You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF CEBU PROVINCE
District of San Remigio II
KINAWAHAN INTEGRATED SCHOOL
___________________________________________________________________________________________
Teacher-made Learner’s Home Task

Learning Area: Araling Panlipunan Grade Level/Section: 10/Emerald


Quarter: 2nd Quarter Learner’s Home Task No.:
Date: June 6, 2020

I. MELC: Nasusuri ang dahilan at epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon.

II. Mga Layunin:


Kaalaman: Naipaliliwanag ang konsepto at dahilan ng migrasyon dulot ng
globalisasyon;
Kasanayan: nakasusulat ng maikling sanaysay tungkol sa dahilan at epekto ng
migrasyon dulot ng globalisasyon; at
Kaasalan: napahahalagahan ang pagtugon sa mga isyu, konsepto at dahilan ng
migrasyon.
III. Paksang-Aralin:
MIGRASYON: KONSEPTO AT KONTEKSTO
IV. Sanggunian:
LM-AP10 pahina 220-223
KAYAMANAN (Mga Kontemporaryong Isyu)-Batayan at Sanayang Aklat sa
Araling Panlipunan 10 pahina 122-129, Evangeline M. Dallo, et al

V. Pamamaraan

A. Babasahin
Ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o
teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente. Dalawa
ang uri ng migrasyon ng mga tao – ang panloob o panlabas. Ang dahilan ng pag-alis o paglipat
ay kalimitang mauugat sa sumusunod:
• hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na
inaasahang maghahatid ng masaganang pamumuhay;
• paghahanap ng ligtas na tirahan;
• panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na
matagal nang naninirahan sa ibang bansa;
• pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman
partikular sa mga bansang industriyalisado.
Sa pag-aaral ng migrasyon partikular ng international migration ay mahalagang maunawaan
ang ilang termino o salitang madalas gamitin sa disiplinang ito. Una na rito ay ang pagkakaiba
ng flow at stockfigures.
Ang flow ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa
sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon. Madalas ditong gamitin ang mga
salitang inflow, entries or immigration. Kasama din dito ang bilang ng mga taong umaalis o
lumalabas ng bansa na madalas tukuyin bilang emigration, departures or outflows. Kapag
ibinawas ang bilang ng umalis sa bilang ng pumasok nakukuha ang tinatawag na net
migration.
Samantala, ang stock ay ang bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang
nilipatan. Mahalaga ang flow sa pag-unawa sa trend o daloy ng paglipat o mobility ng mga tao
habang ang stock naman ay makatutulong sa pagsusuri sa matagalang epekto ng migrasyon
sa isang populasyon.
Pag-aralan ang mga datos at impormasyon na nailahad tungkol sa naging pandarayuhan ng
mga manggagawa sa buong mundo.
• Tinatayang 232 milyong katao ang nandarayuhan sa buong mundo sa kabuuang 3.1
porsiyento ng populasyon sa buong mundo.
• Ang 48 porsiyento ng mga imigrante ay kababaihan na halos dumarami pa para
maghanapbuhay.
• Karamihan ng mga nandarayuhan ay maghanap ng trabaho. Mahigit pa sa 90 porsiyento ay
mga manggagawa kasama ang kanilang mga pamilya.
• Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinaka malaking bilang ng mga imigrante na
lumabas ng kanilang bansa.
• Tinatayang isa sa walong imigrante ay nasa edad 15 - 24.
(Halaw sa ILO: International Labor Organization Facts and Figures)

B. Mga Gawain/Pagsasanay

Pagsasanay 1: Suriin ang talahanayan sa ibaba at sagutin ang mga kasunod na


tanong.

Top 10 Destinations/Countries of Overseas Filipinos 2013


Rank Countries Filipino Migrants
1 USA 3,535,676
2 Saudi Arabia 1,028,802
3 UAE 822,410
4 Malaysia 793,580
5 Canada 721,578
6 Australia 397,982
7 Italy 271,946
8 United Kingdom 218,126
9 Qatar 204,550
10 Singapore 203,243
*Source 2014 CFO Conpendium of Statistics*

Table 1- Number of Workers with Contracts Processed by Type: 2009-2013


Type 2009 2010 2011 2012 2013
Total 1,479,070 1,644,439 1,850,463 2,083,223 2,241,854
Landbased Workers 1,043,555 1,205,734 1,384,094 1,629,867 1,773,939
New Hires 362,878 424,977 517,311 554,665 562,635
Re Hires 680,677 780,757 866,783 1,075,202 1,211,304
Seabased Workers 435,515 438,705 466,369 453,356 467,915

Table 2- Number of Deployed with Overseas Filipino Workers by Type: 2009-2013


Type 2009 2010 2011 2012 2013
Total 1,479,070 1,644,439 1,850,463 2,083,223 2,241,854
Landbased Workers 1,043,555 1,205,734 1,384,094 1,629,867 1,773,939
New Hires 362,878 424,977 517,311 554,665 562,635
Re Hires 680,677 780,757 866,783 1,075,202 1,211,304
Seabased Workers 435,515 438,705 466,369 453,356 467,915

1. Ano-anong pangkat ng manggagawa ang madalas na nangingibang-bansa upang


humanap ng trabaho?
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
2. Ano-anong bansa ang madalas puntahan ng mga manggagawa? Sa iyong palagay,
bakit sa mga bansang ito sila nagpupunta?
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
3. Magbigay ng mga salik o dahilang nakaiimpluwensiya sa mga manggagawa sa pagpili
ng bansang kanilang pupuntahan at pangatuwiranan ito.
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

Pagsasanay 2: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa


inilaang patlang.
1. Ano sa iyong palagay ang implikasyon ng pagkakaroon ng maraming bilang ng tao na
nangingibang bansa?
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
2. Sa inyong lugar, anu-ano ang dahilan ng pagdami/ pagbaba ng bilang ng tao?
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
3. Paano nakakaapekto sa inyong komunidad ang pagdami ng taong lumilipat?
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

C. Pagtataya/Aplikasyon

Batay sa larawan na nasa itaas, sumulat ng maikling sanaysay tungkol dito. Ang gagawing
sanaysay ay binubuo ng dalawang talata o mahigit at binubuo ng tig-lilimang pangungusap sa
bawat talata. Isalang-alang ang wastong gamit ng mga salita, bantas at instruktura ng
pangungusap. Isulat ito sa kalakip na papel na mayroon pamantayan sa pagmamarka ng iyong
sanaysay.

Prepared by: Verified by:


JEAN ELVIE P. ANCOT ANAFE D. PASTOR
Teacher School Head

You might also like