You are on page 1of 4

Ipil Special Education Center

Lesson Plan in ArPan III- Regular


November 11-12, 2019
I. Layunin
A. Content Standard
 Naipapamalas ang pagunawa at pagpapahalaga sa pagkakakilanlang kultural na kinabibilangang
rehiyon.
B. Performance Standard
 Nakapagpapahayag ng pagmamalaki at pagkikilala sa nabubuong kultura ng mga lalawigan sa
kinabibilangang rehiyon.
C. Learning Competencies
 Nailalarawan ang pagkakakilanlang kultura ng sariling lalawigan
II. Paksang Aralin
Aralin : Ang Mga Pangkat ng Mga Tao Sa Rehiyon na Kinabibilangan ko.
Sanggunian:
CG:
TG: Araling Panlipunan pp. 136-140
LM: Araling Panlipunan 101-113
Kagamitan:
Larawan ng mga lugar sa sariling lalawigan, pisikal na mapa ng Mindanao
Climate map of the Philippines

III. Pamamaraan
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. PANIMULA

1. Pagganyak
Ipaawit ang kanta na “Pinoy ako “ ng Orange at Lemons.

Ano ang mensahe ng kanta?

( nakikilahok sa gawain)
2. Paglalahad

Ano ang Pangkat Etniko?

Basahin ang tungkol sa Pangkat etniko:


Zamboanga Sibugay
Ang ating bansa ay binubuo ng pangkat ng mga taong naninirahan sa Sibug Sibug Festival
ibang panig nito. Nakikilala ang bawat pangkat sa kanilang pagkaka
iba. Ang grupo o pangkat ng mga taong sama-samang naninirahan sa
isang lugar ay may sariling wika , kultura , tradisyon at paraan ng
pamumuhay ay tinatawag na Pangkat Etniko. Mayroon silang mga
katangian na kakaiba sa ibang pangkat . Ang kanilang natatanging
pagkakakilanlan ay itinuturing mahalagang bahagi sa kabuuang
kulturang Pilipino.

MGA TAONG BUMUBUO SA MGA LALAWIGAN SA SARILING REHIYON.

Anong rehiyon tayo napapabilang?

Ang rehiyon IX ay binubuo ng tatlong lalawigan. Ito ay ang lalawigang


Zamboanga delsur, Zambonga del Norte, at Zamboanga Sibugay na
mayyroon ng limang lungsod dito. Dapitan, Dipolog, Isabela, Pagadian
at Zamboanga. Maraming mga iba’t ibang pangkat etniko dito tulad
ng Subanen, Tausug, Yakan, Samal, Badjao, Bisaya at Zamboangueno.

Ang Subanen ay galing sa salitang “ suba” na ibig sabihin ay Rio o ilog


.. Sila ang mga katutubo ng Zamboanga del norte at Zamboanga Del
Sur na nakatira malapit sa ilog . Ang diyalektong subanen ay may mga
pagkakaiba . Sa ibang lugar may pagka halo na ng diyalekto sa
tagalong , Muslim at Subanen. Nagsimula silang manirahan dito noong
panahono ng mga Malay batay sa kanilang mga palamuting ginamit
nila sa mga Kuweba ng mga Zamboanga Del norte .

3. Pagtatalakay

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Sino-sino ang mga pangkat ng mga tao sa iyong lalawigan?

2. Ano ang pangunahing produkto sa lungsod ng ZamboangaAno ang mga


katangian ng mga taong naninirahan sa rehiyong ito?

3. Sa mga Pangkat sino ang mga bumubuo ng pinaka marami? Sino ang
bumubuo ng pinaka maliit na pangka?

4. Ano ang mga katangiang tinutukoy sa bilang apat?

5. Saang Pangkat ka Napapabilang ?


4. Paglalahat

Ano ang nakita mong pagkapareho sa katangian mo sa pangkat na


iyong napapabilangan?
Gamitin ang venn diagram

- -

5. Paglalapat
Pangkatang Gawain
Isadula ang buhay ng mga pangkat etniko gawing gabay ang mga
sumusunod na sitwasyon.
Pangkat 1- yakan- ang mga yakan ay masayng namumuhay sa isang
pamayanan. Sila ay nagtutulungan sa kanilang kabuhayan na
paghahabi. Ang mga anak na lalaki ay tumutulong sa tatay sa
paghahanap ng balat ng kahoy, dahon at ugat para gawing tinta sa
kuko. Ang mga babaeng ang ay tumutulong sa mga nanay sa
paghahabi at pagdisenyo ng tela.
Pangkat 2- Subanen – ang mga subanen ay naninirahan sa mga
kabundukan malapit sa ilog. Sila ay nagtatanim ng mga gulay, palay at
ibang produktong pang-agrikultura. Ang mga babae at lalaki ay
puwedeng maghanapbuhay . Nagtutulungan ang bawat kasapi ng
mag-anak para mamuhay nang maayos.

Panuto:
1. Pumili ng lider sa bawat pangkat
2. Magsigawa ng brainstorming ukol sa paksa.
3. Paghandaang mabuti ang pagsasadula ng pangkat.
4. Lahat ay magtulungan sa gawain ng pangkat.
5. Tapusin ang mga gawain sa takdang oras.

Criteria
Malinaw at maayos ang
pagsasadula
Nagpapakita ng pagkakaisa ng
bawat miyembro
Gumamit ang pangkat ng
kakaibang istilo at mga
kagamitan sa pagsasadula
Maganda ang kahulugan ng
dula at kinakikitaan ng giliw ang
pangkat

IV. Ebalwasyon
Tukuyin ang mga sumusunod na salita/ mga salita na ipinapahiwatig ng mga pahayag / tanong sa bawat bilang .
Isulat ang tamang sagot sa papel.Piliin ang sagot sa kahon

1. Pangkat etniko na kilala bilang mga tao ng alon”. a. Tausug


2. Pangkat etniko na galing sa archipelago ong Sulu. b. Subanen
3. Grupo na niniwala sa relihiyong Islam. c. Samal
4. Pangkat etniko na may may malaking impluwensya sa mga d. Yakan
kastila sa Rehiyon IX. e. Zamboangueno
5. Pangkat etniko na gumagawa ng produkto sa paghahabi

V. Takdang Aralin
Gumupit ng larawan na nagpapakita ng iyong pangkat etniko na kinabibilangan

Prepared by :
Clyteshane E. Soberano
BEED 4B

You might also like