You are on page 1of 2

EDEN INTEGRATED SCHOOL

Unit Test
Araling Panlipunan 10
S.Y. 2018-2019
Pangalan:___________________________________________________Iskor:___________
Taon at Seksyon:_____________________________________________Petsa:___________
I. Ibigay ang hihiling na salita ng pangungusap. Isulat ang sagot bago ang bilang.
___1. Layunin na maiangat ang mababang kalidad ng edukasyon at matugunan ang suliranin sa kawalan
ng trabaho sa ating bansa.
___2. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa
iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente.
___3. Tumutukoy sa bahagdan ng populasyong walang hanapbuhay o pagkakitaan.
___4. Tumutukoy sa mga namumuhunang kompanya sa ibang bansa ngunit ang produkto o serbisyo ay
hindi nakabatay sa pangangailanagang lokal pamilihan.
___5. Nagaganap kapag ang nakasanayang bansang pinagmumulan ng mga nandarayuhan ay nagiging
destinasyon na rin ng mga manggagawa at refugees mula sa iba’t ibang bansa.
___6. Tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya ay kumukontrata ng isang ahensiya
o indibidwal.
___7. Tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles
upang magtrabaho at manirahan nang may takdang panahon.
___8. Isang kasunduan na naglalayon na iakma ang kurikulum ng bawat bansa sa Europe upang ang
nakapagtapos ng kurso sa isang bansa ay madaling matatanggap sa mga bansang kasali dito.
___9. Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo sa isang kompanyang mula din sa loob ng bansa na
nagbubunga ng higit na mababang gastusin sa operasyon.
___10. Ahensiya ng Gobyerno na nangangalaga sa mangagawang na nasa Pilipinas.
___11. Isang iskema upang higit na pababain ang sahod, tanggalan ng benepisyo at tanggalan ng
seguridad sa trabaho ang mga mangagawa.
___12. Tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatag ng pasilidad sa ibang bansa na nakabatay sa
pangangailangang lokal.
___13. Isang illegal na kalakalan ng mga tao na ang layuning ay sexual na pang-aalipin, komersyal na
pagsasamantala, sapilitang paggawa.
___14. Tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang
panahon na kadalasan ay kada taon.
___15. Tumutukoy sa isang kompanya ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad.
___16. Tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya ay komukontrata ng isang ahensiya
o indibidwal upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.
___17. Ang bilang ng nandarayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan.
___18. Ito ay tumutukoy sa pangangalaga sa panlipunan, pang-ekonomiko at pampolitikal na kalagayan
ng maliliit na namumuhunan.
___19. Walang sapat na puhunan upang gawin ang trabaho o serbisyo at ang pinasok niyang
manggagawa ay may direktang kinalaman sa mga gawain ng kompaya.
___20. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa
pamamagitan ng pagpapatupad na mababang pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng
mga manggagawa.
II. Isa-isahin
Apat na haligi para sa isang Disente at Marangal na Paggawa
1.
2.
3.
4.
Isyu sa Migrasyon
1.
2.
3.
Isyu sa Globalisasyon
1.
2.
3.
Isyu sa Paggawa
1.
2.
3.
III. Pagsulat
Ang mga sagot ay itatama gamit ang mga sumusunod na kraytirya:
 NILALAMAN(hindi baba sa 50 na salita ) 4
 ORGANISASYON NG MGA IDEYA 3
 TAMA AT ANGKOP NA PAGGAMIT NG MGA SALITA 2
 KALINISAN NG PAGSULAT 1
Kabuuan 10

Pumili ng isa at Ipaliwanag.


Paano naapektuhan ng Globalisasyon,Migrasyon at Paggawa ang mga sumusnod:
a. Pamilya
b. Pamahalaan
c. Ekonomya

You might also like