You are on page 1of 7

Department of Education

ARALING PANLIPUNAN 10
Score ____/60 Ikalawang Markahang Pagsusulit

PANGALAN: ___________________________ SECTION: _______________

I. PANUTO: ISULAT ANG TITIK NG TAMANG SAGOT SA TABI NG BILANG. (25pts)


1. Ano ang kahulugan ng globalisasyon?
A. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon na
nananarasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig
B. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo
C. Pagbabago sa kultura at politika na may malaking epekto sa sistema ng pamumuhay ng mga mamamayan
sa buong mundo
D. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong political at ekonomikal ng mga bansa sa mundo
2. Alin sa mga sumusunod ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
A. Paggawa C. Migrasyon
B. Ekonomiya D. Globalisasyon
3. Isa sa mga kinakaharap na isyu sa paggawa sa Pilipinas ay ang pag-iral ng sistema ng mura at flexible labor.
Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa konsepto ng mura at flexible labor?
A. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na bigyan ng kalayaan ang mga manggagawa sa pagpili ng kanilang
magiging posisyon sa kompanya.
B. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng
pagpapatupad na mababang pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
C. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng
pagpapatupad na malaking pasahod at pagpapahaba sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
D. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na ipantay ang kanilang kinikita at tinutubo sa pagpapatupad na
malaking pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
4. Ano ang migrasyon?
A. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar
B. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat sa kaguluhan ng mga mamamayan
C. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa isang
lugar pansamantala man o permanente
D. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari sa lugar na
pinagmulan
5. Lahat ng mga sumusunod ay epekto ng migrasyon maliban sa isa:
A. Pagpapalitan ng kultura.
B. Intermarriage o pag-aasawahan ng mga taong galling sa magkakaibang lahi.
C. Paglaki ng populasyon sa mga lungsod.
D. Paglaganap ng terorismo.
6. Alin sa mga sumusunod ang hindi masamang epekto ng pagdami ng OFW?
A. Pagbaba ng GNI o Gross National Income.
B. Pagkawalay ng mga anak sa mga magulang na OFW.
C. Brain drain.
D. Pagdai ng kaso ng mga inaabusong OFW.
7. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng tamang ideya?
A. Magkakaugnay ang ekonomiya, politika at sosyo-kultural sa pamumuhay ng tao.
B. Saklaw ng globalisasyon ang aspektong ekonomikal, politikal at kultural.
C. Globalisasyon ang sentro ng pamumuhay ng tao.
D. Globalisasyon ang susi sa suliranin ng lipunan.
8. Ang pagsulpot ng iba’t ibang outsourcing companies na pagmamay-ari ng mga lokal at dayuhang
namumuhunan ay isang manipestasyon ng globalisasyon. Ilan sa mga epekto nito ay ang sumusunod.
I. Nagkaroon ng karagdagang trabaho ang mga Pilipino.
II. Nabago ang dinamiko (oras, sistema, istruktura) ng paggawa sa maraming kompanya.
III. Naapektuhan ang kalusugan ng maraming manggagawang namamasukan partikular ang mga call center
agents.
IV. Binago ng globalisasyon ang lifestyle ng maraming Pilipino.

Mula sa mga kaisipang nabanggit, ano ang mabubuong konklusyon dito?


A. Nakatulong ang globalisasyon sa pamumuhay ng tao.
B. Tumugon ang globalisasyon sa pangangailangan ng marami.
C. Mayroong mabuti at di-mabuting epekto ang globalisasyon sa pamumuhay ng tao.
D. Suliranin lamang ang idinulot ng globalisasyon sa pamumuhay ng tao.
9. Maaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?
A. Ekonomikal B. Teknolohikal C. Sosyo-kultural D. Sikolohikal
10. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “binago ng globalisasyon ang
workplace ng mga manggagawang Pilipino”?
A. Pag-angat ng kalidad ng manggagawang Pilipino.
B. Pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa.
C. Paghuhulog, pagbabayad at pagwiwithdraw gamit ang mga Automatic Teller Machince (ATM).
D. Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas
11. Sa pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa bunsod ng globalisasyon ipinatupad nila ang mura
at flexible labor sa bansa na nakaapekto sa kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Alin sa mga pahayag
ang dahilan ng paglaganap nito sa bansa?
A. Pag-iwas ang mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis ng produksiyon sa iba’t ibang krisis.
B. Maipantay ang sweldo ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.
C. Makabuo pa ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.
D. Maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa sa pandaigdaigang kalakalan.
12. Mahalaga na maproteksyunan ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino laban sa mababang pasahod at
di-makatarungang pagtanggal sa kanila sa trabaho dulot ng kawalan ng seguridad sa paggawa. Paano ito
maisasakatuparan ng mga manggagawang Pilipino?
A. Pag-boycott sa mga produktong dayuhan at pagkondena sa pagbili ng mga ito.
B. Pakikipag-usap ng mga samahan ng mga manggagawa sa mga kapatalista o may-ari ng kompanya sa
pamamagitan ng tapat at makabuluhang Collective Bargaining Agreement (CBA).
C. Pagsasagawa ng picket at rally laban sa kompanya at kapitalista
D. Pagsabotahe, paninira at panununog sa mga planta o kagamitan ng kompanya
13. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Tukuyin kung anong pangkalahatang obserbasyon sa migrasyon ang
inilalarawan dito
I. Maraming mag-aaral na mga Vietnamese at Koreans ang nagpupunta sa Pilipinas.
II. Sa paglago ng BPO sa bansa, kaalinsabay nito ang pagdating ng mga Indians bilang managers ng mga
industriyang nabanggit.
A. Globalisasyon ng migrasyon C. Peminisasyon ng globalisasyon
B. Mabilisang paglaki ng globalisasyon D. Migration transition
14. Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?
A. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga “perennial” na institusyon na
matagal ng naitatag
B. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan
C. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na aspekto.
D. Naaapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit na pinaunlad ang mga malalaking industriya
15. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?
A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa
B. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot ng kapinsalaan.
C. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang mga
bansa
D. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.
16. Ilan sa mga dahilan ng permanenteng migrasyon ay ang paghahanap ng mga sumusunod maliban sa isa.
A. Hanapuhay B. Turismo C. Edukasyon D. Tirahan
17. Isa sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang pagbabagp sa workplace ng mga manggagawa, binago
rin nito ang sistema ng pagpili sa mga manggawa. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay ng
pagbabagong ito?
A. Humigpit ang pagproseso sa pagpasok ng mga dayuhang kompanya, produkto at serbisyo sa bansa
kaya’t kinailangan ng mga world class workers.
B. Tumaas ang kalidad ng mga lokal na produkto sa pandaigdaigang pamilihan kaya’t kinailangang mag-
angkat ng mga eksperto sa ibang bansa para sanayin ang mga lokal na manggagawa.
C. Humirap ang kalagayan ng mga dayuhang kompanya sa pagpasok sa bansa kaya’t kinailangang pababain
ang sweldo ng mga lokal na manggagawa.
D. Naging malaya ang pagpasok ng mga dayuhang kompanya sa bansa dahil sa mababang pagpapasweldo
at pagngonguntrata lamang sa mga lokal na manggagawa.

18. Malaki ang naging papel ng globalisasyon sa pagdagsa ng mga dayuhang kompanya, produkto at paggawa sa
bansa. Ayon sa ulat ng DTI noong 2010 may pinakamalaking paglago dito ay sa sektor ng serbisyo na kung
saan ang nanguna ang industriya ng BPO. Sa kabilang dako patuloy namang bumababa ang paglago ng
sektor ng agrikultura. Anong konklusiyon ang mahihinuha sa pahayag na ito?
A. Mababa ang pagpapasweldo, pabagu-bago ang paggawa sa bansa at ang lengguwaheng English ang isa
sa pangunahing wika na madali sa mga Pilipino.
B. Malaki ang naitulong ng pagdagsa ng makabagong gadget sa bansa kaya madaling makasabay ang mga
Pilipino sa mga sebisyong on-line.
C. Magaling ang mga Pilipino sa larangan ng teknolohiya at impormasyon.
D. Karamihan sa mga kabataang Pilipino ay kumukuha ng kurso na may kinalaman sa BPO.
19. Ayon sa Ulat ng International Labor Organization o ILO noong 1992 at 1997 mas dumarami na ang bilang
ng na-eempleyo sa bansa bilang kaswal o kontraktuwal kaysa sa pagiging regular o permanente bunsod ng
mga polisiya tungkol sa flexible working arrangements ng pamahalaan sa mga pribadong kompanya sa
hanay ng sektor ng serbisyo, sub-sektor nito at ng mga TNCs. Ano ang iyong mahihinuha sa ulat na ito?
A. Ito ay bunsod ng mataas na pamantayan ng mga dayuhang kompanya sa pagpili ng mga manggagawa
upang maging regular.
B. Ito ay bunsod ng mahigpit na patakaran ng pamahalaan sa mga dayuhang kompanya sa Pilipinas kaya’t
mura at flexible ang paggawa sa bansa.
C. Ito ay bunsod ng pinaluwag na mga patakaran ng pamahalaan kagaya ng pagpayag sa iskemang
subcontracting at tax incentives upang makahikayat ng mas maraming dayuang kompanya na magtayo
ng mga negosyo at serbisyo sa bansa.
D. Ito ay bunsod ng matinding pangangailangan ng trabaho sa bansa kaya’t kahit mura at flexible labor ay
hinayaan ng pamahalaan na magpatupad ang mga pribadong kompanya na gawing kaswal ang mga
manggagawang Pilipino.
20. Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinakamalaking bilang ng mga imigrante na lumabas ng kanilang
bansa. Ano ang mahihinuha rito?
A. Kakaunti ang oportunidad na makakuha ng mga mamamayan sa Asya.
B. Kahirapan ang mas namamayani sa Asya at hindi kaginhawahan ng pamumuhay.
C. Mas malaki ang oportunidad sa labas ng Asya
D. Mas kinakakitaan ng malaking oportunidad ng mga Asyano ang ibang lugar bunga ng iba’t ibang
hanapbuhay na mapapasukan na angkop sa kanilang natapos
21. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabisang paraan upang ihanda ang mga Pilipino sa hamong dala ng
globalisasyon?
A. Pagpapaunlad sa kalidad ng edukasyon at skills training ng mga mag-aaral.
B. Pagsugpo ng korapsyon at pag-aalis sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.
C. Pagsugpo sa problema sa droga at kriminalidad sa bansa.
D. Pagbibigay ng scholarship sa mga mag-aaral na nagmula sa mahihirap na pamilya.
22. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng political dynasty?
A. Panunungkulan ng isang pamilya sa isang pribadong kumpanya na kanilang pag-aari.
B. Si Gng. Rosales ay presidente ng isang pribadong unibersidad samantalang kapitan naman ng barangay
ang kanyang asawa.
C. Isang kongresista si Anita at Supreme Court Justice naman ang kanyang asawa.
D. Isang senador si Roberto at tumatakbong SK chairman ang kanyang anak.
23. Alin sa mga sumusunod ang may tamang pahayag tungkol sa pinagmumulan ng political dynasty?
A. Lahat ng mga political dynasty nagsisimula mula sa isang kasapi ng pamilya na naging politiko.
B. May mga political dynasty na nag-umpisa sa karangyaan o popularidad ng isa sa mga kasapi ng
pamilya.
C. Ang political dynasty ay natural na nangyayari at dumadami na tulad ng puno ng saging.
D. Lahat ng political dynasty ay binubuo ng isang pamilya na humahawak ng magkakaibang posisyon sa
pamahalaan.
24. Alin sa mga sumusunod ang naglalaman ng tamang kaisipan kung bakit patuloy ang paglaganap ng political
dynasty sa Pilipinas?
A. May mga Pilipino na pinipiling iboto ang mga kamag-anak ng pinagkakatiwalaang politico o politikong
may magandang panunungkulan.
B. Naniniwala ang maraming Pilipino na kung maganda ang panunungkulan ng isang politico, tiyak na
gayon din ang gagawin ng iba pa niyang mga kamag-anak.
C. Maraming mabubuting epekto ang political dynasty sa iba’t-ibang panig ng bansa kaya tinatangkilik ito
ng maraming Pilipino.
D. Maraming mga Pilipino ang hindi nakapag-aral kaya hindi nila alam ang masasamang epekto ng
political dynasty.

25. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng korapsyon maliban sa isa.


A. Iniuwi ni Susan ang isang ream ng coupon bond na pag-aari ng gobyerno.
B. P30, 000.00 lang ang nagastos ni Anton sa isang pampublikong proyekto ngunit P50,000 ang inilahad
niya sa kanyang financial report.
C. Ipinamahagi ni Lorna ang kalahati sa lahat ng scholarship grants ng gobyerno sa sarili niyang mga
kamag-anak at kaibigan.
D. Sinuhulan ni Chito ang isang pulis upang gawin ang isang pabor.

II. ISULAT ANG TAMA O MALI SA NAKALAANG PATLANG. (20pts)


_______1. Ang Republic Act No. 6727 (kilala din sa tawag na “Wage Rationalization Act)” ay nagsasaad ng
mga mandato para sa pagsasaayos ng pinakamataas na pasahod o minimum wage na naaangkop sa
iba’t ibang pang-industriyang sector.
_______2. Ang pinakamababang pasahod ng kasambahay ay hindi bababa sa dalawang Libo at Limang
Daang Piso (P2,500.00) sa isang buwan para sa mga kasambahay na nagtatrabaho sa National
Capital Region (NCR).
_______3. Ang pinakamababang pasahod ng kasambahay ay hindi bababa sa Dalawang Libong Piso
(P2,000.00) sa isang buwan para sa mga nagtatrabaho sa chartered cities at munisipalidad
_______4. Ilan sa mga benepisyo ng mga kasambahay ay karapatan sa libreng tutuluyan.
_______5. Ang apprentices at learners ay nasasakop nang apprenticeship at learnership agreements na
aprubado ng Department of Education.
_______6. Ang Night Differential Pay ay tumutukoy sa bayad sa isang manggagawa na katumbas ng isang (1)
araw na sahod kahit hindi pumasok sa araw ng pista opisyal.
_______7. Ang Holiday pay ay eksklusibong tinatanggap ng kawani ng gobyerno kahit nasa ilalim ng
Pambansang Pamahalaan o alin mang political subdibisyon.
_______8. Lahat ng manggagawa na sakop ng Holiday Pay Rule ay dapat bayaran ng kanyang regular na
arawang sahod (daily basic wage at COLA).
_______9. Ang mangagawang pumasok sa araw ng regular holiday o pista opisyal ay kailangang bayaran ng
doble o 200% katumbas ng kanyang arawang sahod.
_______10. Kung ang regular holiday o pista opisyal ay pumatak sa araw ng pahinga ng isang manggagawa,
siya ay may karagdagang 10% ng kanyang holiday pay rate na 200% o kabuuang 210%.
_______11. Kung ang regular holiday o pista opisyal ay pumatak sa araw ng Linggo, automatikong ang
susunod na Lunes ay holiday.
_______12. Kung ang Araw ng Kagitingan ay pumatak sa parehong araw ng Huwebes Santo o kaya ay
Biyernes Santo, ang manggagawa ay dapat bayaran ng 200% ng kanyang arawang sahod kahit
hindi nagtrabaho.
_______13. Ang pamanahon na mga manggagawa o seasonal workers ay kailangan ding bayaran ng holiday
pay sa panahon ng off-season kung hindi sila nagtatrabaho.
_______14. Kung ang isang manggagawa ay nagtrabaho o pinahintulutang magtrabaho sa special day, dapat
siyang bigyan ng dagdag na hindi bababa sa tatlumpung porsyento (30%) ayon sa kanyang regular
na sahod o kabuuang 130%.
_______15. Ang Overtime Pay ay karagdagang bayad sa pagtatrabaho na lampas sa sampong (10) oras sa
isang araw.
_______16. Ang mga kawani ng gobyerno ay hindi kasali sa mga tumatanggap ng service incentive leave.
_______17. Ang Service Incentive Leave ay maaaring gamitin kung magkakasakit o magbabakasyon. Ang
dinagamit na SIL ay maaaring bayaran ng pera sa katapusan ng taon. Sa pagkakalkula nito, ang
batayan ay ang sahod kung kailan ito ay ipinalit sa pera.
_______18. Ang bawat nagdadalang-taong manggagawa na nagtatrabaho sa pribadong sektor, mapa-kasal man
o hindi, ay makatatanggap ng maternity leave na animnapung araw para sa normal na
panganganak o pagkakunan.
_______19. Ang benepisyong paternity leave ay maaaring magamit ng empleyadong lalaki sa unang apat (4) na
panganganak ng legal na asawa na kanyang kapisan.
_______20. Kinakailangan na ang isang rank-in-file employee ay nakapaglingkod ng hindi bababa sa isang
buwan sa isang taon upang siya ay makatanggap ng proportionate thirteenth-month pay.

III. TUKUYIN ANG INILALARAWAN SA MGA PAHAYAG. PILIIN ANG SAGOT SA KAHON AT
ISULAT ANG TITIK LAMANG.

a. Irregular Migrants g. Bologna Accord m. Imigrasyon


b. Temporary migrant h. Korea n. Emigrasyon
c. Permanent Migrant i. Pilipinas o. Netizen
d. Remittance j. Globalisasyon p. Outsourcing
e. Taripa k. Kalakalan q. Subsidiya
f. Washington Accord l. Migrasyon

___1. Mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado, walang permit para magtrabaho at
sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan.
___2. Si Nhel James Alfruto ay naging exchange student ng Saint Louis University sa Harvard University. Siya
ay halimbawa ng isang _____________.
___3. Si Jay-R ay nakapag-asawa ng isang Amerikana at nagpasyang manirahan na sa US habambuhay.
Nakakuha siya ng sertipiko ng dual citizenship, siya ay halimbawa ng isang _________.
___4. Perang padala galing sa ibang bansa.
___5. Buwis na ipinapataw sa mga produktong dayuhan.
___6. tulong ng pamahalaan sa mga na miyembro ng lipunan sa anyong pinansyal at serbisyo.
___7. Layunin ng kasunduan ito na iakma ang kurikulum ng bawat isa upang ang nakapagtapos ng kurso sa
isang bansa ay madaling matatanggap sa mga bansang nakalagda rito kung siya man ay nagnanais na
lumipat dito.
___8. Kasunduang pang-internasyunal sa pagitan ng mga international accrediting agencies na naglalayong
iayon ang kurikulum ng engineering degree programs sa iba’t ibang kasaping bansa.
___9. Halimbawa ng bansang nakapirma sa Wahington Accord.
___10. Proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang
direksyon
___11. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa
maging ito man ay pansamantala o permanente.
___12. Paglisan ng isang tao sa isang lugar upang manirahan sa ibayong lugar.
___13. Pagdating ng isang taong nagmula sa malayong lugar upang manirahan sa isang bagong lugar.
___14. Terminong ginagamit sa mga taong aktibong nakikilahok sa usaping panlipunan maging ito man ay
politikal, ekonomikal o sosyo-kultural gamit ang internet bilang midyum ng pagpapahayag.
___15. Paglipat ng gawain ng isang kompanya tungo sa ibang kompanya na ang pangunahing dahilan ay
mapagaan ang gawain upang mapagtuunan ng pansin ang higit na magpapalaki ng kanilang kita.

------------------------------------------------END OF EXAM------------------------------------------------

"Bayan Muna Bago ang Sarili."- Heneral Luna

"Sa ikauunlad ng bayan, Disiplina ang kailangan"- Unknown


AP 10 2ND QUARTER ANSWER KEY

I.

1. A
2. D
3. B
4. C
5. D
6. A
7. A/B
8. C
9. B
10. B
11. BONUS
12. B
13. A
14. A
15. C
16. B
17. D
18. A
19. C
20. D
21. A
22. C
23. B
24. A
25. D

II.

1. MALI
2. TAMA
3. TAMA
4. TAMA
5. MALI
6. MALI
7. MALI
8. TAMA
9. TAMA
10. MALI
11. MALI
12. TAMA
13. MALI
14. TAMA
15. MALI
16. TAMA
17. TAMA
18. TAMA
19. TAMA
20. TAMA

III.

1. A
2. B
3. C
4. D
5. E
6. Q
7. G
8. F
9. H
10. J
11. L
12. N
13. M
14. O
15. P

You might also like