You are on page 1of 5

Pampamahalaang Pamantasan ng Kanlurang Mindanao

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro


Pinagsanib ng Paaralang Panlaboratoryo
DEPARTAMENTO NG ELEMENTARYA
Lungsod ng Zamboanga

PST: Notario, Kaeth Laurence O. Date of teaching: February 10, 2023


Date of today: February 09, 2023

Banghay Aralin sa Filipino IV


Pabuod na pamamaraan

I. Layunin:
Pagkatapos ng 60-minutong talakayan, ang mga mag-aaral sa ika-apat na baitang
seksyong Alido ay inaasahang magagawa ang mga sumusunod na may 85%
kawastuhan:
a. nasasabi na ang pang-uring pamilang ay uri ng pang-uri na nagsasaad
ng bilang.
b. nakikilala ang mga pang-uring pamilang na napakaloob sa
pangungusap
c. nagagamit sa pangungusap ang mga pang-uring pamilang

II. Paksang Aralin – Pang-uring Pamilang


Sanggunian: Binhi:Wika at Pagbasa para sa Elementarya 4, Pahina 303-306.

III. Materyales
Hearts, Charts, larawan

IV. Pamamaraan
A. Paghahanda
1. Pagbati
Magandang araw mga bata! (magandang araw po teacher) kamusta kayo?
(maayos po) mabuti naman. Kumusta kayongayon? (Okay lang po)Magaling. Bago
magsimula ang ating talakayin sa araw na ito, anong-anong mga bagay ang mga
dapat niyong pagkatandaan? (Huwag mag-ngay, making, makilahok).

Ngayon, sinong makakapagsabi sa akin kung ano ang hawak ni titser? (hugis puso
po) Tama! Ipapangkat ko ang klase sa 3. Ang hugis pusong ito ay magiging inyong
behavioral tsart. At kapag kayo ay maingay, hindi nakikinig kay titser ay papalitan
ko ng broken hearted shape. Naintindihan ba?
2. Pagganyak
Sa araw na ito, ay kakanta tayo ng pinamagatang “ May Sampung Palaka”. Handa
na ba kayo? (Opo) Mahusay.

“ May Sampung Palaka”


May sampung palaka lumalangoy sila
Pataas pababa at paikot-ikot pa
Ang sabi ng nanay matulog na kayo
Ang sagot ang sagot ayaw ko ayaw ko

May sampung palaka lumalangoy sila


Pataas pababa at paikot-ikot pa
Ang sabi ng nanay kumain na kayo
Ang sagot ang sagot gusto ko gusto ko

Base sa inyong kinanta, ilang palaka ang naroroon? (Sampu) Mahusay!

B. Paglalahad
Mayroon akong mga larawan. Maari niyo bongsabihin sa akin ang mga larawan
na inyong nakikita? (Bigas)

Ano ang inyong napapansin sa unang larawan? ( May isang sako ng bigas) Mahusay!
Sa ikalawang larawan, pang-ilan ang bata sa larawan? ( Ikalawa) Mahusay!

Bumili ang nanay niyo ng cake, kayong tatlo ng iyong kapatid ang kakain nito. Paano mo
ito hahatiin? (1/3). Mahusay!

Ilan ang pila na iyong nakikita?

C. Pagtatalakay
Ano sa iyong palagay ang tawag sa mga ito? Anong uri ng pang-uri ito? (Pang-uring
pamilang). Ano sa tingin niyo ang pang-uring pamilang? (Mga pang-uring nagsasabi ng
dami o bilang ng pangngalan at panghalip). Mahusay! May iba’t ibang uri ng pang-uring
pamilang. Alamin natin ngayon ano-ano ang mga iyon. Sa unang larawan, alin ang
nagpapakita ng bilang? (Isang sakong bigas). Mahusay. May ideya ba kayo kung ano ang
tawag sa mga bilang na isa, dalawa, tatlo, apat atbp. (Hindi/Opo) Ang tawag sa mga ito
ay Patakaran at ito ay ginagamit sa pagbilang.
Hal.
1.apat na sako ng bigas
2.limapu’t isang kambing

Sa ikalawang larawan, alin ang nagpapakita ng bilang? (Ikalawa). Kapag sinasabi


niyong una, ikalawa, ikatlo , ano sa tingin niyo ang isinasaad nito? (Pagkasunod-sunod). Tama!
Ano sa tingin niyo ang tawag dito? (Panunuran). Ano nga ba ito? (Nagsasaad ng pagkasunod-
sunod).

Hal.
1.unang tirahan
2. pangwalong tirahan
Sa ikatlong larawan, alin ang nagpapakita ng bilang? (Katlo) kapag sinasabi nating
katlo, ano ang inyong naiisip? (Bahagi ng parte o kabuuan). Ano nga ba ang tawag sa uri ng
pang-uri na nagpapakita ng bahagi o parte? (Pamamahagi) Bakit natin sinasabi na pamamahagi?
( Nagpapakita ito ng parte o kabuuan).

Hal.
1. kalahating pakwan
2. sangkapat na keyk

Sa ikaapat na larawan, alin nagpapakita ng bilang? ( Dalawahan) Pag-sinabi nating


dalawahan , ano ang ating iparating? (Grupo-grupo o pangkatan) . Ano nga ba ang tawag sa uri
ng pang-uri na nagpapakita ng bahagi o parte? (palansak). Bakit nga uli itong tinatawag na
palansak? (Ito ay nagpapakita ng pangkalahatan o grupo-grupo).

Hal.
1. daan-daang sundalo
2. bayong-bayong na gulay

D. Paglalahat
Base sa ating tinalakay, ano ang pang-uring pamilang? (mga pang-uring na
nagsasaad ng dami o bilang). Mahusay. Ano-ano ang mga uri ng pang-uring
pamilang? (Patakaran, Panunuran, Pamamahagi, at Palansak). Ano ang patakaran?
(Ito ay ginagamit sa pagbibilang). Magbigay ng halimbawa ng Patakaran (isa, dalawa,
tatlo). Mahusay. Ano naman ang Panunuran? ( Nagsasaad ng pagkasunod-sunod).
Magbigay ng halimbawa nito. (Una, ikalawa, Ikatatlo). Ano naman ang pamamahagi?
( Nagpapaita ng bahagi o parte ng kabuuan). Magbigay ng halimbawa. (isa at
kalahati, dalawa at dalawang-katlo, apat at kalahati atbp). Ano naman ang palansak?
(Nagpapakuta ng pangkalahatan o grupo-grupo). Magbigay ng halimbawa (Isa-isa,
Dalawahan, Tatluhan, Apatan). Magaling.

E. Paggamit
Ngayon ay natutuhan niyo na kung ano ang pang-uring pamilang. Ngayon, may
gagawin kayong isang Gawain. Itaas lamang ang iyong kamay kung iyong nais na
sumagot. Maliwanag. (Opo teacher).

Panuto: Bilugan ang pang-uring pamilang sa pangungusap.

1. Ang sako-sakong palay ay itinago ng kalakihan sa bodega.


2. Hugasan mong mabuti ang dalawang kamay mo.
3. Pwede bang makahingi ng kapirasong luya?
4. Si Raquel ang pangalawang kalahok na await ng OPM.
5. Hindi na papasukin sa ektarya ng pananim dahil sa mga kulisap.
V. Pagtataya

Ngayon, para sa inyong huling gawain, sino ang makakapagbasa ng Panuto? (Ako
teacher) Magaling.

Panuto: Magbigay ng isang halimbawa sa bawat uri ng pang-uring pamilang.


Gamitin sa pangungusap at bilugan ito.

1. Patakaran _____________________________________
2. Pamahagi _____________________________________
3. Panunuran_____________________________________
4. Palansak ______________________________________

You might also like