You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
SCHOOLS DIVISION OFFICE
ZAMBOANGA CITY
Baliwasan Chico, Zamboanga City

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 3


IKATLONG MARKAHAN
IKASIYAM NA LINGGO, UNANG ARAW

Pamatayang Pangnilalaman
Naipapamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa pagkakakilanlang
kultural ng kinabibilangang rehiyon

Pamantayan sa Pagganap
Natutukoy ang mga katawagan sa iba’t ibang lalawigan sa kinabibilangang
rehiyon

Pamantayan sa Pagkatuto
Naipapaliwanag ang mga layunin na ito ay bahagi ng kultura ng mga
lalawigan sa rehiyon

I. Layunin:

I. Natutukoy ang mga katawagan sa iba’t ibang lalawigan sa


kinabibilangang rehiyon
II. Naipapaliwanag ang mga layunin na ito ay bahagi ng kultura ng mga
lalawigan sa rehiyon
III. Nakalalahok nang masigla sa iba’t ibang gawain ukol sa mga
katawagan sa mga Lalawigan sa kinabibilangang Rehiyon

Pagpapahalaga: Pagkakaisa

II. Nilalaman:

A. Paksang Aralin:

Iba’t –ibang layon ng mga katawagan sa mga Lalawigan sa


kinabibilangang Rehiyon

B. Sanggunian: Modyul 3, Aralin 10

K to 12 – AP3PKR-IIIi-10

C. Kagamitan: graphic organizer

Integrasyon: Pagpaphalaga sa iba’t –ibang layon ng mga katawagan sa mga


lalawigan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
 Ano ang tinalakay natin noong nakaraang linggo?
 Ano ang mga tradisyon at kaugalian ng mga lalawigan sa Rehiyon
IX ang natutuhan mo?
 May kabutihan bang maidudulot ang mga tradisyon at gawaing ito
sa lalawigan?

2. Pagganyak:
Magkaroon ng maikling skit tungkol sa kung anong maging magandang
asal ng mga bata.
Mga halimbawang sitwasyon:
 Pag-uusap ng pamilya sa hapag-kainan. Kasama sa pamilya ang
tatay, nanay, lolo at lola.
 May bisita ang magulang na taga ibang bahagi ng bansa. Tinawag
ang mga bata upang ipakilala sa mga bisita.
 Sinama ang mga bata sa simbahan at paglabas ng simbahan ay
binate ng pari ang mga mag-anak na papalabas.

B. Panlinang na Gawain
1. Activity:
 Pangkatin ang mga klase sa apat
 Ituon ang pansin ng mga bata sa mga asal nila sa bawat
situwasyon at ang mga gamit nila sa salita.
2. Analysis:
 Ano ang mga asal ng batang kagaya mo sa mga situwasyon?
 Sino ang nagsabi sa inyo na gumamit kayo ng mga katawagan?
 Lahat ba ng bata sa lalawigan pareho ang ginagamit na
katawagan?
 Ano ang katangian na ipinapakita ng mga bata kapag sila ay
gumagamit ng mga ganitong salita?
 Ano kaya ang mararamdaman ng mga matnda kapag hindi
magalang magsalita ang mga bata?

3. Abstraction:

 Sa ating wikang Filipino, ano-ano ang uri ng mga katawagan na


ginagamit natin sa iba-ibang layon?

Ang unang katawagan ay ang magagalang na salitang ginagamit


sa pakikipag-usap sa mga nakatatanda. Ang mga halimbawa nito
ay ang paggamit ng kuya o ate sa nakakatandang kapatid. Ang
pagbati ng magandang umaga, magandang gabi at iba pa ay
kabilang din sa uring ito.

Ang pangalawang katawagan ay ayon sa paghingi ng paumanhin


at pasasalamat. Ang mga salitang pasensiya po, patawad po,
paumanhin po ay mga salita sa paghingi ng paumanhin
samantalang ang mga salitang maraming salamat po ay tanda ng
pasasalamat.

Ang ikatlong katawagan ay ayon naman sa paghingi ng


pahintulot. Kabilang sa mga salitang ito ang maaari po ba, pwede
po ba at iba pa. Maaari ring gamitin ang mga katawagang ito sa
paglalambing at pagturing sa ating mga kaibigan, mahal sa buhay
at sa iba pa. Ang mga katawagang ito ay magagamit sa pakikitungo
at pakikisama sa ating kapwa. Ipinapakita nito ang pagpapahalaga
sa ating kinagisnang pag-uugali.

4. Application:

Pangkatang Gawain

Gumawa ng maikling dula-dulaan base sa mga katawagan na tinalakay


natin. Itanghal sa klase.
Pangkat I - Paggalang
Pangkat II - Paghingi ng pahintulot
Pangkat III - Paghingi ng paumanhin

Rubrik sa Pamantayan
PAMANTAYAN NAPAKAHUSA MAHUSAY NALILINANG NAGSISIMULA
Y (4) (3) (2) (1)
PAGTATANGHAL
(30%) Nagpamalas ng Nagpamalas Nagpamalas Nagpamalas ng
4 mula sa 4 na ng 3 mula sa ng 2 mula sa 1 mula sa 4 na
*pagkamalikhan pamantayan 4 na 4 na pamantayan
*kahandaan pamantayan pamantayan
*kooperasyon
*kalinawan sa
pagsasalita

NILALAMAN (40%)
Nagpamalas ng Nagpamalas Nagpamalas Nagpamalas ng
May tuwirang 4 mula sa 4 na ng 3 mula sa ng 2 mula sa 1 mula sa 4 na
kaugnayan sa pananaw pamantayan 4 na 4 na pamantayan
tulad ng pamantayan pamantayan
*orihinalidad
*pagkakabuo
*pagkakaugnay ng
ideya
*makatotohanan
PANGKALAHATANG
IMPAK (30%) Nagpamalas ng Nagpamalas Nagpamalas Nagpamalas ng
4 mula sa 4 na ng 3 mula sa ng 2 mula sa 1 mula sa 4 na
Sa kabuuan ng pamantayan 4 na 4 na pamantayan
presentasyon pamantayan pamantayan
*nag-iwan ng tumpak
na mensahe
*nakahikayat ng
manonood
*positibong pagtanggap
*maayos na reaksyon
ng mga manood
5. Pagtataya:

Pangkatang Gawain
Magtala ng iba pang mga salitang katawagan na ginagamit sa inyong
lugar. Gamitin ito sa pangungusap.Tukuyin ang layon ng mga ito.

Halimbawa:

Remarks
Reflection
Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation.
Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin.
Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation.
Alin sa mga istratehyang
pagtuturo nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?

You might also like