You are on page 1of 19

3

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 6
Mga Pangkat ng Tao sa Lalawigan
at Rehiyon, Pahahalagahan Ko
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Mga Pangkat ng Tao sa Lalawigan at Rehiyon,
Pahahalagahan Ko
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Catherine P. Marquez
Editor: Eve B. Espiritu, Merlyn M. Lanoza, Marilyn Madera
Tagasuri: Rosemarie T. Realino
Tagaguhit: Cris A. Aquino, Khristely V. Ang, Aiza Lou A. Bernaldez, Cherie Mae A.
Caduyac, Eduardo, Jr. A. Eroy, Jules Bernard G. Guinita, Marvin P.
Linogao, Edieson John C. Mag-aso, Sharon C. Marimon, Ryan R. Padillos,
Nylle Ernand D. Silayan

Tagalapat: Alpha Amor G. Manglicmot, Patrick John P. Peresores


Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Nelson C. Lopez
Janette G. Veloso Cheerylyn A. Cometa
Analiza C. Almazan Christopher P. Felipe
Danilo R. Dohinog Leonora Liza D. Dacillo
Ma. Cielo D. Estrada Alicia I. Ayuste

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City


Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
3

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 6
Mga Pangkat ng Tao sa Lalawigan
at Rehiyon, Pahahalagahan Ko
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling
Panlipunan 3 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa
araling Mga Pangkat ng Tao sa Lalawigan at Rehiyon,
Pahahalagahan Ko!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang

ii
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 3 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Mga Pangkat ng
Tao sa Lalawigan at Rehiyon, Pahahalagahan Ko!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

iii
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iv
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa


Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

v
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Sa nakaraang aralin ay napag-aralan natin ang


pagkakatulad at pagkakaiba ng mga kaugalian, paniniwala, at
tradisyon sa sarili at karatig lalawigan, sa kinabibilangang rehiyon,
at sa ibang lalawigan sa rehiyon.
Sa araling ito, inaasahang:
1. nalalaman ang ibig sabihin ng pangkat etniko;
2. natutukoy ang iba’t ibang pangkat etniko sa mga lalawigan
ng rehiyon; at
3. napahahalagahan ang iba’t ibang pangkat ng tao sa
lalawigan at rehiyon.

Subukin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod na pangkat etniko ang makikita sa


Davao Region?
A. Bagobo C. Bikolano
B. Ilonggo D. Cebuano
2. Alin sa mga sumusunod ang nararapat gawin sa mga taong
kabilang sa pangkat etniko?
A. igalang C. hindi lalapitan
B. aawayin D. hindi papansinin
3. Alin sa mga sumusunod na pangkat etniko ang HINDI
makikita sa Rehiyon ng Davao?
A. B’laan C. Mandaya
B. Bagobo D. Boholano

1
4. May bagong kaklase si Maria na may naiibang pananalita at
pananamit. Ano ang nararapat gawin ni Maria?
A. hindi lalapitan
B. hindi papansinin
C. hindi makikipaglaro
D. makikipag-usap at makikipagkaibigan sa
bagong kaklase
5. Ang pangkat etniko ay _____________________.
A. mga taong iisa ang pangarap sa buhay
B. mga taong ayaw makipag-ugnayan sa ibang pangkat
C. mga taong sama-samang naninirahan sa isang lugar na
may sariling wika, kultura, at tradisyon
D. mga taong mayayaman

Aralin Mga Pangkat ng Tao sa

1 Lalawigan at Rehiyon,
Pahahalagahan Ko

Ang ating rehiyon ay binubuo ng iba’t ibang pangkat etniko


na naninirahan sa iba’t ibang bahagi nito. Sinabi ng mga kastila
noon na ang Davao Region ay nagtataglay ng pinakamaraming
pangkat-etniko sa bansa.

Balikan

Naaalala mo pa ba ang mga elemento na nagpapakilala


ng kultura ng ating rehiyon? Tingnan natin kung tama ba ang
iyong mga sagot.

2
Hanapin ang nakatagong mga salita sa pamamagitan ng
paghahanap ng titik na kinakatawan ng code. Isulat ang sagot
sa patlang.

A- B- D- E- F- G- H-
I- K- L- M- N- P- R–
S- T- U- v - W-

1.
__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __
2.
__ __ __ __ __ __
3.
__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __
4.
__ __ __ __ __ __ __ __
5.
__ __ __ __ __ __ __ __ __

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay may sumusunod na mga
gawain na iyong masusubukan upang malaman kung
ano ang higit pang pangangailangan, at upang
mapagyaman ang kakayahan ng mga mag-aaral. Isa
rin itong inspirasyon upang maisakatuparan ang
hangarin na mabigyan ng sapat at wastong kaalaman
ang mga mag-aaral.

3
Tuklasin

Basahin ang kuwento at sagutin ang sumusunod na tanong.

Nagkagulo ang kanyang silid-aralan nang dumating si G.


Cruz. Napansin niya ang mga mag-aaral na nagbubulungan at
nagtatawanan. Nalaman niyang ang pinag-uusapan nila ay ang
bagong mag-aaral sa katabing silid-aralan. Natatawa sila dahil
kakaiba ang kasuotan at pananalita nito.
Ipinaliwanag ni G. Cruz na ang bagong mag-aaral ay
kabilang sa isang pangkat etniko na naninirahan dito sa ating
rehiyon. Naiiba ang kanilang kultura sa karamihan ganoon pa
man nararapat lang na matanggap nila ang kaukulang respeto
at paggalang dahil sila ay mga Pilipino rin.
Hinikayat niya ang mga mag-aaral na bigyang halaga ang
mga taong kabilang sa pangkat etniko. Makipagkaibigan sa
kanila, tulungan silang mamuhay nang normal gaya ng ibang
mga bata, at tanggapin ang natatanging katangian nila.

Mga Tanong:
1. Ano ang napansin ni G. Cruz nang dumating siya sa silid-
aralan?
2. Ano ang katangiang ipinakita ng mga mag-aaral? Tama ba
ito? Bakit?
3. Ilarawan ang bagong mag-aaral?
4. Ano-ano ang dapat gawin sa mga taong kabilang sa
pangkat etniko? Bakit?

4
Suriin

Ano ang pangkat-etniko?

Ang pangkat etniko ay pangkat ng mga taong nagtataglay


ng kakaibang kultura sa karamihan. Ang isang uri ng pangkat
etniko ay sama-samang naninirahan sa isang lugar na may
sariling wika, kultura, tradisyon, at paraan ng pamumuhay.
Sa lalawigan ng Davao Oriental at Davao de Oro makikita
ang mga pangkat etniko na Mandaya at Mansaka. Sa Davao del
Norte naman matatagpuan ang mga pangkat na Ata, Mansaka,
Dibabawon, Ata-Manobo, at Mangguangan. Ang mga pangkat
na Kagan, Ata, at Matigsalog ay naninirahan sa Davao City. Sa
Davao del Sur naman matatagpuan ang mga pangkat etniko na
Bagobo, B’laan, at Tagakaulo. Ang pangkat na Tagakaulo, at
Sangir o Sangil ay makikita naman sa lalawigan ng
Davao Occidental.

Photo Credit: GG Bueno

5
Minsan ang mga taong kabilang sa pangkat etniko ay
nagiging biktima ng diskriminasyon dahil sa natatangi nilang
kultura. Mahalaga na maiintindihan ng bawat tao na
kinakailangan din nilang makatanggap ng pagpapahalaga na
kapantay ng lahat. Naiiba man ang kanilang pananamit,
pananalita, paniniwala, at paraan ng pamumuhay magkatulad
pa rin tayo na nilikha ng iisang Maykapal.

Pagyamanin
Isulat sa patlang ang TAMA kung ang tauhan sa bawat
sitwasyon ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa pangkat etniko
at MALI naman kung ang ginagawa ng tauhan sa bawat
sitwasyon ay hindi nagpapakita ng pagpapahalaga sa
pangkat etniko.
_____________1. Pinagtatawanan ni Nena ang kaklase na naiiba
ang diin ng pananalita.
_____________2. Binibili ni Justine ang mga produktong gawa ng
mga pangkat etniko sa kanilang lalawigan.
_____________3. Tinuturuan ni James ang kaklase na Bagobo na
magsalita ng Sinugbuanong Binisaya.
_____________4. Hindi pinipili ni Juana ang kaniyang mga kalaro.
_____________5. Hindi pinapansin ni Peter ang bago nilang kaklase
Dahil naiiba ang pananamit nito.

Isaisip

Ang pangkat etniko ay pangkat ng mga taong nagtataglay


ng kakaibang kultura sa karamihan. Ang isang uri ng pangkat
etniko ay sama-samang naninirahan sa isang lugar na may
sariling wika, kultura, tradisyon, at paraan ng pamumuhay.

6
Mahalaga na maiintindihan ng bawat tao na kinakailangan
din nilang makatanggap ng pagpapahalaga na kapantay ng
lahat. Naiiba man ang kanilang pananamit, pananalita,
paniniwala, at paraan ng pamumuhay ay magkatulad pa rin
tayo na nilikha ng iisang Maykapal

Isagawa

Lagyan ng tsek ( √ ) ang bawat bilang kung ang pangungusap ay


nagpapahayag ng pagpapahalaga sa mga pangkat-etniko at
ekis (X) naman kung hindi. Isulat ang sagot sa kuwaderno.
______ 1. Tangkilikin o bilhin ang kanilang mga produkto.
______ 2. Hindi sila isasali sa mga gawaing pampaaralan.
______ 3. Hindi dapat makikisalamuha sa mga batang kabilang sa
pangkat etniko.
______ 4. Igalang ang kultura ng bawat pangkat-etniko.
______ 5. Pagtawanan ang kanilang hitsura at punto
ng pananalita.

Tayahin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod na pangkat etniko ang


makikita sa Davao Region?
A. B’laan C. Tausug
B. T’boli D. Ilonggo
2. Alin sa mga sumusunod na pangkat etniko ang
hindi makikita sa Davao Region?
A. Kagan C. Tagakauolo
B. Igorot D. Dibabawon
3. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng
pangkat etniko?

7
A. mga taong iisa ang pangarap sa buhay
B. mga taong ayaw makipag-ugnayan sa
ibang pangkat
C. mga taong sama-samang naninirahan sa
isang lugar na may sariling wika, kultura,
at tradisyon
D. mga taong mayayaman
4. Alin sa mga sumusunod ang nararapat gawin sa
mga taong kabilang sa pangkat etniko?
A. itakwil C. hindi kakausapin
B. pahahalagahan D. hindi papansinin
5. Bakit ituring natin na pantay ang mga taong
kabilang sa pangkat etniko?
A. naiiba sila
B. sila ay tao din
C. iba silang magsalita
D. baka magagalit sila sa atin

Karagdagang Gawain

Isulat ang mga gawain na nararapat mong gawin sa mga taong


kabilang sa pangkat-etniko.
1.
2.
3.
4.
5.

8
9
Subukin Pagyamanin Tayahin
1. A 1. M 1. A
2. A 2. T 2. B
3. D 3. T 3. C
4. D 4. T 4. B
5. M 5. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Tiu, Macario D. 2005. Reconstructing History from Text and
Memory. Davao City. Ateneo de Davao University Research and
Publication Office.
https://britannica.com

10
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like