You are on page 1of 27

3

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Pagsasabi ng Paksa
o Tema sa Teksto
Filipino – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Pagsasabi ng Paksa o Tema ng Teksto
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jenniffer J. Barsalote, Ramon S. Gravino Jr., Jay Mark M. Alocelja,
Thonver Sampaga
Editor: Ritche E. Carillo
Tagasuri:
Tagawasto: Myleen C. Robinos, Merla S. Silva
Tagaguhit at Tagalapat: Jay Mark M. Alocelja, Marybeth D. Cadion
Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Cristy C. Epe
Janette G. Veloso Beverlt S. Daugdaug
Analiza C. Almazan Mary Joy B. Fortun
Ma. Cielo D. Estrada Imelda T. Cardines
Mary Jean D. Estrada Joan M. Niones

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City


Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
3

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Pagsasabi ng Paksa
o Tema sa Teksto
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa Filipino – Ikatlong Baitang ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagsasabi ng Paksa o Tema sa Teksto!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay
at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

ii
Malugod na pagtanggap sa Filipino – Ikatlong Baitang ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagsasabi ng Paksa o Tema sa Teksto!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

iii
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

iv
Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

v
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Magandang araw. Kumusta ka? Binabati kita dahil matagumpay mong natapos
ang naunang modyul.
Ngayon, sisimulan mo ang panibagong modyul upang higit pang lumawak ang
iyong kaalaman. Mayroon akong mga gawaing inihanda upang mahasa ang
iyong kasanayan sa pag-unawa sa paksa o tema ng mga tekstong iyong nababasa
o naririnig.
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

 nasasabi ang paksa o tema ng teksto; kuwento o sanaysay


(F3PB-III-10).
Subukin
Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong bilang panimulang gawain ng
modyul na ito. Kung tama lahat ng sagot mo, maaari mong laktawan ang modyul
na ito at magpatuloy sa susunod na modyul. Isulat sa kuwaderno ang titik ng
tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa iniikutang diwa ng teksto.


A. detalye B. paksa o tema C. balangkas

2. Ito ang tawag sa mga pangungusap na magkakaugnay.


A. paksa B. pamagat C. talata

3. Ito ang kabuuang kaisipan ng isang kuwento.


A. pamagat B. tauhan C. paksa

4. Saan karaniwang makikita ang paksa o tema ng teksto?


A. gitna B. unahan C. hulihan

5. Mahalaga bang matukoy o masabi ang paksa o tema sa isang kuwento?


A. Oo, dahil ito ang gumagabay sa pag-unawa sa binabasa.
B. Hindi, dahil ang teksto ay laging may tema o paksa.
C. Wala sa nabanggit
Aralin
Pagsasabi ng Paksa
1 o Tema ng Teksto

Balikan
Basahin at unawain ang kuwento. Mula sa napag-alamang mga elemento ng
kuwento, punan ang graphic organizer ng mga hinihinging impormasyon. Isulat
ito sa iyong kuwaderno.

Si Mayang Pusa at Donang Daga


Sa malayong bukirin may dalawang magkaibigang hayop, sina Mayang
Pusa at Donang Daga. Lagi silang nasa bukid at naghahanap ng pagkain.
Minsan, dumating ang matagal na tag-init, naubos ang pananim at wala ng
makain ang magkaibigan. Kaya naisipan nilang pumunta sa mga bahay sa bayan
upang maghanap ng pagkain. Nang makita sila ng may-ari ng bahay ay binato
sila ng walis at tsinelas. Mabilis na lumayo ang magkaibigan sa lugar na iyon at
nangakong sa bukid na lamang maghahanap ng pagkain.
Tuklasin
Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat sa
kuwaderno ang iyong sagot.

Ang ating bansa ay nakikipaglaban ngayon sa Covid19 pandemic, kung


saan ang ating gobyerno ay gumagawa ng mga hakbang upang malabanan ang
mabilis na pagkalat ng sakit at pagkahawa ng mga tao. Kaya naman ang Inter-
agency Task force o IATF ay inatasan na maglatag ng mga alituntunin na dapat
sundin para mapigilan ang pagkalat ng virus. Isa na rito ay ang pagkakaroon ng
curfew sa buong bansa upang mabawasan ang mga taong palakat-kalat sa
lansangan. Malinaw na isinasaad na ang mga kabataang may edad 20 pababa at
60 pataas na matatanda ay hindi maaaring lumabas ng kani-kanilang mga
tahanan sa kadahilanang mas madali silang mahawa ng virus. Ang mga taong
may mahahalagang gawain lamang ang pinapayagang lumabas sa mga oras na
itinakda. Ang curfew ay magsisimula sa ika-8 ng gabi hanggang ika-6 ng umaga
kinabukasan. Aarestuhin at pangangaralan ang mga taong lalabag sa curfew.

1. Ano ang pinag-uusapan sa binasang teksto?


2. Ano ang ipinalabas na kautusan ng gobyerno ayon sa binasang teksto?
3. Ano ang gagawin sa mga taong lumalabag sa kaustusan ng ating
gobyerno?
4. Sa iyong palagay, makatutulong ba ang pagkakaroon ng curfew? Bakit?
5. Ano sa palagay mo ang paksa o tema ng tekstong binasa?
Suriin
Ang pagtukoy sa paksa o tema ng isang teksto ay daan upang higit na
maunawaan ang binabasa.
Ang paksa o tema ay ang iniikutang diwa na ipahayag ng may-akda sa
binasang teksto gaya ng sa kuwento o sanaysay.
Bilang isang mahusay na mambabasa, kinakailangan na unawaing mabuti
ang bawat talata upang makapagbigay tayo ng paksa o tema.
Ang Paksa ay tumutukoy rin sa kabuuang kaisipan sa kuwento.

Halimbawa:

Ang pagkakaisa ng mga Pilipino ang tanging sandata sa anumang


pagsubok na kakaharapin. Ito marahil ang pinakaunang ambag ng isang
indibidwal bilang mabuting mamamayan ng bansa. Sa panahon ng kalamidad
ang pagkakaisa upang malampasan ang mga pagsubok ay lumilitaw sa kahit na
sinong Pilipino.

Ang paksa o tema sa tekstong ito ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino.


Karaniwang nasa unahang bahagi ng tekso makikita ang tema.
Pagyamanin

Ibigay ang paksa o tema ng sumununod na mga teksto. Isulat ang sagot sa
kuwaderno.

1.

Ang sustansiyang makukuha mula sa prutas ng


mangosteen ay nakatutulong para maging malakas ang ating isip
at katawan. Dahil na rin sa mura ang presyo ng prutas na
mangosteen kaya marami ang maaaring makabili nito. Ugaliin
ang pagkain nito araw-araw.

Paksa o Tema __________________________________


2.

Sinasabing ang mga Pilipino ay sobrang mahilig sa


musika. Hindi kataka-takang maraming nagtatayuang karaoke
bar sa ating paligid. Maraming magagaling at hinahangaang
mga mang-aawit ang nananalo sa ibang bansa.

Paksa o Tema _________________________________

3.

Ang Pilipinas ay dinaraanan ng dalawampu o mahigit


pang bagyo taon-taon. Kaya naman natuto na ang mga
Pilipino na maging matatag sa panahon ng sakuna. Dito
makikita ang kanilang pagiging matulungin at matiisin. Kahit
anong pagsubok ang kaharapin, mananatiling matatag ang
mga Pilipino.

Paksa o Tema ___________________________________


4.

Ang buhay sa bukid ay sadyang kaaya-aya dahil sa tahimik


na paligid.
Sa paggising sa umaga, malamig at malinis na hangin ang
sasalubong sa iyo. Tahimik at maaliwalas ang paligid. Ang mga
tao rito ay abalang-abala sa kanilang gawain.
Karaniwang hanapbuhay ang pagsasaka at pagtatanim ng
gulay. Masarap at mura ang mga gulay dito.

Paksa o Tema __________________________________


5.

Katangi-tangi ang pamilyang Pilipino sa mundo.


Nagkabubuklod-buklod lalo na sa panahon ng kalamidad o sakuna.
Laging nagtutulungan kahit hindi magkadugo.
Napatunayan na ang pagbabayanihan ng mga tao sa
maraming pagkakataon, tulad ng lindol sa Mindanao at pagputok ng
Bulkang Taal.
Agad na nagdamayan ang mga Pilipino upang maghatid ng
tulong ito man ay materyal o pinansiyal. ‘Yan ang pamilyang
Pilipino.

Paksa o Tema ___________________________________


Isaisip
Panuto: Punan ng angkop na salita ang patlang upang mabuo ang diwa ng
talata. Piliin ang sagot sa kahon at isulat sa kuwaderno.

teksto paksa o tema

mambabasa
talata diwa

Natutunan ko na bilang isang mahusay na (1)_____________


kinakailangang mauunawan ang (2)_____________ ng isang
(3)____________ upang maibigay ang pangunahing
(4)____________ sa iniikutang kaisipan ng isang (5)________.
Isagawa
Magaling! Marami ka ng natutuhan sa modyul na ito.

Basahin ang teksto at sabihin ang tema o paksa nito. Isulat sa kuwaderno ang
sagot.

Sa bahay, napansin ng nanay na hinahayaan ni Totoy na nakabukas


ang gripo habang ito ay nagsisipilyo. “Totoy pakisara ng gripo, huwag kang
mag-aksaya ng tubig,” sabi ng nanay. Pero hindi nakinig si Totoy sa sinabi
ng ina at patuloy lamang siya sa kaniyang ginagawa.
Isang gabi, nakita niya ang nanay na nakahiga at nilalagnat. “Totoy,
ikuha mo nga ako ng tubig.” Agad na tumakbo sa kusina si Totoy para
kumuha ng tubig, ngunit walang tubig na lumabas sa gripo. Wala ring tubig
sa pitsel. Nakita ni Totoy na nahihirapan ang kaniyang nanay. Gulong-gulo
ang isipan ni Totoy kung saan siya kukuha ng tubig; wala pa naman ang
tatay sa bahay dahil naghahanapbuhay ito sa ibang lugar. Nanghihina si
Totoy at umiyak nang umiyak sa isang tabi.
Nagising si Totoy na basang-basa ng luha ang kaniyang mukha.
“Hay! salamat at panaginip lang pala,” ang nasambit ni Totoy sa sarili.
Simula noon hindi na siya nag-aaksaya ng tubig.
1. Ano ang napansin ng nanay sa kuwentong binasa?
2. Bakit labis na nabahala ang nanay sa kuwento?
3. Sa iyong palagay, ano ang ugali ng batang si Totoy?
4. Ano-ano ang tema o paksa ng teksto ng binasa?
5. Kung ikaw si Totoy, paano mo pahahalagahan ang tubig?

Tayahin
Basahin at unawain ang sumusunod na mga teksto. Isulat ang paksa o tema na
nais iparating ng binasa sa kuwaderno.

1.

Si Nene ay may bagong sapatos. Kulay pula ito. Paborito ni Nene


ang kulay pula. Tuwang-tuwa si Nene nang makuha niya ang sapatos.
Regalo ito ng kaniyang ina para sa kaniyang kaarawan. Handa na siyang
mamasyal kasama ang pamilya gamit ang sapatos na pula na bigay sa
kaniya.

Paksa o Tema ___________________________________________


2.

Sina Noli at Jay-ar ay magkaibigang tunay. Lagi silang naglalaro sa


hardin. Nagbibigayan sila sa lahat ng bagay, ito man ay pagkain o laruan.
Sabay din silang nag-aaral ng aralin. Ang magkaibigan ay laging
magkasama sa lahat ng gawain.

Paksa o Tema __________________________________________

3.

Ang matandang puno ng akasya ay hinahangan sa bayan nila


Mina at Jerry. Sa tuwing nagsisimba sila ng kanyang pamilya ay
humihinto sila sa tapat nito upang ito ay tingalain. Napakatayog ng
matandang puno kaya’t lalo nitong napapatingkad ang malalapad na
mga dahon. Ito ang palatandaan sa kanilang bayan upang madaling
mapuntahan.
Paksa o Tema __________________________________________
4.

Ang traysikel ni Mang Dado ay sikat sa daan. Ito ang siyang


tagahatid at tagasundo ng mga bata papuntang paaralan. Malinis at
may mga harang ang traysikel upang matiyak ang kaligtasan ng
sumasakay. Napapangiti ang mga batang sumasakay dito kapag
nakikitang paparating na si Mang Dado kasama ang kaniyang traysikel.
Paksa o Tema __________________________________________

5.

Ang walis tambo ni Aling Perla ay mabentang-mabenta. Pulido


at malinis ang pagkakagawa nito. Matibay at hindi agad nasisira. Kaya
naman maraming nag-aabang kay Aling Perla at sa gawa niyang walis
tambo.
Paksa o Tema _________________________________________
Karagdagang Gawain
Panuto: Magbasa ng alinmang kuwento o sanaysay. Isulat sa iyong kuwaderno
ang tema o paksa ng binasang teksto. Gayahin ang format sa ibaba.

_____________________
Pamagat

Paksa o Tema:
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Isagawa Tayahin
1. nag- aksaya ng tubig 1. Ang sapatos
2. Hindi nakasara ang gripo 2. Ang magkaibigan
3. aksaya 3. Acasia/puno
4. Huwag mag-aksaya 4. Traysikel
5. Maging matipid sa tubig 5. Walis tambo
Suriin Pagyamanin Isaisip
1. Pagkakaisa ng 1. Mangoosteen 1. Mambabasa
Pilipino 2. Musika 2. Paksa o Tema
3. Pilipino 3. teksto
4. Bukid 4. diwa
5. Pamilya 5. talata
Subukin Balikan Tuklasin
1. b 1. Mayang pusa at 1. Covid19
2. c Dona daga 2. Curfew
3. c 2. pusa at daga 3. Aarestuhin at
4. b Pangangaralan
3. bukirin/bukid
5. b 4. Tanggapin lahat ng
4. walang makain
sagot
5. naghanap ng ibang
5. Covid19, curfew/
lugar/ Tanggapin ang
tanggaping ang sagot
ibang sagot
ng mag- aaral
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Department of Education. 2020. “Totoy - Ro Tubi Hay Kabuhi.” Deped LR
Portal. April 30, 2020. https://lrmds.deped.gov.ph/detail/13359.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like