You are on page 1of 4

Western Mindanao State University

College of Teacher Education


Integrated Laboratory School
ELEMENTARY DEPARTMENT
Zamboanga City

Name: Notario, Kaeth Laurence O. Araw ng Pagututuro: February 13, 2023


Gurong Tagapagsuri: G. Jovannie M. Sarona

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan IV


(Pasaklaw na Pamamaraan)

I. Layunin
Sa pagtatapos ng 40- minutong talakayan, ang mga mag-aaral ng IV- Alido ay inaasahang
maisagawa ang mga sumusunod nang may 85% na kawastuhan:
a. nababalik-aralan ang tungkol sa mga pangkat-etniko na bahagi Minoryang Kultural,
b. nailalarawan ang pagkakaiba ng mga pangkat-etniko sa Minoryang kultural at;
c. nakilala ang mga pangkat-etniko sa Minoryang Kultural batay sa kanilang
kultura,paniniwala at lugar na pinaninirahan.

II. Paksang Aralin


Paksa: Mga maliliit na pangkat-etniko
Sanggunian: Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 4, pahina 205-211

III. Kagamitan
Tsart, Incentive Tsart
Mga Larawan ng iba’t ibang Pangkat-Etniko sa Pilipinas

IV. Pamamaraan
A. Paghahanda
Magandang hapon IV-Alido! Handa na ba kayo para sa ating panibagong aralin? (Opo)
Magaling! Bago tayo magsimula,, ano ang dapat nating gawin habang tayo ay nagkaklase?

1. Pagbabalik- Aral
Bago tayo magsimula sa ating panibagong aralin, sino ang makapagsasabi sa klase kung
anong paksa ang itinalakay natin noong nakaraan? (Mga maliliit na Pangkat –Etniko o
ang Minoryang Kultural) Tama. Maaari niyo bang ibigay ang mga pangkat-etniko na
kabilang sa maliliit na pangkat-etniko o minoryang kultural? (Opo, Negrito, Mangyan,
Ifugao,Meranao at Badjao) Magaling. Talagang tanda niyo pa ang ating leksiyon.
Ngayon mga bata ay may inihanda akong gawain para sa inyo upang masubok ang
inyong dating kaalaman sa ating paksa.
Panuto :Ayusin ang mga sumusunod na titik upang mabuo ang salita ang tamang salita.
Gamitin ang clue na ibinigay para masagot ang bawat aytem.

1.NMAYANG
clue: Sila ay matatagpuan sa Oriental at Occidental Mindoro
2.RAMEONA
clue: Sila ay matatagpuan sa Lanao Del Sur at Misamis Oriental
3.TEGORNI
clue: Sila ay may labis na pagpapahalaga sa pamilya at kalikasan.
4.OJADAB
clue: Sila ay kilala sa bansa sa tawag na sea gypsies.
5.IOFAUG
clue: Sila ay nagsasagawa ng mga ritwal bilang pasasalamat ng magandang ani.

2. Recall of the Rule


Base sa ating gawain, ano ang pagkakaiba ng bawat pangkat-etniko na nasa sa ating
gawain? (Sila ay may iba’t ibang lugar na pinaninirahan) Tama. Paano napagsama-sama
ang may magkakatulad ng na kultura,paniniwala at mga lalawigang ,magkakalapit? (sa
pamamagitan ng Relihinalisayon) Tama. Ang relihiyonalisasyon ay ginawa upang
mapadali ang pamamalakad ng pamhahalaan sa buong kapuluan ng Pilipinas. Kanino
nanggaling na ang pangkat-rtniko ay bunga ng migrasyon o pandarayuhan ng iba’t ibang
lahi at maging intermarriage sa pagitan ng Pilipino at mga dayuhan? (Dr. Henry Otley
Beyer) Tama. Saan nga ba karaniwang nainirahan ang mga pangkat-etniko sa minoryang
kultural? (kabundukan,burol at talampas)Ano ang unang pangkat-etniko ang kabilang sa
Minoryang Kultural? (Negrito)Tama. Saan naninirahan ang mga pangkat-etniko na ito?
(Kabundukan ng Sierra Madre at Zambales) Paano natin makikilala ang mga Negrito?
(Kapag sila ay may pagpapahalaga sa pamilya at kalikasan) Tama. Ano naman ang sunod
na pangkat-etniko? (Mangyan) Tama. Saan naniiahan ang mga Mangyan? (Oriental at
Occidental Mindoro) Karamihan sa kanila ay binubuo ng iba’t ibang pangkat-etniko na
nagmumula sa Mindoro. Ano naman kaya ang sunod na pangkat-etniko? (Ifugao) Tama.
Saan naman kaya natin matatagpuan ang mga Ifugao? ( Kabundukan ng Ifugao at
Benguet) Tama. Ano ang tradisyon na ginagawa ng mga Ifugao?( Sila ay nagsasagawa
ng mga ritwal bilang pasasalamat sa masaganng ani.) Magaling. Ano naman ang sunod
na pangkat- etniko? (Meranao) Tama. Saan matatagpuan ang mga Meranao? ( Lanao Del
Sur) Tama. Ano naman ang natatanging pagkakakilanlan ng mga Meranao? ( Mahuhusay
sila sa pag-ukit at paghabi ng makukulay na malong.) Magaling. Ano naman panghuling
pangkat-etniko? (Badjao) Tama. Saan kilala ang mga Badjao? (Sea Gypsies) Tama. Bakit
sila kilala sa katawagang ito? (Dahil sila ay namamalagi sa dagat o malapit sa dagat.)
Tama. At sila ay matatagpuan ang karamihan sa kanila sa ARMM o Autonomous Region
in Muslim Mindanao. Magaling mga bata.

B. Inferences
Ngayon, para malaman natin kung inyo bang naunawaan ang ating tinalakay, ay mayroon
akong inihandang gawain.
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang T kung Tama ang
pahayag, at kung Mali palitan ang salitang may salungguhit upang maging tama. Isulat
ang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____ 1. Ang Relihiyonisasyon ay ginawa upang mapadali ang pamamalakd ng


pamahalaan sa buong kapuluan ng Pilipinas.
_____ 2. Ang pangkat etniko na Ifugao ay naninirahan sa kabundukan ng Sierra Madre at
Zambales.
_____ 3. Ang pangkat etniko na Mangyan ay kilala sa tawag na Sea Gypsies dahil sila ay
namamalagi sa dagat o malapit sa dagat.
_____ 4. Isa sa natatanging pagkakakilanln ng mga Meranao ay ang kanilang husay sa
pag-ukit at paghahabi ng makukulay na malong.
_____ 5. Ayon kay Dr. Henry Otley Beyer, ang pangkat etniko ay bunga ng migrasyon o
pandarayuhan ng iba’t ibang lahi.

C. Verification

Ngayon, malalaman natin kung tama ba ang inyong mga sagot.


___T__ 1. Ang Relihiyonisasyon ay ginawa upang mapadali ang pamamalakad ng
pamahalaan sa buong kapuluan ng Pilipinas.
Negrito 2. Ang pangkat etniko na Ifugao ay naninirahan sa kabundukan ng Sierra Madre at
Zambales.
_Badjao 3. Ang pangkat etniko na Mangyan ay kilala sa tawag na Sea Gypsies dahil sila ay
namamalagi sa dagat o malapit sa dagat.
___T__ 4. Isa sa natatanging pagkakakilanln ng mga Meranao ay ang kanilang husay sa
pag-ukit at paghahabi ng makukulay na malong.
___T__ 5. Ayon kay Dr. Henry Otley Beyer, ang pangkat etniko ay bunga ng migrasyon o
pandarayuhan ng iba’t ibang lahi.

Ang sagot ba sa bilang isa ay tama?(Opo) Bakit? (Dahil ang Relihiyonisasyon ay ginawa
upang mapadali ang pamamalakad ng pamahalaan sa buong kapuluan ng
Pilipinas.)Magaling! Paano naman ang sa pangalawang bilang, tama ba ang sagot ng
inyong kaklase? (Opo) Bakit? (Dahil ang pangkat etniko na naninirahan sa kabundukan ng
Sierra Madre at Zambales ay mga Negrito hindi Ifugao) Mahusay! Para naman sa
pangatlong bilang, tama ba ang sagot ng inyong kaklase? (Opo) Bakit? (Dahil ang pangkat
etniko na kilala sa tawag na Sea Gypsies ay mga Badjao hindi Mangyan) Tama! Paano
naman ang sa pang-apat na bilang, tama ba ang sagot ng inyong kaklase? ? (Opo) Bakit?
(Dahil isa sa natatanging pagkakakilanln ng mga Meranao ay ang kanilang husay sa pag-
ukit at paghahabi ng makukulay na malong) Magaling! At para sa huling bilang, tama ba
ang sagot? (Opo) Bakit (Dahil ayon kay Dr. Henry Otley Beyer, ang pangkat etniko ay
bunga ng migrasyon o pandarayuhan ng iba’t ibang lahi.) Mahusay! Lahat ba kayo ay
magkaparehas ng sagot? (Opo) Magaling!

V. Pagbibigay Halaga
Upang malaman ko kung talagang naintindihan ninyo an gating leksiyon sa araw na ito ay
magbibigay ako ng isang maikling pagsusulit.
Panuto:Basahin at unawain nang mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Ayon kay_________, ang mga Pilipino ngayon ay bunga na ng migrasyon o pandarayuhan


ng iba’t ibang lahi at maging intermarriage.

a. Dr. Jose Rizal c. Dr. Henry Otley Beyer


b. Mangyan d. Badjao

2. Ano ang tawag sa pagsama-sama ng mga magkakatulad na kultura,paniniwala, at mga lalawigang


magkakalapit?

a. Pangkat -etniko c. migrasyon


b. Minoryang Kultural d. rehiyonalisasyon

3. Ang maliliit na pangkat-etniko ay tinatawag ding_____________.


a. Minoryang Kultural c. Di Materyal na kultura
b. Materyal na kultura d. Intermarriage

4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa minoryang kultural?

a. Ifugao c. Bikolano
b. Meranao d. Negrito

5. Saan karaniwang naninirahan ang mga maliliit na pangkat-etniko?

a. Kabundokan,burol,at talampas c. Subdivision


b. Siyudad d. kuweba

You might also like