You are on page 1of 8

Petsa: Year Level:

Oras:

Detalyadong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10

Inihanda ni Madelyn L. Ansog

I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay nararapat na;

 Natutukoy ang iba’t -ibang anyo ng globalisasyon.


 Nakapagbibigay ng saloobin tungkol sa mabuti at di-mabuting epekto ng iba’t-
ibang anyo ng globalisasyon.
 Nakagagawa ng isang dula-dulaan sa pamamagitan ng balitaan tungkol sa iba’t-
ibang anyo ng globalisasyon.

II. Paksang Aralin

Paksa: Anyo ng Globalisasyon

Sanggunian: Isyu at Hamong Panlipunan (Mga Kontemperaryong Isyu G10)

Kagamitan: Laptop,Projector, Manila Paper, Modyul, Cartolina at Marker

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
Ang lahat ng mag-aaral ay magsitayo Nanatiling nakatayo ang lahat para sa
para sa ating panalangin pagdarasal.
Mag-aaral A maaari bang pamunuan mo Pamunuan ni Mag-aaral A ang panalangin.
ang pagdarasal?

1. Pagbati Magandang umaga po Maam!


Magandang umaga sa inyong lahat!
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
Bago kayo umupo pulutin ang mga kalat ( Pupulutin ang mga kalat at aayusin ng mga
sa ilalim ng inyong lamesa at upuan at mag-aaral ang kanilang upuan)
pakiayos ng inyong mga upuan. Kung wala Maraming salamat po.
maaari na kayong umupo.

4. Pagtatala ng liban sa klase


Mayroon bang liban sa araw na ito? Wala pong liban sa araw na ito.
(Itatala ng sekretarya ang liban sa klase)
Mabuti naman kung ganoon.
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
B. Pagganyak

Kumusta kayong lahat? Mabuti naman po.


Ngayon, may inihanda akong
gawain,bago natin pormal na simulan ang ating
klase.
Maglalaro tayo ng 4 Pics One Word.
Gamit ang mga larawan na ipapakita ko sa inyo
hulaan ninyo kung anong salita ang bubuo sa
apat na larawan. Kung may sagot kayo itaas ang
inyong kanang kamay. Paalala bawal kayong
sumigaw.
Opo Maam.
Maliwanag?
Sagot:
Magsimula na tayo.
Ipakita ang unang larawan
Maam Produkto.
Magaling!
Pangalawang larawan
Maam Teknolohiya.
Magaling!
Pangatlong larawan
Maam Organisasyon.
Magaling!
Pang-apat na larawan Maam Kompanya
Panglimang larawan
Maam Politika.
Mahusay!
Panuto 4 Pics One Word: Gamit ang mga
larawan at jumbled letters ay huhulaan ng mag-
aaral ang konsepto.
Inaasahang sagot;
1. Produkto P D K T P

2. Teknolohiya T K O O A

3.Organisasyon O G A Y

4. Kompanya
5. Politika
C. Paglalahad

Ang ating ginawang Gawain ay may

kinalaman sa tatalakayin natin ngayon.

Ano sa tingin niyo ang ating paksa? Sa tingin ko po Maam may kinalaman ang
Maaari.
ating paksa sa ekonomiya.
Handa na ba kayo?
Simulan na natin.
Ang ating paksa ngayon ay tungkol sa:
Handa na po!

ANYO NG GLOBALISASYON
GLOBALISASYONG EKONOMIKO
-Sentro sa isyung globalisayon ang ekonomiya
na umiinag sa kalakalan ng mga produkto at
serbisyo.
Kinakitaan ito ng pag-usbong ng malalaking
KORPORASYON.
2 Uri ng Korporasyon
1.TRANSNATIONAL COMPANIES-
tumutukoy sa mga kompanya o negosyong
nagtatag ng pasilidad sa ibang bansa.
-Ang halimbawa nito ay ang kompanyang Shell,
Accenture, Telus Int’l Phils, at Glaxo-Smith Klein
(Halimbawang produkto ay Sensodyne at
panadol)

2.MULTINATIONAL COMPANIES -tumutukoy sa


pangkalahatang katawagan na tumutukoy sa
mga namumuhunang kompanya sa isang bansa
at magkakaroon din ng operasyon sa higit na
isang bansa.
-Ang halimbawa nito ay ang kompanyang
Uniliver, Google, McDonalds at Coca-Cola ay ilan
sa halimbawang kompanya.

GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT
SOSYO-KULTURAL
-ito ay tumutukoy sa pag-unlad ng uri ng
pamumuhay ng mga tao bilang bunga ng
globalisasyon.
-Ang lakas ng impluwensiyang kultural ng mga
dayuhan katulad ng Koreans pop culture sa anyo
pelikula, pananmit.at pagsasalita.

GLOBALISASYONG POLITIKAL
-ito ay na mabilisang ugnayan sa pagitan ng mga
bansa, samahang rehiyunal at maging ang
pandaigdigang organisayon na kinakatawan ng
kani-kanilang pamahalaan.
-Ang ugnayang diplomatiko ng Pilipinas sa
Australia, China, Japan, South Korea, Thailand at
iba pang bansa ay nagdala ng oportunidad pang-
ekonomiko at pang-kultural sa magkabilang
panig.
May mga tanong pa ba kayo class? Wala po.

D.Paglalahat
Anu-ano ang tatlong anyo ng Maam Globalisasyong Ekonomiko.
globalisasyon? Maam Globalisasyong Teknolohikal.

Magaling! Maam Globalisasyong Politikal.

Ano-anong kabutihan at di-kabutihan


ang naidudulot ng teknolohiya sa ating bansa? Maam ang kabutihan ng teknolohiya ay

Magaling! napapabilis nito ang mga Gawain at ang


di-kabutihan ay ginagamit ito sa masama
katulad na lamang ng facebook na
E. Paglalapat minsan ay nagdudulot ng away.
Ngayon mukhang lubos niyo ng
nauunawaan ang ating aralin.
Class magkakaroon tayo ng
pangkatang Gawain. Hahatiin ko ang klase sa
tatlong pangkat sa pamamagitan ng ………….
Bibigyan ko kayo ng limang Segundo
Pipili ng lider ang bawat pangkat.
para pumili ng lider.
Ngayon pumarito ang lider ng tatlong
Ang lider ng bawat pangkat ay bubunot
pangkat para bumunot ng paksa.
ng paksa.
Unang Pangkat ano ang inyong
Ang paksang nabunot namin ay tungkol
paksang nabunot?
sa Globalisayong Ekonomiko.
Pangalawang Pangkat?
Ang paksang nabunot namin ay tungkol
sa Globalisasyong Teknolohikal at Sosyo-
Kultural.
Ikatlong Pangkat
Ang paksang nabunot naming ay
Globalisayong Politikal.
Ang gagawin ninyo sa paksa ay gagawan niyo ng
balitaan sa pamamagitan ng dula-dulaan.
Bibigyan ko lamang kayo ng sampung minuto
para makapaghanda kayo, at itatanghal ninyo ito
mamaya. Kailangan lahat kayo ay lumahok. Kung
may nakita akong mag-aaral na hindi lumahok sa
grupo, babawasan ko ng puntos ang grupo.
May mga katanungan pa ba? Wala na po.
Para sa kaalaman ng lahat ako ay may
pamantayan para sa gagawin ninyo.
Narito ang pamantayan.
Alam kong mag-iingay kayo pero huwag
yung ingay na nakakadistorbo sa ibang klase.
Maliwanag !
Maaari na kayong magsimula. Opo.
(Matapos ang sampung minuto itatanghal
ng Una, pangalawa at ikatlong pangkat ang
Itatanghal ang kanilang nagawa.
kanilang nagawa.)
Itatanghal ng Unang Pangkat ang
kanilang dula-dulaan.
Papalakpak ang mga madla/kaklase.
Mahusay! Bigyan natin ng tatlong
palakpak ang Unang Pangkat.
Ngayon Pangalawang Pangkat kayo
Itatanghal ng pangalawang pangkat ang
naman.
kanilang nagawa.
Magaling! Bigyan natin ng tatlong
Papalakpak ang mga madla/kaklase.
palakpak ang Pangalawang Pangkat.
Tunghayan naman natin ang huling
pangkat.
Itatanghal ng ikatlong pangkat ang
Mahusay bigyan natin ng tatlong kanilang nagawa.
palakpak ang ikatlong pangkat.

Magaling! Talagang naipamalas ninyo


ang inyong nakatagong talent. Palakpakan ninyo
ang inyong mga sarili.
Dahil sa lahat kayo ay magaling at
nakikitang may pagtutulungan at lahat lumahok
sa gagawin. Narito ang inyong marka:
Ang Group___ ay nakakuha ng puntos
at ang Group__ay nakakuha ng puntos at ang
Group___ ay nakakuha ng puntos.
Iskala ng Pagmamarka: 5 (Napakahusay) 4 (Mahusay) 3
(Katamtaman) 2 (Di-gaanong Mahusay) 1 (Di-lubhang
mahusay)
PAMANTAYAN PAGMAMARKA
(GAWAIN NG GURO)
1.Tama at angkop ang
nilalaman at
pagpapakahulugan sa mga
pangyayari.
2.Angkop ang ekspresyon
ng mukha sa ipinakikitang
emosyon o sa damdaming
pinalilitaw.
3.Mahusay at malinaw ang
pagbibitiw ng pahayag
kaya’t nauunawaan
5.Nakapukaw ng interes at
kawilihan sa mga
manonood.
KABUUAN:
INTERPRETASYON: 17-20 (Napakahusay)
13-16 (Mahusay) 9-12 (Katamtaman)
5-8 (Di-gaanong Mahusay) 1-4 (Di-lubhang mahusay)

IV. PAGTATAYA
Identipikasyon. Panuto. Tukuyin ang tamang sagot. (1/4)

1-2. Ibigay ang dalawang uri ng korporasyon.


3. Ito ay kinakitaan ng pag-usbong ng malalaking korporasyon.
4-5. Magbigay ng dalawang anyo ng globalisasyon.

Inaasahang sagot:
1.Transnational Companies
2. Multinational Companies
3. Globalisayong Ekonomiko
4. Globalisayong Ekonomiko
5. Globalisasyong Teknolohikal at Sosyo-kultural
Globalisasyong Politikal

V. TAKDANG ARALIN
Magsaliksik at basahin ang Iskemang Subcontracting
Group 1
Iskala ng Pagmamarka: 5 (Napakahusay) 4 (Mahusay) 3 (Katamtaman)
2 (Di-gaanong Mahusay) 1 (Di-lubhang mahusay)
PAMANTAYAN PAGMAMARKA
1.Tama at angkop ang nilalaman at pagpapakahulugan sa mga pangyayari.
2.Angkop ang ekspresyon ng mukha sa ipinakikitang emosyon o sa
damdaming pinalilitaw.
3.Mahusay at malinaw ang pagbibitiw ng pahayag kaya’t nauunawaan.
4.Nakapukaw ng interes at kawilihan sa mga manonood.
KABUUAN:

INTERPRETASYON: 17-20 (Napakahusay) 13-16 (Mahusay) 9-12 (Katamtaman)


5-8 (Di-gaanong Mahusay) 1-4 (Di-lubhang mahusay)

Group 2
Iskala ng Pagmamarka: 5 (Napakahusay) 4 (Mahusay) 3 (Katamtaman)
2 (Di-gaanong Mahusay) 1 (Di-lubhang mahusay)
PAMANTAYAN PAGMAMARKA
1.Tama at angkop ang nilalaman at pagpapakahulugan sa mga pangyayari.
2.Angkop ang ekspresyon ng mukha sa ipinakikitang emosyon o sa
damdaming pinalilitaw.
3.Mahusay at malinaw ang pagbibitiw ng pahayag kaya’t nauunawaan
4.Nakapukaw ng interes at kawilihan sa mga manonood.
KABUUAN:
INTERPRETASYON: 17-20 (Napakahusay) 13-16 (Mahusay) 9-12 (Katamtaman)
5-8 (Di-gaanong Mahusay) 1-4 (Di-lubhang mahusay)
Group 3

Iskala ng Pagmamarka: 5 (Napakahusay) 4 (Mahusay) 3 (Katamtaman)


2 (Di-gaanong Mahusay) 1 (Di-lubhang mahusay)
PAMANTAYAN PAGMAMARKA
1.Tama at angkop ang nilalaman at pagpapakahulugan sa mga pangyayari.
2.Angkop ang ekspresyon ng mukha sa ipinakikitang emosyon o sa
damdaming pinalilitaw.
3.Mahusay at malinaw ang pagbibitiw ng pahayag kaya’t nauunawaan
4.Nakapukaw ng interes at kawilihan sa mga manonood.

KABUUAN:

INTERPRETASYON: 17-20 (Napakahusay) 13-16 (Mahusay) 9-12 (Katamtaman)


5-8 (Di-gaanong Mahusay) 1-4 (Di-lubhang mahusay)

You might also like