You are on page 1of 5

Name of PST: Kaeth Laurence O.

Notario Date of Teaching: April 14, 2023


Name of Mentor: Mrs. Madznahara A. Angsa Date Submitted: April 04, 2023

Detalyadong Banghay Aralin sa ESP V

I. Layunin
Pagkatapos ng 30-minutong talakayan ang mga mag-aaral sa ikalimang baiting ay
inaasahang magawa ang mga sumusunod na may 75% na kawastuhan;
a. Nasasabi ang mga kanais-nais na kaugaliang Pilipino;
b. Mailalahad ang mga paraan ng pakikilahok ng mga gawaing pampamayanan na
nagpapakita ng mabuting pag-uugali ng mga Pilipino; at
c. Maipapaliwanag kung paano maipapakita ang disiplina at pakikilahok sa mga
gawain upang mapanatili ang pagiging mabuting Pilipino.

II. Paksang Aralin


Paksa: Pagpapakita ng mga Kanais-nais na kaugaliang Pilipino.
Sanggunian: Ugaling Pilipino Sa Makabagong Panahon Pahina 124-129

III. Kagamitan
Incentive chart, Tarp papel, Mga Larawan

IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1.Paghahanda
Magandang umaga mga bata! (magandang umaga po teacher) Kumusta na kayo?
(mabuti lang po teacher) Mabuti naman kung ganoon. Handa na ba kayo para sa ating
panibagong leksyon ngayon? (Opo titser) Mahusay! Bago tayo magsimula, ano ang nakikita
ninyo sa pisara? (Komunidad, Tatlong (3) mga bata, supot ng basurahan at mga nakakalat na
basurahan)

Pangkat 1 Pangkat 2 Pangkat 3


Tama! Ang bawat bata na may supot ng basurahan ay magrerepresenta sa bawat grupo
kung kaya’t hahatiin ko ang klase sa tatlong pangkat. Kapag kayo ay nakasagot ng tama at
nakikilahok sa ating gawain ay ilalagay natin ang basura sa trash bag. Ngayon, ano- ano ang
dapat ninyong gawin habang tayo ay nagkaklase at gumagawa ng gawain? (makilahok sa klase at
sa pangkatang gawain) Magaling!

2. Pagganyak
Mga bata, mayroon akong ipapakitang larawan at gagawin ninyo lamang ay mag-
isip ng mga salita na maaring tumukoy sa larawan na nasa ibaba upang maipakita ang tamang
pag-uugali bilang Pilipino.

Batay sa inyong binigay na mga salita, makatutulong din ba ang mga katangiang ito sa inyong
sarili upang maging mabuting Pilipino? (Opo teacher) Bakit mo nasabi na makatutulong ang mga
katangiang ito sa ating sarili upang mabuting Pilipino? (Dahil sa ito ay isang mabuting pag-
uugali.) Aba’y kay gagaling naman mga bata. Tama, ang mga ugaling ito ang dapat nating
taglayin upang maging maayos at maunlad ang ating pamumuhay.

B. Paglalahad
Nagyon ay may babasahin tayong pinamagatang “Sama-samang Paggawa, Tungo sa
Iisang Adhikain.” Ito ay tungkol sa kung paano nakikilahok si Kyle sa mga gawaing
pampamayanan. Ngunit bago natin basahin ang kwentong ito, ano-ano ang mga pamantayan sa
pagbabasa? (Ipokus ang kaisipan sa kwentong pinag-uusapan,basahin nang mabuti at sumulat ng
mahahalagang impormasyon base sa napakinggang kwento). Ang mga pamantayang inyong
nabanggit ay susundin natin sa kwentong inyong babasahin. Tila handa na ang isa kaya’t
umpisahan na natin. Ngunit bago gawin ang pagbabasa ay may mga tanong akong naihanda na
inyong sasagutin pagkatapos.
Gabay na tanong:
1. Ano ang gawaing lalahukan ng mga mag-aaral ni Bb. Ramos?
2. Ano ang layunin ng gawaing ito?
3. Ano ang ipinakita ni Kyle at ng kaniyang mga kamg-aral?
4. Paano natutuhan ng buong klase ang kanilang gampanin sa pamayanan?

Sama-samang Paggawa, Tungo sa lisang Adhikain

Isang araw ng Agosto, masayang ibinalita ng gurong si Bb. Danielle Ramos sa


kaniyang mag-aaral na magkakaroon ng International Coastal Clean-up. Ito ay taunang gawain
upang maglinis ng mga kalat at dumi sa Roxas Boulevard. Tuwang-tuwa ang mga bata lalo na si
Kyle. Alam niya na isa na naman itong mabuting gawain ng kanilang paaralan at ng mga
organisador nito.

Sabi ni Kyle, " Ma'am kailan po ito?" "Sa ikatlong sabado ng Setyembre," tugon ni
Bb. Ramos. "Lahat ba kayo ay sasama?" tanong ng guro. Ako po sasama!" mabilis na tugon ni
Kyle. Sumunod na ring sumagot ang ibang mga mag-aaral.

"Mabuti naman! Natutuwa ako at sasama kayo. Ano ba ang ating matutuhan sa
gawaing ito? Alam ba ninyo ang mararanasan at matutuhan ninyo sa gawaing ito?" tanong ni Bb.
Ramos. "Opo, Ma'am. Katulad po ng ginawa ng klase natin noong nakaraang taon sa barangay
na malapit sa ating paaralan. Kami po ay makatutulong sa ating bansa upang mabawasan ang
mga basura. Magiging malinis ito ng kahit na kaunti, "tugon ng isang babaeng mag-aaral.

"Maipapakita ko kung paano ako makatutulong sa ating bansa. Mahihikayat ko ang


iba pang mga bata na tularan ako," nagmamalaking sagot ni Kyle.

"Mabuti naman at alam ninyo ang layunin ng ating pagpunta roon. Matapos ang ating
gawain, pasusulatin ko kayo ng isang journal ng inyong naging karanansan," pahayag ni Bb.
Ramos.

C. Pagtatalakay
Ano ang gawaing lalahukan ng mga mag-aaral ni Bb. Ramos? (Magkakaroon po sila ng
International Coastal Clean-up) Mahusay! Ano ang layunin ng gawaing ito? (Ito ay taunang
gawain upang maglinis ng mga kalat at dumi sa Roxas Boulevard.) Mahusay! Ano ang ipinakita
ni Kyle at ng kaniyang mga kamag-aral? (Maipapakita niya kung paano siya makatutulong sa
ating bansa. Mahihikayat niya ang iba pang mga bata na tularan siya.) Mahusay! Paano
natutuhan ng buong klase ang kanilang gampanin sa pamayanan? (Kami ay makatutulong sa
ating bansa upang mabawasan ang mga basura. Magiging malinis ito ng kahit na kaunti.) Tama!
D. Paglalahat
Bilang isang mag-aaral, sa paanong paraan natin matutuhan ang mga kanais-nais
nakaugaliang Pilipino? (Tumulong at makilahok sa mga gawaing pampamayanan ng kabutihan
sa kapuwa at pati na rin ang pagtanggap sa mga panauhin sa tahanan.) Tama! Ang pagpapakita
ng kanais-nais na kaugaliang Pilipino ay nakatutulong sa atin upang maging mabuting tao sa
kapuwa. Pagtutulungan o pakikilahok sa bayanihan sa pamayanan ay lagi nating isabuhay.

E. Paglalapat
Ngayon, mayroon akong inihandang gawain. Ang gawaing ito ay pangkatan at bawat grupo
ay may sariling gawain. Ang kailangan ninyo lang gawin ay sundin ang mga tagubilin na
ibinigay ko sa inyo. Magkakaroon lamang kayo ng dalawang minuto (2) upang tapusin ang
gawain. Pagkatapos ng dalawang minuto (2) ay ilagay sa pisara ang inyong ginawa at pumili
kayo ng kung sinong mag-uulat sa inyo at inyong ibabahagi ito sa klase, naunawaan ba ang
sinabi ni teacher? (Opo teacher) At ang dalawang (2) minuto ay magsisimula na.

Pangkat 1 Pangkat 2 Pangkat 3


Napansin mong nasasayang Nabalitaan mong maramig Pauwi na ang iyong mga
ang tubig sa inyong gripo na bahay sa kabilang barangay magulang. Nagbilin sila sayo
nasa harapan ng inyong bahay. ang nasira dahil sa kakatapos na parating ang mga pinsan
Natatapon ito sa kalsada lang na bagyo. Ano ang mo upang bumisita sa inyong
habang hindi pa dumarating gagawin mo? tahanan. Ano ang gagawin
ang mga magkukumpuni nito. mo?
Ano ang gagawin mo?

F. Paggamit
Natutuhan niyo na ang mga kanais-nais na kaugaliang Pilipino. Upang higit na mahasa
ang inyong kakahayan may inihanda pa akong isang gawain. Itaas lamang ang iyong kamay
kung iyong nais na sumagot. Maliwanag ba? (Opo teacher).

Panuto: Lagyan ng hugis puso () ang kolum na tumutukoy kung gaano mo kadalas ginagawa ang
sumusunod na gawain.

Palagi Madalas Bihira Hindi


Kailanman
1. Pagsunod sa mga
alituntuning
pangkaligtasan sa
aming tahanan at
pamayanan
2. Pagbibigay ng
tinapay sa kaibigan
ko na nagugutom
3. Pagtulong sa
paglilinis ng kanal
upang maiwasan ang
pagbaha at pagdami
ng lamok.
4. Pagsama sa mga
lakad ng pinsan
kapag may pahintulot
ang aking magulang.
5. Magiliw na
pagtanggap sa mga
panauhin ng aking
mga magulang o
kapatid.

V. Pagtataya
Ngayon, upang malaman ko na naintindihan ninyo ang ating paksa para sa araw na ito,
tayo ay magkakaroon ng maikling pagsusulit.

Panuto: Piliin ang Tama kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagtulong sa nangangailangan at
Mali kung Hindi.

1. Nagpaabot ng tulong si Aling Cora sa mga nasunugan. (Tama)


2. Nagkanya-kanya ang pangkat ni Lisa sa nais nilang paraan ng pagtulong kaya’t hindi nito
nakamit ang layunin ng pagtulong sa mga nangangailangan. (Mali)
3. Sumama si Gelo sa pagbabalot ng mga relief goods upang mas mapabilis ang pagpapadala nito
sa mga nangangailangan. (Tama)
4. Pinagsama-sama nina Gab at Alex ang mga lumang kagamitan at damit na maayos pa upang
maibigay sa mga nasalanta ng bagyo. (Tama)
5. Wala nang inatupag si Leo kundi sisihin ang gobyerno sa malaking pinsalang iniwan ng
bagyo sa kanilang lugar. (Mali)

VI. Takdang Aralin


Sa isang malinis na papel, gumuhit ng isang mabuting kaugalian ng mga Pilipino na
naipapakita natin lalo na ngayong panahon ng pandemya na nais mong maipagmalaki.

You might also like