You are on page 1of 5

Argao National High School

THIRDQUARTER EXAMINATION
Araling Panlipunan Grade 10
Name: ____________________________________ Grade & Section: ___________________ Date: ____________
Test I: Multiple Choice: Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa proseso ng interaksiyon at integrasyon ng mga tao, kompanya, at pamahalaan ng iba’t ibang bansa o estado na nag-uudyok ng
pandaigdigang kalakalan at pamumuhunan sa tulong ng kaalamang panteknolohiya?
A. globalisasyon B. internasyonalisasyon C. pandaigdigang kalakalan D. United Nations
2. May limang perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at simula ng globalisasyon. Alin sa mga sumusunod ang hindi tumutukoy sa limang
pananaw?
A. Ang globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago.
B. Ang simula ng globalisasyon ay mauugat ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan
C. Ang globalisasyon ay naniniwalang may anim na ‘wave’ o epoch o panahon
D. Ang globalisasyon ay penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo
E. Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na
nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig
F. Ang ‘globalisasyon’ ay taal o nakaugat sa bawat isa.
3. Maaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?
A. Ekonomikal B. Sikolohikal C. Sosyo-kultural D. Teknolohikal
4. Isa sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang pagbabagp sa workplace ng mga manggagawa, binago rin nito ang sistema ng pagpili sa
mga manggawa. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay ng pagbabagong ito?
A. Humigpit ang pagproseso sa pagpasok ng mga dayuhang kompanya, produkto at serbisyo sa bansa kaya’t kinailangan ng mga world class
workers.
B.Humirap ang kalagayan ng mga dayuhang kompanya sa pagpasok sa bansa kaya’t kinailangang pababain ang sweldo ng mga lokal na
manggagawa.
C. Naging malaya ang pagpasok ng mga dayuhang kompanya sa bansa dahil sa mababang pagpapasweldo at pagngonguntrata lamang sa mga
lokal na manggagawa.
D. Tumaas ang kalidad ng mga lokal na produkto sa pandaigdaigang pamilihan kaya’t kinailangang mag-angkat ng mga eksperto sa ibang bansa
para sanayin ang mga lokal na manggagawa.
5. Isa sa mga kinakaharap na isyu sa paggawa sa Pilipinas ay ang pag-iral ng sistema ng mura at flexible labor. Alin sa sumusunod na pahayag
ang naglalarawan sa konsepto ng mura at flexible labor?
A. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na bigyan ng kalayaan ang mga manggagawa sa pagpili ng kanilang magiging posisyon sa kompanya.
B. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na ipantay ang kanilang kinikita at tinutubo sa pagpapatupad na malaking pasahod at paglilimita sa
panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
C. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad na mababang pasahod at
paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
D.Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad na malaking pasahod at
pagpapahaba sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
6. Mahalaga sa isa manggagawa ang seguridad sa paggawa sa kaniyang pinapasukang kompanya o trabaho subalit patuloy ang paglaganap ng
iskemang subcontracting sa paggawa sa bansa. Ano ang iskemang subcontracting?
A. Iskema ng pagkuha ng isang ahensiya o indibiwal na subcontractor ng isang kompanya para sa pagsagawa ng isang trabaho o serbisyo.
B.Pag-eempleyo sa isang manggagawa upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa loob ng 6 na buwan.
C. Pagkuha sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor sa isang manggagawa sa loob ng mas mahabang panahon.
D. Sistema ng pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang
takdang panahon.
7. Sa nakaraang halalan ay naging mainit na usapin ang tungkol sa kontraktawlisasyon ng mga manggagawa. Alin sa mga sumusunod ang
isinagawa ng administrasyong Duterte upang matupad ang pangako niyang ito?
A. Itinigil ang sitemang Endo. C. Pinarusahan ang mga mamumuhunang naglagak ng puhunan sa bansa.
B. Ipinatupad ang bagong batas sa paggawa. D. Binigyang kalayaan ang mga manggagawang magrally.
8. Ano ang migrasyon?
A. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari sa lugar na pinagmulan
B. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar
C. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa isang lugar pansamantala man o permanente
D.Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat sa kaguluhan ng mga mamamayan
9. Ilan sa mga dahilan ng permanenteng migrasyon ay ang paghahanap ng mga sumusunod maliban sa isa. Ano ito?
A. Edukasyon B.Hanapuhay C.Tirahan D. Turismo
10. Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinakamalaking bilang ng mga imigrante na lumabas ng kanilang bansa. Ano ang mahihinuha rito?
A. Kahirapan ang mas namamayani sa Asya at hindi kaginhawahan ng pamumuhay.
B. Kakaunti ang oportunidad na makakuha ng mga mamamayan sa Asya.
C. Mas kinakakitaan ng malaking oportunidad ng mga Asyano ang ibang lugar bunga ng iba’t ibang hanapbuhay na mapapasukan na angkop sa
kanilang natapos
D. Mas malaki ang oportunidad sa labas ng Asya
11. Ito ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.
A. Gender B. Gender identity C. Sex D. Sexual orientation
12. Ang bi-sexual ay mga taong nakararamdam ng maromantikong pagkaakit sa kabilang kasarian ngunit nakararamdam din ng parehong pagkaakit
sa katulad niyang kasarian. Ang isang taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawa at ang kaniyang pag-iisip at pangangatawan ay
hindi magkatugma. Siya ay tinatawag na: A. bakla B. homosexual C. lesbian D. transgender
13. Alin isyu sa lokal na lebel o lalawigan ng Cebu ang hindi kabilang?
A. Pagtapon ng mga hospital waste na umabot sa dagat ng Mactan Island C. Pagbisita ni Pang. Duterte sa Sinulog ng Cebu.
B. Pagrelibo sa lahat ng mga pulis ng San Fernando at Daanbantayan D. Pagshutdown sa cellphone signal sa Sabado at Linggo bilang
paghahanda sa Fiesta ni Senyor Santo Niño
14. Suriin ang sumusunod na diyagram at piliin ang angkop na interpretasyon. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
A. Globalisasyon ang sentro ng pamumuhay ng tao. C. Magkakaugnay ang ekonomiya, politika at sosyo-kultural sa pamumuhay ng tao.
B. Globalisasyon ang susi sa suliranin ng lipunan. D. Saklaw ng globalisasyon ang aspektong ekonomikal, politikal at kultural.
15. Sa pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa bunsod ng globalisasyon ipinatupad nila ang mura at flexible labor sa bansa na
nakaapekto sa kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Alin sa mga pahayag ang dahilan ng paglaganap nila nito sa bansa?
A. Maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa sa pandaigdaigang kalakalan.
B. Maipantay ang sweldo ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.
C. Makabuo pa ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.
D. Pag-iwas ang mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis ng produksiyon sa iba’t ibang krisis.
16. Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?
A. Naaapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit na pinaunlad ang mga malalaking industriya
B. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na aspekto.
C. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan
D. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga “perennial” na institusyon na matagal ng naitatag
17. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?
A. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot ng kapinsalaan.
B. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa
C. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa
D. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.
18. Ayon sa Ulat ng International Labor Organization o ILO noong 1992 at 1997 mas dumarami na ang bilang ng na-eempleyo sa bansa bilang
kaswal o kontraktuwal kaysa sa pagiging regular o permanente bunsod ng mga polisiya tungkol sa flexible working arrangements ng pamahalaan sa
mga pribadong kompanya sa hanay ng sektor ng serbisyo, sub-sektor nito at ng mga TNCs. Ano ang iyong mahihinuha sa ulat na ito?
A.Ito ay bunsod ng mahigpit na patakaran ng pamahalaan sa mga dayuhang kompanya sa Pilipinas kaya’t mura at flexible ang paggawa sa bansa.
B. Ito ay bunsod ng mataas na pamantayan ng mga dayuhang kompanya sa pagpili ng mga manggagawa upang maging regular.
C. Ito ay bunsod ng matinding pangangailangan ng trabaho sa bansa kaya’t kahit mura at flexible labor ay hinayaan ng pamahalaan na magpatupad
ang mga pribadong kompanya na gawing kaswal ang mga manggagawang Pilipino.
D. Ito ay bunsod ng pinaluwag na mga patakaran ng pamahalaan kagaya ng pagpayag sa iskemang subcontracting at tax incentives upang
makahikayat ng mas maraming dayuang kompanya na magtayo ng mga negosyo at serbisyo sa bansa.
19. Malaki ang naging papel ng globalisasyon sa pagdagsa ng mga dayuhang kompanya, produkto at paggawa sa bansa. Ayon sa ulat ng DTI
noong 2010 may pinakamalaking paglago dito ay sa sektor ng serbisyo na kung saan ang nanguna ang industriya ng BPO. Sa kabilang dako
patuloy namang bumababa ang paglago ng sektor ng agrikultura. Anong konklusiyon ang mahihinuha sa pahayag na ito?
A. Mababa ang pagpapasweldo, pabagu-bago ang paggawa sa bansa at ang lengguwaheng English ang isa sa pangunahing wika na madali sa
mga Pilipino.
B. Karamihan sa mga kabataang Pilipino ay kumukuha ng kurso na may kinalaman sa BPO.
C. Magaling ang mga Pilipino sa larangan ng teknolohiya at impormasyon.
D. Malaki ang naitulong ng pagdagsa ng makabagong gadget sa bansa kaya madaling makasabay ang mga Pilipino sa mga sebisyong on-line.
20. Mahalaga na maproteksyunan ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino laban sa mababang pasahod at di-makatarungang pagtanggal sa
kanila sa trabaho dulot ng kawalan ng seguridad sa paggawa. Paano ito maisasakatuparan ng mga manggagawang Pilipino?
A. Pag-boycott sa mga produktong dayuhan at pangangampanya sa mga mamamayan ng pagkondena sa mga ito.
B. Pakikipag-usap ng mga samahan ng mga manggagawa sa mga kapatalista o may-ari ng kompanya sa pamamagitan ng tapat at makabuluhang
Collective Bargaining Agreement (CBA).
C. Pagsabotahe, paninira at panununog sa mga planta o kagamitan ng kompanya
D. Pagsasagawa ng picket at rally laban sa kompanya at kapitalista
21. Ang irregular migrants ay ang mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado, walang permit para magtrabaho at
sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan. Ang temporary migrantsnaman ang tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na
may kaukulang permiso at papeles upang magtrabaho at manirahan nang may takdang panahon.At angpermanent migrants ay mga overseas
Filipinos na ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi lamang trabaho kundi ang permanenteng paninirahan sa piniling bansa kaya naman
kalakip dito ang pagpapalit ng pagkamamamayan o citizenship. Alin sa mga sitwasyon sa ibaba ang nagpapakita ng irregular migrants?
A. Si May Anne ay natanggap bilang isang Fulbright scholar ng US sa loob ng anim na buwan.
B. Kasabay ng kanyang pagtanggap bilang mga call center agents sa Australia ay naisipan nina Mark at Rona na doon na tumira.
C. Nagtatrabaho bilang guro sa Thailand si Jake at umuuwi lamang ito bawat isang taon.
D. Sa Germany na nagtrabaho si Juvy bilang isang caregiver matapos itong magtungo bilang turista.
22. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Tukuyin kung anong pangkalahatang obserbasyon sa migrasyon ang inilalarawan dito
I. Maraming mag-aaral na mga Vietnamese at Koreans ang nagpupunta sa Pilipinas.
II. Sa paglago ng BPO sa bansa, kaalinsabay nito ang pagdating ng mga Indians bilang managers ng mga industriyang nabanggit.
A. Globalisasyon ng migrasyon C. Migration transition
B.Mabilisang paglaki ng globalisasyon D. Peminisasyon ng globalisasyon
23. Ipagpalagay: May isang Filipinang nagtatrabaho bilang kasambahay sa Gitnang Silangan, siya ay binugbog ng kaniyang amo. Nakunan ng video
ang pambubugbog at nai-upload sa Facebook. Nakita ito ng kaniyang mga kaanak at kaagad na nai-report sa DOLE. Ano ang naging epekto ng
globalisasyon sa kasong ito? Bakit?
A. Nakabuti, kahit paano ay nakapagtrabaho siya sa ibang bansa kahit naabuso.
B. Nakabuti, maililigtas siya sa kapahamakan sa tulong ng Internet at social media.
C. Nakasama, malamang ay hindi siya sumusunod sa amo kaya nabugbog.
D. Nakasama, may karapatan ang amo sa privacy niya; bawal siyang kunan ng video.
24. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa Gender roles?
A. Ang pagpili mo ng iyong makakatalik B. Bayolohikal o pisyolohikal na katangian ng kasarian
C. Kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex
niya nang siya’y ipanganak D. Batayan o pamantayan ng lipunan sa tungkulin ng bawat kasarian
25. Si Karya ay binansagang “sari-sari store” dahil lahat ng uri ng oryentasyong sekswal ay pinapatulan niya, ano ang tawag kay Karya?
A. Asexual B.Intersex C. Pansexual D. Transgender
26. Bakit magdaraos ng referendum o isang uri ng halalan ang ilang mga lalawigan ng Mindanao sa loob ng buwang ito?
A. Para sa nalalapit na Midterm election C. Upang magtayo ng isang hiwalay na estadong pederal
B. Para ratipikahan ang BOL Bangsamoro Organic Law D. Upang pumili ng mga pinuno ng Barangay
27. Ang pagsulpot ng iba’t ibang outsourcing companies na pagmamay-ari ng mga lokal at dayuhang namumuhunan ay isang manipestasyon ng
globalisasyon. Ilan sa mga epekto nito ay ang sumusunod.
I. Nagkaroon ng karagdagang trabaho ang mga Pilipino.
II. Binago ng globalisasyon ang lifestyle ng maraming Pilipino.
II. Nabago ang dinamiko (oras, sistema, istruktura) ng paggawa sa maraming kompanya.
IV. Naapektuhan ang kalusugan ng maraming manggagawang namamasukan partikular ang mga call center agents.
Mula sa mga kaisipang nabanggit, ano ang mabubuong konklusyon dito?
A. Mayroong mabuti at di-mabuting epekto ang globalisasyon sa pamumuhay ng tao.
B. Nakatulong ang globalisasyon sa pamumuhay ng tao.
C. Suliranin lamang ang idinulot ng globalisasyon sa pamumuhay ng tao.
D. Tumugon ang globalisasyon sa pangangailangan ng marami.
28. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “binago ng globalisasyon ang workplace ng mga manggagawang
Pilipino”?
A. Pag-angat ang kalidad ng manggagawang Pilipino.
B. Pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa.
C. Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas.
D. Paghuhulog, pagbabayad at pagwiwithdraw gamit ang mga Automatic Teller Machince (ATM).
29. Alin ang nakapag-aambag sa pag-uugnay at pagpapaunlad ng kaalaman sa buong mundo?
A. Mga digital na aklat mula sa Europe na nababasa sa Internet C. Mga damit na tinatahi sa Bangladesh na iniluluwas sa USA
B. Mga CCTV camera ng Japan na ginagamit sa South Africa D. Mga suwelas sa Pilipinas na inaangkat ng mga bansa sa Europe
30. Nahuhumaling si James sa K pop kung kaya ay lahat ng uso ay kanyang ginagaya kabilang na ang pananamit, ayos ng buhok, pagkain maging
ang kanilang pananalita. Ito ay pagpapakita na ang globalisasyon ay may epekto sa:
A. moral B. pisikal C. sosyo-kultural D. teknolohikal
31. Dahil sa globalisasyon, naging mas makabago ang mga teknolohiyang gamit ng tao na nakapagpapadali sa pamumuhay. Alin sa mga
sumusunod ang hindi nagpapakita ng kabutihang dulot ng globalisasyon sa larangan ng teknolohiya.
A. Hindi na kailangang pumunta ni Elezr sa lungsod upang bumili ng sapatos naghintay na lamang siya sa kanyang inorder online.
B. Nais pumunta ni Mona sa Singapore kaya kumuha siya ng pasaporte at nagtungo siya sa Dumaguete dahil walang masyadong kumukuha doon
ayon sa website ng DFA.
C. Nakapag-ipon ng malaki si Josephine matapos nitong gamitin ang kanyang anak sa pakikipatransaksyon sa mga dayuhan online gamit ang
pornograpiya.
D. Si Kristian ay kumuha ng kanyang lisensya online at nagbayad sa isang remitance center nagtungo lamang siya sa PRC upang kunin ito.
32. Si Peter ay isang bagger sa Prince, kahit lagpas na sa walong oras ay pinatatrabaho siya ng kanyang manager subalit wala na man itong
natanggap na overtime pay matapos matanggap nito ang kanyang sahod. Kung ikaw si Peter, aling ahensya ka pwedeng lumapit upang
magreklamo? A. Bureau of Internal Revenue B.Commission on Human Rights C. Department of Labor and Employment
D. Ombudsman E. Philippine Statistics Authority
33. Ang underemployment ay ang pagsukat ng kakayahan at karanasan ng isang manggagawang magtrabaho. Sila ang mga manggawa na may
mataas na kakayahan sa paggawa ngunit nagtatrabaho sa mababang trabaho mga "part-timer" dahil walang kakayahang magtrabaho ng "full-time.“
Alin dito ang nagpapakita sa underemployment ?
A. Ang kapatid ni Jessan na nagtapos ng NC II sa welding ay sa Australia na ngayon nagtatrabaho.
B. Nagtatrabaho si Cheryl bilang isang accountant ng Ayala at nakapagtapos siya ng accountancy.
C.Si Arnel na isang nurse ay nagtatrabaho bilang isang call center agent.
D. Si Michie ay isang guro ng Matematika at nagtapos siyang Cum Laude sa BS Math.
34. Aling bansa matatagpuan ang pinakamaraming Pilipinong migrants base sa datos ng PSA noong 2013?
A. Canada B. Saudi Arabia C. UAE D. USA E. Malaysia
35. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng peminisasyon ng migrasyon sa Pilipinas?
A. Nagtrabaho ang ina ni Samantha bilang domestic helper sa Hongkong
B. Ang ama ni Leo ay isang seaman at nagtatrabaho sa ibang bansa.
C. Naisipan ni Marcial na dalhin ang kanyang asawa at anak na lalaki sa Australia kung saan siya ay nagtatrabaho.
D. Nagtrabaho bilang enhinyero ang si Joseph ang kapatid ni Loraine sa Saudi Arabia.
36. Paano natutulungan ng K-12 Program ang mga Pilipinong gustong magtrabaho sa ibang bansa bilang OFW?
A. Nabibigyan ng pagkakataong makapagtrabaho ang mga Pilipino sa matataas na posisyon.
B. Itinuturing na lamang bilang second class professionals ang mga Pilipino.
C. Ang mga maggagawang Pilipino ay kapantay na ang katayuan sa ibang mga maggawa sa alinmang panig ng mundo.
D. Mas lalong nahahasa ang lenggwaheng English kaya madaling nakapasok ang mga Pilipino abroad.
37. Habang ikaw ay naglalakad pauwi sa inyong bahay, may nadaanan kang isang grupo ng mga bata na pinagtatawanan at kinukutya ang isang
batang kabilang sa LGBT na umiiyak na dahil sa mga pang-aasar sa kaniya. Ano ang gagawin mo?
A. Makikisali at aasarin din ang bata dahil nakakatuwa itong gawin at biruan lamang naman ito.
B. Pauuwiin ang batang kabilang sa LGBT upang hindi na mapagtawanan.
C. Papahintuin ang mga batang nangungutya at pagsasabihan na mali ang ginagawa nila.
D. Hindi papansinin at lalampasan na lang dahil simpleng away bata lang naman ito.
38. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ang sexual orientation na heterosexual?
A. Si Christina ay nakipagrelasyon kay Jessan. C. Nagtanan sina Leonilo at Roel kaya pinablotter sila ng kanilang mga magulang.
B. Si Elezr ay nagpakasal kay Marianne na isang babae D. Si James ay nagpakasal sa US sa kanyang kasintahang si Albert
39. Alin pangyayari sa mundo ang tinutukoy ng mga dalubhasa sa ekonomiya na maaaring magdulot ng malaking epekto sa takbo ng ekonomiyang
pandaigdig?
A. Ang akusasyon ng paghack ng mga Russian sa eleksyon ng Estados Unidos
B. Ang banta ng impeachment kay Donald Trump
C. Ang pag-aagawan ng mga isla sa South China Cebu
D. Ang trade war sa pagitan ng US at China
40. Si Alfie ay sinasabing miyembro ng DDS o Diehard Duterte Supporter. Aktibo siya sa facebook at twitter na nagpapayahag sa kanyang saloobin
na pumupuri sa administrasyong Duterte at aktibo rin siyang sumasalungat at nakikipag-sagutan sa mga kumalaban dito. Ano ang terminong
ginagamit sa mga taong gumagamit ng social networking site bilang midyum o entablado ng pagpapahayag tulad ni Alfie?
A. browser B. cyberbully C.netizen D. surfer
41. Ang tatay ni Jessa ay nagtatrabaho sa isang construction company. Nang umabot na ito sa edad na 65 ay nagsimula na itong makatanggap ng
pension mula sa Social Security System o SSS. May apat na haligi para sa isang disente at marangal na paggawa ayon sa Kagawaran ng
Paggawa, aling haligi ang ipinahihiwatig sa itaas?
A. Employment Pillar B. Social Dialogue Pillar C.Social Protection Pillar D. Worker’s Rights Pillar
42. Alin sa mga sumusunod ang hindi pagpapakita ng paggalang sa karapatan ng mga mangagawa?
A. Matapos ang kanyang paggraduate sa PMA ay naging hepe ng pulisya si Wilson.
B. Natanggap si Mary Grace sa gobyerno dahil pumayag itong makipagrelasyon sa pinuno ng kanyang pinapasukang ahensya.
C. Sina Alberto at Dona ay nakatanggap ng parehong sahod sa pinapasukang kompanya.
D. Sumali sa isang unyon si Clifford upang makahingi ng dadag sahod sa pinapasukan.
43. Maliban sa dollar remittances na nakukuha ng ating pamahalaan mula sa mga OFW’s, ano pa ang isang dahilan kung bakit patuloy na lumakas
ang ating ekonomiya?
A. Kita mula sa BPO C. Paglakas ng peso laban sa dolyar
B. Pagdami ng mga turistang pumupunta sa bansa D. Pagsasabatas ng Income Tax Reform Law
44. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito? “LGBT rights are human rights” (Ban Ki – Moon- UN secretary General)
A. Ang karapatan ng mga LGBT ay kabilang sa karapatang pantao C. Ang mga LGBT ay dapat tratuhing tao.
B. Ang mga LGBT ay may karapatang-pantao D. May pantay na karapatan ang lahat ng tao
45. Sa kalagayan ng mga Manggagawa sa iba’t ibang Sektor ay nagpapakita na sa pinakahuling datos ng NEDA nanguguna ang aling sektor sa
may pinakamaraming nagtatrabaho? A. Agrikultura B. Industriya C. Serbisyo D. Pamahalaan
46. Ang ugnayang diplomatiko ng Pilipinas sa Australia, China, Japan, South Korea, Thailand, US at iba pang mga bansa ay nagdudulot ng
paglagda ng mga kasunduan. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng kabutihang dulot sa ating pakikipag-ugnayan?
A. Ang mga produktong tsokolate ng Argao ay malayang nakapasok sa pamilihan ng South Korea.
B. Inangkin ng China ang mga isla ng Pilipinas at tinayuan ito ng mga pasilidad pangmilitar
C. Namasyal si Roel kasama ang kanyang pamilya sa Thailand.
D. Pinayagan ng gobyerno ng Australia na magmigrate ang pamilya ni Anne B na nagtatrabaho na doon.
47. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita sa konsepto ng Guarded Globalization?
A. Ipinatupad ni Donald Trump ang travel ban sa mga piling bansa upang maiwasan ang banta sa seguridad.
B. Malayang nakakapasok ang mga produkto ng ating bansa sa pamilihan ng China ng walang quota.
C.Nagbigay ng subsidiya ang bansang Japan sa mga magsasaka nito para makasabay sa kompetisyon.
D. Pinatawan ng Pilipinas ng buwis o taripa ang mga produktong dayuhan.
48. Dahil sa K to 12 Program ng ating pamahalaan ay siniseguro nito na ang suliranin sa “job mismatch” ay matugunan. Paano nito matutulungan
ang mga mag-aaral?
A. Hinihikayat nitong magiging mga OFW’s ang mga Pilipino.
B. Mga kursong teknikal lamang ang pwedeng kunin ng mga mag-aaral.
C. Siniseguro nito na ang ating mga mag-aaral ay magiging mga call center agents.
D. Tinitiyak nitong ang ang mga pangangailangan ng kompaniya ang ang ginagawa ng paaralan.
49. Natuklasan mo na ang kaibigan mo ay isang bisexual. Siya ang lagi mong kasama simula pa noong kayo ay mga bata pa at para na kayong
magkapatid. Matapos matuklasan ang kanyang oryentasyong seksuwal, ano ang iyong gagawin?
A. Igagalang ko ang kanyang oryentasyong seksuwal at panatilihin an gaming pagkakaibigan.
B. Ipagkakalat ko na siya ay isang bisexual.
C.Kakausapin siya at susumbatan kung bakit niya inilihim ito sa akin.
D. Lalayuan at ikahiya ang iyong kaibigan.
50. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit maaring patayin ng
lalaki ang kanyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
B. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa
C. May pantay na karapatan ang lalaki at babae
D. Mas malaki ang karapatang tinatamasa ng lalaki noon kaysa sa kababaihan.

Globalization is not a monolithic force but an evolving set of consequences - some good, some bad and some unintended. It is the new reality.
John B. Larson
.

You might also like