You are on page 1of 32

PAGSUNOD

SA
PANUTO
Sundin ang
mga
sumusunod na
mga panuto.
1. Tumayo ng
sabay-sabay.

2. Umupo ng
sabay-sabay.
3. Ilagay ang
kamay sa inyong
kandungan/lap.
4. Itikom ang
bibig.
5. Ihanda ang
sarili sa pakikinig
sa guro.
Nasunod mo ba ng maayos ang
mga ibinigay na panuto?

Bakit?
Bakit hindi?
Ano nga ba ang panuto?
Panuto
Ang Panuto ay tagubilin, gabay o
deriksyon sa pagsasagawa ng
mga gawain.

Maaring pabigkas o nakasulat


ang panuto
Halimbawa ng nakasulat na panuto:

1.Gumuhit ng tatlong tatsulok. Pumadyak


ng tatlong beses. Pumalakpak ng tatlong
beses.
2. Ipakita ang pinakamaliit na daliri ng kanang
kamay. Ikaway ang kaliwang kamay at
pumadyak ng tatlong beses.
3. Sabihin ng malakas ang pangalan ng iyong
nanay. Sabihin ng mahina ang pangalan ng
iyong tatay. Ibulong ang pangalan mo.
Narito naman ang mga pabigkas na panuto.
Makinig sa Panutong sasabihin ng guro.
Ano-ano ba ang mga dapat gawin upang
masunod masunod ng maayos ang mga
panuto?
Tandaan:

 Makasusunod tayo ng tama sa mga


panuto kung nauunawaang mabuti ang
ibig ipagawa sa bawat panuto.

 Kailangan nating maging masunurin.


Gawin ang mgasumusunod na panuto.
Tumayo ng sabay-sabay. Pumalakpak ng
tatlong beses.Pumadyak ng tatlong
beses. Maupo.
Gawin ang mga sumusunod na panuto.
Ang pagmamano ba ay isang mabuting
kaugalian? Kung oo ang iyong
sagot,tumayo ka. Kung hindi, manatiling
nakaupo.
Gawin ang mga sumusunod na panuto.
Kumuha ng papel. Gumuhit ng isang
kahon. Gumuhit ng isang bituin sa loob
ng kahon. Kulayan ang bituin ng dilaw.
Nasunod ba ang mga ibinigay na panuto?

Bakit ?

Bakit hindi?
Anong katangian ang iyong ipinakita
kung sinunod mo ang lahat ng mga
ibinigay na panuto?
Paano mo maipakikita ang iyong
pagkamasunurin sa tahanan?

Sa paaralan?

Sa sariling pamayanan?
Pangkatang Gawain:

Unang Pangkat
Ikalawang Pangkat
Ikatlong Pangkat
Pamantayan sa Pangkatang Gawain

1.Nagagawa ng buong husay ang mga


hinihingi na takdang gawain.
2. Buong husay at malikhaing naiuulat at
naipaliwanag ang takdang gawain sa buong
klase.
3. Naipapamalas ng buong miyembyo ng
grupo ang pagkakaisa sa paggawa ng
pangkatang gawain.
4. Natapos ang pangkatang gawain ng buong
husay sa loob ng itinakdang oras.
Unang Pangkat

Sundin ang mga panutong nakasaad.


1. Ilista ang buong pangalang ng bawat
miyembro ng grupo.
2. Sa dulo ng bawat pangalan, guhitan ng
bulaklak kung ngalan ng babae at guhitang
ng bola kung ngalan ng lalaki.
3. Kulayan ng pula ang bulaklak at kahel naman
ang bola.
Ikalawang Pangkat

Sundin ang mga panutong nakasaad.


1. Basahin ng sabay-sabay ang tula.
2. Ikahon lahat ng pangngalan na mababasa
sa tula.
3. Bilugan ang salitang kilos.
4.Guhitan ang salitang naglalarawan.
Tula : Sa Bukid
Ang hangin sa bukid
sariwang tunay
Lalo’t kung umagang
Masarap mamasyal

Dito ay sagana
Sa lahat ng bagay
Matamis na prutas,
Berde –berdeng gulay.
Ikatlong Pangkat

Sundin ang mga panutong nakasaad.

1. Gumuhit ng limang larawan na may


symmetry.
2. Lagyan ng line of symmetry.
3. Kulayan ang mga iginuhit mo.
4. Lagyan mo ito ng mga bilang 1 hanggang 5.
Ikaapat na Pangkat

Sundin ang mga panutong nakasaad.

1. Gumuhit ng isang hugis parihaba at isang


hugis parisukat.
2. Lagyan ang mga ito ng sariling sukat at
yunit.
2. Isolve ang Area ng mga hugis na iyong
iginuhit.
Ang bawat pangkat ay mag-uulat
sa harap ng klase
Pangkat I
Pangkat II
Pangkat III
Pangkat IV
Ano ang Panuto?
Ano-ano ang dapat
tandaan sa pagsunod ng
Panuto?
Bakit mahalaga ang
Panuto?
Sundin ang mga Panuto gawin ito sa sagutang papel.

1. Gumuhit ng isang puso. Sa loob ng puso ,


sumulat ng limang pangalan ng bagay.
2. Gumuhit ng limang bilog. Sa loob ng bawat
bilog, sumulat ng isang salitang kilos.
3. Mag-isip ng isang larawang may symmetry.
Iguhit ito. Lagyan ng line of symmetry.
4. Sumulat ng bilang mula isa hanggang sampo.
Bilugan lahat ng Even Numbers.
Sundin ang mga nakasulat na panuto.

1.Gumuhit ng isang parisukat.Gumuhit ng isang


puso sa loob ng parisukat. Isulat ang pangalan
ng paborito mong tao sa loob ng puso.

2. Isulat ang pangalan ng iyong tatay sa loob ng


parihaba at pangalan ng iyong nanay sa loob ng
bilog.Gumuhit ng linya mula sa parihaba patungo
Sa bilog upang pag-ugnayin ang mga ito.
3. Gumuhit ng isang parihaba. Gumuhit ng
tatlong bituin sa loob nito. Kulayan ang
unang bituin ng asul, pangalawa ng pula
at pangatlo ay berde.

4. Gumuhit ng isang tatsulok. Sa ilalim ng


tatsulok gumuhit ng parisukat.Lagyan ng
dalawang guhit ang ilalim ng parisukat.
5. Salungguhitan ang numero ng iyong baitang
(grade). Ikahon ang numero ng iyong edad.
Bilugan ang numero ng iyong kaarawan.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29
30 31
Takdang Aralin:

Gumawa ng sarili mong tatlong panuto.

You might also like