You are on page 1of 26

Mother Tongue-Based

Multilingual Education
3

Mother Tongue-Based
Multilingual Education
Unang Markahan – Modyul 5:
Tandaan Mo!
Mother Tongue-Based Multilingual Education – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Tandaan Mo!
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Araceli T. Cullamat


Editor: Lira S. Rubio, Jesusa P. Ambrona, Lourdes C. Manlapus
Tagasuri: Lynneth B. Baptista, Gloria C. Sabanal, Edgardo D. Pamugas
Tagaguhit: Deodito C. Curaza Jr.
Tagalapat: Hazel Jane A. Villegas
Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Winnie E. Batoon
Janette G. Veloso Chona M. Calatrava
Analiza C. Almazan Teresita E. Helgason
Ma. Cielo D. Estrada Jesusa P. Ambrona
George N. Wong

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City


Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: regionxi@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
Alamin

Kumusta? Halika at sabay nating alamin ang nilalaman ng


modyul na ito!

Dinisenyo at isinulat ito na isinaalang-alang ang antas ng


iyong kakayahan. Ang layunin sa pagbuo ng modyul ay para
magabayan kang matuto at makasanayan ang tamang
paggamit ng tandang pamilang sa pangngalang di-mabilang.
Ang modyul na ito ay magbibigay daan upang magamit mo ito
sa iba’t ibang sitwasyon para sa iyong pagkatuto.
Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay
inaasahang:
 nagagamit nang wasto ang mga tandang pamilang sa
di-mabilang na mga pangngalan (MT3G-Ia-c-1.2.1).

Mga Tala para sa Guro

Mahalagang unawain ang gagawing pagbasa sa


mga nilalaman ng modyul na ito upang mas mapadali
at magiging magaan ang mga nakalaang gawain
para sa bawat aralin. Mas mainam na sunding mabuti
ang mga panuto bilang gabay para matiyak na
makamit ang layunin sa pagkatuto.

1
Subukin

Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin at isulat ang titik ng


tamang sagot sa papel o sa kuwaderno.

1. Anong uri ng pangngalan ang ginagamitan ng tandang


pamilang?
A. pangngalang mabilang
B. kongkretong pangngalan
C. pangngalang di-mabilang
D. di-kongkretong pangngalan

2. Alin sa mga sumusunod ang pangngalan na di-mabilang?


A. bag
B. kama
C. lamesa
D. mantika

Para sa bilang 3-5, anong tandang pamilang ang akmang


gamitin sa mga sumusunod na pangngalan?

3. juice
4. patis
5. bigas

A. isang sakong
B. isang basong
C. isang boteng
D. isang platong
E. isang pirasong

2
Aralin

1 Tandaan Mo!

Nasubukan mo na bang sumama sa iyong Inay sa


palengke? Ano-ano ang inyong mga pinamili? Paano ito
binibilang ng mga tindera?
Alam mo na kung ano ang pangngalan, ngunit dapat mo
ring alamin na may mga pangngalang hindi natin mabibilang.
Tara! Sabay nating tuklasin at tandaan kung paano bilanganin
ang mga ito.
Ngunit bago tayo dumako sa panibagong aralin, balikan
muna natin ang natutunan mo sa nakaraang modyul.

Balikan

Punan ang graphic organizer. Isulat ang iyong sagot sa


papel o sa kuwaderno.

Mga Elemento ng Kuwento

1._____ 2._____ 3.______

Nagsasaad Ito ay ang Ito ay


kung saan at mga taong nagpapakita
kailan gumaganap ng suliranin
naganap sa kuwento. at kalutasan
ang kuwento. sa kuwento.

3
Tuklasin
Basahin nang tahimik ang kuwento at alamin ang mga
bagay na pinamili sa pamilihan.
Sa Pamilihan
ni: Araceli T. Cullamat

Tuwing araw ng Sabado, tinutulungan ko si Nanay sa


pamimili ng mga pangangailangan sa bahay. Kami ay
pumupunta sa supermarket upang bumili ng tatlong kilong
karneng manok, isang kilong isda, isang basket ng mga sari-saring
prutas at gulay, isang boteng toyo, dalawang boteng mantika,
kalahating boteng suka, isang kartong gatas, isang dosenang
paketeng kape, at isang tube ng toothpaste.
Sa araw ding ito ay magluluto si ate ng puto cheese at leche
flan kaya hindi namin kinaligtaang bilhin ang mga sangkap na
gagamitin tulad ng isang kilong harina, isang kahong keso, isang
dosenang itlog, isang litrong mantika, at dalawang latang
condensed milk.
Sagutan ang mga sumusunod na tanong.
1. Ilang kilong karneng manok ang binili sa supermarket?
2. Ilang basket ang sari-saring prutas at gulay?
3. Ano-ano ang sangkap ng puto cheese at leche flan?

4
Suriin
Basahin muli ang sagot sa mga tanong tungkol sa kuwento.
Ano ang napansin mo?
 tatlong kilong karneng manok
 isang basket ng mga sari-saring prutas at gulay
 isang kilong harina
 isang kahong keso
 isang dosenang itlog
 isang litrong mantika
 dalawang latang condensed milk.

Alam mo ba kung ano ang tawag sa mga salitang may


salungguhit? May mga bagay na hindi kayang bilangin sa isang
tingin lamang. Ito ay tinatawag na mga tandang pamilang sa
mga pangngalang di-mabibilang.

Tandaan

Ang pangngalan ay ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar,


at pangyayari. May mga pangngalang hindi mo mabilang
at sila ay ginagamitan ng mga tandang pamilang. Ito ay
mahalagang kataga upang magkakaroon ng wastong
bilang ang mga pangngalang di-mabilang. Tuwirang
nauunawaan at naibibigay nito ang angkop na pamilang
ng dami ng mga bagay o pangngalan na tinaguriang mass
noun.
Halimbawa ng mga tandang pangngalang pamilang:
 isang basong  isang pirasong
 dalawang kahong  isang bandehadong
 isang platong  isang kilong
 dalawang boteng  isang sakong
 isang tasang  limang basket ng
 isang bag ng  apat na paketeng

5
Pagyamanin
Gawain A
Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B. Isulat ang titik ng
iyong sagot sa papel o sa kuwaderno.
Hanay A Hanay B
1. isang dakot ng a. powdered juice
2. isang paketeng b. bagoong
3. isang garapon ng c. buhangin
4. dalawang baldeng d. papel
5. tatlong pirasong e. toyo
f. tubig
Gawain B
Pillin sa loob ng kahon ang angkop na tandang pamilang
na gagamitin sa mga pangngalang di-mabilang sa bawat
pangugusap. Isulat ang iyong sagot sa papel o sa kuwaderno.

isang sakong Tatlong tasang


isang boteng isang kutsaritang

1. Bumili si nanay ng ______________ toyo.


2. ______________ kape ang aking inihanda para sa mga bisita
ni ate.
3. Namigay ng ______________ bigas ang mapagmahal na
alkalde ng bayan.

6
Isaisip

Sagutin ang mga tanong sa iyong papel o kuwaderno.


1. Ano ang pangngalang di-mabilang?
2. Saan ginagamit ang tandang pamilang? Bakit?
3. Gaano kahalaga ang paggamit ng tandang
pamilang sa mga pangngalang di-mabilang?

Isagawa
A. Piliin mula sa kahon ang angkop na tandang pamilang na
gagamitin sa pangngalang di-mabilang. Isulat ang iyong sagot sa
papel o sa kuwaderno.

basong platong tasang


boteng latang pirasong

1.______________ sardinas 3. ______________ biskwit

2. ______________ kanin 4. ______________ mantika

B. Kumpletuhin ang mga pangungusap. Gumamit ng


wastong tandang pamilang sa mga pangngalang di-mabilang.
Isulat ang iyong sagot sa papel o sa kuwaderno.

1. Iniwan ni Josie ang isang _________ mani sa bahay ng


kanyang kaibigan.
2. Isang _________ gatas ang iniinom ni tatay tuwing umaga.
3. Nagluto si nanay ng isang _________ isda para sa agahan.

7
Tayahin

Piliin ang wastong tandang pamilang sa kahon at punan


ang patlang upang mabuo ang pangungusap. Isulat ang iyong
sagot sa papel o sa kuwaderno.

garapon ng pirasong basket ng


kahong sakong dakot ng

1. Si Manny Garcia ay may dalang dalawang _____________


dilis mula General Santos City.
2. Bumili ng isang _____________ jam si nanay sa pamilihan
kahapon.
3. Isang _____________ ubas ang regalo ni ate kay mama
noong Mother’s Day.
4. Pinaghatian namin ni kuya ang isang _____________ keyk
kaninang umaga.
5. Tuwang-tuwa si Aling Narda dahil napanalunan niya ang
tatlong _____________ bigas sa supermarket.

Karagdagang Gawain

Pumili ng tatlong tandang pamilang sa pangngalang di-


mabilang mula sa listahan. Gamitin ang mga ito sa sariling
pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa papel o sa
kuwaderno.
a. isang kahong d. isang garapon ng
b. dalawang kilong e. dalawang paketeng
c. isang baldeng

8
9
Subukin Balikan Pagyamanin
1. C 1. Tagpuan A.
2. D 2. Tauhan 1. C
3. B 3. Pangyayari 2. A
4. C 3. B
5. A 4. F
5. D
B.
1. isang boteng
2. tatlong tasang
3. isang sakong
Isagawa Pagyamanin Karagdagang Gawain
A. 1. kahong  maaaring magkaiba
1. latang 2. garapon ng ang sagot
2. platong 3. basket ng
3. pirasong 4. pirasong
4. boteng 5. sakong
B.
 maaring magkaiba
ang sagot
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Curriculum Guide sa MTB-MLE 3, 133.
Latest MELC for MTB-MLE Grade III Q1
Nelia D. Bamba et.al MTB-MLE Kagamitan ng Mag-aaral (Tagalog-
Baitang 3): Book Media Press, Inc., 2014, 27-29.

10
3

Mother Tongue-Based
Multilingual Education
Unang Markahan – Modyul 6:
Panlapi at Salitang-Ugat: Usisain!
Mother Tongue-Based Multilingual Education – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Panlapi at Salitang-Ugat: Usisain!
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Reenalyn B. Camponion


Editor: Lira S. Rubio, Jesusa P. Ambrona, Lourdes C. Manlapus
Tagasuri: April T. Delos Santos, Emma T. Esteban, Edgardo D. Pamugas III
Tagaguhit: Deodito C. Curaza Jr.
Tagalapat: Hazel Jane A. Villegas
Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Winnie E. Batoon
Janette G. Veloso Chona M. Calatrava
Analiza C. Almazan Teresita E. Helgason
Ma. Cielo D. Estrada Jesusa P. Ambrona
George N. Wong

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City


Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: regionxi@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
Alamin

Kumusta? Halika at sabay nating alamin ang nilalaman ng


modyul na ito!

Dinisenyo at isinulat ito na isinaalang-alang ang antas ng


iyong kakayahan. Ang layunin sa pagbuo ng modyul ay para
magabayan kang matuto at makasanayan ang tamang
paggamit ng panlapi at salitang-ugat. Ang modyul na ito ay
magbibigay daan upang magamit mo ito sa iba’t ibang
sitwasyon para sa iyong pagkatuto.

Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay


inaasahang:

 nagagamit ang kombinasyon ng panlapi at salitang-ugat


bilang gabay sa pagkuha ng kahulugan ng salita
(MT3VCD-Ice-1.5).

Mga Tala para sa Guro


Mahalagang unawain ang gagawing pagbasa sa
mga nilalaman ng modyul na ito upang mas mapadali
at maging magaan ang mga nakalaang gawain para
sa bawat aralin. Mas mainam na sunding mabuti ang
mga panuto bilang gabay para matiyak na makamit
ang layunin sa pagkatuto.

1
Subukin

Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin at isulat ang titik ng


iyong sagot sa papel o sa kuwaderno.

1. Sa salitang gumanda, ano ang salitang-ugat nito?


A. ka C. kaganda
B. ganda D. gandahan
2. Marami ang naninirahan sa Barangay Linaw dahil sa
katahimikan dito. Ano-ano ang panlapi na ginamit sa
salitang katahimikan?
A. ta C. ka, -an
B. kata D. tahimik
3. Ano ang salitang mabubuo kung pagsasamahin ang
sama + han?
A. ama C. nagsama
B. sama D. samahan
4. Ano ang panlapi na maaaring idagdag sa salitang tulong
upang makabuo ng bagong salita na ang ibig sabihin ay
taong makatutulong sa bahay?
A. long + tulong C. tu + tumulong
B. ka + tulong D. ngan + tulungan
5. Ito ay mga pantig na idinadagdag sa salitang-ugat upang
makabuo ng salita na may bagong kahulugan.
A. panlapi C. pangngalan
B. salitang-ugat D. pangngalang pamilang

2
Aralin
Panlapi at Salitang-Ugat:
1 Usisain!

Balikan
Suriin kung angkop ba ang tandang pamilang na ginamit sa
mga pangngalang di mabilang. Lagyan ng tsek () kung wasto
ang tandang pamilang at ekis () naman kung mali. Isulat ang
iyong sagot sa papel o sa kuwaderno.

1. biskwit dangkal ng
2. gatas baso ng
3. bigas metro ng
4. prutas basket ng
5. tubig balde ng

Tuklasin
Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong na kasunod
nito. Isulat ang iyong sagot sa papel o sa kuwaderno.
Rosas, Rosas
ni: Reenalyn B. Camponion

Rosas ang bulaklak na ating bida,


Pansinin mo ang rikit at kanyang ganda.
Puti, pula, dilaw at iba pang kulay,
Sa mga mata ay nakakahangang tunay.

3
Sa tag-araw ay diligan,
Nang palaging masilayan
Talulot, bango at ligaya,
Sa paligid niya’y dinala.

Kaya para sa pagmamahal mo sa lahat,


Alay sa ina, ama, o kaibigang tapat.
Dahil sa rosas na ating bidang bulaklak.
Lumambot ang pusong nagalit at umiyak,

1. Tungkol saan ang tula?


2. Nagustuhan mo ba ito? Bakit?
3. Ano-ano ang bulaklak sa inyong bahay?
4. Gaya ng sinabi sa tula, naranasan mo rin bang magbigay
ng mga bulaklak bilang tanda ng iyong pagmamahal?
5. Ano ang pakiramdam kapag nakakita ka ng mga
bulaklak sa paligid? Bakit?

Pag-aralan ang mga salitang nasa loob ng mga ulap. Ito


ay mula sa tulang iyong binasa.

pansinin dinala nagalit

diligan lumambot umiyak

4
Suriin
Ang mga salitang nasa loob ng ulap kung ating susuriin ay
may mga silabang idinagdag sa bawat isa. Ano-ano ang ito?
Isulat ang iyong sagot sa papel o sa kuwaderno.

1. pansinin - _________
2. dinala - _________
3. nagalit - _________
4. diligan - _________
5. lumambot - _________
6. umiyak - _________

Pagkatapos masuri ang mga salita, ano ang mga panlapi


na iyong naisulat? Ito ba ay nasa unahan ng salitang-ugat? nasa
gitna o nasa hulihan ng salitang-ugat?
Kung ang mga panlaping naisulat mo ay; -in, -in-, na-, -an, -
um-, at um-. Tama ka!
Ang mga nabanggit na panlaping na- at um- na makikita sa
unahan ng salitang-ugat ay tinatawag na unlapi. Samantala, ang
mga panlaping –in- at –um- naman na makikita sa gitna ng
salitang ugat ay tinatawag na gitlapi. Mayroon ding mga
panlaping tulad ng –in at –an na nasa hulihan ng salitang ugat
makikita, tinatawag naman itong hulapi.
Pag-aralan ang talaan sa ibaba. Mayroon bang nagbago
sa kahulugan ng mga salita nang idinagdag na ang mga panlapi
sa mga salita?

Ano-ano ang silaba o panlaping ginamit? Pansinin kung ito


ay unlapi na makikita sa unahan ng salitang-ugat, gitlapi na
makikita sa gitna ng salitang-ugat at hulapi naman kung makikita
ito sa hulihan ng salitang ugat.

5
Salitang- Uri ng
Salita Panlapi Kahulugan
Ugat Panlapi
hindi
mayaman yaman ma- unlapi
naghihirap
paglilinis ng
naligo ligo na- unlapi buong
katawan
kinanta kanta -in- gitlapi inawit
nagsulat
sumulat sulat -um- gitlapi gamit ang
panulat
lugar na
taniman taniman -an hulapi may mga
tanim
nguyain at
kainin kainin -in hulapi
lunukin

Tandaan

 Ang mga silabang idinadagdag sa salitang-ugat upang


makabuo ng salitang may bagong kahulugan gaya ng
halimbawang ibinigay ay tinatawag nating mga panlapi.

 Ang panlapi ay maaring idagdag sa unahan, sa gitna o


sa hulihan. Ang panlaping dinadagdag sa unahan ng
salitang-ugat ay tinatawag na unlapi. Samantala, ang
panlaping idinagdag sa gitna ng salitang-ugat ay
tinatawag na gitlapi at ang panlaping idinagdag naman
sa hulihan ng salitang-ugat ay tinatawag na hulapi.

 Ang mga salitang yaman, ligo, kanta, sulat, tanim, kain ay


tinatawag nating mga salitang-ugat o mga salitang
payak.

6
Pagyamanin
Pagtambalin ang mga salitang ugat sa Hanay A at sa
Hanay B upang makabuo ng panibagong salita. Isulat ang iyong
sagot sa papel o sa kuwaderno.
Hanay A Hanay B
1. husay -in-
2. tala ma-
3. aral -in
4. tanim mag-
5. tao maka-
-na

Isaisip

Sagutan ang tanong sa iyong papel o kuwaderno.


Ang ______________ ay mga silaba na idinadagdag sa
salitang-ugat upang makabuo ng salitang may bagong
kahulugan. May tatlong uri ito, ang _________, ___________,
at ___________.

Isagawa

Tukuyin at isulat sa papel ang mga panlapi at salitang-ugat.


Salita Panlapi Salitang-Ugat
1. tawanan
2. binutas
3. nagtanim
4. kapares
5. basahin

7
Tayahin

Kompletuhin at tukuyin ang mga bagong salita at kahulugan


nito gamit ang binigay na panlapi at salitang-ugat. Isulat ang
iyong sagot sa papel o sa kuwaderno.
Panlapi Salitang-ugat Salita Kahulugan
1. ma- saya
2. –in- dilig
3. mag- laba
4. –um- sayaw
5. -an laban

Karagdagang Gawain
Ano ang iyong pakiramdam sa paggawa ng mga gawaing
ibinigay? Ipahayag ito sa dalawa o tatlong pangungusap gamit
ang mga kombinasyon ng mga panlapi at salitang-ugat.
Salungguhitan ang mga salitang may panlapi.
Halimbawa:
1. Ipinakita ko ang pagpapasensiya sa pagsagot sa mga
gawaing binigay ng aking guro.
2. Masaya kong ginawa ang mga binigay na gawain.

Sagot:
1. ________________________________________
2. ________________________________________
3. ________________________________________

8
9
Subukin Suriin Isaisip Tayahin
 panlapi
1. B 1. -in  unlapi, gitlapi, 1.masaya; hindi malungkot
2. C 2. –in- hulapi
3. D 3. na- 2.diligin; bigyan ng patubig
4. B 4. -an gaya ng tanim
Isagawa
5. A 5. –um-
6. um- 1. -nan; tawa 3. maglaba; labhan gaya
2.-in-; butas ng damit
Balikan 3. nag; tanim
Pagyamanin
1. mahusay 4. ka; pares 4.sumayaw; nagsayaw sa
1.  2. magtala 5.-hin; basa saliw ng tugtog
2.  3. aralin
3.  4. tinanim 5. labanan; hindi aatras.
4.  5. makatao
5. 
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Curriculum Guide sa MTB-MLE 3,133
Latest MELC for MTB-MLE Grade III Q1
Nelia D. Bamba et.al, MTB-MLE Kagamitan ng Mag-aaral (Tagalog-
Baitang 3): Book Media Press, Inc., 2014, 35-36

10
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like