors.

✓ TAMA MALI

https://wordwall.net/play/32445/663/330
V. TAKDANG ARALIN
Crayon Etching
Kagamitan: Oslo or bond paper, krayola, lapis o isang pirasong walis tingting.
Mga hakbang sa paggawa:
1. Ihanda ang mga kagamitan.
2. Gamit ang krayola, kulayan ng iba’t-ibang kulay ang oslo o bond paper. Diinan nang maigi
ang pagkukulay sa buong papel.
3. Pagkatapos makulayan ang buong papel, patungan ito ng kulay itim na krayola.
4. Maaring gumamit ng lapis, walis tingting o kahit anong may matulis na bagay na maaaring
magamit pangguhit.
5. Iguhit ang inyong bahay at bakuran.

Inihanda ni:

LOVELY M. PEÑAFLOR
Mag-aaral

Isinulit kay:

MRS. MARLA ORTIZ


Tagapagturo

You might also like