You are on page 1of 11

3

Filipino
Ikaapat na Markahan - Modyul 7 :
Salitang Hiram, Basahin at Bigkasin!

AIRs - LM
Filipino 3
Ikaapat na Markahan - Modyul No. 7 : Salitang Hiram, Basahin at Bigkasin!
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o pagkuha


ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Ma Kristina S. Mosuela, Naguilian Central School, Naguilian District


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph.D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS

Luisito V. Libatique, Ph.D, EPS in Charge of Filipino

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin

Magandang araw sa iyo!

Malugod kitang binabati dahil matagumpay mong


nasagot ang mga naunang mga gawain.

Sa modyul na ito, magagawa mong basahin at tukuyin ang


mga salitang hiram na matututuhan mo sa ating aralin.

Pagkatapos mong aralin ang modyul na ito, ikaw ay


inaasahan na matutuhan ang kompetensi na:

• natutukoy ang mga salitang hiram na ginamit sa


pangungusap / seleksyong binasa

• nababasa ang mga salitang hiram na natutuhan sa


aralin ( F3PP – IVc – g -2)
Pagbabasa ng mga Salitang
Aralin
Hiram na Natutuhan sa Aralin
7.1

Simulan

Gawain A. Salitang hiram, nasaan ka?


Panuto : Basahin ang maikling talata at pagkatapos ay isulat ang
salitang hiram na mula sa binasang talata na tinutukoy sa
bawat bilang.

Dumating galing ibang bansa ang aking tatay. May dala


siyang stereo at microscope para sa amin. Ipinagluto siya ni
nanay ng pritong manok, barbecue, fruit salad at nagpabili rin
siya ng ice cream. Masaya naming pinagsaluhan ang mga
pagkain sa hapag - kainan. Matapos kumain ay nag – unahan
kaming buksan ang kahon ng mga pasalubong gaya ng robot,
skateboard, transistor na radyo at ensayklopedya.

Isinulat ni: Ma. Kristina S. Mosuela

Aling salitang hiram ang tinutukoy ng sumusunod?

1. sorbetes ______________________

2. inihaw na karne ______________________

3. aklat ng kaalaman ______________________

4. laruan na may gulong ______________________

5. laruang napag –iiba ang anyo ________________________


Gawain B. Nasaan pa ang iba?
Panuto : Itala ang iba pang hiram na salita mula sa talatang
binasa. Basahin ang bawat salita ayon sa bigkas – Ingles.

________________________________________________________________

Lakbayin

• Maraming hiram na salita sa ating wika. Bahagi na ng ating


wika ang mga hiram na salita at ginagamit na natin ito sa
pang – araw – araw na usapan. Binibigkas ang mga ito ayon
sa bigkas sa wikang Ingles.

• Hiram ang mga salitang may titik na c, f, j, ň, q, v, x,, at z


maliban sa ngalan ng tao at pook.

• Marami na sa mga salitang hiram ang baybay Filipino gaya


ng krus (cross), radio (radio), pulis (police), dyip (jeep), titser
(teacher).

• Marami pa ring salitang hiram na hindi binabago ang


baybay tulad ng spaghetti, salad, coach, doughnut at pizza
pie.
Galugarin

Gawain A
Panuto : Babasahin ng guro o magulang ang sumusunod na
sanaysay. Pakinggan ang bigkas ng mga hiram na
salitang ginamit dito.

Ang Lungsod ng Maynila

Malaki at maunlad ang Lungsod ng Maynila. Napakaraming


tao ang naninirahan dito. Marami at iba – iba ang mga sasakyan
sa lungsod: dyip, bus, kotse, taksi, at iba pa. Dito rin makikita ang
LRT at MRT, ang sasakyang tren ay nasa ibabaw ng lansangan.
Mayroon ding mga daan na ginagawa sa ibabaw at ilalim nito.
Ang tawag sa mga ito ay overpass at underpass.

Dahil sa dami ng mga sasakyan, kailangan ang mga


automatic na ilaw – trapiko sa lungsod. Sumisindi at nagpapalit
ito ng kulay kahit walang pulis – trapiko na pumipindot nito.
Nakatutulong ito sa mga taong tumatawid sa pedestrian lane o
mga pook – tawiran.

Malalaki ang mga gusali sa Lungsod ng Maynila. Dito makikita


ang Cultural Center of the Philippines, Philippine International
Convention Center, Philippine General Hospital, Manila Hotel at
iba pa.

Ang mga tahanan sa lungsod ay may iba’t ibang appliances


tulad ng refrigerator, radio, DVD player, kalang de kuryente,
electric fan, aircon at iba pang makabagong kasangkapan.

Hango sa: Bagong Filipino sa Salita at Gawa


Panuto : Magsulat ng sampung (10) salitang hiram mula sa
sanaysay. Basahin nang may wastong bigkas ang mga
ito.

1. _______________________ 6. ____________________
2. _______________________ 7. ____________________
3. _______________________ 8. ____________________
4. _______________________ 9. ____________________
5. _______________________ 10. ___________________

Gawain B
Panuto : Isulat sa patlang ang salitang hiram na ginamit sa
pangungusap.

1. Kasama ako ni Tiya Rosing na mamili sa groserya. ______________

2. Nasa ikatlong palapag ang bilihan ng mga laruan kaya’t


sumakay kami ng eskaleytor. __________________

3. Bago umuwi ay kumain muna kami sa restaurant. _____________

4. Nagpabalot kami ng spaghetti para kina Inay at Itay.


______________________

5. Nadatnan namin silang nakikinig ng mga tugtugin sa DVD


player. ___________________
Palalimin

Panuto : Piliin at bilugan ang mga salitang hiram na ginamit sa


pangungusap.

1. Bumili si nanay ng keyk.

2. Nagpatawag ng miting ang pangulo ng grupo.

3. May tumagas na likido sa dala niyang bote.

4. Nanonood kami ng telebisyon tuwing hapon.

5. Maraming mag –aaral ang gumagamit ngayon ng kompyuter.

Sukatin
Gawain A
Panuto : Sukatin natin ang iyong natutuhan sa araling ito.
Sagutin ang gawain sa ibaba. Piliin sa bawat pangkat
ang salitang hiram. Basahin at bigkasin ito.

1. a. sitaw b. talong c. carrot d. kamatis

2. a. sanggol b. duyan c. sasakyan d. taxi

3. a. ice cream b. suman c. bibingka d. dinuguan

4. a. upuan b. palamigan c. lutuan d. refrigerator

5. a. damit b. pajama c. sapatos d. palda


Gawain B
Panuto : Piliin sa kahon ang kahulugan ng hiram na salitang may
salungguhit sa pangungusap. Isulat sa patlang ang titik
ng tamang sagot.

a. huli b. pangkat c. oras


d. paaralan e. pagsasanay f. punong-guro

_______1. Halos araw – araw ang itinakdang praktis ng mga mag –


aaral para sa itatanghal na palatuntunan.

_______2. Ayaw naming mapahiya si Bb. Cruz sa aming prinsipal.

_______3. “On time” na nagsisimula ang ano mang gawain


sa aming iskul.

_______4. Ilang ulit siyang leyt sa oras na pinagkasunduan nilang


magkakamag – aral.

_______5. Si Carla ang pinakamahusay umarte sa kanilang grupo.


Simulan
Gawain A Gawain B
1. ice cream stereo, microscope, fruit salad,
2. barbecue transistor na radyo
3. ensayklopedya
4. skateboard
5. robot
Galugarin
Gawain A Gawain B
Pagsulat ng 10 salitang hiram 1. groserya
mula sa napakinggang sanaysay 2. Eskaleytor
3. restaurant
4. spaghetti
5. DVD player
Palalimin
1. keyk
2. grupo
3. likido
4. telebisyon
5. kompyuter
Sukatin
Gawain A Gawain B
1. c. carrot 1. e. pagsasanay
2. d. taxi 2. f. punong - guro
3. a. ice cream 3. d. paaralan
4. d. refrigerator 4. a. huli
5. b. pajama 5. b. pangkat
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
• K to 12 Filipino Gabay Pangkurikulm (Filipino Curriculum Guide),

p. 48

• Bagong Pilipino sa Salita at Gawa 3, pp. 52 - 56

You might also like