You are on page 1of 8

PAGBABAGO o PAGKALITO

Sariling likha ng Mag-aaral ng Dualing High School

LAKANDIWA: Magandang araw mga hurado’t panauhin,


Nandito tayo upang ating alamin,
Pakinggan natin ang mga saloobin,
Ng mga makata sa ating usapin.

Ako po muna ay magpapakilala,


Tatayong lakandiwa ng ating paksa,
Yraldin Esmael po ang aking pangalan
Handang tumimbang ng mga katwiran.

Ang paksa ng pagtatalo


hango sa wikang katutubo
Ito ba ay naghahatid ng pagbabago?
O pagkalito sa mga mamamayang Pilipino?

Ating kilalanin ang mga makata


Mula sa iba’t ibang kapuluan ng ating bansa
Halina’t pakinggan ang kanilang ngalan
Maging ang kanilang mga katwiran.

Upang ating malaman kung sino ba ang mas tama,


Ang panig ng bawat isa bigyang-daan sa pagtula,
Sa pagtindig ng pagbabago katwiran ay itutudla,
Salubungin ng palakpak, sa bulwagan ay pumagitna.

PAGBABAGO: Maginoong Lakandiwa, ako ngayo’y sumasagot


Sa ngalan ni Balagtas na makatang lubhang bantog
Iyang inyong paanyaya’y tinanggap kong malugod.
Pagbabago ang tindig ko,
Sapagkat ito’y wika sa pagkatuto.
Wikang kinagisnan, malapit sa karanasan
Matibay na pundasyon,
Wika sa opisyal na komunikasyon
Buong baya’y liligaya’t magdiriwang,
Sapagkat ating wika ay ating maipagmamayabang.

PAGKALITO: Sinungaling na makata, walang turing at pangahas


Wikang katutubo ang magagamit sa pagkatuto?
O, mahal na lakandiwa tutol ako’t kasalungat
ng makatang naghahambog kung tumula at maghayag

Sa 180 wikang katutubo,


Paano mapag-iisa ang bansang Filipino kung iba-iba ang wikang itinuturo mo,
Mula tatlong taong gulang hanggang ikatlong grado,
Hindi pagbabago ang hatid nito kundi pagkalito.
Masyado kang maalam!

PAGBABAGO: Hindi ko sinasabing ako lang ang nakakaalam,


Bagkus ito ay para sa pangkalahatan.
Kultura ng Pilipinas ay yumayabong
Sapagkat maraming wikang katutubong umuusbong.

Wikang katutubo ginagamit na sa pamahalaan,


Siya ring pang-akit sa mga dayuhan
Ekonomiya ng bansa’y tumataas,
Pagbabago ay laganap sa Pilipinas.

PAGKALITO: Mahal mo ba ang sarili mong bayan?


Bakit mo pa kailangang akitin ang mga dayuhan?
Mga Pilipino nga’y hindi makaunawa,
Ano na lang kaya ang mga banyaga?

Lalong napapababa ito sa ekonomiya ng bayan,


Sapagkat walang kaisahan, walang pagkakaunawaan,
Kalituha’y matatamo,
Sa bansang isinusulong mong may pagbabago.

PAGBABAGO: Huwag mong kukuwestiyunin ang pagmamahal ko sa aking bansa,


Bakit di mo na lang tignan ang positibong matatamasa,
Hindi ka malilito, datapwat ito’y isasalin mo,
Lumalawak ang bokabularyo,
Nababawasan ang mga bobo.

PAGKALITO: Sinasabi mo bang ang mga Pilipino ay bobo?


Mas lalo mong pinapalito ang usaping ito.
Paano ka makakasiguro na ang pagsasalin mo ay totoo?
Nagsasayang ka lang ng oras,
Walang silbi ang naging wakas.

PAGBABAGO:Simula’t sapul ang naging unang wika ay wikang katutubo,


Wikang nagbubuklod-buklod sa mga Pilipino.
Multilinggual ang ating bansa,
Ibig sabihin maraming iba’t ibang kultura at wika.

Wikang ginagamitan ng pagsasalin,


Bokabularyo’y napapalawak natin.
Nakakamtan ang pagbabago,
Tungo sa isang bansang Filipino.

PAGKALITO: Sa paglipas ng maraming dekada,


Ating nakasanayan na,
Kanya-kanyang kinagisnang kultura,
Kaya nagkakaroon ng pagkakaiba-iba.

Walang kapayapaan, walang katiwasayan,


Mahirap pag-isahin ang mga pulong magkakalayo-layo.
Kaya ito’y nagreresulta ng pagtatalo at pagkalito.
LAKANDIWA: Tama na! Husto na!
Ang pagtatalo niyo’y wag nang palawigin pa.
Tumitindi na ang tensyon sa pagitan ng dalawang makatang kumaktwiran.
Matapos ko nang marinig ang katwiran ninyo’t panig,
Sinuri ko nang mabuti kung sino ba ang mas matuwid.
Sapagkat ang hatol dito kapag ako ang nalihis
Marami sa akin ay magagalit.

Sa pagbabago nang dahil sa pagkakabuklod-buklod ng mga Pilipino,


Napapalawak ang bokabularyo,
Lubos tayong natututo,
Kaya buong bansa ay umaasenso.

Sa pagkalito, marami at iba’t ibang kultura at wika,


Iba-iba ang salin ng mga salita,
Wikang katutubo ay mahirap mapag-isa,
Sapagkat identidad ay isinasaalang-alang ng bawat isa.

Kaya ngayon ang hatol sa paksa ng balagtasan


Walang talo at panalo,
Patas sila sa tagisan,
Pagbabago at pagkalito ay pawang makubuluhan.
Pagkat ito’y mga susi patungo sa KAUNLARAN.

Lakandiwa: Yraldin Esmael


Mambabalagtas 1 (Pagbabago) Rodel Cabangisan
Mambabalagtas 2 (Pagkalito) Norhan Abas
MADALI

Ano ang tawag sa wikang ginagamit sa edukasyon, sa pamahalaan, at sa politika, sa komersiyo


at industriya?
a. opisyal b. pambansa c. panturo d. lahat ng nabanggit
Sagot: A
Sanggunian: Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. 2016. Vibal Group, Inc. Matina, Davao City p. 13

Sino ang may-akda ng Dekalogo ng Wikang Filipino?


a. Emma S. Castillo c. Ponciano B.P. Pineda
b. Jose Laderas Santos d. Virgilio S. Almario
Sagot: B
Sanggunian: Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. 2016. Vibal Group, Inc. Matina, Davao City p. 14

KATAMTAMAN

I. Pakikipanayam sa ilang kabataan kung paano hinahati-hati ang oras ng pag-aaral.


II. Paggawa ng liham na nagtatanong kung paano makakukuha ng iskolarsyip sa isang
unibersidad.
III. Paghihinuha sa mga pangyayari sa kuwento.
IV. Pagsasarbey kung ano ang wikang pambansa ng Pilipinas.
 Alin sa sumusunod na pahayag na ang gamit ng wika sa lipunan ay
pangheuristiko?
a. I at II b. III at IV c. I at IV d. II at IV
Sagot: C
Sanggunian: Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. 2016. Vibal Group, Inc. Matina, Davao City p. 83
Sitwasyon: Sa isang health center, tinanong mg doktora kung ano ang puwedeng inuming
gamut ng batang pitong taong gulang na sumasakit ang tiyan. Ano ang tiyak na layunin ng
panayam batay sa sitwasyon?
a. Impormal c. Pormal
b. Nagtatampok d. Pantalambuhay
Sagot: A
Sanggunian: Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. 2016. Vibal Group, Inc. Matina, Davao City p. 119

MAHIRAP

Anong mga taon pinalitan ang pangalan ng Surian ng Wikang Pambansa sa Linangan ng mga
Wika sa Pilipinas at di naglaon ay nilikhang Komisyon sa Wikang Filipino?
Sagot: 1981 at 1986
Sanggunian: Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. 2016. Vibal Group, Inc. Matina, Davao City p. 116

Sino ang nagkaroon ng pag-aaral na ang Tagalog na siyang batayan ng wikang pambansa ay
kabilang sa Indonesian subgroup ng Austronesian?
Sagot: Otto Dempwolff
Sanggunian: Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. 2016. Vibal Group, Inc. Matina, Davao City p. 97

CLINCHER
Ano ang wastong pagkakasunod-sunod ng taon na ginawang pambansa ang Tagalog, Pilipino
at Filipino?
Sagot: 1937, 1959, 1987
Sanggunian: Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. 2016. Vibal Group, Inc. Matina, Davao City p. 98

You might also like