You are on page 1of 2

PERFORMANCE TASK NO.

4
2nd Quarter
FILIPINO 5

Pangalan: _________________________________

Aralin: Pagtatala ng Impormasyon mula sa Binasang Teksto

Panuto: Basahin ang maikling balita mula sa pahayagan. Itala ang mga impormasyon na nakapaloob dito.
Gumamit ng graphic organizer.

MAYNILA - Bagamat nagbukas na ng mga bagong ruta ang Land Transportation Franchising and
Regulatory Board (LTFRB) para sa biyahe ng mga pampasaherong jeepney, marami pa ring mga tsuper ang
namamalimos sa ilang pangunahing kalsada dito sa Quezon City.

Inikutan ng Radyo Patrol ang EDSA Cloverleaf-Balintawak at hindi alintana ng mga tsuper ang mga
mabibilis at malalaking sasakyan sa rotunda at namamalimos.

Ayon kay Alberto, dati siyang OFW sa Saudi Arabia, nagaapply siya ng ibang trabaho naman sa
South Africa pero hindi ito natuloy. Dahil naubos ang kaunting pera sa pagpapatayo ng maliit na bahay sa
Leyte, nakipagsapalaran muna siya sa Maynila at namasukan bilang jeepney driver.

Nakapuwesto sila ngayon sa southbound ng Balintawak habang ang northbound lane naman ay
sinasakop ng mga street dweller na nagtayo na ng kaniya-kaniyang trapal sa lugar.

- TeleRadyo, 4 Nobyembre 2020

File Created by DepEd Click


File Created by DepEd Click

You might also like